Chapter 10
Chapter 10
Pagkatapos kong bumili ng groceries, nakita ko si Tita Amore na naghihintay sa akin sa labas. Akala ko ay umuwi na siya dahil sinadya ko talaga na bagalan ang kilos ko para hindi na siya maghintay pero naghintay nga siya.
Hindi naman sa ayaw ko sa kanya. Actually, buong pamilya ni Ashton ay mabait. Pero ang weird lang naman kasi matagal na kaming hiwalay ni Ashton. But then, Tita Amore treated me the same. Just like 2 years ago.
Inayos ko muna ang sarili ko bago lumapit sa kanya. She was wearing a floral dress. Marami siyang accessories sa katawan niya. In short, sobrang elegante niya.
Napalunok ako nang nakalapit. "Uhm Tita...I'm sorry kasi natagalan ako."
Iyon lang ang lumabas sa bibig ko dahil gulat pa rin talaga ako sa bigla naming pagkikita.
Tita Amore nodded and smiled sweetly at me. "It's alright, hija. I don't mind at all."
Naibaba ko ang tingin ko sa kamay niya nang hinawakan niya ang braso ko. Wala akong magawa kundi ang ngumiti sa kanya. Pekeng ngiti dahil hindi ito kangiti-ngiti!
"Let's go! I'll treat you to a fancy restaurant!" excited niyang sambit at saka inilagay ang kamay ko sa braso niya.
Nang naglalakad na kami, naibaling ko ang tingin ko sa likuran at nagulat ako nang nakasunod na sa amin ang tatlong lalaki na may malalaking mga katawan. Naibaling ko muli ang tingin sa harap at kumunot ang noo.
Kailangan ba talaga nilang sumunod? Hindi ko naman ki-kidnap-in Ma'am nila, ah! Mukhang ako pa yata ki-kidnap-in sa higpit ng hawak sa kamay ko.
Nang napansin ni Tita ang reaksyon ko, tumigil siya sa paglalakad at mahinang tumawa. Napatingin tuloy ako sa kanya.
Ngumiti siya sa akin at saka sinulyapan ang kanyang bodyguards. "Paranoid lang talaga ang asawa ko," natatawa niyang sinabi. "Hindi ko naman kailangan ng bodyguards pero nagpupumilit siya. Wala na akong magawa kundi ay sumang-ayon dahil baka hindi ako makakagala."
"Uh...Ang dami po nila," awkward ko na sambit.
She grinned at mas lalo akong niyapos . "Don't mind them. They won't bother us."
Lord, please help me!
"Ang ganda mo pa rin hanggang ngayon," pangpupuri niyang sambit sa akin habang naglalakad kami. "Hindi ba pinapasakit ni Ashton ang ulo mo?"
Uminit ang pisngi ko sa narinig. Tumikhim ako.
"Hindi naman po," pagsisinungaling ko para wala na siyang maitanong.
Ang totoo ay halos matanggal na ang ulo ko dahil sa hiya at inis ko sa anak mo, Tita Amore! Ako pa ang na-stress para sa kanya. Hindi yata maka-move on sa akin dahil may wallpaper at frame ako sa kanya. Gosh!
***
Nang pumasok kami sa mamahaling restaurant, agad kaming nagtungo sa may vacant seat. Hindi agad ako umupo dahil manghang-mangha kong pinagmamasdan ang lugar. Sobrang ganda at pangmayaman talaga. Nagmumukha akong dukha sa suot ko. Hindi nababagay gaya ng pagmumukha ko. Medyo nahiya tuloy ako dahil sa grocery bags na dala ko.
Nang naupo na kami ni Tita Amore, nakita ko siya na inilagay niya ang kanyang bag sa kanyang hita at may hinahalukat. Habang ginagawa niya iyon, napatikhim ako at malaya siyang pinagmasdan. Napapansin ko na mas lalo siyang gumaganda. Para siyang si Dawn Zulueta na hindi tumatanda kahit alam ko na nasa edad 50s na siya.
Nang nag-angat ng tingin si Tita ay inayos ko ang aking upuan at bahagyang nagbaba ng tingin. This is really awkward!
