Chapter 13
Chapter 13
"Are you really okay?" pangatlong beses na tanong sa akin ni Ashton. Ilang beses ko nang sinabi sa kanya na okay lang ako pero hindi siya naniwala.
Ayoko lang talaga na umapak sa negosyo ng taong umapak sa akin noon. Ayaw ko rin sa mga taong ayaw sa akin at mas lalong ayaw ko na pina-plastic ako.
"Oo nga!" inis kong sambit at sinamaan siya ng tingin.
Isa pa ang lalaking ito. Kung makadala siya sa akin sa boutique ni Sabrina ay parang wala lang. Manhid ba siya o baka naman sinadya niya iyon?
I sighed.
Nasa van na niya kami ngayon at ang plano niya ay dalhin ako sa bahay niya kung saan nag-tresspass ako. Gusto kong sabihin sa kanya na ayaw kong pumunta roon ngunit nanatiling tikom ang bibig ko.
Wala akong lakas upang sabihin sa kanya dahil sa kahihiyan. At saka sabi rin naman ng iba, face your fear. Oh, ito na. Face your fear ang peg ko ngayon.
He smirked when he saw my grumpy face. "Bakit ka naiinis?" Tumawa siya at saka umayos ng upo. "Are you still on your period?"
Ang kanyang ngisi ngayon ay tila nang-aasar. At nagtagumpay naman siya roon dahil asar na asar na ako sa kanya ngayon.
Sinamaan ko ulit siya ng tingin at akmang papatirin nang maagap siyang lumipat sa front seat ng van na siyang ikinagulat ko.
"Manong!" tawag ko sa driver sa sobrang inis. Ngising aso pa rin si Ashton ngayon. Inirapan ko siya at ibinaling ang buong atensyon sa driver na tahimik na nagmamaneho. "Ibangga gud ni nga van kay muambak ko. Pisti ning lakiha ni!" mabilis ko na sabi.
Inis ako, okay? Nalaman ko na lang na nandito na si Sabrina tapos iniinis pa ako ng lalaking ito.
Binalingan ako ni Ashton at inilagay niya ang kanyang siko sa ibabaw ng upuan. Kumunot ang noo niya sa akin at ngumuso.
"What? Ang bilis mong magsalita," aniya at nang bahagyan siyang tumayo sa kanyang kinauupuan, tumama ang ulo niya sa bubong ng kotse.
Natawa ako at saka tinakpan ang bibig para hindi lumakas ang tawa. He was now caressing his head while looking at me.
"What are you saying?" kunot-noo niyang tanong at medyo napausog ako nang bumalik siya sa tabi ko. "Can you repeat it?"
Hindi ko siya pinansin at iniwas na lamang ang tingin. Akala ko ay hindi na niya ako kukulitin ngunit halos mahulog ang puso ko sa sobrang gulat nang inilapit niya ang kanyang sarili sa akin. Sa sobrang inis ko, marahas kong tinulak ang mukha niya palayo sa akin.
"Ouch!" mahina siyang napasigaw at napahawak sa pisngi niya nang nakabalik siya sa upuan. Sinamaan niya ako ng tingin. "What was that? Ang sakit, ah?"
Inirapan ko na lamang siya at saka pinikit ang mata.
"Arte," bulong ko at patagong napangiti.
***
"Simula ngayon, dito ka na titira sa puder ko," desisyong sambit ni Ashton habang nakadekwatrong nakaupo sa sofa dito sa sala ng kanyang bagong bahay.
Hindi ko maiwasan ang mamangha dahil sa wakas, nakita ko na ito na hindi nag-akyat bahay. Modern style ang bahay at kadalasan sa puder lalo na sa second floor ay glass wall. Malalaking kurtina ang makikita mo at siguro hindi kaya ng isang tao na labhan dahil sa sobrang haba at kapal. Cove style naman ang kisame at may magagandang desinyo ng ilaw.
Kaya siguro ito ang naging target nina Boboy. Talagang maganda ang bahay at mamahalin ang mga gamit.
Nang lumipat ang mata ko sa mga frame na nakapaskil sa pader, bigla akong napangiwi nang nakitang naroon pa rin ang picture ko. Ang creepy naman ng lalaking ito? Bakit siya may picture sa akin, eh, mag-ex na kami? Para saan?
Tinuro ko ang frame at binalingan si Ashton. "Bakit nandiyan pa rin iyan? Pinagnanasaan mo ba ako?" Tinaasan ko siya ng kilay.
Sinulyapan niya ang picture frame bago siya umalis sa pagkadekwatro at tamad na sumandal sa couch.
"That was supposed to be my gift for you," aniya sa mababang boses at saka nag-iwas ng tingin sa akin. "Pero hiniwalayan mo ako kaya nilagay ko na lang diyan."
Nakita ko kung paano umigting ang kanyang panga matapos niyang sabihin iyon. Bukod doon, kita ko ang pagbago ng kanyang ekspresyon. Mukha siyang malungkot ngunit hindi. Hindi ko maipaliwanag.
