Chapter 9

Yumiko POV

Wala akong nagawa kundi ang magbabad sa internet habang hinihintay na pagbuksan ako ng pinto ni Lance.

How dare him? He's unbelievable! Anong karapatan nyang ikulong ako dito sa kwarto ko? Aish. Kanina pa tawag ng tawag si Enrique. Hindi ko naman masagot dahil hindi ko alam ang sasabihin ko.

Alangan namang sabihin ko na kinulong ako ng baliw kong fiance sa mismong kwarto ko? Psh.

Boring na boring na ako kahit 20 minutes palang lumilipas. Gutom na nga din ako.

I dialled Lance's number. Di ko na kaya tiisin 'to. I'm gonna die.

"Lance Abellano malalagot ka sakin pag hindi mo pa binuksan ang pinto!"

[Tch. Nakakabingi ka. Wag ka ngang sumigaw.]

"I told you buksan mo ang pinto!"

[I'm on my way home. Maghintay ka.]

"Arrggg! Lance nakakainis ka!!"

[I know.]

Anong klaseng lalaki 'to. "Humanda ka pag-uwi mo dito!" Sigaw ko.

[I'm ready.]

Kalmado pa din sya kahit ako naghi-hysterical na ako dito?

Mabuti pa ngang hintayin ang mokong na yun.

I ended the call dahil hindi ko na kayang makipag-usap kay Lance.

Lance POV

Nakakabingi ang babaeng yun. Tch.

Ano bang masama kung i-lock ko yung pinto nya mula sa labas? Ayoko nga syang makipag-date.

Hindi dahil nagseselos ako kundi dahil nabubwisit ako.

Tch. Ewan!

Bababa na ako ng kotse ko. Naghi-hysterical na yung maingay kong fiance.

"Sir kanina pa sumisigaw si Ma'am Yumiko pero hindi naman namin binuksan ang pinto ng kwarto nya." Sabi ng katulong.

Tumango lang ako at dumiretso sa taas.

Dinukot ko yung susi sa bulsa ng suit ko. Nang mabuksan ko yung pinto, naabutan ko si Yumiko na nakadapa sa kama niya habang nagkakalikot ng phone.

Bakit ba ganyan suot nyan. Sobrang ikli ng short tapos naka-sando lang. Tch.

Biglang tumayo si Yumiko. "Nakakainis ka Lance!" Sigaw nya.

"Let's eat breakfast." Sabi ko. Alam ko namang dipa siya kumakain. Syempre naka-lock sya dito sa kwarto nya eh.

"Talagang kakain ako ng breakfast! Alam mo bang gutom na gutom nako? Tapos ni-lock mo yung pinto ko? Paano kung mamatay ako sa gutom dito ha? Anong gagawin mo? Nakakainis ka tal---"

I kissed her to shut her mouth. Nakakabingi na'tong babae na'to. Ang daldal masyado. Daming sinasabi.

Hindi ko alam pero hindi ko kayang tumigil agad sa paghalik sa kaniya. Nakaka-adik yung labi niya. Nang naramdaman ko na nagre-respond siya sa halik ko, lalo akong naging eager na halikan sya.

Damn it. I can't stop!

Yumiko POV

Hindi ko alam kung bakit tumugon ako sa halik ni Lance.

Ni hindi ko nga alam bakit hindi ko siya maitulak o matanggihan. Nakakarami na sakin si Lance. Everytime he kiss me, hindi ko magawang tanggihan sya.

Lagi ko siyang hinahayaan. Ewan ko. Diko na maintindihan nararamdaman ko.

Lance is still kissing me. At gusto ko yung ginagawa nya. Shocks! Bakit ako ganito? Diba galit at inis ako sa kaniya? Bakit hinahayaan ko pa din siyang halikan ako?

Gulung-gulo na'ko sa nararamdaman ko. Hanggang sa tumigil si Lance sa paghalik sakin. "Let's go." Sabi nya saka ako hinila palabas ng kwarto.

Yung totoo Lance? Manghahalik tapos biglang manghihila? Asdfghjkl.

Nakarating kami dito sa kusina. Grabe gutom talaga ako. Itong si Lance parang walang nangyari. Parang hindi nya ako hinalikan. Cool pa din sya. Psh.

Umupo ako sa isa sa upuan. Diko pinapansin si Lance pero masama tingin ko sa kaniya.

"Masamang sumimangot sa harap ng pagkain." Sabi ni Lance.

Psh. "Why did you kiss me?" Tanong ko. Lakas-loob na. Kasi nakakailang halik na yan sakin eh.

"Why did you respond?"

