Chapter 11
Chapter 11
"Katarina, tulala ka na naman," nag-aalala na wika ni Cheska habang sinasapo niya ang noo ko.
Huminga ako nang malalim at saka siya malungkot na binalingan. Ngumuso ako. "Bakit ba ang malas-malas ko?"
Ngumuso rin siya at tinapik ang balikat ko. "Hindi ka naman malas. Worried ka ba kasi baka hindi na naman tayo makapasa sa exam?"
Naibagsak ko na lamang ang balikat ko at saka umiwas ng tingin. I can't tell her. Ayaw ko na magtanong siya ng maraming tanong sa akin. Kilala ko si Cheska. Hangga't hindi nasasagot ang kanyang tanong, hindi ka niya titigilan hanggang sa bumigay ka.
Pinagsasaksak ko na si Ashton sa utak ko. How could he use my weakness? Alam ba niya na importante sa akin ang lupa? Siguro ay alam niya. Alam niya na rin siguro ang dahilan kung bakit kinailangan naming ibenta ang lupa.
At dahil mahalaga sa akin ang lupa, kailangan ko siyang pakasalan. But I will make things clear for the both of us. Walang touching na mangyayari kapag gabi dahil babaugin ko talaga siya kapag nilandi niya ako!
I gritted my teeth and took a deep breath. Sobrang bigat ng nararamdaman ko ngayon. Hindi pa nga ako nakatulog kagabi dahil hindi na mawala sa isip ko ang mga pangyayari lalo na ang halik na iyon. Wala sa sariling hinaplos ko ang labi ko gamit ang hintuturo ko.
How could he kiss me?
Suminghap ako at ipinilig ang ulo. Agad kong binaba ang daliri ko. Nang akma na akong babalik sa trabaho, natigilan muli ako nang nakita ko si Miranda. Hay, kailan kaya niya ako tatantanan.
Sa ngisi pa lamang niya, alam ko na inaasar na naman niya ako. Nang huminto siya sa harapan ko, humalukipkip siya at ngumiti sa akin.
"Wow, absent ka yata the other day, Katarina," aniya sa mapang-asar na tono. "Kaya ka siguro hindi napo-promote kasi wala ka talagang pakialam sa trabaho mo."
I rolled my eyes. "Why? Did you miss me? Paki mo ba kung liliban ako? At hindi ako nag-a-aim for promotion. Baka ikaw. At paki mo ba?"
Nagtaas siya ng kilay sa akin at saka siya umirap. Bakit ba niya ako pinapakialaman? Hindi ko naman pinapakialaman ang kilay niyang hindi pantay, ah?
"Wala akong paki sa iyo, as if!"
Mapang-insulto ko siyang tiningnan. Kitang-kita ko kung paano siya natakot sa titig ko. I saw her gulped and she even stepped back pero isang beses lang.
Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa. "Oh, ano ang ginagawa mo rito? Hindi ka naman siguro naririto para mang-insulto, right? Perfect ka masyado, eh."
Nakita ko na naapektuhan siya sa sinabi ko kaya mas naging defensive siya sa kanyang sarili.
"Of course not!" she exclaimed in a defensive tone. "I was just going to tell you na sure ball na ako na hindi ka na naman makapasa sa exam!" She smirked.
Natawa ako sa kanya. "Edi, hindi! Paki mo ba kung hindi ako makapasa? Bumalik ka nga sa pinanggagalingan mo! Puro ka na lang kaka, eh, wala ka namang naging ambag sa buhay ko. Ayusin mo muna ang kilay mo bago mo ako ungasan. Hindi ako pumapatol sa mga babaeng kinulang sa bitamina."
Napasinghap siya at nailagay ang palad sa kanyang dibdib sa sobrang gulat. Agad-agad siyang umalis para maghanap ng salamin. Napailing na lamang ako at nag-iwas na ng tingin.
"Nangangalay na ang binti ko," nasabi ko na lang sa sarili ko at hinagod ang binti ko.
Habang minamasahe ko ang tuhod ko, napatingin ako sa paligid. People were busy with their lives. Ang iba ay nasisiyahan na mag-shopping sa mall na ito, ang iba naman na mga kasamahan ko sa trabaho ay ginagawa ang lahat maging maayos lang ang trabaho nila, at may iba ring sinasakripisyo ang paglayo sa kanyang pamilya para lang may pagkain na mailapag sa lamesa.
Bumuntonghininga ako at akmang tatalikod na sana nang mapansin ko ang isang grupo ng mga kalalakihan na papasok sa mall. Naningkit ang mata ko dahil pare-pareho ang kanilang mga suot. They are wearing a black suits at nakasuot sila ng mga shades. Well, except sa isa. Hindi ko na sana sila papansinin ngunit nahagip ng tingin ko ang isang malamig at nakatutunaw na titig ni Ashton.
Namilog ang mata ko nang nakita ko siyang napapailing na lamang sa akin habang ang kanyang kamay ay nasa kanyang baywang niya.
Ano ang ginagawa niya rito?
Sa sobrang taranta ko ay agad kong kinuha ang unan na naka-display at itinakip sa mukha ko. Habang ginagawa ko iyon, naramdaman ko ang unti-unting pagbilis ng tibok ng puso ko.
Yumuko ako ng kaunti at napalunok. Napatingin ako sa gilid ko at naghahanap ng malalakaran. Kailangan kong makaalis dito! Hindi ko siya kayang harapin. Itakbo ko na lang kaya ang titulo? I almost forgot about our deal!
