Chapter 19

Chapter 19

“You may now kiss the bride.”

Napalunok ako nang sabihin iyon ng pari. Nakatingin lang sa akin si Ashton habang ako ay nilakihan ko na siya ng mata.

“Smack lang, ah,” paalala ko sa kanya.

Nakita ko na ngumisi siya nang sinabi ko iyon kaya kumunot ang noo ko. Ano’ng ngiti iyan?

Binuksan niya ang belo ko at biglang hinapit ang bewang ko kaya napasinghap ako at saka naisampa ang palad ko sa kanyang matipuno na dibdib. Bumilis ang pintig ng puso ko dahil sa ginawa niya.

Napalunok ako lalo na nang ipinosisyon niya ang kanyang sarili para may magandang angle sa paghalik. Pumikit ako at halos nagpipigil na ng hininga. Akala ko ay smack lang ang gagawin niya nang siniil niya ako ng halik gaya ng gusto ko ngunit ilang segundo ang nakalipas ay hindi niya pa rin nilubayan ang labi ko kaya naman ay nagmulat ako at inapakan ng heels ang paa niya.

“Ouch!”

Kumawala siya sa paghalik sa akin at hindi makapaniwala akong tiningnan. Inirapan ko siya at ngumiti sa harap ng madla. Kita ko ang saya sa mukha ng mga bisita. Mga kaibigan at mga kapamilya yata ito ng mga Monteverde.

“Congratulations!” bati nila sa amin.

Tipid akong ngumiti at napalingon kay Ashton na ngayon ay nakipagkamayan sa mga bisita. Mabuti naman at hindi gaano katagal dahil gusto ko nang umuwi.

Umuwi? Teka, may uuwian pa kaya ako ngayon?

Napatingin tuloy ako sa mamahaling singsing na inilagay ni Ashton sa daliri ko. Kapag maghihiwalay na kami ay isasangla ko ito para naman magkapera ako. Kapag maghihiwalay na kasi kami, mayaman pa rin siya samantalang ako ay hindi.

Bago nagsiuwian, nag-picture taking muna. Wala kasing reception kasi nagmamadali din ang lalaking ito na magpakasal. Mabuti na lang din dahil baka hindi ko kayanin.

“Ashton! Bakit naman kasi padalos-dalos ka sa kasal? Katarina deserves the best!” ani Tita Amore habang nakahawak na sa kamay ko. “Mas maganda na may reception!”

Nasa labas na kami ng simbahan habang si Ashton ay nasa may pintuan na ng puting sasakyan kung saan sasakay kami patungo sa bahay ni Ashton.

“Tita,” ani ko sabay ngiti sa kanya. “Okay lang naman.”

Kumunot ang noo ni Tita Amore at tinanggal ang pagkahawak sa akin. “Tita?” tanong niya, parang hindi niya pa nagustuhan ang sinabi ko kanina dahil sa tono ng kanyang pananalita.

Napakurapkurap ako. “P-Po?”

Matamis siyang ngumiti sa akin at saka binalingan si Ashton. “Drive safely, Ashton. Alalahanin mo ’yong tips na sinabi ng daddy mo.” Bumalik ang tingin ni Tita sa akin. “Call me, Mama. Okay?”

“Tita, anong tips?” Dahil tsismosa ako, nagtanong ako.

Agad naman akong napalayo kay Tita nang hinablot na ako ni Ashton. Binuksan niya pa ang pinto ng front seat.

“Don’t listen to her,” ani Ashton at binitiwan ang kamay ko.

Humagikhik si Tita Amore kaya napatingin ako sa kanya. “Tips kung ano ang posisyon para baby boy ang lalabas o hindi kaya ay baby girl. Enjoy your honeymoon!”

Umawang ang labi ko at napatunganga saglit. Nakita ko na namula ang buong tainga ni Ashton at ilang na bumaling sa akin. Nakita niya ang reaksyon ko kaya napasapo na lamang siya sa kanyang noo.

“I told you.”

Tumango ako at mabilis na pumasok sa loob ng sasakyan. Iniisip ko kung anong posisyon naman yata iyon? Gagi, namula ako bigla.

Huwag mo nang isipin iyon Katarina, dahil walang gano’n na mangyayari. Sinuko mo na nga ang first ever wedding experience mo pero huwag ang bulaklak!

Nang nasa loob na ako ng kotse ay sumunod naman si Ashton at pinaandar na niya ang makina bago ako binalingan.

“Seat belt,” aniya sabay nguso sa seat belt.

Sinunod ko naman ang kanyang sinabi. Nag-seat belt ako at saka umupo nang maayos.

“Let’s go.”

At bumyahe na kami.

Tahimik lang ako hanggang sa nakarating na kami sa tahimik ngunit moderno niyang bahay. Nag-iba tuloy ang pakiramdam ko. Wala kasi akong nakita na mga kasambahay na siyang ipinagtataka ko. Hindi rin gaano kaliwanag ang ilaw kaya obvious ang pagkatahimik.