She smiled at me and put her hands on the table. "It's been a while, Katarina. I hope you and Ashton are doing good. Hindi pa ba kayo magpapakasal?"
Kumunot ang noo ko. Ano ang ibig niyang sabihin? Nang tiningnan ko siya, pinaghalong saya at pagtataka ang nakikita ko. Hindi niya ba alam na wala na kami ng anak niya?
"Tita-"
Natigil ako at naibaba ang tingin sa kamay niya nang hinawakan niya ang kamay ko at bahagyang piniga. Napatingin ako sa kanya pagkatapos.
Matamis niya akong nginitian. "Suportado ko kayo kahit ano'ng mangyari, hija. Kaya sana kapag kasal na kayo, bigyan ninyo agad ako ng apo," request niya at saka ngumiti hanggang tainga.
Nalaglag ang panga ko kasabay ng pag-init ng pisngi ko.
Tita, wala na kami ng anak mo. At apo? Doon ka na lang po mag-request kay Sabrina. Mukhang willing na willing na iyon magkaanak.
I took a deep breath bago ko muli hinarap si Tita. "Tita..."
Inalis niya ang kamay niya mula sa kamay ko at tumayo ng maayos. "What is it, hija?"
Pinagtagpo ko ang labi ko para malaman niya na hindi na ako makapagpigil.
"Wala na po kami ni-" Parang biglang lumutang sa ere ang sinabi ko nang biglang tumayo si Tita. Napatingala tuloy ako sa kanya.
Ngumiti siya sa akin at saka tinuro ang counter. "Mukhang hindi nila napansin na may bago silang customer. I'm going to ask for assistant so we can choose and eat their best dishes. Wait ka lang."
Nanlumo ako at halos sabunutan ang sarili sa inis nang umalis si Tita. Naibagsak ko ang balikat ko sa sobrang dismaya. Hindi ba sinabi ni Ashhton na wala na kami? Kung gano'n, putangina niya talaga! Putangina mo, Ashton. Gago ka!
Kinuyom ko ang kamao ko at balisang-balisa ako habang nakaupo. I can't help it! Hindi ko maiwasang isipin na baka akala ni Tita na kami pa rin ng anak niya. Nagdadalawang-isip na tuloy akong sabihin lalo na't good mood siya ngayon sa pagkikita namin.
But I have to tell her the truth! Hindi puwedeng hanggang ngayon ay iyon pa rin ang paniniwala niya. Kapag talaga makita ko ulit si Ashton, babaugin ko talaga siya habambuhay! Pisti siya! Single na single ako tapos may boyfriend pa pala ako!
Nang bumalik si Tita ay inayos ko na ang pag-upo ko at ngumiti sa kanya ng peke. Bumalik siya sa kanyang puwesto at nginitian ako.
"Darating na ang order natin in a minute." Tiningnan niya ang kanyang wristwatch at bumuntonghininga. "Well, it's still early pa naman."
Hindi na ako mapakali. Pati ang paa ko sa ilalim ng lamesa ay magalaw na dahil sa sobrang balisa. Huminga ako nang malalim.
Tumikhim ako. "T-Tita, uhm...may hindi po kasi kayo alam..." Huminga muli ako nang malalim bago ako nagpatuloy. Nang akma akong tutuloy, napangiwi ako nang nakita ko si Tita na hindi na pala nakikinig sa akin. Busy na siya ngayon sa phone niya!
Hindi na talaga ako makapagpigil! I want to clear something! Can you at least pay attention? Gusto ko iyon sabihin sa kanya pero pinigilan ko ang sarili ko.
Nang nag-ring ang phone niya, nanlumo ako at halos sumuka na. Tiningnan ako ni Tita and gestured a wait-hija hand. She even waved her phone in front of me and smiled.
"Sorry, hija! Sasagutin ko muna itong tawag."
Tumango ako at naibaba ang tingin sa lamesa.
"Oh, anak. I thought you were busy?" Mahinang humalakhak si Tita matapos itanong iyon sa katawag.
Nakuha niya bigla ang atensyon ko. Baka si Ashton ang kausap niya!
