Chapter 22

Chapter 22

“Gusto ko may rules ang pagsasama natin, Mr. Billionaire,” ani ko sabay angat ng aking kilay.

Nasa may sala kaming dalawa nakaupo sa sofa at sobrang saya ko nang magsibalikan ang mga kasambahay ni Ashton. Nakita ko nga si Manang Lolita na kasalukuyang naghahanda sa aming almusal.

It’s good na nandito na ang mga kasambahay ni Ashton para naman hindi ako masyadong matahimikan dito.

At saka, ayokong makasama palagi si Ashton!

Pero alam ko na imposible iyon dahil asawa ko na siya. I need to be his wife for a show. Hindi ko rin alam kung bakit kailangan niya ng asawa, e, hindi pa naman siya gaano katanda. Ilang taon na nga siya? Twenty-two? Twenty-three? Ewan. Noong naghiwalay kami, twenty na ang edad niya habang ako ay nineteen pa lang.

At isa pa, kung may mas better choice man, si Sabrina iyon. Ano ba talaga ang reason kung bakit kailangan niya ng asawa? For a show lang ba talaga?

Napailing na lamang ako at hindi na lamang iniisip iyon. Ang mahalaga ay nasa akin na ang titulo. Balang araw, tatayuan ko ng bahay ang lupa ni Papa at doon ako titira kapag natapos na ang lahat ng ito.

Tiningnan niya ako na may pagtataka sa kanyang mukha. Pinagmasdan niya ang padabog na paglapag ko sa papel at ballpen sa lamesa. Nagsulat ako ng rules kagabi nang maisip ko ang pagiging mag-asawa namin.

Of course! I need to protect myself from him. Kailangan may boses din ako at kailangan naming pag-usapan ang bawal at hindi sa pagpapanggap na ito.

Kunot-noo niyang kinuha ang papel at saka nagtaas ng kilay nang makita ang laman. Nagpatuloy naman ako sa pagsasalita.

“Naisip ko iyan kasi nakita ko sa isang movie na ikinasal for a show. Parang relate na relate tayong dalawa. Kaya may rules sila at ayan, may set of rules na tayo na dapat nating sundin,” paliwanag ko at humalukipkip.

Nag-angat siya ng tingin sa akin. “Really?”

“Ha?”

Bumaba muli ang tingin niya sa papel at binasa.

“First, separate ang room natin kapag wala ang Mommy mo at iba pa,” basa niya at tumango-tango naman ako. “What the hell? Ayaw mob a akong makatabi?”

Natawa ako sa kanyang sinabi. “Siyempre! Saka lang ako tatabi sa iyo kapag nandito ang parents mo o mga taong niloloko natin! Pero kapag wala, edi layo tayo sa isa’t isa.”

“No, hindi ako papayag.” At nagpatuloy siya sa pagbabasa.

Napailing na lang ako at pinakinggan siyang seryoso sa kanyang binabasa. Mas lalo lamang kumunot ang noo niya sa sunod na binasa niya.

“Hugs and smack kiss are only in public. No sexual intercourse.”  Napangiwi siya at nag-angat ng tingin sa akin.

Tinaasan ko siya ng kilay. “What?”

“Really?” aniya sabay tingin muli sa papel.

“Really.”

“You want us to kiss publicly?” pang-aasar na tanong niya at sumilay ang ngiti sa labi.

Biglang nag-init ang pisngi ko sa sinabi niya at binawi ang papel.

“Hindi!” ani ko at kinuha ang ballpen para mapalitan. “Ang ibig kong sabihin ay kapag meron lang tao at kapag kailangan lang,” paglilinaw ko.

“And no sexual intercourse,” dagdag niya at tinaasan ako ng kilay. “Why?”

Bumilis ang paghinga ko sa tanong ng  lalaking ito.

“Siyempre! Ibibigay ko lang ang pagkabirhen ko sa lalaking mamahalin ko! At saka wala naman akong pakialam kung makipagjugjugan ka sa ibang babae hangga’t kasal tayo basta huwag ka lang magpapahuli!”

