Chapter 23
Chapter 23
“Text na lang tayo, ah,” ani Cheska sabay kaway sa akin.
Tumango ako at kinawayan siya pabalik. Nang makalayo na si Cheska ay binalingan ko ang dalawa kong bodyguard na ngayon ay bitbit na ang mga binili ko sa mall. Actually, wala akong masyadong binili dahil sariling pera ko naman ang gamit ko. Bumili lang ako ng panty at saka bra.
“Hindi ba kayo nahihiya na dala ninyo ang mga iyan?” tanong ko sa kanilang dalawa habang tinuturo ang paper bag na naglalaman ng bra at panty ko.
Ngunit hindi sila umimik at nanatiling poker face ang mukha. Napasimangot na lamang ako at nauna nang sumakay sa kotse. Nasa backseat ako.
Bumuga ako ng hangin at padabog na umupo. “Ang boring ninyong kausap! Nakakabagot!”
Hindi na lang ako umimik nang bumyahe dahil naiinis lang ako. Palagi kasing pumapasok sa utak ko ang imahe ni Ashton. Mas lalo lang akong na-bad trip.
***
Nang nakarating sa bahay ay hinanap ko agad ang pagmumukha ni Ashton na ngayon ay parang hari na nakaupo sa couch sa malawak na sala. Agad akong dumiretso sa kanya at saka kinompronta.
Nag-angat siya ng tingin sa akin at naibaba ang hawak niya na newspaper nang nakita ang mukha kong inis na inis.
“Why?”
Sinamaan ko siya ng tingin at nilingon ang bodyguards na dala pa rin ang mga paper bags. Tinuro ko sila at binalingan si Ashton.
“Bakit sila sunod nang sunod sa akin?” inis kong tanong. “Alam ko naman na bodyguards ko sila pero bakit buntot sila nang buntot sa akin? Dapat nasa malayo lang sila!”
Tinaasan ako ng kilay ni Ashton at saka tumayo mula sa pagkakaupo. Bigla akong napalunok nang lumapit siya sa akin at nilagay sa bulsa ang kanyang kamay. Tiningnan niya ang dalawa sa likuran ko.
“You may now go. Thank you for guarding my wife,” pormal na sambit niya sa dalawa at saka tiningnan ako. Napalunok ako at halos lagutan ng hininga dahil bigla niyang inilapit ang kanyang mukha sa akin. “Pinaalis ko na. Are you satisfied?”
Sumilay ang ngiti sa kanyang labi matapos itanong iyon sa akin. Parang nang-aasar na siya sa akin ngayon. Alam niya na agrabyado ako ngayon.
Tumikhim ako at saka mahina siyang itinulak kaya natawa siya. Agad kong nilingon ang likuran ko at wala na nga ang dalawa.
“H-Hindi na ba tayo nila ako susundan?” Tiningnan ko siya.
“They will still guard you, Katarina. Sa malayo.”
Tumango ako. Mabuti naman. Mas mabuti nga na nasa malao sila para naman hindi ako maiilang at pagtitinginan ngmga tao. Ang hirap kaya na may alipores sa likod.
Magsasalita pa sana ako ngunit hindi natuloy dahil sa isang mabilis na yapak. Kumunot ang noo ko at nilingon kung saan galing at umawang ang labi ko nang nakita ko ang hinihingal na si Manang Lolita. Lumapit siya kay Ashton.
“S-Sir,” hinihingal na tawag ni Manang nang nakalapit. Kita ko ang pag-aalala sa mukha ni Ashton dahil para talagang malalagutan ng hininga si Manang dahil hinahabol niya ang kanyang hininga. Bakit ba siya tumakbo? Hindi ba na-realize ni Manang na matanda na siya para maging runner?
Lumayo ako ng kaunti para bigyan sila ng privacy. Baka may pag-uusapan sila na seryoso at ako naman ay ang taong hindi tsismosa. Pero masyado yatang malakas ang boses ni Manang kaya narinig ko ang gusto niyang sabihin kay Ashton.
“Sir, ninakaw ang panty ni Ma’am na sinampay sa bakuran!”
Namilog ang mata ko at umusbong ang galit sa akin nang marinig ko iyon.
Ang Avon na panty ko!
“Ano?” hindi makapaniwala ko na sambit. Malakas ang pagkasambit ko kaya medyo natakot sa akin si Manang Lolita. Lumapit ako sa kanila. “Paanong ninakaw ang panty ko? May guards na ako at lahat-lahat pero ang panty ko na walang kalaban-laabn ay ninakaw?”
Nanlumo ako.
Sinubukan akong pakalmahin ni Ashton pero hindi ako basta-basta makakalma. Sino naman ang gago ang magnakaw sa panty ko? At saka paano namang nanakaw? Hindi ba ay bahay ito ng bilyonaryo?