"Nah, sa susunod na lang tayo kumain sa labas. I am with your girlfriend..."
Napasinghap ako dahil sa narinig at gulat na gulat na nag-angat ng tingin kay Tita. Tiningnan niya ako habang nasa tapat ng tainga niya ang phone niya.
"I am with Katarina right now." Ngumiti siya sa akin.
Pa-simple kong sinampal ang noo ko. Bakit ko ba nakakasalubong ang mga kapamilya ni Ashton? Ano ba naman ito?
"Sige, anak. Goodbye!"
Nang ibinaba ni Tita ang tawag ay agad kong kinuha ang kanyang atensyon. Hindi ko na dapat akong magpipigil dahil baka hindi na naman ako makapagsalita. Dapat malaman niya ito para maging malinaw na ang lahat.
"Tita, Ashton and I already broke up," diretsahan kong sinabi at determinado siyang tiningnan.
This is it! Nasabi ko na sa kanya. And I hope she will understand and accept the truth. Ayokong maniwala pa siya sa kasinungalingan ni Ashton.
"W-What?" Napakurap-kurap siya at maya-maya ay awkward na tumawa na parang isang joke ang sinabi ko. "I don't believe you, hija!" Sinulyapan niya ang counter. "The food is a bit late. I'm starving."
Malungkot ko siyang tiningnan. "Tita, I am sorry to say this but I am telling the truth. Matagal na po kaming wala ng anak ninyo po and-"
"Kaya mo lang siguro nasabi iyan ngayon kasi nag-cool off kayo," aniya na tila kinukumbinsi niya ang kanyang sarili.
Umawang ang labi ko. "Tita, ano-"
Hindi na ako nabigyan ng pagkakataon na magsalita dahil biglang dumating ang pagkain. I sighed and stared at the food na inilapag ng waiter sa lamesa namin.
"Sinabi ng anak ko sa phone kanina na cool off kayo kaya I understand what you are trying to say," wika niya sabay ayos sa pinggan na nasa harapan niya. "But please don't hurt my son, hija. He is trying his best this time."
"Tita-"
"Let's eat na, hija!" Hindi niya ako pinatapos. "Baka lalamigin na ang pagkain."
Hindi ko maiwasan ang malungkot. Ginawa ko na ang lahat para sabihin sa kanya pero wala na yatang saysay dahil hindi siya naniniwala at hindi siya nakikinig.
Ashton, the idiot! Telling her mom with lies? Ano ba ang balak niya? Akala niya siguro ay kakagat ako sa mga pinanggagawa niya? I tried to live my life peacefully here!
Matapos naming kumain, nauna na si Tita dahil kinailangan niyang puntahan si Ashley sa school. Ashley is Tita Amore's only daughter, ang pinakabunso sa apat niyang mga anak. Si Ashton naman ay pangatlo.
***
Hindi na ako umuwi sa bahay. Instead, dumiretso ako patungo sa building kung saan namamalagi si Ashton ngayon. Hindi yata siya umuwi doon sa bahay na pinasukan ko dati.
Nang nakarating ako, inis na hinampas ko ang kanyang unit gamit ang aking palad sa pinto. Hinampas ko ito ng pangatlong beses bago niya ako pinagbuksan.
Nang nakita ako, umawang ang labi niya at naibaba ang tingin sa dala ko. Pilyo na siyang ngumiti at inangat ang kilay nang ibinalik ang tingin sa akin.
"Oh, my baby came back." He smirked and leaned closer to me. "You brought me some groceries?" he asked and smiled sweetly. "You are so sweet, baby."
Sa likod ng malambing niyang boses, alam ko na sarkastiko ito. May gana pa talaga siyang mang-asar sa akin, ah?
I glared at him at pinatid ko ang pinto. Nagulat siya sa ginawa ko at natawa.
"Easy, what's your problem?" Ngumisi siya.
"Papasukin mo ako," mapang-utos kong sambit at halos patayin ko na siya sa utak ko.
Itinaas niya ang kanyang parehong kamay na parang isinuko niya ang kanyang sarili sa akin.
