Chapter 18

Chapter 18

I smiled as I walked down the aisle. Sobrang kaba ko ngunit nagpatuloy pa rin ako sa paglalakad. Nasa tabi ko ang aking kapatid na ngayon ay nakasimangot. Para siyang namatayan dahil sa kanyang hindi maipinta na itsura. Hindi ko na lang siya pinansin at taas-noong naglakad sa red carpet.

Supposedly, ngayong araw sana ang pinaka-memorable day para sa mga babaeng kagaya ko. Na gustong makasal sa taong mahal, sa tamang oras at panahon. Pero wala akong oras para magsaya at maging emosyonal lalo na't hindi naman ito totoo. Para lang din itong role play at ako'y isang artista. Mahal pa naman ang fee ko. Lupa nga ang kapalit ng acting ko, eh.

Tumikhim ako at ngumiti sa lahat ng guest. I even waved my hands kaya kita ko mula sa malayo ang pagkunot ng noo ni Ashton. Napairap na lamang ako at madramang naglakad nang ako ay papalapit na sa kanya. Dapat lang ay galingan ko sa pag-acting para matapos na ito. Ngayon lang naman ito at—ARAY!"

Namilog ang mata ko at napasigaw sa sakit nang bigla na lamang akong natapilok kaya nadapa ako sa red carpet. Sumubsob ang mukha ko sa sahig at tumilapon ang bulaklak malayo sa akin.

"Ouch!"

Napangiwi ako sa sariling katangahan ko at agad tumayo nang ma-realize ko na pinagtawanan na ako ng mga bisita. Napaatras ako dahil sa kahihiyan.

Hagikhik at tawanan ang narinig ko sa buong simbahan kaya sumikip ang dibdib ko at napailing. Nangilid ang luha sa aking mata at binalingan ko si Ashton na ngayon ay tumatawa rin. Binalingan ko ang kapatid ko na ngayon ay nakataas ang kilay. At narinig ko na naman ang kanyang huling sinambit nang mag-away kami.

"Huwag kang magsisi sa huli, Katarina!"

"Huwag kang magsisi sa huli, Katarina!"

"Huwag kang magsisi sa huli, Katarina!"

Umawang ang labi ko at mas lalo lamang napaatras. Hinawakan ko ang ulo ko dahil sakit na nararamdaman. Halos ang tanging naririnig ko lang at pumapasok sa isip ko ay ang kanilang tawanan. Ipinilig ko ang ulo ko.

Hindi. Hindi. HINDI!

"Hindi!" sigaw ko at agad bumangon.

Hinihingal ako habang inilagay ko ang aking palad sa aking dibdib. Tumingin ako sa paligid at napagtanto ko na wala pala ako sa bahay. Narito ako sa bahay ng mga Monteverde. Napalunok ako at napapikit. Anong klaseng panaginip ba iyon? Pati ba naman sa panaginip ay tanga pa rin ako?

Nagmulat lang ako kasabay ng pagkunot ng noo ko nang biglang bumukas ang pinto ng kuwarto at iniluwa roon ang isang magandang babae na may magandang ngiti at mukha. Marahan niyang isinara ang pinto pabalik habang may tray sa kanyang kamay.

"Good morning, Ma'am!" bati niya sabay tungo sa akin. Inilapag niya ang dala niyang tray sa side table.

Tumango ako at pinagmasdan siya. Hindi ko maiwasan ang ma-insecure. Ang ganda niya para maging kasambahay. Mahaba at straight ang kanyang maitim na buhok. Black din ang kanyang mata at may maputi siyang balat. Wala siyang kahit anong pimples sa mukha. Makapal at mahaba ang kanyang pilikmata at ang kanyang kilay ay porma at makapal. In short, parang barbie ang bata na ito.

And oh—dimple! Sana all.

Napakurap ako nang nahuli niya akong nakatingin sa kanya.

"Hi, Ma'am. You drink your coffee. Order you from Senyora."

Unti-unting nalaglag ang panga ko sa narinig. Alam ko na hindi rin ako kagalingan sa English pero hindi ko maiwasan ang mapangiwi. Ganito na ba talaga ako ka-judgmental? Sunog na sunog na ang kaluluwa ko sa impyerno.

Kinuha niya ang tasa ng kape sa tray at ibinigay niya iyon sa akin. Tinanggap ko naman ito at tiningnan siya muli.

"S-Salamat." At unti-unti ko itong sinimsim.

"Ma'am!"

Napatingin ako sa kanya at natigilan sa pag-inom. "Bakit?"

"You beautiful, Ma'am!" Suminghot siya bago nagpatuloy. "You smelly too, Ma'am!"