Umiba ang timpla ng mukha niya sa huling sinabi ko. Kita ko ang pag-igting ng panga niya kaya napakagat ako sa ibabang labi ko.

“Cut the rules,” malamig na sambit niya at tila nadismaya pa sa akin. “I don’t want that!”

Tumayo siya at akmang iiwan ako sa sala ngunit pinigilan ko siya sa pamamagitan ng paghawak sa kanyang braso. Napatayo na rin ako dahil muntik na akong mahila.

Para akong nakuryente nang hawakan ko ang braso niya. Halos napaso ako at gusto ko sanang bitiwan kaso ay baka aalis siya at hindi tatapusin ang pag-uusap namin.

“Ashton, sandal!”

Hinarap niya ako at bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa malamig niyang tingin sa akin.

“You think I’m that kind of guy?” tanong niya at nakita ko ang pag-igting ng kanyang panga.

Napalunok ako dahil galit na yata siya. “W-What do you mean?”

Agad akong nag-iwas ng tingin at napaatras nang humakbang siya papalapit sa akin. Nang silipin niya ang mukha ko ay napapikit ako at mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko.

Naramdaman ko ang kanyang hininga sa pisngi ko at ang kanyang tungki ng kanyang ilong sa balat ko. Napalunok ako lalo.

“You think I fuck girls while I’m married?” mahina ngunit mariin niyang tanong sa akin.

Naramdaman ko na parang nainsulto siya sa sinabi ko kanina kaya napasinghap ako sa tanong niya.

Mas lalo lamang bumilis ang tibok ng puso nang naramdaman ko ang kanyang hininga sa tainga ko. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Itutulak ko ba siya? Kasi nandito kami sa sala at tingin ko ay nakita na kami ng mga kasambahay!

“I can’t do that, baby,” bulong niya sa tainga ko at napapikit na lamang ako nang hinalikan niya ang tainga ko bago niya ako nilayuan.

Nang nagdilat ako, nakapamulsa na siya at malamig akong tiningnan.

“Throw that paper away or I’ll kiss you even if you don’t want to,” malamig niyang sambit bago ako iniwan mag-isa sa sala.

Napaupo na lamang ako sa upuan at nakahinga nang maluwag nang nakaalis siya. Pinagtampal-tampal ko pa ang bibig ko dahil kung ano-ano na lang ang lumalabas.

*** 

Nagpaalam ako saglit kay Ashton na makipagkita ako kay Cheska sa isang fast food chain. Oo, pinayagan niya ako pero may kasamang dalawang bodyguard na siyang ikinairita ko.

Hindi ko akalain na ganito pala siya ka-paranoid. Bakit kailangan ko pa ng bantay? As if naman makakatakas ako sa kanya! At saan naman ako pupunta kung lalayasan ko siya?

Sus!

Habang nagtitipa ako ng mensahe kay Cheska para alamin kung nasaan na siya, pinagtitinginan kami ng mga tao dahil sa mga kasama ko. Inis akong napatigil sa ginagawa at hinarap ang dalawa na sobrang ayos ng tindig.

Naka-shades sila at naka-uniform kaya mas lalo lamang akong nahiya. Pareho kasi kaming naka-all black at naka-shades pa ako. Para kaming may a-attend-an na patay. At hindi lang iyon, pinayungan pa ako ng isa kaya mas lalo lang akong nahiya.

Buntot kasi sila nang buntot sa akin, eh!

“Puwede huwag na lang kayong sumama?” pakiusap ko sa bodyguards ko na iisa lang ang expression sa mukha. Naka-poker face at may suot na shades. “Hindi naman malayo itong pupuntahan ko. Hindi ko naman lalayasan ang boss niyo!”

Hanggang tingin lang ang iginawad sa akin at hindi ako sinagot. Naibagsak ko ang balikat ko. Bawal ba silang magsalita?

Lumapit ako sa isang bodyguard at hinawakan ang braso. Nagulat siya sa ginawa ko at medyo napatalon.

“S-Sige na po. Mabait naman ako at aka kaibigan ko ’yong kikitain ko,” pagmamakaawa ko pero hindi nila ako kinibo.

