Chapter 3

Chapter 3


"Sabi na, eh, palpak!" inis na asik ni mais girl sabay dabog.

Nausukan niya pa ang mukha ko ng usok ng sigarilyo niya. Bastos talaga! Tinakpan ko agad ang ilong ko.

Hindi ko naman sila masisisi. Talagang napalpak ako kasi nagulat ako. Hindi ko naman alam na ang bahay pala na iyon ay bahay ng ex-boyfriend ko na si Ashton. At nagulat ako kasi naroon ang mukha ko! Sino ba naman ang hindi magulat?

"Alis na nga tayo! Baka tatawag na iyon ng police! Bad trip!" ani red girl.

Agad kong inayos ang aking sarili at akmang aalis na sana nang bigla akong nilapitan ni Mais girl at kinuwelyuhan ako.

"Ikaw!" aniya. "Umayos ka, ah? Huwag kang magpapahuli! Buwisit na gabing ito!" Binitiwan niya agad ang kuwelyo ko at binangga pa ang balikat ko nang umalis.

Napapikit ako dahil tumalsik ang laway niya sa akin. Hindi ko maiwasan ang mandiri. Nang minulat ko ang mata ko, narinig ko ang pagharurot ng mga motor.

Bumuntonghininga ako at binalingan si Boboy na ngayon ay malungkot na. Hindi dapat ako ma-guilty. Pinahamak niya ako!

Lumapit siya sa akin at mahinang tinapik ang balikat ko.

"Huwag kang magpapahuli," mahina niyang sambit sa akin bago siya umalis na bagsak ang balikat.

Huminga ako nang malalim at saka tumalikod na rin paalis sa lugar.

***

Nasa kwarta na ako ngayon, nakasandal sa headrest ng kama. Kagat-kagat ko ang kuko ko habang may iniisip. Alas dos na ng madaling-araw at hindi pa rin maalis sa isip ko ang nangyari kanina.

After two years, nagkita ulit kami ni Ashton. Hindi ko akalain na makikita ko siya ulit at sobrang laki ng ipinagbago niya. Mula sa physical na anyo hanggang sa pag-uugali. Matagal na siyang walang puwang sa puso ko since we broke up two years ago too. At ngayong nagkita kami ulit, hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. Siguro kahihiyan? Kasi siya, successful at ako, wala pa ring direksyon sa buhay.

Good for him.

Bumuntonghininga ako at akmang hihiga na sana sa kama nang biglang bumukas ang pinto ng kuwarto ko na agad kong ikinaupo ng maayos. Napakurap-kurap ako nang nakita ko si Ate na dumungaw sa may pinto. She was smiling. Mukhang may magandang nangyari sa lakad niya ngayon.

"Puwede ba akong pumasok?" tanong niya habang ang isang kamay ay nakakapit na sa pintuan.

Kinagat ko ang ibabang labi ko at saka tumango. Inayos ko ang pag-upo ko at nilagay ang unan sa hita ko.

"Kat," tawag niya nang nakalapit. Umupo siya sa kama at ngumiti sa akin. "May buyer na ng lupa."

Tamad akong tumango at saka nag-iwas ng tingin.

Ate, ibenta mo na ang lupa na iyan! Ikaw na ang bahala! Hindi na ako mangingialam diyan! Nang dahil sa pangingialam ko sa desisyon mo, nakita ko ulit ang lalaking ayaw ko na makita!

"Okay lang ba sa iyo?" mahina niyang pagkatanong.

Hilaw akong ngumiti at saka siya binalingan. "Oo naman, Ate. Naisip ko na tama ka rin naman pala. Wala na si Papa at sa iyo naman nakapangalan ang lupa. At tama ka sa parte na madali nating mababayaran si Aling Marites kapag ibenta ang lupa."

At hindi na rin ako gagawa ng katangahan sa buhay.

Malungkot siyang ngumiti sa akin. Nang gumawi ang tingin ko sa mata niya, malungkot din ito. Sinundan ko siya ng tingin nang tumayo siya para lumapit sa akin. Nagulat ako nang niyakap niya ako. Bigla tuloy akong nakaramdam ng kaginhawaan sa yakap niya. Akmang pipikit na sana ako para damhin ang kanyang yakap nang bigla niya akong kinurot sa tagiliran.

"Aray!" reklamo ko at lumayo sa kanya. Hinimas ko ang tagiliran ko at tiningnan siya ng masama. "Ano ba? Sakit no'n, ah!"

Sumimangot siya. "Ikaw, ah? Sinungaling ka! Alam ko naman na malungkot ka sa desisyon ko. Siyempre, kahit sa akin nakapangalan ang lupa, may parte ka pa rin dito, at alam ko na pati ikaw, napamahal na sa lupa na iyon. Pero kailangan may isakripisyo tayo, Katarina. Kailangan may pakawalan tayo para mabawasan na ang bigat at problema natin."

