Chapter 20

Chapter 20

"Dito ba?" tanong niya at kinapa-kapa ang zipper ng lintek na gown na ito.

Naka-blindfold kasi siya. Ako mismo ang naglagay para sigurado.

"Hindi, ibaba mo pa," hindi makapaghintay ko na sabi at napairap.

"Ang higpit naman ng pagkatali," aniya, ang tinutukoy ay ang blindfold niya. "Hindi naman kita sisilipan. Pinapahirapan mo pa ako, eh."

Tinampal ko ang kamay niya nang tumagilid ang pagkapa niya.

"Malapit na ang zipper. Lumiko ka pa! Baka naman gusto mo lang mahawakan ang boobs ko!" inis kong sambit at sinubukan kong abutin ang zipper ko.

Grabe, hindi ko maabot 'yong zipper. Ang daming pasikot-sikot sa gown na ito. May mga kaunting butones pa. Parang gusto ko na lang punitin para matapos na.

Nang hindi ko naramdaman ang kanyang kamay sa suot ko, nilingon ko siya. Nahuli ko siyang nakangisi.

"Hoy!" sita ko sabay taas ng aking kilay.

"May boobs ka ba?" pang-aasar niya.

Kinurot ko ang tagiliran niya sa inis.

"Aray!" reklamo niya at medyo lumayo sa akin. "Parang battered husband na ako nito, ah!"

Nanlilisik ang mata ko habang tinitingnan siya. "Anong walang boobs? Kung gusto mo ng maraming boobs, doon ka sa aso! Marami! Magpakalunod ka! Pare-pareho lang kayong mga lalaki, eh, no, boobs ang habol! Ayaw sa ugali!"

Hindi ko alam kung saan ko napulot ang mga katagang iyon pero naiinis kasi ako kapag jinu-judge nila ang nananahimik ko na boobs.

Tinanggal ni Ashton ang blindfold at tinapon sa kung saan. "Talikod ka ulit."

Lumapit siya muli sa akin at puwersahan niya akong pinatalikod. Walang kahirap-hirap na binaba niya ang zipper at saka agad lumayo sa akin. Nang nilingon ko siya ay nasa may pinto na ang kanyang tingin.

Bumuntonghininga ako. "May damit ba rito? Ayaw kong magsuot ng lingerie!"

Asa naman siya na ipapakita ko ang kasexyhan ko. At saka hindi ko rin masisisi si Tita dahil akala niya ay kami pa rin ni Ashton. Kasalanan talaga ng lalaking ito kung bakit niya nilihim kay Tita! Mas lalo tuloy kaming nahihirapan ngayon.

Tumikhim siya kaya sinamaan ko siya ng tingin. "Ano? Huwag mong sabihin na hubo't hubad akong matutulog?"

Hawak-hawak ko pa rin ang laylayan ng gown at hindi hinuhubad hangga't wala pa siyang damit na ilalahad sa akin.

"Hindi pa ako nakabili ng mga damit mo. But you can wear my shirt. Open the walk-in-closet," aniya sabay turo sa walk-in-closet na nasa right side niya.

Napailing na lamang ako dahil at nagtungo na sa walk-in-closet.

***

Nang nakapagbihis na ako ay napatingin ako sa salamin at halos umabot hanggang tuhod ang damit niyang Gucci ang brand. Kulay itim at sobrang simple lang sa paningin. Hindi na lang ako magtatanong sa presyo dahil baka mapairap na lang ako sa sobrang expensive.

Habang nakatingin ako sa full size mirror, napagtanto ko na sobrang liit ko pala kung katabi ko si Ashon. Ang ulo ko nga ay hanggang panga niya lang kaya talaga namang kinailangan ko pang tumingala kapag nag-uusap kami.

Paglabas ko sa walk-in-closet ay wala na si Ashton sa kuwarto pati na rin ang lingerie. Mabuti naman dahil baka aatakihin ako sa puso.

Inilibot ko ang muna ang aking sarili sa buong second floor bago ako bumaba. I can't believe na ganito na siya kayaman. Oo, alam ko na noon pa man na mayaman siya, pero sariling sikap niya ito. Nalaman ko na lang na sobrang yaman na niya at successful. May sariling kompanya at may pangalan na sa industriya. He achieved so much na siyang kabaliktaran naman sa akin na hanggang ngayon ay hindi pa rin umuusad sa buhay.

Pero kahit gano'n, hindi ako kailanman sumusuko. Kahit utot-uto ako minsan ay positibo pa rin naman ang pananaw ko sa buhay. Noong hindi ko naipasa ang unang board exam, naghanap agad ako ng trabaho. Nagsikap ako at sinubukang mag-ipon.

Nang mawala si Papa sa piling namin ay iyon na yata ang pinakamasakit na naranasan ko. Hindi ako handa noon at muntik pa akong nawalan ng gana sa buhay. Pero alam ko na hindi gusto ni Papa na maging malungkot kami dahil lang sa nawala siya sa piling namin.

Palaging sinasabi ni Papa dati na lahat ng problema ay masosolusyonan. Nakadepende lang sa atin kung paano tayo aahon sa problemang iyon. Kung magpapadala ba sa daloy ng problema o gagawa ng paraan para makawala.

Kaya naman kahit na sobra-sobra na akong pinarurusahan ng kamalasan, umaasa pa rin ako na balang araw, matatamasa ko rin ang tagumpay.

