Chapter 6 ♥ Bar

Yumiko POV

Wala akong magawa. Pagulung-gulong na'ko dito sa kama ko sa kwarto.

Kapag naaalala ko yung sinabi ni Lance kanina, nasusuka ako.

Argh. The nerve of that guy. Nakakainis. Parang ang dali-dali para sa kaniya ang sabihin ang ganun.

Gabi na din pala.

Wala na akong ginawa. Gutom na din ako. Aish. Bababa na nga ako sa kusina.

Labas na ako ng kwarto ko. Then I walked downstairs patungo sa kusina.

Pero sa kamalas-malasan naman. Andito din sa kusina si Lance. Kumakain mag-isa.

"Nakakaramdam ka din pala ng gutom." Sabi nya sakin.

"Anong tingin mo sa'kin, alien? Hindi nagugutom? Psh."

Mabu-bwisit na naman yan for sure.

"Umupo kana dyan. Baka magsumbong kapa sa Papa mo na di kita pinapakain dito." Sabi nya.

"Ano tingin mo sakin sumbungera?" Pagsusungit ko saka naupo na. Daming food.

Pinaglagay ako ng maid ng plato at utensils para makakain na ako.

"Bakit, hindi ba?"

Nakakainis yung mukha nya. Argh! Ngayon lang ako nakakita ng lalaking nang-aasar pero seryoso pa din ang mukha.

"Of course not!" I said.

He just smirked at me bago nya tinuloy ang pagkain. Nagsimula na din ako kumain.

Grabe. Daig ko pa ang may takip ang tainga dahil wala akong marinig. Sobrang tahimik.

I calmed myself tapos tumingin kay Lance. "Hindi mo pa ba naiisipang mag-give-up at umatras sa engagement?" Tanong ko.

"Hindi."

"At bakit? Diba ayaw mo naman talaga sa engagement na mangyayari satin?" Tanong ko.

Ako kasi ayokong maunang mag-give-up para walang masabi sakin si Papa.

"Kapag umatras ako, mapapa-sama ako kay Papa. Kaya nga ikaw ang hinihintay kong umatras sa engagement."

Pareho kami ng iniisip. Aish. "No way. Hindi ako aatras. Mapapa-sama din ako kay Papa. Kaya dapat, ikaw ang maunang umatras!" Sabi ko.

"Sa tingin mo aatras ako ng basta-basta lang? In your dreams Yumiko. Mas makakabuti kung aatras ka na agad ngayon palang kung ayaw mong maging miserable ang buhay mo kasama ako."

I rolled my eyes. "Whatever Lance Abellano. Sa tingin mo mapapaatras mo din ako basta-basta? And hello? Baka buhay mo ang gawin kong miserable."

"Tch. Pwes ihanda mo na sarili mo sa mga kaya kong gawin. You don't know me either." Sabi nya saka tumayo at nag-walk-out.

Bastusan? Argh. He's really getting into my nerve. Akala nya papatalo ako sa kaniya? As he wish!


The next day..

Maaga akong pumasok. Gusto ko maka-bonding si Chelsea. She's so cute kasi kahit may ilan na ding nagsabi na magkahawig daw kami.

Baka kapatid ko siya?

Pagpasok ko dito sa room nakita ko si Chelsea, mag-isa lang na nakaupo. Wala pa yung mga lagi nyang kasama. Pero mas napansin ko na parang umiiyak sya.

Nilapitan ko sya agad. "Chelsea.."

Tumingin sya sakin at halatang nagulat sya. Bigla nyang pinunsan yung luha nya. "Uy Yumiko." She smiled pero kitang-kita pa din sa mata nya yung sadness. May problem ba sya?

"Are you okay?" Tanong ko. Maarte man ako at bratinella, mabait naman ako at friendly.

"Actually hindi ako okay." Sagot nya. Mukhang naluluha na naman sya.

Nakakaawa naman sya.

"You can tell me your problem. I can listen." Sabi ko. Konti palang din naman tao sa room. Aga pa kasi.

"Yung lalaking minahal ko kasi iniwan na ako five days ago pa. Pinipilit ko namang maging masaya pero hanggang ngayon, nasasaktan pa din ako."

Iniwan sya ng lalaking mahal nya? "May I know the reason bakit ka nya iniwan?"

Hindi po ako tsismosa. I just want to know para mas madamayan ko sya. I think she needed someone to listen to her.

"He didn't trust me. There's someone na malaki yung galit sakin at siniraan ako sa lalaking mahal ko. Naniwala sya sa kasinungalingan na yun. And then sa isag iglap bigla syang umalis ng bansa para pumuntang Korea. Isang taon sya dun."

Teka? May naalala ako. "Siya ba yung original na nakaupo sa katabi ni Lance?" Tanong ko.

Tumango siya. "Yup. Sya nga yun. Close friend sila nina Adrian at Lance."

Friends? Kawawa pala si Chelsea. Kahapon lang ang ganda-ganda ng ngiti nya. Hindi ko man lang napansin na may kinikimkim pala syang sakit sa dibdib nya.

"Argh. I hate that guy kahit diko pa sya kilala." Sabi ko. Kasi naman kung mahal nya talaga si Chelsea, magtitiwala sya at hindi maniniwala sa iba.

Mga lalaki nga naman. Kaya ayokong ma-inlove eh. Psh.

"Sorry ha kung ayokong sabihin yung pangalan nya. Confidential kasi."

"It's okay. Hayaan mo lagot sya sakin pagbalik nya dito. Igaganti kita."

This time natawa sya. "Ang cute mo talaga Yumiko." Sabi nya.

Ako nga naku-cute-an sa kanya. "At least nakangiti kana ulit. Wag mo na syang iiyakan okay? Be strong."

