Chapter 29

Chapter 29

Tahimik lang ako sa front seat habang ang isang bodyguard ay nasa labas, hinihintay akong papasukin siya.

Ano kaya ang gagawin ni Ashton kay Sabrina? Aaluin? Yayakapin para hindi magpakamatay?

Kumirot ang puso ko at hindi ko alam kung ano ba talaga ang dapat kong maramdaman. Wala naman kasi akong karapatan na maramdaman ito.

Pinalis ko ang luha sa aking mata at huminga nang malalim. Binuksan ko ang bintana at saka sinilip ang bodyguard.

"Kuya, pasok na po kayo."

Tumango ang bodyguard at saka umikot na patungo sa driver's seat. Inayos ko ang sarili ko at saka tiningnan ang bodyguard na ngayon ay kalalagay lang ng kanyang seatbelt.

"Magtungo tayo sa dapat sana naming puntahan ni Ashton, Kuya."

Tumango ang driver at tahimik na ini-start ang makina at saka bumyahe na.

In-off ko ang phone ko dahil ayaw ko ng disturbo. Hindi rin naman ako mag-a-assume na tatawagan ako ni Ashton. Bakit naman? Para mas lalo lang akong palulungkutin?

I want to be alone tonight. Kailangan na kailangan ko iyon ngayon.

Kung sana may pambayad agad kami sa utang, hindi na sana kailangang ibenta ni Ate ang lupa at hindi rin mapupunta kay Ashton. Kung hindi rin sana ako pumayag kay Boboy, baka hindi ko rin makita ulit si Ashton.

Ang dami kong pagsisisi pero nangyari na at wala na akong magawa. Ngayon, kailangan kong tiisin ang sakit.

"Ma'am."

Natigil ako saglit sa aking iniisip nang nagsalita ang bodyguard na medyo ikinagulat ko rin. Hindi kasi palasalita ang mga bodyguards ni Ashton at ang mas ikinagulat ko pa ay nilaharan niya ako ng tissue habang nasa daan ang tingin.

"Huwag na kayong umiyak, Ma'am. Mahal na mahal ka ni Sir."

Natawa ako sa sinabi niya at tinanggap ang tissue. "Paano mo naman nasabi iyan, Kuya?" Gamit ang tissue ay pinunasan ko ang natirang luha ko. "Kita mo naman kanina. Mas pinili niya ang babaeng iyon. Kusa niya iyon ginawa."

Suminghap ako at saka napailing na lamang.

Ilang minuto ang naging byahe namin hanggang sa nakarating sa destinasyon. Hindi ko akalain na sa big 4 kami magdi-date. Lugar malapit lang sa Lambug beach dito sa Southern Cebu. Ang romantic sana kung nandito siya. Ang ganda sanang memorya.

"Ma'am, maghihintay lang ako dito."

Kunot-noo kong binalingan si Kuya. "Hala! Sumama ka sa akin. Why not sa loob ka na lang umupo while waiting for me?" suggestion ko. "Gusto ko lang magpahangin at pagkatapos uuwi na tayo."

Walang magawa ang bodyguard kundi ang sumunod sa gusto ko.

Sariwa ang hangin nang nakapasok ako. Binati ako ng mga staff at iginiya ako sa table reservation ni Ashton para sa aming dalawa. Sinabi ko sa kanila na hindi ako magtatagal kasi wala namang date na mangyayari. Saglit lang ako sa may table at dumiretso sa may pool kung saan may nakikita akong mga tao na naliligo kahit gabi.

Hindi na lang ako nag-aksaya ng panahon at dumiretso na lang sa may railings kung saan makikita ko ang lambug beach. Humawak ako sa railings at saka pumikit.

Tahimik dito dahil malayo sa mga nagkasiyahan. Ramdam na ramdam ko ang sampal sa akin ng hangin.

Sa gitna ng aking pagpikit, panibagong luha ang tumulo sa aking mga mata. Napasinghap ako at napamulat dahil doon.

"Sa pagkikita talaga natin, umiiyak ka palagi."

Napamulat ako at gulat na binalingan ang nagmamay-ari ng boses na iyon.

"A-Art!" Gulat na gulat ako nang makita si Art at agad kong inayos ang aking sarili sa hiya. "I-Ikaw pala."

Naglahad siya ng panyo sa akin. "Sayang naman ang kagandahan mo kung iiyak ka lang palagi," aniya at ngumiti sa akin. "Kaya tanggapin mo na itong panyo na ito. I don't want to see you cry again. The last time I saw you crying was two years ago."

Umawang lalo ang labi ko at agad tinanggap ang panyo. Naalala ko iyon. Nakita niya akong umiiyak habang tumatakbo palayo dati. Sinundan niya pa ako no'n. He saw me crying like an idiot. 

"B-Bakit mo pa p-pinaalala?" Tumawa ako kahit tumulo na ang luha ko. 

Bumuntonghininga siya at saka humarap sa dagat. "It's refreshing, right?" tanong niya at saka tumingala. "The stars are shining just like the girl beside me right now." Tumingin siya sa akin. "Kaya huwag ka nang umiyak diyan. Sayang ang outift." 