Kaya siguro tama lang din na hiniwalayan ko si Ashton. Kahit sobrang nasaktan ako sa desisyon ko, tama lang din. Kasi kung hindi, baka hindi niya makuha ang lahat ng ito. Wala siyang future sa akin at mas lalong hindi kami bagay.

Pero nakakatawa, no? Kasi ngayon, nasa tabi ko na siya, pinakasalan namin ang isa't isa.

Nang nakarating ako sa kitchen ay natigilan ako sa paglalakad nang nakita ko siyang nakatalikod sa akin. May apron ang kanyang katawan at may dala siyang sandok. Hindi ko maiwasan ang mamangha sa kusina dahil sobrang lawak at ang modern talaga. Puwede na ang sampung tao sa kusina na ito para magluto.

Well, bakit naman hindi pabobonggahin ang kusina kung may pera naman siya, hindi ba? Kaya niyang palakihin kahit gawin pa niyang restaurant dahil may pera siya.

Siguro kompleto ang mga gamit dito. Hindi naman ako masyadong mahilig sa pagluluto dahil paminsan-minsan lang din ako umaapak sa kusina namin. Si Ate kasi ang nagluluto.

Nagpatuloy na ako sa paglalakad at tumikhim para makuha ang atensyon niya. Umupo ako sa isang high chair sa may counter table ng kitchen niya. Nilingon niya ako saglit bago ibinalik ang tingin sa niluluto.

Nilagay ko ang kamay ko sa lamesa. "Ano ang niluluto mo?" tanong ko.

"Just dinner," simpleng sabi niya.

Kumunot ang noo ko at napahalukipkip. "Ano?"

Tamad niya akong nilingon ngunit nataranta siyang tumalikod pabalik na siyang ipinagtataka ko.

"Shit!"

Nagmura siya at in-off ang stove. Nakita ko rin ang paghubad niya sa gloves niya at nilagay sa gilid. Mas lalo akong nagtaka.

Bakit siya gano'n? May nakita ba siya na ikinataranta niya?

"Are you okay?" nag-aalala kong tanong at kinalas ang pagkahalukipkip.

Nakatalikod pa rin siya sa akin ngunit kita ko na para siyang natatae. Nang bahagyan siyang tumagilid ay nakita ko ang pagpula ng kanyang tainga.

Umawang ang labi ko at mas lalo lang nag-alala.

"Ashton."

"T-The...t-the..." Halos hindi niya maituwid ang sasabihin niya.

Bumaba ako sa high chair at napagdesisyonan na lapitan siya. Ngunit nang napansin niya ang paglapit ko ay namilog ang mata niya at tarantang tumalikod muli sa akin. Ayaw yata akong makita!

Tumigil ako at pinamewangan siya. "Ano ang problema mo?"

Naiinis na ako, ah!

"W-What...wh-what—"

"Ano ba kasi?"

Puwersahan ko siyang pinaharap sa akin at napasinghap ako nang nakita ko na namumula siya pati na rin ang kanyang leeg. Agad siyang pumikit.

"Wh-What the hell are you w-wearing?" tanong niya at dumilat. Umiwas siya agad ng tingin at kinagat ang ibabang labi.

"Huh?" Sinilip ko ang mukha niyang namumula pa rin. "Ano ang problema sa suot ko?" Inangat ko ang laylayan ng damit na suot ko kaya nakita ko ang paglunok niya. "Damit mo ito, ah?"

Mahina ko siyang itinulak kaya napatingin siya sa akin.

"Shit! Bakit h-hindi ka nagba-bra?"

Namilog ang mata ko sa tanong niya at agad napatingin sa sarili.

Kaya ba gano'n siya makapag-react dahil wala akong bra? Ang OA.

Napangisi ako. "Wala. May problema ka ba roon?"

Nagsalubong ang kilay niya sa sinagot ko. "What? What if hindi ako ang kasama mo? What if hindi ako ang kasama mo at ibang lalaki? Ganiyan ka rin?"

Napawi ang ngisi ko. Ano ba ang pinagsasabi ng lalaking ito?

"Ano ba ang punto mo? Nasa bahay naman ako at hindi ko kailangang magbra kasi malaki naman itong suot ko at maluwag!"

Napahilamos siya sa kanyang mukha. Stress na stress na yata siya sa akin.

"Shit! You are making it difficult for me, woman!"

"Ano? Paanong naging difficult? Ano ba ang problema mo sa boobs ko? Kanina ka pa, ah!" naiinis kong sabi. "Hindi ka ba sanay na may walang bra sa bahay mo?"

Paano ko ba malalaman kung sanay ba siya o hindi? Hindi na rin ako magtataka kung may dinala siyang babae dito bago niya ako nakita ulit at may ginawang kababalaghan. Hindi naman santo itong si Ashton at alam ko na may pangangailangan ito. Baka nga nakahubad pa siguro habang naglalakad dito ang babae niya habang pinapaligaya siya.

Pero ngayon, umakto siya na parang birhen at hindi sanay sa ganitong bagay.

"I can clearly see your boobs!" malakas niya na pagkasabi at nag-walk out.

"Jusko, bakit mo ba pinoproblema ang boobs ko? Hindi naman masyadong kita." Napailing na lamang ako at lumapit sa stove kung saan naiwan ang kanyang niluto.

Bigla tumunog ang tiyan ko sa nakita. "Wow. Ang sarap naman nito." Kumuha ako ng tinidor at saka tumikim ng isa.

Nang masarapan ako ay kumuha na ako ng pinggan at napagdesisyonan na kumain.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top