Palihim kong sinulyapan si Ashton na ngayon ay parang namomoblema pa yata.

“Anong meron?” tanong ko sa kanya kaya napatingin siya sa akin. “Bakit wala ang mga maids mo?”

Umupo ako sa may sofa at pinagmasdan ang buong bahay niya na muntik nang manakawan nila Boboy.

Hindi niya ako sinagot. Kinuha niya ang phone niya at may tinawagan. Napairap na lamang ako at napatingin na lamang sa kanya. Naghihintay sa susunod namin na gagawin.

“Mom, where are the maids?” problemadong tanong ni Ashton sabay sulyap sa akin. Saglit lang ang pagsulyap niya dahil bigla na lamang siyang nanlumo. “W-What?”

Lumipat siya sa mas tahimik na lugar at hindi ko yata maririnig.

Bumuga ako ng hangin sa sobrang boring. Now, tapos na ang kasal. Ano na ang gagawin ko kinabukasan? Magluluto ba ako para sa kanya? Gano’n ba ang gagawin ko as his wife?

Napailing na lamang ako.

Marunong akong magluto pero huwag siya. Hindi ako marunong magluto ng pang rich kid kaya kapag gusto niya akong matikman—este ’yong luto ko.

Hayop ka, Katarina. Asa ka naman na magtikiman kayo. Last na iyong nakalaplap siya sa akin. Buwisit! Halos mapudpod na ang labi ko. Jusmiyo.

Napailing na lamang ako sa iniisip at humalukipkip na lamang. Ilang saglit lang ay bumalik na si Ashton na parang binagsakan ng lupa ang pagmumukha. Napatayo naman ako.

“Ano na?”

Bumagsak ang balikat niya. “Walang maids. Tayo lang ang nandito.”

Umawang ang labi ko at napapikit sa inis. Paano ako magbibihis? Hindi ko pa naman abot ang likod ko! Edi mag-gown na lang ako matutulog! Hindi iyon problema!

Nagdilat ako ng mata at saka napaupo muli. Napansin ko naman na parang naiilang siya sa akin kaya kinunotan ko siya ng noo.

“Ano?” kunot-noo kong tanong.

Tumikhim siya. “Do you want to eat?”

Tumaas ang kilay ko lalo nan ang nag-iwas siya ng tingin. “Oo naman, basta ikaw ang magluto.”

Gusto ko rin siyang tikman—este matikman ang niluto niya.

Ikaw talaga, Katarina, ang landi-landi mo ngayon.

I thought na magiging civil kami. Sabi niya, magpapanggap lang kami na sweet sa public. Isa rin sa rason kung bakit niya gustong magpanggap na kasal na para lubayan na raw siya ng mga reporter at media. Parang celebrity kasi itong si Ashton dahil nali-link siya sa bruhang Sabrina na iyon.

At isa pa, kahit baguhan pa siya sa business world, hindi naman iyon naging basehan para hindi niya masabayan ang matagal na sa business. Matinik din itong si Ashton gaya ng pinsan niyang si Kotaro sa negosyo.

Ano pala ang negosyo nila?

Sa pagkakaalam ko, ang mga Monteverde ay nagmamay-ari ng mga malls gaya ni Ashton na may sariling mall na. Mayroon din silang mga hotels, restaurants, at resorts. Bukod doon ay may planta rin sila.

“What do you want for dinner?”

Medyo nagulat ako sa tono ng pagkatanong niya. Masyado kasing malambing pakinggan kaya para akong naiilang bigla.

“H-Huh?” Tumikhim ako para bumawi sa pagka-utal. “Ikaw nga ang bahala. Ikaw naman ang magluluto, hindi ba? Bakit ako ang tinatanong mo?”

Teka? Bakit parang tunog galit ako?

Kumunot ang noo niya at lumapit sa akin. Yumuko siya para magka-level kami at saka inilapit ang mukha sa akin na siyang ikinaatras ko sa gulat.

Niliitan niya ako ng mata. “Bakit parang galit ka? Hmm?”

Napakurapkurap ako at saglit na natigilan dahil sa sobrang lapit naming. Nag-iba kasi ang pakiramdam ko. Parang katulad noon. Itinulak ko siya nang ma-realize ko na inaasar niya ako. Inayos ko ang gown ko at taas-noo siyang tiningnan.

“H-Hindi ako galit!” singhal ko. “Ganito lang ang boses ko.” At nag-iwas ako ng tingin.

Tingin mo maniniwala siya sa iyo, Katarina?

Tumango-tango siya at saka lumayo na sa akin. May ngisi pa rin sa kanyang labi. “Alright.”

Akmang tatalikod na sana siya para magtungo sa kitchen nang mapansin ko na naka-suit pa rin siya.

“T-Teka,” pigil ko.