Nagtanong ako tapos sinagot din ako ng tanong? Psh. Lance!

"Aish. Tinatanong kita kaya sumagot ka. Wag kang sumagot ng tanong din."

"I like it when we are kissing." Kampanteng sagot niya.

Ano daw? Bakit parang natural lang sa kaniya ang lahat? Gusto niya 'pag nagki-kiss kami? Oh my God! Shemay! Bakit kinikilig yata ako?

Gusto niya pag nagki-kiss kami? Ibig sabihin type nya ako?

"Kung iniisip mo na type kita dahil gusto kitang hinahalikan, nagkakamali ka. I just want to kiss you, no other than that."

Eh sige Lance ako na assumming. Psh.

Diko na sya pinansin. Kakain nako. May date pa ako.

Si Lance tahimik na kumakain. Grabe paano kaya sya nakakatagal ng ganito ka-tahimik?

Krrrrinnnnggg..

Yung iphone ko tumutunog.

Enrique calling..

Sagutin ko na nga. "Hello?"

[Thanks God you answer my call! Kanina pa ako tumatawag.]

"I'm sorry. May nangyari kasing hindi inaasahan. Nakawala yung Leon namin sa mansyon kaya hindi pa ako makalabas ng kwarto ko." Sarkastiko kong sabi habang nakatingin kay Lance.

Lance also looking at me. At damn! Bakit sya ngumiti? Waaaaaah.

[Really? May leon kayo sa mansyon?]

"Yeah meron. Nga pala, I'll text you nalang kung saan tayo magkikita okay?"

[Okay. I'm really excited to see you.]

Napangiti naman ako. Excited talaga? "Okay. Bye."

*toot toot*

Sinimangutan ko si Lance pagkababa ko ng tawag.

"Hindi ka aalis ngayong araw na'to."

"At bakit naman? Wala kang karapatang pigilan ako sa gusto ko." Sagot ko.

"I have the rights dahil fiance kita."

"Fiance mo lang ako Lance. Hindi mo pa ako asawa."

"Then gagawin kitang asawa ngayon na. Gusto mo ba?"

Lance bakit ganyan ha? You're giving me nightmares!

"Nakakainis ka!"

"I'm serious."

"Aish. Lance malapit na'ko mapuno sa'yo."

"It's better. Para umatras ka na sa kasal." Sabi nya.

Yun pa din nasa isip niya?  "Hindi ako aatras sa kasal. Ikaw ang aatras, sisiguraduhin ko yan Lance."

"As you wish. Hindi mo ako mapapaatras."

"Mapapa-atras kita!"

Umiling siya. "No."

"Mapapa-atras nga kita eh!"

"Stop it or I will kiss you again? Nakakabingi ka na."

Suko ako sa ugali ni Lance. Bakit ganun pa din siya ka-cool? Ako nga inis na inis na. Sya parang kalmado pa din. Hindi ko pa nga siya nakikitang nainis sakin. Waaa. What am I going to do?

Diba gagawa ako ng way para umatras sya sa kasal? Bakit ba kapag kaharap ko na siya, tiklop ako? Halikan nya lang ako, napapa-amo niya ako?

Hindi ako 'to! Hindi ako ganito! Kainis!

Tinapos ko na yung pagkain ko saka tumayo na. "I'm done."

Lumakad ako paakyat hanggang makarating sa kwarto then kinuha ko yung towel ko para maligo na. Pero papasok palang ako ng cr, biglang bumukas yung pinto ko at pumasok si Lance.

"What are you doing here? Lumabas ka nga! Maliligo ako."

Sa halip na sumagot, humiga sya sa kama ko.

"Lance Abellano!"

"Yes, Yumiko Hayashi?"

Naiinis nako talaga. Lumapit ako sa kaniya sa kama. "Bakit ka nandito? Get out." Sabi ko.

"Paano kung ayaw ko?"

Arrghhh. "Ano bang kailangan mo ha?" Grabe lang. Diko akalaing ganito katindi ugali ng fiance ko. Napapasuko ako eh.

"Ikaw."

"Ano bang pinagsasasabi mo Lance?"

"Let's sleep. Maaga akong gumising kanina dahil may inasikaso ako."

Hinila niya ako sa kama kaya napahiga ako sa tabi niya.

"Bitawan moko! Maliligo na ako." Sabi ko na pilit tumatayo.

Si Lance hila-hila pa din ako.

"Okay sige maligo kana. Then dito ka magbihis ha? Para makita ko naman ang nude body mo."

Napatayo ako at tumingin sa kaniya.

"LANCE ABELLANO YOU PERVERT!!"

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top