“Bahay ito ng bilyonaryo, hindi ba? Bakit walang guard ang panty ko?” madrama kong tanong na ikinatigil ng dalawa.
Natigil ako nang nakita ko ang pagpipigil ng tawa ni Ashton. Anong tinatawa niya diyan? Walang nakakatawa sa sinabi ko!
“Hoy! Huwag mo akong pagtatawanan! Branded ang panty ko na iyon! Pinag-ipunan ko iyon!” mabilis ko na sambit at talagang masakit para sa akin ang balita na ninakaw ang panty ko. “Branded iyon! Avon at Natasha!”
Natahimik muli sila kaya nagpatuloy ako sa litanya ko.
“Kaya dapat ay makulong ang nagnakaw ng panty ko dahil baka jinajakolan na iyon!” Kinuyom ko ang kamao ko. “Hindi niyo ba alam ang kasabihan ng matatanda?”
Nagmumukha na akong tanga dahil kahit si Manang Lolita ay hindi na maitsura ang mukha sa sobrang kalituhan.
Tumikhim si Ashton at binalingan si Manang. “Manang, sino ba ang nagnakaw sa panty ng asawa ko?”
“Oo nga! Sino ba iyan nang maupakan ko.”
Agad namang sinagot ni Manang si Ashton. “Si Bruno po.”
Bruno? Bruno Mars?
“Bruno? Bakit kilala mo? Asawa mo ba iyon, Manang?”
Kung si Bruno Mars lang din naman ang nagnakaw ng panty ko, willing kong ipanakaw lahat ng panty ko. Kahit ang bagong bili ko sa mall, ipapanakaw ko! Pero hindi, eh!
“M-Ma’am, ganito kasi iyan…uhm—”
Hindi natapos ni Manang ang kanyang sasabihin dahil biglang umepal si Ashton.
“Enough, Manang. You don’t need to explain. Huwag ka nang mataranta at kami na mismo ng asawa ko…” At bumaling niya sa akin. “…ang magdadakip kay Bruno.”
Tumango si Manang at umalis na sa sala. Umigting ang panga ko at napahaplos sa baba. Nilabhan ko iyon kagabi at sinampay ko sa labas tapos ngayon, ninakaw ni Bruno? Sino ba siya? At ano ang gagawin niya sa panty ko?
Kinuyom ko lalo ang kamay ko. Sayang naman ng panty na iyon kung nanakawin lang. Buwisit! Sino bai yon?
Nawala saglit ang inis ko nang inakbayan ako ni Ashton. Nang binalingan ko siya ay maloko na siyang nakangisi.
Binalingan niya rin ako. “Let’s go and catch that Bruno.”
Agad ko siyang itinulak palayo sa akin kaya bigla siyang nagtaka.
“What?” nagtataka niyang tanong.
“Wala!” singhal ko at inayos ko ang sarili ko. “Dakpin na natin si Bruno!” At nag-stretching ako dahil mukhang mapapalaban ako.
He chuckled at sumunod siya sa akin nang naglakad na ako patungo sa bakuran ng bahay niya.
“Yeah, we will catch that fucking Bruno.”
Nang nasa bakuran na kami ay nakita ko ang ilan sa mga helper ni Ashton na nag-aayos ng hose. Ang iba ay naglilinis sa tangke na walang tubig. Ang iba ay busy din sa kanilang mga gawain.
Nagpalinga-linga ako. “Oh, nasaan na si Bruno?” nagtataka kong tanong. “Baka nakalayo na iyon! Sa dami mong tauhan, ni isa wala man lang ang nakadakip! Mga tanga!”
Kaya siguro nakapasok ako sa bahay nila noong nag-trespass ako dahil tanga mga tauhan niya. Nagpapauto sa buko juice.
Hindi ako pinansin ni Ashton at tinawag ang isang binate. Naibaba niya ang balde na dala at dali-daling lumapit kay Ashton.
“S-Sir,” aniya at pinunasan ang pawis sa mukha. Tumingin siya saglit bago ibinalik ang tingin kay Ashton. “Bakit po?”
Nang mapagmasdan ko ang binata, tingin ko ay nasa 16 pa lang ang edad niya. Mukhang nagpa-part time siya rito. Ngayon ko pa kasi siya nakita.
“Hanapin mo si Bruno,” utos ni Ashton.
Umawang ang labi ko at agad hinawakan ang braso niya kaya napatingin siya sa akin.
“Bakit?”
Inilingan ko siya. “Bakit siya ang pahahanapin mo? Ang bata-bata pa niyan! Baka mapaano!”
