Chapter 28
Chapter 28
Nakatingin ako ngayon sa iba’t ibang dress dito sa walk-in-closet ko. Hindi kasi ako makapili dahil lahat na naka-hanger ay maganda.
Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na niyaya ako ni Ashton. Kagabi ko pa iniisip at talagang nakakabaliw talaga isipin.
Hindi ako naniniwala na niyaya niya ako dahil may gusto pa siya sa akin. Hindi rin ako naniniwala na hindi para sa imahe niya. Para saan ang kasalang ito kung hindi, ’di ba?
At hindi rin siguro niya ako niyaya para sa sarili niya. Bakit? Mag-a-assume ba ako na may feelings siya sa akin? Of course not! Come on! Dalawang taon na ang nakalipas! Marami na ang nagbago! Hindi ko rin alam kung ano ang iniisip ni Ashton sa oras na ito.
Kung may feelings pa siya sa akin at may paki siya sa feelings ko, wala sanang Sabrina na nakapaligid sa buhay niya!
Napasabunot na lamang ako sa aking sarili at saka hinawi ang mga damit. Hindi kasi talaga ako makapili at gusto ko na presentable talaga ang mukha ko sa harap niya.
Hindi ako makapili kasi dalawang taon akong hindi naka-try ulit makipag-date. Bukod sa wala akong maipalit kay Ashton ay sobrang busy ko rin sa buhay.
Ang daming nangyari simula nang maghiwalay kaming dalawa. Sobrang nalungkot ako no’ng hindi ako nakapasa sa unang board exam ko. Most of my classmates before expected me to top on board or kahit makapasa lang pero hindi. I failed the exam dahil sobrang distracted ako sa hiwalayan namin ni Ashton.
Napailing na lamang ako sa inisip at saka nagdesisyon na magsuot na lamang ng maroon slit skirt at pinaresan ng dirty white off-shoulder and black stiletto heels. Inayos ko ang buhok ko at naglagay din ako ng hikaw para mas lalo akong kuminang.
Nang humarap ako sa full size mirror, namangha ako sa sariling mukha ko. Ang sexy ko. Siguro dahil sa mahaba ko na legs at mas tumangkad pa ako dahil sa heels. Nagmumukha akong si Ariana Grande (Yabag version) dahil sa high ponytail ko na hairstyle.
“Shit!” napamura ako nang may napagtanto. “Nagpapaganda ba ako para sa kanya?” Hinawakan ko ang mukha ko at napailing. “Hindi! Nagpaganda ako para sa sarili ko! Hindi dahil sa asungot na iyon!”
Huminga ako nang malalim.
Calm down, self. Nagpaganda ka dahil sa sarili. Iyon ang paulit-ulit na sinabi ko sa aking sarili at saka huminga muli nang malalim.
Lumabas ako ng kuwarto at dumiretso sa vanity. Binuksan ko ang maliit na pouch na naglalaman ng lipstick at iba’t iba pang gamit pampaganda.
Ngumuso ako at nilagyan ng red lipstick ang labi ko.
“Kailangan mas maganda ka kay Sabrina. Dapat hanggang talampakan mo lang siya, Katarina,” sambit ko sa sarili ko at nang matapos kong lagyan ang labi ko ay ibinalik ko na sa pouch ang lipstick at saka tumayo.
“Ma’am!” narinig kong tawag ni Manang Lolita galing sa labas. “Tapos ka na raw po? Naghihintay na si Sir.”
Bumuntonghininga ako at napalingon sa may pinto. “Opo, paparating na.”
***
Kinakabahan ako habang naglalakad ako pababa sa hagdanan. Ano kaya ang magiging reaksyon ni Ashton kapag nakita niya ako? Magagandahan kaya siya sa akin?
Shit! Bakit ba ako nag-o-overthink? Ano naman ngayon kung hindi siya magagandahan?