Napailing na lamang ako at natawa. Ito talagang si Art. 

Nang humupa na ang mga luha ko ko ay napayakap na lamang ako sa sarili ko dahil sa ginaw. Nagsisisi tuloy ako na medyo revealing ang suot ko. Wala pa naman akong jacket.

"Art..." Napaatras ako nang hinubad niya ang kanyang suot na jacket at inilagay sa balikat ko.

Nginitian niya ako. "Ang ginaw at sobrang nipis ng suot mo."

Hindi na lamang ako nagsalita at saka hinayaan na lamang siya. 

"Wanna come with me?" tanong niya at tinuro ang bakanteng lamesa  malapit lang din sa railings. "Actually, nagpa-reserve din ako ng table for me and my friends kaso hindi yata ako sisiputin. Baka naman gusto mong maupo para makapag-usap pa tayo without the awkwardness."

Tumango ako at napagdesisyonan na e-entertain si Art. Hindi ko rin akalain na makikita ko siya ulit at bad timing pa. Nakita niya muli akong miserable habang siya ay guwapong-guwapo. 

Hindi ko kaibigan si Art pero nakikita ko siya palagi sa school dati noong college. Actually, cursh ko siya noong hindi pa naging kami ni Ashton. Hanga kasi ako sa katalinuhan niya kaya gano'n. Kung wala lang Ashton na dumating sa buhay ko, baka kinikilig na ako sa set up namin ngayon. 

"So..." Nang nakaupo kami ay inilapag niya ang kanyang kamay sa lamesa at saka tiningnan ako. "Why are you here? Bihis na bihis ka at tingin ko ay may ka-date ka. Pero bakit ka umiiyak?"

Bumuntonghininga ako at inilagay din sa lamesa ang kamay ko. "Short cut na lang natin. Sabihin na lang natin na hindi ako ang pinili," mapait kong sabi. 

Bumaba ang mata ni Art sa daliri ko at nakita ko na nagulat siya. 

"Bakit?" 

"Are you married?"

Matagal bago ako nakasagot. "Oo..." Hinaplos ko ang singsing na nasa daliri. "I am married and soon, we will annul."

"Kanino?" 

"To Ashton," sagot ko agad.

Tumango-tango si Art pero kita ko talaga ang concern sa kaniyang mata.

"Are you happy with him?" 

"Of course, I am, Art!" sarkastikong kong sambit at saka plastik siyang nginitian.  "I am married to him. Sino ba ang hindi sasaya?"

"You are lying. You are hurting, Katarina. Kita ko sa mga mata mo, Katarina. Hindi ka masaya sa kanya," conclude niya. 

Natulala ako dahil sa biglang pag-iba ng tono ng boses niya. Parang alam ko na ang kasunod pero sana naman ay hindi. 

"Kat, you can just set him free." Umawang ang labi ko sa gulat nang hinawakan niya ang kamay ko ."Gusto kita noon pa man."

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.

"G-gusto mo ako?"

Tumango siya.  "Yes, gusto na kita noon pa man. Noong nasa college pa tayo."

Napasinghap ako. "T-Thank you, hindi ko alam na gusto mo pala ako," ani ko at napakagat sa ibabang labi.

"Paano mo malalaman? Binabakuran ka na ni Monteverde," aniya at tumawa nang mahina.

"Art..."

"But you can give me a chance, Katarina." Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Wala akong nakitang biro sa kaniyang mukha kaya mukhang seryoso. "I can make you happy. Hindi kita paiiyakin at mas lalong hindi kita sasaktan. I can be your shoulder."

"Art..." Kumurap ako. "Bakit mo sinasabi iyan sa akin?"

"Because I like you and you deserve the best."

"Art--"

Napasinghap ako at napatayo nang may biglang humablot sa braso ko at puwersahang inilagay sa likuran ng isang presensya. Nang makita ko kung sino ang may gawa, hindi agad ako naka-react. 

Sobrang higpit ng pagkahawak ni Ashton sa braso ko kaya alam ko na kung ano. I tried to get away from him pero masyado siyang malakas sa akin. Naramdaman ko ang tensyon sa kaniyang dalawa kaya mas lalo ko lamang gustong makawala para pigilan sila.

"And now you are trying to steal my wife?" mariing tanong ni Ashton kay Art.

Napasinghap ako sa tanong na 'yon. Nakita ko na ngumisi si Art sa tanong ni Ashton. 

"Why? Are you threatened?" Tumawa si Art at saka tiningnan ako. "I saw your wife crying.  Ano ba ang dapat gawin ng isang matinong lalaki? Hahayaan siya?"

Ngumisi lalo si Art nang hindi nagsalita si Ashton ngunit ramdam ko ang higpit ng hawak niya sa akin. 

Humakbang si Art patungo sa amin at saka tinapik ang balikat ni Ashton. "Take good care of her or I'll make you suffer, Ashton Jacques." Binalingan ako ng tingin ni Art at saka nginitian ako. "Huwag ka nang umiyak."

At saka kalmado na umalis palayo sa amin. Kami na lang ni Ashton ang natira kaya naman ay bigla kong binawi ang kamay ko at tumalikod na.

Ano pa ba ang ginagawa niya rito? 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top