Sumikip ang dibdib ko sa kanyang sinabi at napatikhim. Para akong pinaslang ng karayom sa puso. Napalunok ako at saka kinagat ang ibabang labi.
I broke up with him after my graduation. Iyon ang nagpabago sa akin at isa siya sa mga dahilan kung bakit naging ganito ako. Masyadong naging apekto sa akin ang hiwalayan namin, dumagdag pa ang pagbagsak ko at ang pagkawala ni Papa.
Tiningnan ko muli ang frame. "S-Sana tinapon mo n-na lang..."
"I can't..."
Napasinghap ako at gulat siyang binalingan. Kumirot ang puso ko nang nakita ang panunubig ng kanyang mata. Hindi ko maiwasan ang mapaatras at makaramdam ng kahinaan.
"...just throw that," pagpatuloy niya.
Bumilis ang paghinga ko at pati na rin ng puso ko. Bumilis ang pagtibok nito na parang hinahabol ako ng aso. Nagbaba ako ng tingin. Hindi ka na dapat magpadala sa kanya, Crystal Katarina.
I composed myself and crossed my arms. Tinaasan ko siya ng kilay.
"Bakit naman hindi mo matapon? Iyon ang paraan para malimutan ang isa't isa," ani ko at kinukumbinsi ang sarili na tama ang sinabi ko.
Dalawang taon na simula nang naghiwalay kami. Dapat ay tinapon na niya ang mga nagpaalala sa akin. Ano na lang ang iisipin ng bago?
Natigil lang ako nang nakitang sumimangot siya. Sa kanyang simangot na mukha, ramdam na ramdam ko na rin ang malamig niya na titig sa akin. Kahit titig lang, parang tumatagos na sa akin.
I swallowed hard and looked away.
"Ang dali lang sabihin pero ang hirap gawin," malamig ngunit makahulugan niyang sinabi na nagpabaling ko muli sa kanya. He was still staring at me. Na parang ayaw niya na akong mawala sa paningin niya. "How can I move on kung ikaw pa rin ang gusto ko. How can I move on if you are still the one, Katarina?"
Para akong nabingi sa kanyang sinambit. Malamig ngunit alam ko kung saan siya humuhugot ng lakas. Nanigas ako mula sa aking puwesto at mas lalong nagwala ang puso ko.
"H-Ha?" gulat na gulat kong sambit.
He looked at me seriously before he stood up. Nataranta ako at napaatras. Natigil siya dahil sa reaksyon ko at tipid na ngumiti lamang. Inilagay niya ang kamay niya sa bulsa niya at saka ako tiningnan.
"Never mind." Sinapo niya ang kanyang noo bago siya nagpatuloy. "Just tell your sister that we are going to marry each other."
Iyon ang huli niyang sinabi sa akin bago niya ako hinayaang mag-isa dito sa sala. Iniwan niya ako ng maraming tanong. Umupo ako sa sofa at saka nailagay ang palad sa bandang dibdib para maramdaman ang aking puso na hanggang ngayon mabilis pa rin ang pagtibok.
Panibagong kirot ang naramdaman ko nang naalala ko si Sabrina, ang frame, at ang hiwalayan namin ni Ashton.
Sabrina was Ashton's childhood friend at may feelings din siya kay Ashton. I don't think malilimutan ko ang kanyang sinabi sa akin. Ang kanyang sinabi sa akin ang nagpatulak sa akin na hiwalayan si Ashton.
[Flashback]
2 years ago.
A month before graduation day.
Pinaghalong inis at pagtataka na ang naramdaman ko ngayon dahil sa ikinilos ni Ashton. Ashton didn't text or call me. Hindi na rin siya nagpakita sa akin. I felt neglected at tingin ko ay wala na akong boyfriend. Hind ko alam kung ano ang gagawin ko dahil hindi naman ganito si Ashton. Palagi niya naman akong tini-text or tinatawagan. He was not a careless boyfriend. Palagi niya akong ina-update kung busy siya o hindi. Ngunit isang araw, bigla na lang nagbago ang lahat. Hindi na ako nakatanggap ng mensahe mula sa kanya.
Pinunasan ko ang luha sa aking mata.
Ashton, my long time boyfriend at sa ilang taon naming relasyon, hindi ko pa naranasan ang ganito. Ngayon pa lang.
Ngayon lang nangyari ang ganitong ugali niya. Makikita ko naman siya minsan sa school ngunit nang bisitahin ko, palaging sinasabi ng mga ka-blockmates niya na wala siya at kasama si Sabrina.
Para akong binuhusan ng malamig na tubig dahil doon. Parang wala siyang girlfriend na nag-aalala sa kanya. I was worried and yet, nababalitaan ko na lang na magkasama pala sila ni Sabrina.
"Hay naku, Kat! You should stop worrying about him! Sa pagkakaalam ko, pareho sila ng course, right?" Hannah said, isa sa mga kaibigan ko na umiinom sa kanyang buko juice.
