Chapter 14
Chapter 14
"Usap-usapan ang nangyari kanina. What was that, Katarina? Totoo ba iyon?" pinaghalong gulat at pagtatakang tanong ni Cheska sa akin sa kabilang linya.
Tumawag kasi siya sa akin habang nandito pa ako sa bahay ni Ashton. Inasikaso ako ng mga kasambahay at pinilit pa akong kumain kahit hindi naman ako gutom. Mabuti at wala rito si Ashton dahil ayoko muna siyang makita.
Bumuga ako ng hangin at saka tamad na sumandal sa couch. Kinagat ko ang labi ko at saka nagbaba ng tingin. "Yes," sagot ko.
Napapikit ako. Kinailangan ko pa bang sabihin sa kanya na ikakasal na ako kay Ashton? Hindi niya naman kilala si Ashton. Hindi ko kinuwento kay Cheska ang previous relationship ko dahil ayaw kong pag-usapan pa.
She gasped. "T-Talaga, Kat? Omg!" Tumili siya. "Bigatin iyon! May-ari iyon ng mall na pinagtrabahuan natin. Akala ko ba ay wala kang jowa. Hindi ka man lang nagkuwento," medyo nagtatampo niyang sambit sa huling sinabi niya.
I could imagine her pouting like a baby. Napangiti tuloy ako at napamulat. Ngunit sa pagmulat ko, bumungad sa akin ang nakakunot-noo na si Ashton. Bigla akong naging balisa dahil sa kanyang titig. Nagdadalawang-isip ako kung ano ang uunahin ko.
Napalunok ako at agad nag-iwas ng tingin. Hinigpitan ko ang hawak ko sa phone ko at kinagat ang ibabang labi.
"H-Huwag kang mag-alala, Ches. Sasabihin ko sa iyo ang lahat kapag kaya ko na. Sa ngayon, believe what you believe," iyon ang huli kong sinabi bago ko ibinaba ang tawag.
Agad kong inilapag sa lamesa ang luma kong phone nang nakita ko siyang naglakad palapit sa puwesto ko. Umayos ako ng upo at saka tinaasan siya ng kilay.
"Ano?" Inirapan ko siya.
Tumigil siya sa harap ng center table at saka inilagay ang kamay sa kanyang baywang. Salubong ang kanyang kilay habang nakatingin sa akin.
"Bakit hindi ka kumakain?" kunot-noong tanong niya sabay lingon sa matandang kasambahay na kalalabas lang ng kusina. "I told you, Manang Lolita!"
Umawang ang labi ko at sinulyapan ang matanda na ngayon ay nagulat sa inis na si Ashton. Bigla tuloy akong nakonsensya at hindi ko rin maiwasang mainis kay Ashton dahil nagalit siya sa matandang wala namang kasalanan.
"P-Pasensya na, hijo, pero busog pa raw si Ma'am," medyo nauutal niyang sambit sabay baling sa akin.
Tumango ako at saka tiningnan ng masama si Ashton. Mas lalo lamang nangunot ang noo niya sa akin.
"Busog pa ako." Inilagay ko sa tiyan ko ang isa kong kamay. "Kaya huwag mong pagalitan si Lola!"
"Pinagalitan?" Tinaasan niya ako ng kilay sabay sulyap kay Manang Lolita. "Manang, umalis ka muna. Mag-uusap lang kami."
Nagbaba ng tingin ang matanda. "Sige, hijo."
Napalunok ako nang napansin na kami na lamang dalawa. He stepped forwards while his eyes darkened. Napalunok ako lalo at nagpalinga-linga. Nakaupo lang ako sa sofa at wala akong mapupuntahan. Kaya nang humarap muli ako, napasinghap ako nang nasa harapan ko na talaga siya. At dahil nakatayo nga siya, kinailangan ko pang tumingala.
Hindi ko maiwasan na amuyin siya dahil mabango. He smirked and leaned closer to me. Napasinghap ako at mas lalong napasandal sa sofa.
Ano ang gagawin ko?
Nakangisi nga siya pero malamig ang kanyang mga mata. Lalo na nang tuluyan niya na akong na-corner. Ang kanyang kamay ay nasa magkabilang-gilid ko na. Sa gilid ng mata ko, kitang-kita ko kung paano nag-flex ang muscles at pagiging visible ng ugat sa higpit ng kapit niya sa sofa.
Napalunok ako nang nagtama ang paningin namin. Ang kanyang mata ay pinaghalong liyab, lamig, at lambing. Hindi ko alam kung paano niya nagawa iyon pero dahil sa kanyang titig, naibaba ko ang tingin.
Ngunit nang nagbaba ako ng tingin, bumilis ang paghinga ko kasabay ng pagbilog ng mata ko nang nahagip ng tingin ko ang kanyang pants.