"Hoy!" kunot-noong saway ni Cheska sa akin nang nakita ang posisyon ko.
Umiling ako sa kanya at dumiretso sa pagtakbo sa kung saan. Pero hindi rin nagtagumpay dahil bumangga ako sa isang tao. Napasinghap ako at agad napaatras.
"S-Sorry," paghihingi ng paumanhin ko habang nanginginig ang kamay ko na nakahawak sa unan na nakatakip sa mukha ko.
Akala ko ay makakalusot na ako pagkatapos ngunit napasinghap na lamang ako nang may biglang marahas na humawak sa braso ko. Nang nag-angat ako ng tingin, namilog ang mata ko nang nakita kung sino ito. It was our supervisor! Shit!
Kumunot ang noo niya at napatingin sa paligid bago ako tiningnan na may pagtataka sa mukha. "What are you doing, Miss Ayala?" Ang kanyang boses ay tunog pagbabanta. Napalunok tuloy ako. "And why are you covering yourself with a pillow?"
Mas lalo lamang akong napalunok. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kanya. Bukod sa nakabangga ko ang supervisor, hindi rin maganda ito dahil maaari akong mapatalsik sa trabahong ito.
Bago pa man ako makapagsalita, biglang nagbago ang ekspresyon ng supervisor at agad-agad akong hinila sa tabi niya at pinaharap.
"Good day, Mister Monteverde," magalang na pagbati ng supervisor sa kaharap namin ngayon.
Napatingin pa ako sa supervisor namin nang naramdaman ko ang kanyang mahigpit na hawak sa braso ko. Nilakihan niya ako ng mata at nginuso ang nasa harapan namin.
Napalunok muli ako at nag-alinlangan na humarap dahil ramdam ko ang matinding titig ni Ashton.
Kinagat ko ang ibabang labi ko at saka nagbaba ng tingin. "G-Good day, M-Mister Monteverde."
Kinagat ko ang ibabang labi ko at halos maubusan ng hininga dahil sa tensyon. Unti-unti ko ring hinila mula sa Supervisor ang braso ko at hinimas dahil nakaramdam ako ng sakit sa higpit ng hawak niya sa akin kanina.
Umalis ka na, Ashton! Nasa trabaho ako!
Habang nakayuko ako, narinig ko ang mahinang yapak ni Ashton patungo sa akin at unang nakita ko ay ang kanyang mamahaling sapatos sa tapat ko.
"S-Sir," nauutal na sambit ng Supervisor. Siguro ay nagulat siya sa biglang paglapit ni Ashton.
Napapikit na lamang ako at halos hindi na makahinga dahil sa pagpipigil ko.
Isang hawak lang ni Ashton sa palapulsuhan ko ang nagpamulat at nagpa-angat sa akin ng tingin. Narinig ko ang gulat na singhap ng supervisor. Namilog ang mata ko nang nakita ko ang inis at galit sa mukha ni Ashton. Nang akma kong hihilain palayo ang kamay ko, bigla na lamang akong hinila ni Ashton palayo sa supervisor at sumubsob ang mukha ko sa kanyang dibdib.
Nang sinubukan kong kumawala, tinulak niya naman ang likod ko para mas lalong sumubsob sa kanya. Uminit ang pisngi ko lalo na nang nakita ko na marami na palang nakakita sa amin. Sa bandang gilid, nakita ko si Miranda na nalaglag na ang panga sa nakita.
Bakit ba gumagawa ng eksena itong si Ashton? Sumang-ayon na nga ako, hindi ba?
"S-Sir," pagkuha ng atensyon ng supervisor dahil nasa akin pa rin ang mariing titig ni Ashton. "S-She's one of our staff."
Ginamit ko ang dalawang kamay ko para itulak siya palayo sa akin ngunit bigla niyang hinuli ang kamay ko. Gulat na tumingala ako sa kanya.
"Ano ba!" mahina ngunit mariin na sambit ko at akmang susuntukin ang kanyang dibdib nang biglang umabante ang kanyang mga alipores. Sinamaan ko agad sila ng tingin kaya natigilan sila.
Nang haharap na sana ako kay Ashton, napasinghap ako at gulat na napaatras nang inilapit niya ang kanyang mukha sa akin. Nanliit ang kanyang mata habang tinitigan ako.
Napalunok ako at agad nag-iwas ng tingin. Bumuntonghininga siya at saka umayos na ng tayo. Hinarap niya ang supervisor namin at kinagat ko ang ibabang labi ko nang naramdaman ko ang kanyang kamay sa baywang ko.
"I'm sorry. I need to talk to my fiancee," he said in a bossy tone.
Nalaglag ang panga naming lahat. Gulat ko siyang binalingan at tinaasan niya lang ako ng kilay. Bago pa man ako makaangal sa kanyang sinabi, hinila na niya ako palayo sa mga tao. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko at pulang-pula na ang mukha ko sa hiya.
Napatalon ako sa gulat at halos manindig ang balahibo ko nang naramdaman ko ang kanyang mainit na hininga sa tainga ko.
"Don't be shy, baby," mapang-asar niyang bulong sa tainga ko nang papalabas na kami. "You are my fiancee."
He smirked and held my hand.
Mas lalo lamang akong namula dahil sa kanyang ginawa. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko sa lalaking ito. I am so sure na tatadtarin na naman ako ng tanong ni Cheska kinabukasan. I hate you, Ashton!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top