Hindi ako sinagot ni Ashton at tinanguan na niya ang binate na agad namang sumunod. Tumalikod ang lalaki at nagulat ako sa sunod niyang ginawa.
“Toy! Toy! Toy! Toy! Toy!”
Umawang ang labi ko at napakurapkurap. Bakit parang nagtatawag ng aso ang binata na iyon?
Teka nga muna.
Kunot-noo kong binalingan si Ashton na ngiting-ngiti na.
“Aso ba si Bruno?” tanong ko.
Binalingan ako ni Ashton at saka tumango. Umawang ang labi ko at hindi makapaniwala. Bakit gano’n na lang ang taranta ni Manang kung aso naman pala ang magnanakaw?
At saka magnanakaw pa talaga, ah! Sino ang hindi mataranta!
Tinawag ulit ng binata ang aso kaya napaatras ako nang makita ko ang isang Labrador na aso na tumatakbo patungo sa amin. Kagat-kagat niya ang panty ko.
Nanlumo ako sa nakita. Hinihingal ang aso na lumapit sa binate at nahulog ang kawawa kong panty na mukhang minurder sa sobrang punit. Nawala ang atensyon ko sa panty nang biglang tumahol ang aso nang makita si Ashton at kumembot-kembot pa ang buntot nang lumapit.
Lihim kong sinamaan ng tingin ang aso bago binalingan muli ang panty ko na nawala na sa lupa. Nataranta ako bigla at napatingin sa binata na ngayon ay hawak-hawak na ang panty ko gamit ang daliri niya. Kuryoso ang nasa mata ng binate habang nakatingin sa panty at saka binalingan kami.
“S-Sir, pan—”
Hindi niya natapos ang kanyang sasabihin dahil mabilis akong lumapit sa kanya at hinablot ang panty. Sa sobrang taranta ko ay naisuot ko ito sa ulo. Kita ko ang panlalaki ng mata nila at umiwas pa ng tingin ang binata.
“What the fuck are you doing, Katarina?” gulat na gulat na tanong ni Ashton.
Hindi na ako sumagot at nahihiyang bumalik na sa loob ng bahay na pulang-pula na ang mukha. Inis kong tinanggal sa ulo ko ang panty at itinapon na lamang sa trash can. Sinabunutan ko ang buhok ko at hiyang-hiya na dumiresto sa may hagdanan patungong ikalawang palapag.
Anong katangahan iyon, Katarina? Nakakahiya ka talaga!
***
Ilang oras lang ang naging stay ko sa kuwarto dahil nang maghapunan, wala akong magawa kundi ang bumaba. Buwisit kasi na Ashton! Gusto niya na may kasama kumain.
“Mom called,” panimula ni Ashton habang nasa hapag kami, kumakain. “She want us to visit. Family gathering.”
Matamlay ako ngayon dahil sa kahihiyan na nangyari kaya tamad kong kinuha ang kutsara at nakangusong kinuha ang ulam.
“Huwag kang mag-alala, Ashton,” matamlay kong sambit sabay tingin sa kanya. “Magiging sweet ako sa iyo doon dahil asawa mo ako.”
Kumunot ang noo niya at sinuri ako. “Are you seriously sad right now dahil sa panty mo?” Umangat ang gilid ng labi niya, tuwang-tuwa pa yata.”
“Oo! Wala na akong panty! Hindi mo kasi ako binilhan ng damit, eh! Kaunti lang din na panty ang binili ko.”
Sabi niya ay bibilhan niya ako ng damit kaya nga hindi ako umuwi sa amin. At saka nandoon din ang iba kong panty na Avon at Natasha. Kailangan ko pang kunin!
Bumuntonghininga siya at saka tumayo. Kumunot ang noo ko sa pagtayo niya.
“Get up. We’ll go shopping.”
Umawang ang labi ko at biglang nabuhayan. Akmang tatayo n asana ako nang bigla siyang nagsalita ulit.
“After you eat, of course!” dagdag niya at tumalikod na para umalis sa dining area.
Napangiti ako at tumango.
“Yes, baby!” naibulalas ko na lang na ikinatigil ni Ashton sa paglalakad at gulat akong nilingon.
“Baby?”
Bumilis ang tibok ng puso ko at nag-isip ng palusot.
“Baby…shark!” ani ko at bahagyang natawa. “Baby shark ang ibig kong sabihin.”
Napangiwi ako sa sariling palusot ko at nag-iwas ng tingin. Narinig ko ang tawa niya at hindi siya naniwala sa akin.
“Alright, baby,” aniya na ikinapula lalo ng pisngi ko.
Nang makaalis na siya ay sinubo ko na lang ang kanin sa bibig ko hanggang sa mapuno. Shit!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top