Chapter 12

Chapter 12

"Anong kagaguhan ito, ha?!" singhal ko nang puwersahan niya akong ipinasok sa van.

Nang nagtagumpay siya ay umusog ako at sinamaan siya ng tingin. Muntik ko na siyang suntukin sa sobrang inis. Hindi ako makapaniwala na gano'n na lang niya ako kunin! Nagtatrabaho ako!

Binalingan ko ang katabing pinto ko at akmang bubuksan ngunit napatid ko na lang ang upuan sa harap nang nalamang lock ang pinto.

Inis kong nilingon si Ashton. Kasalukuyan niyang kausap ang driver. Gusto ko na lang sumabog sa inis at gigil. Hindi man lang niya pinansin ang pagmamaktol ko rito!

Kumuyom ang kamao ko at sa isip ko, paulit-ulit kong pinagsusuntok ang itlog ni Ashton hanggang sa mabaog siya at hindi na makabuo ng bata.

Nang nagsimula nang nagmaneho ang driver, nataranta ako. Pinatid ko ang paa ni Ashton kaya napatingin siya sa akin.

"Kagaguhan?" He chuckled. Humalukipkip siya at nakangisi akong tiningnan. "What are you talking about? Sinabi mo na sa akin na pakakasalan mo ako. There's nothing wrong with it. Sinundo ko lang ang fiancee ko mula sa trabaho niya."

"Tanga ka ba?" gigil na gigil ko na sambit. Halos ihampas ko na ang kamay ko sa upuan. "Supervisor ko iyon! Paano kung masisante ako dahil sa ginawa mo? Hindi ako katulad mo na mayaman kaya huwag mo akong pagtripan sa oras ng trabaho ko!"

Ang suwerte na nga niya kasi humihiga na siya ngayon sa pera, samantalang ako, kinailangan ko pang gumapang, magkapera lang.

Napawi ang kanyang mapang-asar na ngisi dahil sa sinabi ko. Tingin ko ay nainsulto siya ngunit wala akong pakialam. Wala ba siyang utak? Mayaman naman siya, dapat bumili siya para malaman niya na mali ang ginawa niya kanina.

He looked at me darkly and I saw how his jaw moved. "I am the owner of the mall," mapanganib niyang sambit habang salubong ang kanyang mga kilay. "Should I fire him?"

Namilog ang mata ko sa narinig. I looked at him in disbelief.

"Ikaw ang may-ari ng mall na iyon?" hindi makapaniwala ko na tanong.

He nodded and smirked. Kitang-kita ko ang tuwa niya sa aking reaksyon. Parang ang sarap sa pandinig niya ang tanong ko. He even adjusted the collar of his expensive shirt na bumagay sa kanyang cargo pants. Mukha siyang hindi bilyonaryo sa damit niya, mukha siyang turista.

"Ah, ganoon ba?" matabang ko na sambit sa kanya at nagtiim-bagang bago ko hinampas ang upuan na nasa tabi ko na nagpagulat sa kanya.

"Dapat taasan mo ang mga sahod namin!" diretsahan kong sambit sa may demanding na tono. "Ikaw naman pala ang may-ari!"

Namilog ang mata niya sa sinabi ko.

Mayaman naman siya, ah, kaya dapat lang na taasan niya ang mga sahod namin. Hindi lang iyon, dapat hindi sila basta-basta tumatanggap ng empleyado!

"Wow..." hindi makapaniwala niyang sambit at napailing na lamang sa akin. "Are you asking for it right now?"

"Oo!" agad ko na sagot at saka umayos ng upo. Binuka ko pa ang palad ko at tinuro-turo kung ano ang point ko sa sinabi ko. "Kung hindi man sahod, dapat ang requirements naman ninyo sa pagpili ng mga empleyado!"

Masyado kasing mataas ang standard ng mall niya. Gusto kagandahan kaysa serbisyo. Kaya ayan, nagkaroon sila ng isang Miranda.