Bumilis ang tibok ng puso ko nang nakita ko siya papalapit sa akin. Gusto ko lang naman ay ang tuluyan nang maka-move on sa kanya pero kung makatingin siya sa akin at makangiti ay parang pinagbabawalan niya ako na gawin ang bagay na iyon.
Nang tuluyan na akong nakababa ay agad kong binalingan si Manang na manghang-mangha na rin sa akin. Kinagat ko na lamang ang labi ko at napatikhim, tiniis ang nakakalunod na titig ni Ashton sa akin ngayon.
“Ang ganda mo, hija,” puri ni Manang sabay ngiti sa akin.
Nang tuluyan nang nakalapit si Ashton sa akin ay binalingan ko siya. Nakita ko ang paglunok niya. Napalunok din ako at napatingin sa kanyang suot. Suot niya ay isang black tuxedo. Ang buhok niya ay ayos na ayos at sa pananamit niya ngayon, handang-handa talaga siya sa date na ito.
“Hey.”
Nanindig ang bahalibo ko nang marinig ang boses niya. Ang kanyang mga mata ay namumungay.
Tiningnan ko siya. “A-Ano?”
Inilahad niya ang kanyang kamay sa akin kaya naibaba ko ang tingin ko roon bago muling tumingin sa kanya. Para akong mauubusan ng hininga dahil sa tensyon na nararamdaman ko. Hindi na ito normal.
“Take my hand,” aniya.
Kita ko ang determinasyon sa mukha niya at sa puntong ito, nagdadalawang-isip na akong kunin ang kamay niya dahil sa oras na tanggapin ko iyon, alam ko na ang susunod na mangyayari sa akin.
“Katarina…”
Napasinghap ako at kahit nanginginig ang kamay ko, unti-unti kong inilagay ang kamay ko sa palad niya at namilog ang mata ko nang pinagsalikop niya ang kamay namin.
“Ashton—”
“Let’s go, my wife.” Nilingon niya si Manang na ngayon ay sobrang kilig na. “Manang, ikaw na ang bahalang magsabi kay Mom. Tell her na may date ako.”
Umiwas ako ng tingin nang bumaling muli si Ashton sa akin at napalunok. Rinig na rinig ko na ang sariling puso ko.
“You are so beautiful,” biglang bulong niya sa tainga ko na siyang ikinapula ng pisngi ko.
Gusto kong magsalita ngunit walang lumalabas sa bibig ko. Hindi ko namalayan na may gumuhit na ngiti na pala sa aking labi at nakita iyon ni Ashton kaya mas lalo lang akong namula.
Gosh! Ano ba ito?
“U-Umalis na nga tayo.”
At ako pa mismo ang nanguna sa paglabas kaya halos nahila ko na siya. Gusto ko na kasi na mangyari ang gusto niyang mangyari dahil kapag palagi kaming ganito, baka mas lalo akong mabaliw.
Habang hinihila ko si Ashton palabas ng bahay, bigla akong nahinto nang huminto sa paglalakad si Ashton. Nilingon ko siya.
“Bakit?” taka kong tanong.
Bumaba ang tingin niya sa labi ko. Kita ko na nagtagal ang tingin niya roon kaya naitikom ko ang bibig ko.
“Naglagay ka ng lipstick?” Niliitan niya ako ng mata.
Matagal bago ako nakasagot. “O-Oo. Kailangan kasi.” Kinagat ko ang ibabang labi ko. “Ayaw ko na mapahiya ka nang dahil sa akin.”
Humigpit ang hawak niya sa kamay ko ngunit hindi na nagsalita. Nagpatuloy na kami sa paglalakad hanggang sa nakarating kami sa magarang kotse naka-park sa harap ng bahay.
Lumabas mula sa kotse ang personal driver ni Ashton at ibinigay kay Ashton ang susi.
“Thank you,” simpleng ani Ashton sa driver na tanging tango lang ang sagot at umalis na.
