Chapter 26

Chapter 26

 
Seryoso kong hinihiwa ang karne ng baboy sa harap ng dalawang bodyguards ko habang iniisip ang pagmumukha ni Ashton at Sabrina. Hindi ko maiwasan ang isipin silang dalawa. Lalo na ngayon na wala si Ashton! Sure akong nagtungo iyon kay Sabrina para mag-explain!

Sus! Bakit ko ba sila iniisip?

Napailing na lang ako at nang matapos kong hiwain ang karne, tumingin ako sa dalawa na nakatingin na sa akin.

Ngumiti ako sa kanila. “Magaling ba akong maghiwa?” tanong ko sa kanila at marahang inilapag ang kutsilyo sa lamesa.

Bumagsak ang balikat ko nang umiling ang isa.

“Why naman?” Napanguso ako at saka medyo nainis dahil naka-shades pa rin sila kahit nasa loob sila ng bahay. “Tanggalin niyo nga iyang shades niyo! Walang araw dito!”

Aabutin ko sana ang mga shades nila pero umilag sila. Inis ko silang tiningnan at saka marahas na kinuha ang repolyo sa basket.

“Hihiwain ko talaga iyang mga talong ninyo. Makikita  niyo!” inis kong sambit at saka kinuha muli ang kustilyo at nagsimulang hiwain ang repolyo.

Nang hindi sila nagsalita ay nagpatuloy ako.

“Naku! Baka makalimutan ninyo mga jowa niyo kapag natikman niyo ang pancit bihon ko,” sabi ko at tiningnan sila muli. Mukhang hindi yata sila naniniwala. “Nagsasabi ako ng totoo!”

Napailing na lamang ako at nang matapos ko ang lahat ng hihiwain, inutusan ko ang isang kasambahay na hugasan ang kawali dahil magsisimula na ako sa pagluluto. Inayos ko ang apron ko at nang tiningnan ko silang dalawa ay nakatunganga na.

Napangiwi ako at naghanap ng gloves. Pero hindi ko pa man naisuot ay biglang pumasok si Manang Lolita at nagulat na lang ako nang bigla siyang sumigaw na ikinagulat ko.

“Hala, Ma’am!” sigaw niya at agad lumapit sa akin. Hinawakan niya ang kamay ko at inagaw ang gloves na hindi ko pa nasuot. “Ano ang ginagawa niyo rito? Jusko! Baka magalit ang asawa niyo!”

Kumunot ang noo ko at binawi ang kamay ko mula sa kanya.

“Bakit ka ba sumisigaw?” tanong ko. “Kalma ka lang.”

Napangiti na lamang ako nang makita ko na inilapag na ng isang kasambahay ang kawali sa may stove.

Confident na tiningnan ko si Manang. “Magluluto ako ng pancit bihon, Manang.” At lumapit ako sa stove at binuksan. “Kaya huwag kang umepal diyan.”

Sumunod naman siya sa akin. “Para kay Sir ba ang pancit na iyan. Ma’am?”

Napairap ako at kinuha ko ang mantika. Tiningnan ko si Manang na may malaki na ang ngiti.

“Hindi. Asa naman siya na lulutuan ko siya! Hindi iyon kumakain ng pancit. Maarte iyon! Para sa bodyguards ko ito.”

Nilagyan ko na ng mantika ang kawali.

“Guards?” gulat na gulat na tanong ni Manang at napatingin sa dalawa. “Ma’am, hindi iyan mga guards!”

Natigilan ako at napatingin kay Manang na umiling-iling na sa akin. Nilingon ko rin ang dalawang bodyguard na ngayon ay nahuli ko na nag-uusap na.

What the hell?

Gulat na tiningnan si Manang. “Ano? Hindi sila bodyguards? Sino ang mga iyan?”

“Mga kaibigan iyan ni Sir, Ma’am! Nasa ibang tao na po naka-assign ang bodyguards mo, Ma’am. Si Ma’am Ashley na po ang binabantayan.”

Bigla akong nabuhayan. Hindi naman pala bodyguards ang mga ito. Bakit ko pa pinapahirapan ang sarili ko?

Umangat ang gilid ng labi ko. “Talaga? So, hindi sila magtatagal?”     

“Hindi po, Ma’am. Hindi rin po ganiyan ang damit nila kanina nang bumisita sila kaya nagtataka rin po ako no’ng pumasok ako rito. Buti nakilala ko agad.”

Tumango-tango ako at saka nilagyan na ng chopped garlic and onion ang kawali. Ngunit napatili ako at napalayo nang bigla akong natalsikan ng mantika. Kumulo ang dugo ko nang marinig ko ang kanilang mahinang tawa.

***  

“Ayan!” Nilapag ko ang aking special pancit bihon sa harap ng dalawang lalaki. “Kainin niyo iyan. Masarap iyan. Nakakawala ng stress.”

Pagkatapos kong sabihin iyon ay sinamantala ko ang pagkakataong nakatingin sila sa niluto ko kaya isa-isa kong hinablot ang suot nilang shades at namilog ang mata ko nang makita ko ang mga tropa ni Ashton, sina James at Matthew.

Awkward na ngumiti si Matthew habang si James ay napapikit.

Tinaasan ko sila ng kilay. “Kayo pa talaga, ah?”

Ngumiti lalo si Matthew. “Nice to see you again, Katarina.”