Nanatili lang siyang nakatingin sa akin. Nakakunot ang noo habang mukha akong tanga rito.

"Dapat hindi lang kagandahan. Dapat masipag din!" pagpatuloy ko. "At saka walang backer! Dapat tanggap mga Senior High Graduates at saka dapat honest! Bulok sistema ng mall mo! Hindi ba, Manong?" Binalingan ko ang inosenteng driver na nadamay ko pa yata.

"H-Ho?" tanging sambit ng driver na tumingin sa sa salamin.

Bumuntonghininga ako at tiningnan si Ashton na ngayon ay nakakunot na ang noo.

"What?" Tinaasan niya ako ng kilay.

Umirap ako. "Anong what? Totoo naman, ah!" Inangat ko ang isang hintuturo ko. "Kilala mo ba si Miranda?"

Mataman ko siyang tiningnan. Kita ko ang mas lalong pangungunot ng kanyang noo dahil sa tanong ko. He even raised his brow. Maya-maya ay bumuntonghininga siya at binalingan ang driver na tahimik lang sa kanyang pagmamaneho.

"Diretso tayo. I don't want to talk to this crazy girl anymore," mariing saad niya.

Biglang kumulo ang dugo ko sa narinig. Sa sobrang inis ko, pinatid ko ang kanyang tuhod. Napaigtad siya sa sakit at gulat na gulat akong tiningnan.

"Shit! Why did you do that?" naguguluhan niyang tanong sa akin at saka hinaplos ang kanyang tuhod na pinatid ko.

Umirap ako. "Pakinggan mo nga ako! Kilala mo ba si Miranda?"

"No," tamad niyang sagot at sumandal sa kanyang upuan. "This conversation is boring."

"Boring ka kasing kasama!" agap ko agad. "Si Miranda ang example ng mga taong hindi dapat tinatanggap sa mall!" Tumango ako sa sinabi ko.

Umangat ang gilid ng labi niya at ngumuso. "Should I fire her?"

Umiling ako. "Example lang naman iyon. Pero huwag, kawawa naman."

Nagtagal ang kanyang titig sa akin bago siya bumuntonghininga at pumikit. "Alright. I will keep that in mind. For now, keep quiet. I want to sleep."

Sumimangot ako at bumuntonghininga. Ibinaling ko na lang ang sarili ko sa may bintana at sumandal. Marami na akong iniisip at tingin ko, dadagdag pa itong pagpapakasal ko sa kanya. Sana hindi ako magsisisi sa desisyon ko. Ayaw ko nang masaktan ulit. Ayaw ko nang maulit ang nakaraan. Naka-move on na ako sa kanya.

While having a deep thought, hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.

***

"Hey..."

Nagising ako sa isang malambig at malalim na boses. Unti-unti akong nagmulat at bumungad sa akin ang abo na mata ni Ashton.

"Gising na." Ngumiti siya ngunit hindi iyon abot sa tainga. "We're here."

Kinusot ko ang mata ko at saka umayos ng upo. Tiningnan ko ang paligid bago ko inayos ang magulo ko na buhok. Nang nakalabas na kami sa van, natigilan ako nang nakita ko na nasa harap kami ng boutique.

Nilingon ko siya. "Bakit tayo nandito?"

Hindi niya sinagot ang tanong ko. Instead, hinapit niya ang baywang ko at marahang inilapit sa kanya. Bumuntonghininga na lamang ako at hinayaan siya sa kanyang ginawa. Pilit kong nilabanan ang pagwawala ng puso ko ngunit umaapaw pa rin talaga siya at halos hindi ko na maikalma.

"Stay still," aniya sabay lingon sa akin. "You are my fiancee. So act as one."

At panibagong init ang naramdaman ko nang hinalikan niya ang pisngi ko bago kami nagtungo sa loob ng boutique.

