Chapter 25
Chapter 25
Hindi ko kinausap si Ashton hanggang sa nakauwi kami. Binili niya ang lahat ng gusto ko. Wala akong paki kung naubos man ang pera niya nang dahil sa akin. Gusto ko lang bilhin ang mga gusto kong bilhin para mawala sa isip ko ang nangyari kanina. Mabuti at hindi naman siya nagreklamo dahil mayaman naman siya. He can buy whatever he wants! Kaya nga siya may mga alipores kasi mayaman siya. May mga bodyguards dahil baka may magtatangka sa buhay niya.
Dumiretso ako sa kuwarto at ni-lock para hindi siya makapasok. Umupo ako sa kama habang nakayakap sa tuhod ko. Tulala akong nakatingin sa paa ko at naisip na naman ang nangyari kanina.
Nasaktan si Sabrina nang nakita niya na hinalikan ako ni Ashton. And the way Ashton treated her, alam ko na hindi iyon pang kaibigan lang o baka naman masyado lang akong paranoid. He will explain everything to her? Para saan?
Mas lalo ko lang niyakap ang tuhod ko nang bigla kong naalala ang nakaraan. Kung saan hiniwalayan ko si Ashton pagkatapos ng graduation day ko. Iyon ang araw na nagkita kami ulit nang malapitan matapos ang halos dalawang buwan niyang hindi pag-usap at pag-contact sa akin.
“Congratulations, baby!”
Namanhid ang puso ko habang hawak ang bulaklak na bigay niya sa akin. Hindi ako masaya na makita siya sa graduation day ko. Hindi. Iba na sa feeling ang makita siya ulit. Hindi ako masaya kundi nasasaktan ako. Sa ilang buwan niyang walang paramdam sa akin, parang wala na akong boyfriend. Para na lang siyang estrangherong gustong magbigay ng bulaklak sa akin.
Masaya siya na makita ako ngunit ako ay hindi.
He congratulated me na parang walang nangyari sa aming dalawa. Na parang hindi niya ako pinabayaan sa nagdaang buwan.
Hindi ko magawang ngumiti sa kanya. Alam kong nahalata niya na hindi ako masaya pero binalewala niya iyon.
“Halika. May ipapakita ako sa iyo. May regalo ako sa pinakamagandang babae na nakilala ko.” He was about to grab my hand pero hindi ko iyon hinayaan.
“Stop acting, Ash!” ani ko at inilingan siya. “Na parang walang nangyari.”
Nanginig ang boses ko at sumikip ang dibdib ko. Nagsimulang tumulo ang luha sa aking mata na kanina ko pa pinipigilan.
Nandito kami sa parking lot ng school kung saan naka-park ang sasakyan niya. Ngayon pa nga lang siya nagpakita, late pa siya sa graduation ko. Mas lalo lang niyang pinaparamdam sa akin na hindi ako importante.
Lahat ay masaya sa graduation day nila pero ako, ito na yata ang pinakamalungkot na araw. Even sa speech ko, para akong namatayan.
Nakita ko na namutla siya nang nakita niyang pinunasan ko ang luha ko.
“Baby, I—”
“Huwag na, Ash!” Pinigilan ko siya sa pagsalita dahil alam ko na magpapaliwanag siya para kunin muli ang loob ko. Pero huli na ang lahat, binasag na niya ang puso ko. “Wala nang saysay ang lahat. Mag-break na tayo! Iwan na natin ang isa’t isa.”
Namilog ang mata niya at natarantang hinawakan ang kamay ko pero iniwakli ko ito. Sa sobrang lakas ng pagwakli ko, nahulog pa sa lupa ang bulaklak na bigay niya sa akin.
Kita ko ang takot sa kanyang mata pero wala na akong paki. Sobra na akong nasaktan. Sobra na akong nasaktan sa kanila ni Sabrina.
“No! Please! Pag-usapan natin ito, okay?” Sinubukan niya muling lumapit pero umatras ako.
Panibagong luha ang tumulo sa aking mata. “Napag-isipan ko na ito, A-Ash. Sa n-nagdaang lingo at araw. Sa mga panahong wala kang paramdam, nasa isip ko na mas mabuting maghiwalay na lang tayo.”
“Hindi!” tanggi niya at napasapo sa kanyang ulo. “Hindi mo ako iiwan. Magpapaliwanag ako!”
“Na ano?” singhal ko, tuloy-tuloy pa rin ang pag-agos ng luha ko. “Na mag-aaral ka sa ibang bansa? Kasama ang Sabrina mo?”
Nakita ko na natigilan siya sa huling sinabi ko.
“Sobrang sakit na, Ashton!” Sinapo ko ang dibdib ko dahil sa sikip. “Hindi mo man lang ako magawang kumustahin! Hindi mo man lang ako magawang i-text o tawag! Parang wala kang girlfriend na nag-aalala sa iyo! Wala man lang akong natanggap na reply sa iyo! Wala akong natanggap, Ashton! Wala! Tapos malalaman ko na lang na palagi mong kasama ang babaeng iyon!”
“Kat…” Umiling siya sa akin. “Hindi gano’n. Huwag mo kaming pag-isipan ng masama. Sabrina is my friend—”
“Na mas gusto mo pang makasama kaysa sa akin?” Napasinghap ako. “Parang hindi mo na ako gustong makasama, Ashton! Parang hindi mo na ako mahal!”
Ano ang akala niya sa akin? Na mag-stay pa rin ako sa kanya?