Namilog ang mata ko sa sinabi niya at biglang kumulo ang dugo ko. Anong smelly?

Pinigilan ko ang sarili ko na mainis sa kanya. I need to calm myself first dahil baka na misunderstood ko lang ito.

Ibinaba ko ang kape. "Ano?"

"You smelly, Ma'am!" ulit niya at humagikhik.

Inamoy ko ang sarili ko para malaman kung nagsasabi ba ng totoo ang babaeng ito at hindi ko maiwasan ang mainis lalo na't wala naman akong putok.

"You smell yourself, Ma'am. So smelly," dagdag niya pa.

Palihim kong kinuyom ang kamao ko at pekeng ngumiti sa kanya. "Hija, m-marunong ka bang magtagalog?"

Kita ko na bigla siyang nahiya at naibaba ang tingin. "O-Opo, Ma'am. Sorry, trying harder daw ako mag-english. Gusto ko po kasing makapag-aral ulit."

Napalitan ng kalungkutan at awa ang pagkainis ko sa kanya.

"Bakit mo gustong matuto mag-english?" Hindi ko maiwasan ang magtanong.

Bumuntonghininga siya at nag-angat ng tingin sa akin. Ngumiti siya. "Gusto ko kas imaging flight attendant pero hindi ko kaya, eh, kaya iba na muna ang work ko ngayon."

Mahirap ang sitwasyon niya but she remained positive. Buti pa siya. At ang ganda niya talaga. Sigurado ako na kahit mayayaman ay mabibighani sa batang ito.

Tumikhim ako. "Ano'ng work mo ngayon?"

"Plate Attendant."

Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya at kahit gusto kong matawa ay mas nanguna pa rin sa akin ang gulat.

"P-Plate a-atendant?"

Unti-unti siyang tumango at ngumiti sa akin. Inangat niya pa ang palad niya at nag-action na naghuhugas ng pinggan.

"Plate Attendant," ulit niya at kinuha ang halos ubos na kape sa kamay ko. "Taga hugas ako ng pinggan sa bahay ng mga Monteverde, Ma'am."

Inilapag na niya sa tray ang kape at ngumiti siya sa akin. Tinuro niya ang pinto. "Sige Ma'am, babalik na ako sa profession ko. Good luck sa kasal, Ma'am! Best wishing well."

Natawa ako at napailing sa kanya. Muntik ko na ngang makalimutan na ngayon na ang araw ng kasal ko. Siguro kaya ako nanaginip kasi ngayon pala ang kasal. Bumuntonghininga ako at saka bumaba na sa kama upang maligo.

Pagkatapos kong maligo, magbihis at suklayin ang buhok ko, lumabas na ako. Nakita ako ni Tita Amore kaya lumapit siya sa akin at hinila ako. Ngayon ko lang napansin na ang dami pala nilang kasambahay at lahat sila ay may kanya-kanyang trabaho. Halos mabingi ako dahil sa pasigaw na utos ni Tita Amore sa kanyang mga kasambahay ngunit hindi iyon sigaw na nakakasakit.

Hinawakan ni Tita Amore ang palapulsuhan ko at hinila ako patungo sa isang kuwarto. Nagpahila na lamang ako sa kanya.

***

"Jusmiyo, Senyora! Hindi ko akalain na ikakasal na ang anak mo na si Ashton! Biglaan naman yata!" hindi makapaniwalang sambit ng makeup artist habang nilalagyan na ako ng foundation sa mukha.

Tumawa si Tita Amore at ngumiti sa lahat. "Oo, nagmamadali kasi ang anak ko para makapag-honeymoon na sila."

Namilog ang mata ko sa gulat habang nasa salamin ang aking tingin. Ano? Honeymoon? Hindi mangyayari iyon! Asa naman kayo na bibigay ako kay Ashton! He!

Nang matapos nila akong pagandahin at ipasuot sa akin ang gown na sobrang ganda at saktong-sakto sa akin, pinaharap ako ng makeup artist sa salamin.

"Ganda ng bride, ah," komento ng makeup artist.

Uminit ang pisngi ko at nakagat ko na lang ang labi ko dahil sa papuri.

Pumalakpak ng isang beses si Tita Amore at lumapit na rin sa amin. "Oo naman. Hindi naman pipili ang anak ko ng chaka!"

Napangiwi ako sa narinig at hindi na lang nagsalita. Nang matapos na ang lahat, umalis na ang mga nag-ayos sa akin at naiwan naman kami ni Tita Amore na agad namang hinawakan ang kamay ko. Napatingin ako sa kanya.