Hala, bukol! Jusmiyo!
"Bakit nasa baba ka nakatingin?" mapanganib niya na tanong kaya agad akong nag-angat ng tingin sa kanya.
Hanggang ngayon, salubong pa rin ang kilay niya.
"H-Ha?" Umawang ang labi ko.
Sigurado ako na inis na inis na siya sa akin. Niliitan niya ako ng mata at mas lalong inilapit ang mukha sa akin. Napalunok ako lalo at halos hindi na makahinga sa sobrang lapit namin.
"Ha?" panggagaya niya sa tono ko at nakita ko ang paglunok niya.
His adam's apple moved and his eyes drifted to my lips.
"You know..." He sighed and titled his head to the right side. Sinundan ng mata ko ang kanyang paggalaw. "I want to kiss you right now." He licked his upper lip. "But I will reserve our first kiss as a couple sa kasal natin."
Matapos niyang sabihin iyon ay tumayo na siya nang maayos. Nakahinga ako ng maluwag nang lumayo na siya sa akin.
At ano? Reserve? First kiss? Parang hindi kami naglalaplapan noon, ah?
Humalukipkip siya at sa aura niya ngayon, mukha siyang lion na handa kang atakihin ano mang oras.
"Hindi ka uuwi hangga't hindi ka kakain," kalmado niyang sambit. Tinawag niya muli si Manang kaya nagmamadali naman ang kawawang matanda. Palihim tuloy akong napairap.
"Manang Lolita, pilitin mo hangga't kaya mo. Kung hindi iyan kakain, sabihin mo lang para ako na ang susubo—"
"Sige, kakain ako!" gigil na pagputol ko sa kanyang sinabi. Kinuyom ko rin ang kamao ko bago ko binalingan si Manang. "Manang, nasaan na ang niluto mo nang makauwi ako."
Ngumiti si Manang sa akin at saka sinenyasan ako na sumunod sa kanya. Inirapan ko si Ashton bago sumunod kay Manang.
How could he do this to me? Alam niya ba na binabaliw niya ulit ako? Alam niya ba na sumisikip at bumibilis ang tibok ng puso ko sa tuwing nakikita ko siya? Ang kapa; naman ng mukha niya. Umakto siya na oarang hindi niya ako sinaktan at sinayang noon, ah!
Nang nakarating kami sa eleganteng dining area, naghila agad ako ng upuan at saka umupo. Wala pang masyadong gamit ang dining area dahil mukhang bago pa lang natapos.
Umupo ako ng maayos sabay tingin sa mga pagkain na hindi ko maipagkaila na sa amoy pa lang, ala ko na masarap na. Wala sa sariling napangiti ako ngunit agad ding napawi nang nakita ko si Ashton na naghila rin ng upuan sa tapat ko at umupo.
Kumunot ang noo ko.
"Oh, ano?" Tinaasan ko siya ng kilay.
Hindi niya ako sinagot at nanghingi ng pinggan kay Manang para sa kanya. Inayos niya rin ang mat bago ako tiningnan.
He cleared his throat. "Kakain din ako. Miss ko na ang food."
Hindi na ako umimik at saka nagsandok na lamang ng kanin at ulam na lechon manok. Maraming masasarap na ulam sa lamesa ngunit ang manok lang ang kinuha ko dahil iyon lang ang kilala ko.
Ano ba naman itong mga pagkain ng mga mayayaman? Hindi pamilyar sa akin.
Bumalik muli si Manang na may dala ng plato at maayos na inilapag sa harap ni Ashton. Inayos niya rin ang mga pagkain na naka-display sa lamesa.
"Miss mo na siguro ang luto dito, hijo. Iba kasi ang pagkain sa New York kaysa dito," ani Manang sabay baling sa akin. "Kumain ka na hija, para hindi na siya sumimangot."
Inilapag niya rin sa gilid ko ang sauce na siyang paborito kong isawsaw sa lechon manok. Ngumiti lang ako sa kanya at saka sumubo ng sunod-sunod. Para tuloy akong walang kain ng ilang araw.
"Dahan-dahan," paalala ni Ashton sa akin nang nakita niyang nagmamadali ako. Naibaba niya pa ang fork at napailing sa akin.
Sinamaan ko lang siya ng tingin at hindi na siya pinansin. Mind your own food, Ashton!
Grabe, ang sarap ng pagkain. Pero mas masarap kung may coke na kasama. Natigil ako sa pagkain at tiningnan si Ashton na tahimik na hinihiwa ang lechon.
Tumikhim ako para makuha ang atensyon niya. Bumuga siya ng hangin at tamad akong tiningnan.
"What do you want?" tanong niya at nagpatuloy sa paghiwa.