***

Nang nakapasok kami sa loob ng boutique, sumalubong sa amin ang babae na may istriktang itsura. Buong leeg at palapulsuhan niya ay kumikinang ng mga mabibigat na alahas. Malaki ang ngiti niya kay Ashton at hindi man lang ako nilingon. Napairap na lamang ako.

Bumaling siya sa akin kalaunan sabay taas ng kilay. "Ikaw ba ang fiancee ni Mister Monteverde?"

Ang tono ng kanyang boses ay nakakainsulto. Parang hindi pa siya sigurado at parang hindi pa siya sang-ayon sa tanong niyang iyon. Siguro ay hindi siya makapaniwala dahil naka sales lady uniform lang ako. Siguro nagtataka siya kung bakit pumatol ang katulad ni Ashton sa akin.

Tiningnan ko siya ng mabuti bago ko siya sinagot. "Yes."

Umawang ang labi niya at gulat na napatingin kay Ashton. "Hindi ko akalain na may fiancee ka na pala, Mister Monteverde! Akala ko ay in a relationship pa kayo ni Miss Sabrina." At ngumiti siya sa akin.

Kumunot ang noo ko sa kanya. Ang plastic niya namang ngumiti. Halata namang ayaw niya sa akin.

Naramdaman ko ang paghagod ni Ashton sa baywang ko kaya napatingin ako sa kanya. Umigting ang kanyang panga habang mariing nakatingin sa babae.

"That was just a rumor," malamig niyang sambit. He gritted his teeth.

Nakita ko na medyo natakot ang babae sa klase ng tingin ni Ashton.

"She's my girlfriend since I was in college," pagpatuloy niya. Ako naman ay namilog na ang mata. Bumuntonghininga si Ashton. "Can we now proceed, Miss?"

"Uhm.." Napalunok ang babae at parang hindi na alam ang gagawin. "O-Of course, Mister Monteverde," aniya at nagbaba ng tingin. "I'm sorry for my inappropriate action and questions."

Napairap ako. Buti alam mo!

Dinala ako ni Ashton patungo sa sa red chaise lounge na upuan. Siya ang naunang umupo at kinuha ang magazine na nasa center table.

Umupo na rin ako sa tabi niya at pinagmasdan ang lugar. Kahit ang pangit ng empleyado rito, salungat naman sa lugar. Maganda at malawak. Para kang nasa palasyo dahil na rin sa mga gamit na mala-royalty. Ang kanilang glass wall ay natatabunan ng French pleat curtain detail with crystal buttons. Ang kanilang kisame ay maganda rin sa paningin. It's a coffered ceiling.

Bumuntonghininga ako at ibinaling ang tingin sa kaliwa kung saan nakita ko ang iba't ibang klaseng gown.

Binuklat ni Ashton ang magazine at binalingan ako. "Susukatan ka. Choose the best gown, Kat."

Napatingin ako sa magazine na binuklat niya. "Hindi naman talaga kailangang magara, eh."

Huminga siya nang malalim at saka tiningnan ako. Napatingin din ako sa kanya.

"Walang hindi magara sa akin, Katarina." Inilapag niya ang magazine sa hita niya. "I can afford whatever you choose or like. There's no need for me to be kuripot."

Akmang magsasalita na sana ako ngunit naitikom ko na lang ang bibig ko nang biglang nag-ring ang kanyang phone. Kinuha ko na lang ang magazine sa hita niya at ako na mismo nagbuklat. Sa gilid ng mata ko, nakita ko na nakatitig lang siya sa phone niya.

He sighed and looked at me. Nagkunwari akong interesado sa nasa magazine para hindi halatang tinitingnan ko siya.

"Sasagutin ko muna itong tawag. Choose whatever you want," aniya sabay tayo at lumabas sa boutique.