"Hindi ko akalain na ikakasal na kayo ng anak ko," madramang wika niya kasabay ng pagtulo ng luha niya. "Parang kalian lang ay pinakilala ka sa akin ni Ashton tapos ngayon ay ikakasal na kayo."

I faked my smile. Hindi ko maiwasan ang ma-guilty. Sobrang saya kasi ni Tita at ang maisip na lokohin siya ay parang ang bigat sa dibdib. Kung alam lang ni Tita, mahirap din para sa akin ang ganito. Wala na kami ng anak niya, eh, pero ang tuso talaga ng anak niya dahil gumawa talaga ng paraan mapapayag lang ako. Kailangan ko siyang pakasalan para sa lupa.

"Oo nga Tita, eh." Sinakyan ko na lang para hindi halata.

Pinalis niya ang luha sa kanyang mata at ngumiti sa akin. "Let's go. Nasa simbahan na si Ashton. Don't worry, family and friends lang naman ang a-attend. Kotaro couldn't help us dahil busy siya kaya you don't have to worry about the guests. Sad pa rin ako dahil hindi pala maka-attend ang Ate mo."

Iyon nga, eh. Galit pa rin sa akin si Ate. Naintindihan ko naman nag alit siya dahil nakita niya't nasaksihan kung gaano ako nasaktan noon nang naghiwalay kami ni Ashton. Sinabi ko rin kasi sa kanya ang lahat kaya naging number one hater na si Ate kay Ashton. Ang sabi ni Ate sa akin, komunikasyon ang talagang problema sa relasyon namin ni Ashton. Dagdag na lang daw ang rumor na pambabae niya.

Nang makarating kami sa simbahan ay hindi ko mapigilan ang kabahan. Ang weird pero naisip ko na naman ang marriage both namin ni Ashton noong college kami. Noong nagpakasal kami sa marriage both ay naalala ko pa kung gaano siya ka-seryoso kahit fake marriage lang iyon.

Ngayon, ikakasal na ako sa kanya. Hindi dahil mahal namin ang isa't isa, kundi may mga kailangan kaming unahin kaya humantong sa ganito. Wala naman akong masyadong vow. Nag-research lang ako dahil hindi ko kayang gumawa ng vow sa kasal na hindi naman talaga genuine.

Pumwesto na ako sa harap ng pinto ng simbahan at ramdam ko ang kaba ko. Lumapit sa akin si Tita Amore at kumapit ako sa braso niya.

At nang tumunog ang 'A Thousand Years' ay bumukas ang pinto ng simbahan at nagsimula na kami sa paglakad.

Heart beats fast

Colors and promises

How to be brave?

How can I love when I'm afraid to fall?

But watching you stand alone

Napalunok ako habang naglalakad ako sa aisle. Kasabay ng paglunok ko ay ang pagbilis ng pintig ng puso ko. Unti-unti kong dinama ang kanta at inalala ang masayang alaala naming dalawa noon. Para tuloy akong naluha habang naglalakad patungo sa kanya.

Kahit sa malayo, kita ko ang pagtitig niya sa akin. Nakita ko kung paano umawang ang kanyang labi at ang paglunok niya. Kung makatitig siya sa akin ay parang ako na talaga ang babaeng hinihintay niya.

Napalunok ako muli. Kung ito'y totoo man. Kung totoo lang na mahal pa rin naming ang isa't isa hanggang ngayon, siguro ito na ang pinakamasayang araw para sa akin at para sa kanya.

One step closer...

At siguro kung wala lang naging sagabal at hindi lang kami nagkaproblema noon, sigurado ako na masaya kami ngayon. Kung maibabalik ko man ang oras, siguro kasal na ako sa kanya since iyon ang pangarap naming dalawa. Kung hindi lang niya ako binalewala. Kung hindi lang niya pinaramdam sa akin ang hindi importante, baka...

I have died everyday everyday waiting for you

Darling, don't be afraid

I have loved you for a thousand years

Maybe we could still happen...

I'll love you for a thousand more...

Nang makarating na kami sa puwesto ni Ashton, naglahad ng kamay si Ashton sa akin. Hindi ko alam kung tatanggapin ko ba o hindi. Napalunok ako at halos hindi na makahinga.

Nangilid ang luha ko nang magtagal ang titig ko sa kamay niyang naghihintay sa akin. Kinurap ko ang mata ko at nag-angat ng tingin sa kanya. Kita ko ang seryoso sa kanyang mga mata. Walang halong biro o kung ano pa.

"Take my hand," mahina niyang sambit. "Katarina."

Napalunok ako at unti-unting tinanggap ang kamay niya. Pagkatapos no'n, inilapit niya ang kanyang mukha sa akin at saka bumulong.

"Let's get married." At iginiya niya ako para maharap kami sa pari. 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top