Binalik niya ang tingin niya sa akin. “Why?”

Tinuro ko ang damit niya. “Magluluto ka ng naka-ganyan?”

Napatingin siya sa kanyang sarili at napabuntonghininga.

“Shit. Nakalimutan ko. We should get change first.”

At sa may hagdanan na siya dumiretso. Tumayo na ako at sumunod na rin sa kanya patungo sa hagdan. Napangiwi pa ako nang madaanan ko ang pagmumukha ko na nasa wall. Ang creepy talaga ng lalaking ito.

Inangat ko ang tela ng gown ko at saka sinabayan sa pag-akyat si Ashton.

“Ashton,” tawag ko.

“Why?” tanong niya habang patuloy sa pag-akyat.

“Puwede ka ba magpadala ng isang kasambahay dito?”

Natigilan siya sa tanong ko at kunot-noo akong binalingan. “Bakit? Naka day-off silang lahat.”

Umawang ang labi ko at napatingin sa gown ko. Paano ko ito huhubarin?

“Why?” tanong niya ulit nang napansin niya ang reaksyon ko. “May problema ba?”

Tiningnan ko siya at mabilis akong nagsalita. “Walakasingmaghuhubadsagownkohindikoabotanglikodko.”

Lito niya akong tiningnan. “Huh? Why are you talking like that?”

“HINDI KO ABOT ANG LIKOD KO! HINDI KO MAHUHUBAD ANG GOWN KO!” malakas kong sabi na siyang ikinapikit niya.

Inis ko siyang inirapan at nagpatuloy sa pag-akyat. Muntik pa nga akong madapa dahil muntik ko nang maapakan ang gown ko.

Nang makarating sa second floor ay natigilan ako dahil sa dami ng pinto. Sa bandang gilid ko ay nakita ko ang napakagandang view. Siguro ito ang terrace. Ganda naman.

“Edi ako ang maghuhubad niyang gown mo,” narinig kong wika niya at bahagyan pang natawa. “Problema ba iyon?”

Inis ko siyang nilingon. “Ano?” Dinuro ko siya. “Hoy, ha! Virgin pa ako at hindi ko hahayaan na mahawakan mo ako.”

Mas lalo lamang lumiwanag ang ngiti niya. Mas lalo yata siyang nasiyahan sa narinig. “Glad to know that.”

Napailing na lamang ako. “Gago! Matutulog na lang ako ng ganito kaysa magpapahubad sa iyo!”

Nagpapadyak ako sa inis.

“Come on!” Tumawa siya. “Gusto mo ay mag-blindfold pa ako para hindi ko makita.”

Nanlilisik na ang mata ko sa inis. “Ewan ko sa iyo!”

Lumapit na siya sa akin at hinawakan ang kamay ko. “Let’s go to our room. Don’t worry, hindi naman kita sisilipan. I am a man with respect.”

Napairap ako at sinubukan kong alisin ang kamay niya sa kamay ko.

“Baka manyak with respect! Bitiwan mo nga ako!”

“No. Let’s go to our room first.”

Wala akong magawa nang hinila na niya ako patungo sa isang pinto at binuksan niya ito. Tamad pa akong napatingin doon pero nang makita ko ang nasa loob ay natigilan ako samantalang si Ashton ay nanigas sa kanyang kinatatayuan.

Ang bumungad lang naman ay mga petals ng rosas na nagkalat sa sahig at nasa may kama rin. Naka-form ng heart. Namula ako bigla at hindi ko alam ang gagawin. Parang biglang sumakit ang tiyan ko sa nakita.

May scent candle pa!

“Ang sweet naman ng mommy mo,” nasabi ko na lang at pineke ko pa ang tawa ko sabay baling kay Ashton na sobrang pula na.

Kumawala ako sa hawak niya at kinuha ang isanng sticky note na naka-paste sa paper bag na nasa side table.

Kumunot ang noo ko at binasa ang nakalagay sa note.

‘Sana magustuhan mo ang gift ko, hija. Galingan mo sa paggiling nang makabuo kayo agad. – Mama Amore’

Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko. Basta parang gusto ko na lang matunaw sa hiya. Natulala ako saglit.

Tita, hindi naman kasi kami totoong couple.

Sa sobrang dami na pumasok sa isip ko, hindi ko namalayan na naagaw na pala ni Ashton ang sticky note at siya ang nagbasa. Kinuha niya rin ang paper bag at siya pa mismo ang nagbukas.

“Ashton? Ano ang laman?” tanong ko.

Inangat ni Ashton ang isang…lingerie?

Mas lalo akong namula at si Ashton ay namutla na. Tinapon niya bigla sa pagmumukha ko ang lingerie at nagmamadaling umalis.

Tita, ako na po ang nahihiya para sa inyo. Paano mo ito nagawa sa amin?

Nanlumo ako at napaupo na lamang sa sahig.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top