"Easy, I don't bite." He grinned and pinched my nose before he opened the door widely.
Inis akong pumasok at binangga siya. Napasandal pa siya sa pader at tumatawang sinundan ako.
Mapang-asar talaga, ah? What's his real deal? I seriously don't understand him anymore!
Padabog kong ibinagsak ang grocery bag sa sahig dito sa sala at nilingon siya. Humalukipkip siya at tinaasan ako ng kilay.
Gusto ko siyang suntukin ngayon. Ang kapal nng mukha niyang ngumiti sa akin!
"Stop smiling!" saway ko nang hindi pa rin pumapawi ang kanyang ngiti. "Stop that!"
Lumapit siya sa akin at napaatras ako sa gulat nang humilig siya papalapit sa akin. He is enjoying this! Niliitan niya ako ng mata.
"Why?" Bumaba ang tingin niya sa labi ko. Kita ko na doon huminto ang kanyang tingin. Lumunok siya at napakurap-kurap. He looked back to me. "Bumilis ba ang tibok ng puso mo?"
Tinulak ko siya at sinamaan siya ng tingin.
"Asa ka!" sabay irap ko at nag-iwas ng tingin. Humalukipkip ako.
Bumalik ang seryoso sa kanyang mukha. Now, he looked at me seriously. Ang kanyang mala-abo niyang mga mata ay parang inaakit ako.
"What brings you here?"
I sighed. "I had a meal with your mom," panimula ko at tiningnan muli siya ng masama.
Tumango siya at pinaigting niya ang kanyang panga. "Yes, she told me."
"And then what?" Nagulat siya nang tumaas ang boses ko. "Bawiin mo ang sinabi mo sa mommy mo!"
"What do you mean?" nakakunot-noo niyang tanong sa akin. "Ano ang dapat babawiin, Katarina?"
"Bawiin mo ang sinabi mo sa kanya! Ano? Cool-off?" I laughed without a humor. "Matagal na tayong wala, Ashton. Bakit may pa cool-off?"
Hindi man lang siya nagulat sa sinabi ko kaya mas lalo akong naghinala. This is his plan! This is part of his plan!
Kinuyom ko ang kamao ko. "Sabihin mo kay Tita Amore na wala na tayong dalawa," inis ko na sambit kasi nakakainis naman talaga. "Alam mo naman na wala na akong plano para makipagkita sa iyo, pero putangina mo, Ashton. Don't play with me!" galit kong sabi.
His eyes darkened and his brows furrowed. He stepped forward and my eyes widened when he snaked his arm around my waist. Sinubukan ko siyang itulak palayo ngunit masyado siyang malakas.
"Ano ba?!" reklamo ko habang pilit siyang tinutulak palayo sa akin.
Mas lalo lamang niya akong hinahapit sa katawan niya. Kinailangan ko pang ilagay ang mga palad ko sa dibdib niya para lang matigil ang paglapit ng mga katawan namin.
"Ano ang nangyari sa bibig mo at palamura ka na?" seryosong tanong niya at bumaba ang kanyang mata sa aking labi. Napansin ko ulit ang pagtigil niya roon.
"Aba, gago ka!" singhal ko. "Wala akong pakialam kung ano ang nangyari sa bibig ko!"
Pumikit siya na parang nagpipigil sa akin. Alam ko, ramdam ko dahil sa paghawak niya sa akin na ngayon ay humihigpit.
Hindi na ako ang dating Katarina na nakilala niya. I changed because I was hurt by two men in my life. Si Ashton at si Papa.
Napasinghap ako nang mas lalo niyang inilapit ang sarili sa akin. Napalunok ako at unti-unti kong naramdaman ang pagwawala ng puso ko.
Kinagat niya ang ibabang labi niya bago siya lumapit sa may tainga ko. Naramdaman ko tuloy ang kanyang hininga roon.
"I'll kiss you if I hear you curse again," he whispered sensually. "Bad mouth, hmm?"
Halos manlambot ako dahil doon ngunit mas nangingibabaw pa rin ang pride ko.
Tinulak ko siya. "Aba, gago ka!"
