Chapter 31

Chapter 31

“This is not right, Ashton.”

Nandito kami ngayon sa reserved room sa big 4. Bumalik kami roon at dumiretso sa nireserba niya na kuwarto na good for two people.

“This is not right,” ulit ko at napailing. “Hindi ko alam kung tama ba na bigyan kita ng pagkakataon. After everything…”

Nakatayo ako ngayon sa may bintana habang ang tingin ko ay nasa labas. Si Ashton ay nasa couch malapit lang din sa kinatatayuan ko, nakaupo at nakatulala.

“Sabrina is nothing but a friend, Katarina,” aniya at sa gilid ng mata ko ay nakatingin na siya sa akin. “Hindi ko na siya bibigyan ng pansin.”

Napasinghap ako at hindi makapaniwala siyang tiningnan. “Dahil ba sa akin? Kaya mo siya iiwasan?”

Umiling siya. “Hindi lang dahil sa iyo. Tingin ko ay iyon ang tama. She’s my friend, Katarina, and I am willing to end my connection with her para lang tanggapin mo ulit ako sa buhay ko.”

Natawa ako. “Parang sinasabi mo na rin sa akin na dahil sa akin, Ashton.”

Tumayo siya kaya bigla akong naalerto.

“I love you, Katarina,” aniya na nagpapabilis muli ng tibok ng puso ko. “Noon, masyado tayong bata at immature ako. I realized my mistake. Napagtanto ko kung ano ang dapat iwasan. Ngayon, gusto kong itama ang lahat ng pagkakamali ko. I want to love you better.”

Kumirot ang puso ko. “Ayoko nang masaktan ulit, Ashton,” pagsasabi ko ng totoo. “Hanggang may Sabrina sa buhay mo, hindi ako matatahimik.”

Hinawakan ni Ashton ang kamay ko kaya naibaba ko ang tingin ko roon. Piniga niya ang kamay ko.

“Sabrina is my childhood friend, Katarina. She’s not special dahil kaibigan lang ang trato ko sa kanya simula noon. Ikaw. Ikaw ang babaeng espesyal sa puso ko.”

Hindi ako nagsalita at nanatili lang na nakatingin sa kamay namin.

“Iiwasan ko siya, Katarina. Hindi ito sapilitan dahil matagal ko na itong gustong gawin. Nahihirapan lang ako na ilayo siya sa buhay ko because she always sticks to me. Palagi niya akong pinagbabantaan na papatayin niya ang sarili niya. She’s suicidal.”

Kumirot ang puso ko. Sabrina is suicidal. Wala akong masabi doon. At kung iiwasan na niya si Sabrina, hindi ko alam kung ano ang mangyayari. Sasaya ba kami?

Iniwas ko ang tingin ko sa kanya at kinuha ang kamay ko mula sa pagkahawak niya.

“A-Ashton…” Pumikit ako. “Can we just…stick to the plan?”

“What plan?”

Nilingon ko siya. “Na hanggang kasal lang tayo at wala nang iba. Just for a show…”

Kita ko na nasaktan siya sa sinabi ko.

“Ayokong pumasok muli sa buhay mo kung katulad pa rin dati, Ashton. Kung may Sabrinang nakikihati sa oras ko. Kung walang nagbabago, ayoko Ashton.”

Natatakot ako na sumugal muli lalo na kung may ganiyang babae pa rin sa buhay ni Ashton. Natatakot ako na baka mabalewala muli ako. Gusto ko na ako lang. Ayoko ng sagabal.

Nagulat ako at napaatras nang biglang lumuhod si Ashton sa harap ko.

“Ashton!” Halos lumuwa ang mata ko sa gulat. “Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?”

“I am begging for my chance, Katarina,” aniya at nakita ko ang pamumula ng mata niya. “I am fucking begging right now.”

“Ashton.” Hinawakan ko ang balikat niya. “Tumayo ka, please! Hindi ka na nakakatuwa.”

“I love you, Katarina,” aniya sabay hawak muli sa kamay ko. “I love you. Walang nagbabago sa damdamin ko dahil ikaw pa rin hanggang ngayon.”

“Ashton, kung ginagawa mo lang ito—”

“Ginagawa ko ito dahil mahal na mahal kita at hindi ko na kaya itong distansya na ito. Gusto ko na akin ka. Akin ka talaga at may karapatan ako. Iyon ang gusto ko, Katarina.”

Hindi ako nakapagsalita.

“I want assurance na akin ka na talaga. Fuck.” Mahina siyang natawa. Nababaliw na yata siya. “Hindi ko akalain na luluhod din pala ako para makuha ko ang gusto ko. Katarina, hanggang ngayon ay binabaliw mo pa rin ako.”

“A-Ashton…”

“If you are worried about Sabrina, ipasok mo sa utak mo na wala akong gusto sa kanya, Katarina. That she means nothing to me compared to you. Ilang ulit ko na iyon nilinaw sa iyo at hindi ako mapapagod.”

“Tumayo ka na, Ashton—”

“Mahal mo ba ako?”

Parang nayanig ang mundo ko sa biglang pagtanong niya ng gano’n. Bumilis ang tibok ng puso ko at napaatras pa lalo.

“Gabi-gabi mo ba ulit ako iniisip?” tanong niya ulit. “Kapag ba malapit ako sa iyo, bumibilis ang tibok ng puso mo?”

Hindi ko na alam kung ano ang isasagot ko sa tanong niya. Hindi rin ako makawala dahil sa pagkahawak niya sa akin.

“Kasi iyon ang nararamdaman ko, Katarina. Sa tuwing nahahawakan kita, parang ayaw na kitang bitiwan dahil natatakot ako na malayo ka sa akin.”

“Ash—”

“That’s why I am kneeling right now. Gusto ko na bigyan mo ako ng pagkakataon para maiparamdam ko talaga sa iyo ang nararamdaman ko without thinking about the distance and the agreement.”

Kinagat ko ang ibabang labi ko at tiningnan lang siya. Wala kasi talaga akong masabi.

“Give me a chance, Katarina at hindi ko iyon sasayangin,” determinado niyang sabi at hinalikan ang likod ng palad ko.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top