“I love you, Kat. Ikaw ang gusto kong makasama hanggang sa huling hininga ko. Kung hahayaan mo lang ako na ipaliwanag sa iyo ang lahat. Alam kong maiintindihan mo rin. Sabrina and I are nothing. Kung ano man ang sinabi niya sa iyo, huwag kang maniwala sa kanya—”
“It doesn’t change the fact na hindi ka talaga nagparamdam sa akin! Araw-araw akong nag-iisip, Ashton. Gabi-gabi kong iniisip kung ano ang nangyari! Kung bakit hindi ka na nagpakita sa akin! Kung bakit palagi kong nalalaman na si Sabrina ang kasama mo! Sobra-sobra na ang ginawa mo sa akin kaya tama lang na maghiwalay tayo nang sa gano’n ay wala nang makakapigil sa iyo sa pangingibang bansa mo! Kasi kung ako ang tatanungin mo, hindi ko kaya na malayo sa iyo! Kaya I will set you free and don’t show your face again!”
Tumalikod na ako at tumakbo habang umiiyak. Narinig ko pa ang pagtawag niya sa pangalan ko pero hindi ko siya pinakinggan. Nakasuot pa rin ako ng toga at mukha akong baliw. Akala siguro ng ibang tao ay umiiyak ako sa saya dahil nakakuha ako ng medalya pero hindi.
Tumawag si Ashton at nagtungo sa bahay isang araw matapos ko siyang hiniwalayan. Hindi niya ako tinantanan. Ilang araw din iyon bago siya sumuko. Ilang araw siyang nasa labas ng bahay hoping na makausap pa ako. Pero nasa kuwarto lang ako, nagmukmok at tahimik na umiyak.
Naisubsob ko ang mukha ko sa tuhod ko matapos maalala iyon.
Titiisin ko na lang siguro ito. Okay lang siguro na masaktan ulit. Dahil kapag natapos na itong pagpapanggap naming, aalis na ako sa lugar na ito at magsimula ulit.
Nakatulugan ko ang pag-iyak ko. Hindi ko alam kung paano ako nakahiga at may kumot na rin ang katawan ko. Sino ang naglagay ng kumot sa akin? Baka humiga pala ako kagabi at saka nagkumot nang hindi ko nalalaman.
Napailing na lamang ako at saka lumabas na sa kuwarto habang inaayos ang buhok ko. Bumaba ako sa hagdanan at napansin ko ang tahimik na sala.
“Manang, si Ashton po?” tanong ko kay Manang Lolita nang nakababa. Naglilinis kasi siya sa sala kasama ang isang hindi ko kilala na maid.
Nag-angat siya ng tingin sa akin. “Umalis si Sir, Ma’am.”
Tumango ako at akmang tutungo sana sa kusina nang napansin ko ang dalawang guard na nakatayo malapit doon. Umawang ang labi ko at nilapitan sila.
“Hoy!” tawag ko. “Kayo na naman?”
Nanlumo ako. Ano ba naman ito?
Napakamot ako sa ulo dahil sa inis. Ang lalaking iyon? Akala yata niya ay tatakasan ko siya! Sus!
At dahil wala si Ashton ngayon, ang ibig sabihin lang no’n, magagawa ko ang gusto ko. Tiningnan ko ang dalawang bodyguard na nakatayo lang na parang istatwa. Hindi ba sila napapagod sa posisyon nila?
“Babantayan niyo ba ako?” tanong ko pero hindi nila ako sinagot. Mga isnober.
Napamewang ako. “Magluluto ako ng pancit dahil gutom na gutom ako.” Tinuro ko silang dalawa. “Kakainin ninyo, ah? Lulutuan ko kayo.”
Akala ko ay hindi sila gagalaw sa puwesto nila pero nagulat na lang ako nang bigla silang nagbulong-bulungan. Namilog ang mata ko.
“Hoy!” Nilakihan ko sila ng mata. “Ano ang binulong-bulong ninyo diyan? Huwag niyo akong isumbong sa boss ninyo mga tsismoso kayo! Kayo na nga ang makalibre ng luto ko, eh! Alam niyo kasi, bukod sa kagandahan, magaling din akong magluto,” pagmamayabang ko kahit hindi naman totoo na magaling akong magluto.
May plano kasi ako sa mga ito at gusto ko na makuha ko ang loob nila para sa akin na sila susunod at hindi sa boss nila.
“At puwede ako maging chef, ah! Baka hiwalayan ninyo ang mga jowa niyo kapag natikman niyo ang luto ko.” Ngumuso pa ako sa sobrang taas ng tingin sa sarili.
Napailing ang isang guard na siyang ikinagulat ko. Akala ko kasi hindi gumagalaw ulo nila kaya nagulat talaga ako. Nang akma nila akong tatalikuran, mabilis kong hinawakan ang laylayan ng damit nila.
“Magluluto tayo mga brad kaya huwag niyo akong tatalikuran. Huwag kayo sa boss ninyong maarte!” At hinila ko sila patungo sa kusina.
Nadatnan ko pa ang mga kasambahay na busy sa pagluluto. Nang makita ako ng isa ay kinalabit niya ang kasama niya.
“M-Ma’am.” Namilog ang mata niya nang makita ang kasama ko. “B-Bakit po sila nandito?”
Sinenyasan ko sila na umalis na agad naman nilang ginawa. Nang kami na lang, binitiwan ko sila at tinuro ang upuan.
“Umupo kayo diyan,” ani ko at nag-stretching. “Magluluto ako at kapag nasarapan kayo, papayagan ninyo ako na makauwi sa amin. Deal?”
Matamis akong ngumiti pagkatapos itanong iyon. Oo, iyon ang plano ko. Ang makauwi sa amin.
Nanatili lang silang nakatayo at poker face ulit kaya nagpapadyak na ako sa inis.
“Basta kapag nasarapan kayo, papayagan ninyo ako na makauwi sa amin! Mga bad trip kayo!” inis kong sabi at naghanap na ng mga sangkap sa refrigerator.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top