Akmang susuntukin ko na sana ang mukha niya nang marahas niyang kinuha ang kamay ko at siniil ako ng isang mapanabik na halik.
Para akong naubusan ng lakas dahil sa kanyang ginawa. I tried to push him away pero mas lalo lamang niya akong inilapit sa kanya at hinawakan ang likod ng leeg ko.
Nang humiwalay siya sa halik, halos hindi ako makahinga. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko ngayon lalo na nang nahuli ko siyang nakangisi at dinilaan ang labi. Saglit akong natulala.
"Tsk. You are so stubborn," usal niya at tumalikod sa akin. Kinuyom ko ang kamao ko ngunit hindi na ako nagsalita.
Tiningnan ko siya na nagtungo sa drawer dito sa sala at kinuha ang isang envelope. Kumunot ang noo ko nang nakitang pamilyar ito. Nang tinalikuran niya ang drawer na hindi niya naisara, hinawakan niya ito ng mariin bago bumalik sa akin at inilahad ang envelope.
Umawang ang labi ko at nagtataka siyang tiningnan. "Ano ito?"
He rolled his eyes. "Envelope," sarkastiko niyang sagot.
Mas lalo akong nainis dahil sa pagiging pilosopo niya. Akmang magsasalita na sana ako nang ngumuso siya at inilagay ang envelope sa ibabaw ng ulo ko. Mas lalo tuloy sumama ang loob ko sa kanya.
Inis ko siyang tiningnan bago ko kinuha ang envelope. At dahil curious ako, binuksan ko ang envelope at nanginig ang kalamnan ko at napasinghap sa nakita. I even blinked twice para makumpirma kung totoo ba itong nakita ko. Am I dreaming?
Hindi makapaniwalang nag-angat ako ng tingin kay Ashton. He was just observing. Tinitingnan lang niya ang reaksyon ko na ngayon ay gulat na gulat. Binalik ko ang tingin ko sa titulo ng lupa at mas lalong nagulat nang nakita na pangalan pa rin ni Papa ang nakalagay. Wait! Siya ang buyer?
He cleared his throat and looked at me seriously. "Sa iyo na ang titulo na iyan kapalit ng pagpapakasal mo sa akin, Katarina," seryoso niyang sambit at humalukipkip.
Sabi ko na...
Pero hindi pa rin ako makapaniwala na nasa kamay ko ang titulo! Parang ayaw ko na itong ibigay! This is so important to me and to Papa.
"Doble ang presyo niyan nang binili ko sa original buyer para lang pumayag siya na ibenta sa akin," dagdag impormasyon niya na hindi ko pinansin.
Pa, nasa akin na ang titulo ng lupa! Pasensya na at nailayo saglit! Niyakap ko ang titulo at saka tiningnan siya.
Hindi pa rin talaga siya tapos sa kasal issue niya. Kung magpapakasal lang din naman ang kapalit nito, sige. Hindi naman siguro kami magtatagal at magsasawa rin siya sa akin gaya noon.
Huminga ako nang malalim. When our eyes met, I saw hope in his eyes. He was hoping. For what?
"Sige..." I nodded. "Papayag na ako."
"T-Talaga?" His eyes narrowed. "You will marry me?"
Tumango ako at mas niyakap ang titulo. Hindi naman siguro habambuhay kaming kasal. If he wants to marry me for his reputation, then I am marrying for the land. Hindi ko na kailangang magpakipot dahil titiisin ko na lang ang pagmumukha niya.
"Oo," walang pakialam na sagot ko. "Nasaan na ang marriage contract? Pipirmahan ko na."
Nagsalubong muli ang kanyang kilay. Tiningnan niya ako na may pagtataka sa mukha.
"We will not going to marry through papers," he smirked.
Tinaasan ko siya ng kilay. Really? I smiled at him. "Wow, mabuti naman kung ganoon-"
"You will marry me in front of the altar," pagpuputol niya sa sinabi ko.
Nanlaki ang mata ko at napasinghap. "K-Kasal? As in literal na kasal?"
He nodded and smirked. Tumalikod siya sa akin at bahagyan akong nilingon.
"Yup, baby. You will be walking down the aisle."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top