“Katarina…”
Natigilan ako nang naramdaman ko ang kanyang kamay sa bewang ko. Binalingan ko siya at nahuli ko siyang nakatingin sa akin.
“Bakit?” Napatingin ako sa kamay niya na nasa bewang ko. “Nasa bahay pa naman tayo, Ashton. Wala naman ang Mommy mo. Tingin ko, limitahan mo ang pagiging touchy mo sa akin. Saka na tayo magpapanggap kapag may mga tao na at sina Tita Amore—”
“Iyan ba ang iniisip mo?” tanong ni Ashton at saka inalis ang kamay sa bewang ko. Naramdaman ko ang pag-iba ng mood niya. “Na pagpapanggap lang ang date na ito?”
Matapang ko siyang tiningnan. “Oo, Ashton.”
Kumunot ang noo niya. “What?”
“Bakit ba tayo nagpakasal, Ashton?” tanong ko sa kanya. “Hindi ba dahil kailangan mo ng asawa para sa sarili mo? Kaya sana huwag mo akong pabaliwin. Ayokong isipin na ginawa mo ito dahil—”
“Niyaya kita dahil gusto kitang makasama.”
Napasinghap ako at nagulat sa narinig.
“Gusto kitang maka-date bago ako magiging busy ulit. You understand?”
Hindi na niya ako hinayaan na makasagot dahil binuksan na niya ang front seat at pinasakay ako. Kinagat ko ang ibabang labi ko at saka pumasok na sa loob.
Hindi na normal ang pagtibok ng puso ko dahil habang nasa byahe na kami, sobrang bilis pa rin ng pintig. Para akong hinahabol ng aso.
Tiningnan ko ang side mirror at umawang ang labi ko nang makita ko ang itim na kotse na tingin ko ay sa bodyguards ni Ashton. Nakasunod ang kotse sa kotse ni Ashton.
“Pati ba naman sa date natin ay may bantay?” Binalingan ko si Ashton na kasalukuyang nasa daan ang tingin. “Paano kung mag-sex pala tayo ngayon? Manonood sila?”
At dahil sa walang preno ko na bibig, nabigla si Ashton at nag-brake bigla kaya muntik nang mauntog ang ulo ko sa dashboard.
“What the fuck, Katarina?” hindi makapaniwalang sambit ni Ashton at napamura pa. Gulat na gulat niya akong tiningnan. “Sex?”
Inirapan ko siya. “Tahimik ka kasi! At bakit ba kailangan mo ng bodyguards? Hindi mo na kailangan iyon!”
Napailing siya sa akin at saka umayos ng upo. “Kailangan ko sila dahil maraming kalaban ang pamilya ko.”
“Sama kasi ng ugali mo.” Naibulong ko na lang.
“What?”
Nag-iwas ako ng tingin. “Wala.”
Akmang magsasalita na sana siya ngunit biglang nag-ring ang phone niya. Nang tingnan ko siya muli, nadatnan ko siyang titig na titig sa phone niyang patuloy pa rin sa pag-iingay. Kumunot ang noo ko.
Kita ko kasi ang pag-aalinlangan sa kanyang mukha at nang nakita niya akong nakatingin na rin sa kanya ay mas lalo ko lang nakitaan ng pagdadalawang-isip.
Sino naman kaya iyan?
“Sagutin mo, Ashton,” ani ko na ikinasinghap niya. Sinandal ko ang sarili ko sa upuan. “Ang ingay. Baka importante iyan.”
Umiling siya at in-off ang tawag. “This is nothing. Magpatuloy na tayo—”
Nag-ring muli ang phone kaya naitaas ko ang kilay ko.
Nothing, huh? Sino naman kaya iyan?
Bumuntonghininga siya at sinagot ang tawag. Umiwas siya ng tingin sa akin at saka nagsalita.
“Sabrina…”
Biglang sumama ang pakiramdam ko nang marinig ko ang pangalan na iyon. Siya pala ang tumawag? At may contacts pa talaga sila, ah?