"Uhm..." Tinapos ko muna ang kanin na nasa bibig ko bago nagsalita. "May coke ka ba riyan?" tanong ko sabay ngiti. "Kahit coke in can lang, hihi." Nilakihan ko ang ngiti ko para pumayag siya.
Ngunit agad ding napawi nang bigla niya rin akong tinapatan ng mala-demonyo na ngiti. Sa ngiti niya ngayon ay parang may pinaplano siya.
Say, please," he said and grinned.
Naibagsak ko ang balikat ko at nagbaba ng tingin sa pagkain. Mariin kong sinawsaw ang manok sa suace bago siya tiningnan muli.
"Huwag na lang," matabang kong sinabi sabay kagat sa lechon manok.
"Tsk, you can't say please?" Inangatan niya ako ng kilay.
I rolled my eyes. "Bakit kailangan ko pang sabihin iyon? Nagtanong lang naman ako. Hindi ko naman sinabi na bigyan mo ako. Huwag na lang kung ayaw mo."
Me and my pride. I will never say please to him!
Madali lang naman akong kausap. Bibili na lang ako ng coke sa may tindahan pag-uwi ko.
Matagal niya akong tiningnan bago sumuko at tumayo. Palihim akong napangiti dahil alam ko na panalo na ako.
"Alright." He shook his head. "Kumain ka pa."
"Yes! Yes!" I chanted in a small voice. Mabuti at hindi niya iyon narinig.
Ilang sandali, bumalik siya na may dalang coke in can. Umupo siya sa kanyang upuan at saka ibinigay sa akin. Ngiting-ngiti ko itong tinanggap kaya medyo matagal niyang nabitiwan dahil saglit siyang natulala.
"Salamat," matamis kong sinabi at saka binuksan ang coke.
Agad ko itong ininom ngunit sa gitna ng aking pag-inom, natigilan ako nang nakitang nakatingin pa rin siya sa akin.
May balak ba siyang tumingin hanggang sa maubos ko ito? I rolled my eyes.
Tumikhim siya sabay iwas ng tingin sa akin. "Kapag kasal na tayo, iisa lang ang kuwarto natin para effective. You need to kiss and hug me tight para maramdaman ko naman ang pagiging asawa mo—"
Naibuga ko sa mukha niya ang iniinom ko na coke matapos kong magulat sa sinabi niya. Natigil siya sa pagsasalita at napapikit. Namilog ang mata ko at nailagay sa bibig ang palad. Kitang-kita ko kung paano tumulo aang ilang butil ng coke na may halong laway ko na siguro sa kanyang panga.
Napatingin ako sa coke ko bago tumingin sa kanya na ngayon ay nakamulat na at masama na ang tingin sa akin.
I bit my lower lip to stop myself from laughing. Nagmamadali kong kinuha ang tissue na naka-display lang din sa lamesa at tumayo.
"Sorry!" natatawa kong sabi at saka naglakad patungo sa kanya.
Nang nakalapit ay agad kong pinunasan ang kanyang mukha gamit ang tissue.
He was pissed! I knew it!
Kinagat ko ang ibabang labi ko at saka nagpatuloy sa pagpunas. Ang totoo'y nahihirapan ako sa posisyon ko kaya kinailangan ko pang yumuko para mas maayos mapunasan ang kanyang mukha. Napalunok tuloy ako nang nakitang sobrang lapit ko na pala sa mukha niya.
Hindi ko maiwasan ang mainggit sa kanyang makinis at malambot na balat. Ano kaya skin care nito?
Sana all.
"Sorry..." Mukhang hindi sinsero dahil natatawa pa rin talaga ako. Sinamaan niya ako ng tingin kaya mas lalo akong na-guilty. Hinawakan ko ang panga niya at pinaharap sa akin. "Sorry na nga, eh!"
Habang patuloy ako sa pagpunas sa kanya, nakaawang na ang kanyang labi habang nakatitig sa akin. Ang titig niya ay nakalulusaw. Napalunok ako at minabuting hindi magtama ang tingin namin. Ang kaliwa kong kamay ay nakapatong sa balikat niya habang ang kanang kamay ko ay busy sa pagpunas.
"Ang ganda mo," bigla niyang sambit habang nakatitig pa rin sa akin.
Bigla akong nabalisa lalo na nang pumungay ang kanyang mata. Nanginig ang kamay ko at halos hindi ko na maidampi ang tissue sa mukha niya.
Nang natapos, binitiwan ko na ang baba niya at saka umatras na.
Tumikhim ako. "T-Tapos na at sorry ulit."
Hindi ko na siya hinayaan na tumitig pa sa akin. Bumalik na ako sa puwesto ko kanina at tinapos ang pagkain. I didn't bother to look at him again dahil parang sasabog na ang puso ko sa sobrang bilis ng pagtibok nito. Gusto ko na lang tapusin ang pagkain para makauwi ako.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top