Sumimangot ako. “Hindi ako masaya na makita ka, Matthew.”

Humalakhak siya at saka bumaba sa high chair. “Oh come on, Katarina! We are your new bodyguards.”

Umawang ang labi ko. “Ang sabi ni Manang Lolita, hindi! Huwag niyo nga akong utuin! Buwisit kayo!”

Humalukipkp si Matthew at aliw na aliw na yata sa akin. “But we are now.”

Nanlumo ako at umasa na nagbibiro lang sila. Bakit naman kasi? Mayaman ang mga lalaking ito para maging bodyguards ko. Ano ba ang nasa isip ng mga ito?

Hindi na maipinta ang mukha ko habang naglalagay ng pinggan sa lamesa. Sa kusina ko sila balak pakainin dahil baka makita ni Ashton. Ayaw pa naman niya akong makita na kausap ang dalawang ito dati.

Feel na feel at home ang dalawa sa bahay ni Ashton at halos mapairap ako.

“Ang suwerte naman naming dahil nilutuan mo kami sa una nating pagkikita,” ani Matthew at siniko pa ang tahimik na si James.

Inis ko siyang tiningnan. “Kumain na lang kayo, okay? Hindi ko kayo gusto maging bodyguards ko! At ano ba ang trip niyo? Wala ba kayong magawa?” Binalingan ko si James. “At ikaw, huwag kang tumahimik diyan. Kumain ka na rin!”

Sinaway ako ni Matthew na ngayon ay kumuha na ng pancit bihon at nilagay sa kanyang pinggan. “Ikaw talaga, Katarina. Si James talaga ang favorite mo kaya nagseselos si Ashton pare, eh! Kapag nalaman niya na nandito kami, baka uuwi agad iyon!”

Hindi na lang ako nagsalita at pinagmasdan na lamang sila. Nakita ko na tahimik na kumuha ng pancit si James.

Habang lamon nang lamon si Matthew sa pancit with rice, si James naman ay kaunti lang ang kinuha na kanin at nasa gilid ang mga carrots na isa sa mga sangkap.

“Ayaw mo sa carrots?” nagtatakang tanong ko at tinuro ang carrots na itinabi niya. “Bakit?”

“I just don't like it,” aniya at kumain na.

“Kaya siguro hindi ka marunong humarot.”

Napatingin sa akin si James. “What?”

Kinuha ko ang mga carrots na iniba niya at kinain. “Kumain ka ng carrots para marunong kang humarot.”

Umawang ang labi ni James at si Matthew ay napatigil sa pagsubo at gulat akong tiningnan.

“Humarot?” nagtatakang tanong ni Matthew sabay tingin kay James. “Tahimik lang iyan si James pero maharot iyan!”

Natawa ako at si Matthew na ang tiningnan ko. “Kaya nga si Matthew ay walang girlfriend hanggang ngayon kasi hindi marunong humarot!”

Nalaglag ang panga ni Matthew. “P-Paano mo nalaman? Stalker ba kita?”

“Paanong hindi ko malalaman?” tanong ko at pinakita sa kaniya ang phone ko na nasa twitter account na niya. “Taga tweet mo may “I'm single, I'm single” kaya tingin ko kailangan mo ng isang carrot!” Kinuha ko ang natirang carrot na itinabi ni James sa kaniyang pinggan at inilagay sa plato ni Matthew. “Kaya ikaw ang kumain ng carrot para ikaw ay marunong nang humarot.”

Binaba ko na ang phone ko at umayos na ng tayo. “Ubusin niyo iyan, ah, Huwag kayong magtira kay Ashton dahil ayaw ko siyang makausap!”

Aalis na sana ako ngunit may nakalimutan akong sabihin kaya binalikan ko sila.  “At saka isa pang tip. Ayaw kasi talaga ng mga babae sa mga jutay eh, kaya kumain rin kayo ng talong para lalaki ang inyong mga utong!”

Nabilaukan si Matthew sa narinig. Si James naman ay halos hindi mailunok ang kinain niya. Hindi ko na hinintay ang kanilang sasabihin at iniwan na sila sa kusina.

Nang makalabas ako sa kusina ay didiretso na sana ako sa sala nang makita ko si Ashton na kararating pa lang. May dala siyang paper bags sa kamay at parang may hinahanap siya kaya nakita ko siyang nagtanong sa isang kasambahay. Nagtago agad ako sa isang malaking vase at yumuko.

“What are you doing?” narinig kong tanong niya.

Hindi ako umimik dahil baka hindi ako ang kinausap. Pero halos maitulak ko ang vase nang makita ko si Ashton na ngayon ay naka-squat na sa harapan ko.

“Why are you hiding?” kusyoso niyang tanong pero may ngiti na sa kanyang labi.

Napalunok ako at agad nag-isip ng palusot. Pisting Ashton na ito! Ayaw ko pa nga siyang makita, eh!

“N-Nagtatago ako sa mga magnanakaw.” Tumikhim ako pagkatapos.

Kumunot ang noo niya. “Magnanakaw?”

“Oo!” agad kong sagot at umayos ng tayo. “Nasa kusina ang magnanakaw! Kumakain ng pancit! Bye!” At mabilis akong umalis, iniwan siyang takang-taka.

Pasensya na James and Matthew. Gusto ko lang talaga siyang iwasan ngayon.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top