Tama siya. Dapat may isakripisyo para mabawasan ang bigat. Iyon kasi ang ginawa ko two years ago. I let him go. Pinakawalan ko siya para mawala ang bigat sa dibdib ko. Mapait akong napangiti at tumango kay Ate.

"I know, Ate." I sighed. "Sorry for being a hard-headed bitch."

***

Kinabukasan, maaga akong nagising dahil ginising ako ni Ate Kalla. Ang weird kasi first time ko siyang nakitang sinipag magluto. Tamad kasi si Ate Kalla kung pagluluto ang usapan. Siguro ay good mood siya ngayon at ayoko masira iyon. Minsan kasi, pinapupunta pa ni Ate ang boyfriend niyang si Kuya Jude para ipagluto siya.

"Kat, almusal!" anyaya niya.

Inayos ko ang buhok ko at nagtungo na sa dining area namin. Umawang ang labi ko nang nakita ko sa lamesa ang mga niluto niya. Agad akong naghila ng upuan at saka umupo. Tiningnan ko si Ate.

"Wow, daming niluto, ah!" mangha kong sinabi.

Kumuha ako ng jam at bread. Mainit pa ang bread kaya sure ako na bagong bili niya ito sa isang bakery shop na malapit lang sa village namin.

"Ngayon na pala ang meet up namin ng buyer!" masaya niyang sambit at umupo na rin siya sa upuan sabay kuha ng bread. "Ang bilis, hindi ba?"

Tumango ako at kumuha na rin ng kanin at tocino. Nilagay ko ang mga kinuha ko sa pinggan ko. Si Ate naman ay nagpatuloy sa pagkuwento habang kumakain ng bread na may strawberry jam na nakalagay.

"Alam mo naman na kapag foreigner..." Kumagat siya sa kanyang bread. "Mahilig sa tabing dagat. Hindi umapela sa presyo. Desisyon agad!"

Kinain ko na rin ang bread. "Gusto mo samahan kita?"

Agad siyang umiling. "Huwag na. Kaya ko na ito!" Sumimsim siya sa kanyang kape. "At saka napakiusapan ko na si Aling Marites."

Natigilan ako at tiningnan siya. "Talaga?"

"Oo..." Ngumiti siya lalo. "Hindi madali ang pagbebenta ng lupa. Maraming process kaya sinabi ko na babayaran ko ang kalahati kapag nabenta na. Nakita na niya ang buyer at binigyan niya ulit tayo ng kalahating buwan."

Wow...

"Talaga? Napapayag mo?"

Tumango siya at saka umiling sa akin. "Kaya ako na ang bahala. At saka nga pala, kailan ba resulta ng exam mo? Malapit na ba?"

Natigil ako sa pagkain nang tinanong niya iyon. Oo nga pala, nag-take nga pala ako ng exam pangalawang beses bago mawala so Papa. I took the exam seriously at sobrang gusto kong makapasa para maging isang ganap na teacher na. Ako lang yata ang future teacher na palamura at astang kalye. Hindi ko tuloy maiwasan isipin kung tamang direksyon ba itong tinahak ko.

"Naku, kahit ano'ng mangyari, huwag mawalan ng pag-asa, ah? Proud naman ako sa iyo," aniya nang napansin ang reaksyon ko. "May third take, fourth take and so on. Hindi dapat mag-give up kung gusto mo talaga maging guro!"

Bumuntonghininga ako at sumang-ayon sa sinabi niya.

***

Pagkatapos naming mag-breakfast, umalis na si Ate para i-meet ang buyer ng lupa at saka igala sa buong lupain. Day off ko ngayon at hindi rin naman ako gumagala. At isa pa, baka hinahanap na pala ako ng mga police dahil sa ginawa kong pagpasok sa bahay ni Ashton.

Ashton Jacques Monteverde, ex-boyfriend ko na ngayon ay bilyonaryo na. We broke up two years ago at last night, nagkita ulit kami. Sa estado niya ngayon, alam ko na nakuha na niya ang gusto niya. Isa na siyang bilyonaryo.

May feelings pa ba ako sa kanya?

Wala na. Siguro dahil nagkita ulit kami kaya ko ito naramdaman ngayon pero sigurado ako na hindi ko na siya mahal. Hindi rin naging madali sa akin ang lahat dahil sobra akong nasaktan sa ginawa niya. At ngayong buo na ulit ang puso ko, ayaw ko na mabasag ulit.

Wrong timing ang break up namin. I let him go because he made me feel unwanted. Nakipaghiwalay ako na hindi pinakinggan ang paliwanag niya. Nagbibingihan ako kasi para sa akin, hindi na kailangan ng explanation ang pagbalewala sa akin.

After our break up, bumagsak din ako sa first board exam ko kasi wala ako sa focus.