Napailing na lamang ako at akmang titingin na ulit sa magazine nang nakarinig ako ng mahinang tawa. Kumunot ang noo ko at hinanap ang tawa na iyon. Nakita ko ang dalawang babae na nakatingin sa akin na nagbubulong-bulungan. Nang nakita nilang nakatingin na ako sa kanila, namilog ang mga mata nila at bumalik sa kanilang trabaho.

Umangat ang gilid ng labi ko at napailing. Binalik ko ang magazine sa lamesa at saka sumandal sa upuan. Humalukipkip ako.

"Pinagtsi-tsismisan niyo ba ako?" tanong ko sabay taas ng aking kilay.

Napatingin sila sa akin at agad kinurot ng isa ang babaeng mukhang may galit yata sa akin dahil sa kanyang tingin. Natawa ako at pumalakpak.

"Kung PBB pa ito, baka kayo ang unang ma-evict. Ang pa-plastic ninyo. Hindi magandang tingnan ang mga ganiyang klaseng ugali. Are you actually hating a client right now? Bakit pa kayo nagtatrabaho rito if you can't even make your client comfortable!"

"S-Sorry, M-Ma'am," nakayukong sambit ng babae habang ang isa ay nasa akin pa rin ang tingin.

"Masyado ka bang hindi makapaniwala na may customer kayong sales lady?" Tumayo ako at saka lumapit sa kanya. Hindi siya ang babaeng kaharap namin kanina ni Ashton. She's younger pero mas maldita ang hitsura.

Hindi siya sumagot at saka nag-iwas lang ng tingin. Bumuntonghininga ako at lumapit sa naka-frame na certificate malapit sa counter. Kumunot ang noo ko nang nakita ko na business permit ito. I leaned on the counter to see it clearly at halos matawa ako at napailing sa nakita.

Business permit pala ito ng babaeng napaka-insecure sa akin noon.

Sabrina Nhicole Go

Binalingan ko sila at napailing na lamang. "Kaya naman pala," ani ko at napa-tsk pa. "Tigre pala ang may-ari."

Tumalikod na ako at umamba nang lalabas kaso may nakalimutan ako kaya binalingan ko ulit sila.

"Tell Sabrina na magpapakasal na kami ng kanyang one and only. Invited siya sa kasal ko, ha?" malambing ngunit may laman na pagkasabi bago ko sila nginitian at tinalikuran.

Napawi ang ngiti ko nang may na-realize. Nandito na pala siya? So, they're both back? Hindi ko akalain na bumalik na pala ang babaeng iyon dito. Sana hindi na lang siya bumalik kasi hindi ko na siya aatrasan.

I'll fight if she mess up with my life again. Imumudmud ko siya sa tae ng baka kung kinakailangan.

Lalabas na sana ako sa boutique nang biglang pumasok si Ashton na kabababa lang ng kanyang phone. Nagulat ako sa kanyang pagpasok kaya napaatras ako.

Kumunot ang noo niya at ibinulsa ang phone. "Nakapili ka na."

Kumuyom ang kamao ko at mariin siyang tiningnan. I can't believe him. Dinala niya pa talaga ako rito sa shop ng babae niya.

Hindi ako sumagot at nag-iwas na lamang ng tingin. Naka-move on na ako pero hindi ibig sabihin na nakalimot na ako.

Hinawakan ni Ashton ang baba ko at pinaharap sa kanya. Nakita ko na nag-aalala na siya sa akin. Hinaplos niya ang baba ko at mapungay akong tiningnan.

"What happened?" he asked softly. "May nangyari ba?"

Mahina ko siyang tinulak kaya nabitiwan niya ang baba ko.

"Ayoko rito," malamig kong sinabi at saka siya nilagpasan. Nauna na akong lumabas at pumasok na sa loob ng van.

Sana talaga hindi ko makikita ang babaeng iyon. Hindi lang pagmamahalan namin ni Ashton ang sinira niya, pati na rin ang mga kaibigan ko rati na ngayon ay kaibigan na niya. 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top