Naramdaman ko ang pagkirot ng puso ko at napatingin na lamang sa bintana.
Si Sabrina pa rin talaga, no? Hindi man lang mawala-wala sa buhay niya. Ako. Okay lang na mawala sa buhay niya kasi puwede pa akong mapalitan, pero ang Sabrinang iyon!
Palihim na ikinuyom ko ang kamao ko.
“A-Ash…”
Narinig ko sa kabilang linya ang pag-iyak ng isang babae. Naka-loudspeak pala ang phone ni Ashton. Si Sabrina ba ang umiiyak?
“A-Ash…t-they hurt me again…”
Napatingin ako kay Ashton at nakita ko na napatingin na rin siya sa akin. Kita ko ang takot sa mukha ni Ashton. Hindi ko alam kung saan siya takot. Sa akin ba o sa sitwasyon ni Sabrina na ngayon ay umiiyak.
“A-Ash… come here. Puntahan mo ako, A-Ash…” Humagulhol si Sabrina sa kabilang linya. “M-Mamamatay ako dito, A-Ash. P-Please come here…”
“K-Katarina,” naisambit ni Ashton ang pangalan ko habang nasa gitna ng tawag.
Mas lalong kumuyom ang kamao ko at nag-iwas na lamang ng tingin. Hindi ko ide-deny na nasasaktan ako. Medyo excited pa naman ako sa date naming at bihis na bihis ako.
“A-Ashton!” Mas humagulhol si Sabrina sa kabilang linya. “I-If you d-don’t come here, I-I w-will kill m-myself.”
Nalaglag ang panga ko sa narinig.
“Sabrina, don’t do that!”
“Then come here, Ashton! I need you!”
At na-off na ang tawag. Ilang sandaling katahimikan ang bumalot sa aming dalawa dito sa loob ng nakahinto na kotse. Hindi ko alam kung ano ang ikokomento ko sa narinig.
Masakit siya sa dibdib. Para akong pinaslang nang paulit-ulit.
“K-Katarina…”
Pumikit ako at pinakiramdaman ang sakit. “I know. Alam ko na hindi na matutuloy ang date na ito dahil kailangan ka ng babaeng iyon.”
“I’m sorry.”
Tagos na tagos sa puso ko ang katagang iyon. Sorry means, pupuntahan niya ang babaeng iyon at iiwan niya ako rito. Hindi matutuloy ang date namin.
Hindi na lamang ako nagsalita at hinayaan siya sa gusto niya.
“I’ll be back, Katarina. Dito ka lang sa kotse. Sisilipin ko lang si Sabrina at matutuloy ang date natin.”
Gusto kong matawa.
Tangina mo, Ashton! Hanggang ngayon ganiyan ka pa rin! Tangina mo talaga.
“Kahit huwag na, Ashton.” Tiningnan ko siya at kita ko ang pamumutla niya. “Ayaw ko na maging dahilan ng pagkamatay ng babaeng iyon. Ayaw ko na may mawalan ng buhay ngayon dahil lang sa akin. Hindi ko alam pero ang gago mo, Ashton. Hanggang ngayon ay may kahati pa rin ako sa oras mo at iyon ay ang babaeng iyon.”
“Katarina, hindi sa gano’n—”
“Huwag ka na mag-explain, Ashton. Pupuntahan mo pa rin naman. Huwag mo nang pahirapan ang sarili mo. Okay lang ako.”
At kahit na pigilan ko siya ngayon, alam ko na hindi magagawa ni Ashton iyon dahil sa pagbabanta ni Sabrina na patayin ang sarili niya.
Tumulo ang luha sa aking mata nang lumabas si Ashton sa kotse at ibinigay ang susi sa isa sa mga bodyguards niya.
Ang sakit na kahit hindi kami totoo, may Sabrina pa rin pala. Ang sakit kasi alam ko na mas pipiliin niya ang babaeng iyon kaysa sa akin.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top