"Ang boring ng palabas!" wika ko at napairap. "Wala na bang bago? Puro kabit na lang? Ayaw niyo sa taguan ng anak?"

Inis na inilipat ko sa ibang channel at sumandal sa sofa namin. Wala na akong ibang gagawin dito sa bahay. Ibinenta ko na rin kasi ang mga libro ko dahil sa matinding pangangailangan.

Habang nanonood ako ng cartoon movie, biglang may nag-doorbell. Hindi ko iyon pinansin dahil wala naman akong inaasahan na bisita. Hindi naman siguro iyon si Aling Marites dahil nakausap na iyon ni Ate at sure naman ako na hindi si Cheska dahil nasa trabaho siya.

Naibagsak ko ang balikat sa inis nang may nag-doorbell ulit. Nilingon ko ang bintana.

"Sino iyan?" naiirita kong sigaw.

Nang walang sumagot, inis kong kinuha ang remote at nilakasan ang volume ng speaker para hindi ko na marinig ang kung sinong tang inang isturbo. Pero muntik ko nang naibato sa inis ang remote nang nag-doorbell ulit.

"Tanginang ito!" mura ko sabay tayo. Lumapit ako sa may pinto at binuksan. "Sino iyan? Kapag talaga bata at pinagtripan ang bahay ko, aba, pumapatol ako sa mga batang walang modo!"

Sinuot ko ang tsinelas ko at iritadong lumabas ng bahay. Nang tumunong muli ang doorbell, napasigaw na ako sa inis.

"Sandali! Sandali!" sigaw ko habang papatungo sa gate namin. Sino naman kaya ito at hindi yata makapaghintay?

Nang nakarating, agresibo kong binuksan ang pinto ng gate at hinarap ang kung sinong paepal na tao.

"Sino iya—" Nawalan ako ng salita nang nakita ko kung sino ang nasa harapan ko ngayon.

Napaatras ako sa gulat at napatingin sa kanya at sa mga tao sa likod niya. Napalunok ako.

Ang kanyang malamig na tingin at ang guwapong mukha ni Ashton ang bumungad sa akin. Sa taranta ko, agad kong sinara ang pinto. Ngunit, hindi ko natuloy dahil hinarang niya ang kanyang kamay sa ibabaw ng pinto kaya napaatras ako nang tuluyan niyang nabuksan ang gate.

Umigting ang kanyang panga habang nakatingin sa akin. Pinasadahan niya pa ako mula ulo hanggang paa bago siya pumasok sa loob. Ang kanyang mga tauhan ay nanatili lang sa labas kaya agad-agad kong sinara ang gate at sinundan ang makapal na mukha.

"Hoy!" sigaw ko at sumunod sa kanya.

Tumakbo ako para malagpasan si Ashton at maharangan. Nang akmang papasok na sana siya sa loob ng bahay, agad kong iniharang ang sarili ko para hindi siya makapasok. Sinamaan ko siya ng tingin.

"Ano ang ginagawa mo rito? Trespassing ito!" sigaw ko at sinubukan siyang itulak palayo.

Malamig niya akong tiningnan. "You also trespassed last night."

Mahina niya akong itinulak at saka pumasok sa loob. Napasandal ako sa may pinto at nang tingnan siya, nalaglag ang panga kong nakita siyang umupo sa couch na parang hari. Tiningnan niya ako at ngumisi.

"I want coffee."

Sarkastiko akong tumawa at humalukipkip. Tinaasan ko siya ng kilay at sinamaan siya ng tingin. "At bakit ko naman gagawin iyon?"

He chuckled. "Because you trespassed last night."

Napairap ako. "Ano?"

Ano ba ang meron sa kanya ngayon? Alam ko na nag-trespass ako last night at sobrang konsensya ako sa ginawa ko. Hindi nga ako makatulog sa ginawa ko, eh. At ngayon, nandito siya? For what?

Nakita ko ang pag-igting ng panga niya nang nagbaba siya ng tingin sa damit ko. Nakita ko na mas lalo lamang nagsalubong ang kilay niya nang ibinalik ang tingin sa akin. Nagulat ako nang nakita ko ang galit sa mata niya.

"You trespassed last night," pag-uulit niya. "You think I will let it pass?" Nag-iwas siya ng tingin sa akin bago nagpatuloy sa pagsasalita. "And please, wear something decent. I can clearly see your boobs in here."

Namilog ang mata ko sa sinabi niya at agad niyakap ang sarili. Galit ko siyang tiningnan and at the same time, nahihiya.

"M-Manyak!" sigaw ko at agad-agad umakyat sa hagdanan patungo sa kuwarto ko.

Nakalimutan ko na short at manipis na sando pala ang suot ko. Wala akong bra dahil nasa bahay lang naman ako.

Shit! Nakakahiya!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top