Kaya ang ending, nagpapadyak na lang ako sa inis at minura-mura sa isipan si Ashton. Nagpatuloy na lamang ako sa paglalakad habang sila ay sunod nang sunod sa akin.

***  

Halos lumabas ang eyeballs ni Cheska sa kanyang mata habang naiilang na napasulyap sa katabi ko at sa katabi niya.

Nandito kami sa McDonalds dito sa Moalboal katabi lang ng mall na mismong pagmamay-ari ng Ashton na iyon. Dito lang kami dahil favorite namin itong dalawa ni Cheska tuwing break time.

“A-Anong m-meron?” nauutal na tanong ni Cheska at nilakihan ako ng mata. “H-Hindi ka man lang nagsabi na m-may k-kasama ka pala, Kat.”

Sinipa niya ang paa ko sa ilalim ng lamesa kaya sinamaan ko siya ng tingin.

“Ipapaliwanag ko sa iyo later,” mahina kong sambit at sinipa siya pabalik.

Tumango siya at saka plastik na nginitian ang dalawang bodyguard ko.

“Order na kayo mga sir! May pag-uusapan lang kami ni Kat.”

Pero parang walang narinig ang dalawa dahil hindi nila pinansin ang sinabi ni Cheska. Napasapo na lamang ako sa aking noo sa sobrang stress.

“Ang hirap naman nito!” reklamo ni Cheska kaya napalingon sa kanya ang katabi niyang bodyguard.

Ang simangot na mukha ni Cheska ay napalitan ng isang plastik na ngisi. Kuminang-kinang pa ang mata ng bruha kaya napairap ako.

“I mean…ang hirap kasi…you know, bonding naming ito ng friend ko tapos may ka-date pala kami.” At awkward na tumawa si Cheska.

Mandiri ka nga, Cheska!

Tumikhim si Cheska at tumayo sa sobrang awkward na atmosphere na meron kami ngayon.

“Order lang ako.”

Tumango lang ako at nilingon ang dalawa kong kasama. Nginitian ko sila. Ngiti na hindi abot tainga.

“Gusto niyo rin kumain? Ano’ng gusto niyo? Burger? Fries? Chicken?” subok ko dahil baka pagkain ay bibigay sila sa akin.

Pero hindi. Wala pa rin silang imik. Kaya sumuko na lang ako at minura lalo sa isip si Ashton.

***  

“Kinakabahan ako sa results!” ani Cheska at sumubo sa burger niya.

“Ako rin,” matamlay kong sabi sabay lingon sa dalawa kong kasama na kumakagat na ng burger na bili namin ni Cheska.

Napailing na lang ako at ginalaw na ang pagkain ko.

“Kahit ano ang mangyari, huwag mawalan ng pag-asa, ah? Kung hindi man tayo makapasa o isa satin ang hindi makapasa, may next time pa.”

Tumango ako at bumuga ng hangin. Pagkatapos naming kumain ay lumabas ng kami ng McDonalds at dumiretso sa mall kung saan nakita ko na naman si Miranda na nakatingin sa amin.

“Taray, kung makatingin ah!” bulong ni Cheska.

Nang makalapit kami sa banda ni Miranda ay nakita ko ang pag-irap niya at tumingin sa kasama ko na bodyguards.

“Wow, may double date kayo?” natatawa na tanong ni Miranda sabay takip sa kanyang bibig.

Kinunutan ko siya ng noo at inangat ko ang ring finger ko na siyang ikinatigil niya.

“Puwede ba? Huwag kang malisyosa? I’m married. At puwede ba? Approach us nicely kasi customer mo kami ngayon.”

“At saka hindi naming ito ka-date no!” singit ni Cheska sabay lingon sa dalawa na nasa likuran naming. “Bantay ito ni Katarina. Mga bodyguards niya iyan! Baka kapag may ginawa kang masama kay Kat, baka isang kamao ka lang ng mga ito. Buti hindi sila pumapatol sa babae kahit sobra-sobra ka na.”

Umawang ang labi niya at saglit na natulala bago umirap at nag-walk out.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top