"Yes, mabait naman si Sabrina, Kat," pagsang-ayon ni Crisha. "At sinabi na mismo ni Ashton na magkaibigan lang sila."
Hindi makapaniwala ko silang tiningnan. Tumayo ako at tinuro ko ang sarili ko. Nanubig ang mata ko dahil sa bigat na naramdaman. I missed him so much and yet, parang wala na siyang pakialam sa akin. Kahit isang text lang, para naman mapanatag ako. Pero wala, wala akong natanggap!
"One month na kaming walang communication! Iniiwasan niya rin ako at ang last text niya sa akin ay busy siya, and boom! Wala na! Paano ako kakalma?"
Tumulo na ang luha sa aking mata. My friends just shook their heads. Dismayado si Hannah sa akin dahil sa pagiging emosyonal ko. Tumayo siya at binalingan si Crisha.
"Let's go na, Crisha! We need to leave her alone. Baka mahawa pa tayo sa kanya." She chuckled and pulled Crisha who was now confused.
Iniwan nila ako. Ang mga taong tinuring ko na kaibigan. Kinuwentuhan ko sa mga bagay-bagay. Kinuwento ko kung gaano ako kasabik magkaroon ng isang ina at kung gaano ako kagusto maging guro. They were my second family and yet, they left me. Just because ayaw na nila sa akin at naniwala sa kasinungalingan ni Sabrina.
Hannah told straight to my face how disappointed she was to me. Nagsisi rin siya kung bakit naging kaibigan ko siya dahil nagbago raw ako. She said I bullied Sabrina and I was pathetic.
Ang sakit lang kasi ganoon pala ang tingin niya sa akin. Mas naniwala pa sila kay Sabrina na kakilala pa lang kaysa sa akin na matagal na nilang kilala.
A week before my graduation, Sabrina approached me. Kumuyom ang kamao ko nang nakita kong ngiting-ngiti siya.
"Lumayas ka sa harapan ko kung ayaw mong masampal kita," malamig kong pagbabanta sa kanya.
She smirked and crossed her arms around her chest. Nasa hallway kami sa isang building at busy ako dahil sa graduation.
"You're pathetic, Katarina," bungad niya sa akin. "Your friends left you because you are poor and stupid. And now, Ashton will leave you for good."
Natigilan ako at biglang kinabahan sa sinabi niya. Hanggang ngayon, ganoon pa rin ang sitwasyon. Wala pa rin akong balita sa kanya at hindi pa rin ako kinikibo. Nasa isipan ko na hiwalayan si Ashton. I blocked him on my social media accounts and I even removed the relationship status na naka-tag sa akin.
She smiled widely when she saw my reaction. Parang nasiyahan pa yata siya sa nakita. Tinaasan niya ako ng kilay.
"Hindi ka man lang ba nagtataka kung bakit hindi ka na kinontak ni Ashton?"
Sumikip ang dibdib ko. Gusto kong malaman kung bakit. Ngumisi siya muli at humakbang palapit.
"Because..." Tumigil siya saglit sabay ngisi. "Ashton and I are planning to study abroad. Meaning, sasamahan niya ako sa ibang bansa. Ang sweet niya sa akin, Katarina." She giggled. "Hindi ako makapaniwala na pinili ako ng boyfriend mo. He even bought me some foods, texted me at night at ibang gawain na ginagawa ng isang couple."
Nangilid ang luha ko kasabay ng pagsikip ng dibdib ko sa narinig. Hindi ko alam kung maniniwala ba ako sa kanya pero parang kapani-paniwala naman dahil palagi naman silang magkasama.
"He didn't contact you because he was busy processing our papers for abroad. He really wanted to become a businessman, Katarina." Tinuro niya ako. "At ikaw ang sagabal sa kanya."
Pinagtiim ko ang bagang ko. "Hindi ako naniniwala sa iyo!"
She laughed and shook her head. "I don't care if you don't believe me. You can ask him, Katarina. Sinabi niya sa akin ang plano niya. Plano niya na hiwalayan ka niya pagkatapos ng graduation mo and you won't be able to see him again."
At doon na tuluyang tumulo ang luha ko. Nagmumukha akong kawawa sa harapan ni Sabrina. How could you do this to me, Ashton?
Pinasadahan niya ako mula ulo hanggang paa. "Bakit ka nga ba naging girlfriend ni Ashton? Mukha ka namang pera. Walang mayaman ang mai-in love sa isang dukha. Mamulat ka, Katarina. Hindi ka na niya kinontak kasi ayaw na niya sa iyo." Ngumisi siya at saka humakbang na paatras. "He will choose me over you..."
***
At hanggang ngayon, hindi pa rin nawala ang sakit. Ramdam na ramdam ko pa rin ito . Kinurap ko ang mata ko at pinalis ang luha. Naalala ko pa rin hanggang ngayon na kahit kailan, hindi kami bagay ni Ashton.
Because he will choose Sabrina over me.
Always...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top