"Thank you."

"Chelsea!"

Napatingin ako sa sumigaw. Wala 'to kahapon dito. Teka? Parang hawig ni Lance? Ah, hindi. Hindi.

"James!" Sabi ni Chelsea. "Ah, James si Yumiko, Yumiko, si James."

Nakipag-shake-hands naman ako sa kaniya. He's cute at mukhang jolly. "Nice meeting you." Sabi ko.

"Nice meeting you. Trasferee ka?" Tanong ni James.

Tumango ako. "Yes."

"Ah, James fiance sya ng kapatid mo." Singit ni Chelsea.

Kapatid?

Kapatid 'to ni Lance?

"Ah, fiance ka ni Lance?" Tanong ni James. He's still smiling at me.

Tumango ulit ako. "Yes." Sinuri ko yung mukha niya. "Kapatid ka ba talaga ni Lance?" Tanong ko. Kulit ko 'no? Kakasabi lang.

"Half-brother." Sagot nya. Ah, okay.

"It seemed that you're a jolly person." Puna ko. Lagi kasing nakangiti unlike Lance.

"Naku, Yumiko. Sobrang kulit nyang si James. Palangiti pa." Si Chelsea yung sumagot.

Nakangiti pa din si James. "Really? How come naging magkapatid sila? Their attitudes are opposite." Sabi ko.

"Oo. Wag ka ng magtaka sa kapatid kong yun." Sagot ni James.

"Ako ba pinag-uusapan nyo?"

Ayan na si Lance. "No." Sagot ko.

"Oo brad."

Panira 'tong si James.

"Masyado bang natutuwa si Yumiko dahil napaka-gwapo ng fiance nya? At kailangan pang i-share sa inyo?" Sarkastikong sabi ni Lance.

Pfffttt. Bwisit ka lance. "No. Actually, nalaman ko lang naman na half-brother mo pala si James. Bongga ha! Magkaiba kayo ng ugali." Sabi ko.

"Natural. Magkaibang tao kami eh." Katwiran ni Lance.

Psh. Sungit nitong lalaki na'to.

"Goodmorning class!" Ayan na ang professor.

Habang nagka-klase na, napansin ko si Lance nakapikit habang nakasandal sa upuan. Bakit di man lang 'to nasisita ng prof?

Kinalbit ko sya. "Lance."

No response.

"Uy Lance."

"PLEASE!!"

Nagulat ako ng bigla syang tumayo at sumigaw. "Kung gusto mo akong halikan, pwede bang mamaya na after class? I hate PDA."

What did he say??

"Miss Hayashi and Mr. Abellano please get out." Sabi ng prof. Malumanay pero halatang galit.

No choice ako kundi tumayo at sinakbit ang bag ko. "Psh."

Pagkalabas ko sa room, "What was that?" Tanong ko kay Lance.

"You're disturbing me. You kept on poking me."

"Psh. Natural. Natutulog ka habang nagka-klase. Hello?"

"Wala kang pakialam sa gusto kong gawin. Hindi kita pinakikialaman sa buhay mo diba?"

Aray naman ha? Psh. "Fine." Sabi ko saka nag-walk-out na.

"Where are you going?" Sigaw nya.

"You don't care." Sabi ko saka binilisan pa ang lakad. Badtrip talaga.

Nakarating na'ko dito sa parking. Then sakay na'ko ng kotse ko. Makapag-bar na nga lang. Wala din naman akong gagawin.

Sa bar..

Dito lang ako sa pinakamalapit na bar pumunta. Mukhang high class.

"Hi miss." Sabi nung singkit na lalaki.

Hindi ko siya pinansin. Duh. Badtrip ako kay Lance.

Umupo na ako sa stool sa harap ng bar counter. "One shot of margarita please." Sabi ko sa bartender.

Mabilis namang naibigay. Tinungga ko agad yun.

Sa Japan kasi hilig ko na ang mag-bar at mag-hang-out with friends. Dito kasi sa Pinas, wala akong barkada. Psh. Isama mo pa ang walang kwenta kong fiance. Walang gana kasama.

Hindi ko nga sya papansinin. Tingnan lang natin Lance Abellano.

"Hi miss? Can I order you a drink?"

"I'm married." Sagot ko. Ang lagkit makatingin nitong si Kuya.

Hindi ako natatakot. Sanay na ako sa ganyan.

"Wala ka namang kasama. So pwede pa siguro. Let's just enjoy this day!" Mukhang lasing 'tong lalaki.

Inakbayan niya ako. Tinanggal ko yung kamay nya na nakaakbay sakin. "Don't touch me." Mataray na sabi ko.

"Aba. Ang taray mo, Miss ah?"

Tiningnan ko lang sya ng masama. Pero hinawakan naman nya ako sa lap ko. Uminit dugo ko. Sasampalin ko na sana sya ng...

*BOOGSH*

"Sinabi na niya na wag mo siyang hahawakan. Gusto mo na bang mamatay?"

Si Lance?

Pinagtatanggol ako?

Nang di na makabangon yung lalaki. Bigla nalang ako hinila ni Lance palabas ng bar hanggang sa kotse nya saka binitawan.

"What do you think you're doing?" Galit na tanong nya.

"Huh?"

"Pupunta kang mag-isa dito sa bar ng ganyan ang suot mo? Nababaliw ka na ba? Hindi mo ba naisip na baka may mambastos sayo?"

Pinapagalitan ako ni Tatay Lance.

"Anong masama sa suot ko? Hello! Lance, wala kang pakialam sa gusto kong gawin." Sabi ko.

"May pakialam ako dahil binilin ka sakin ng Papa mo! Pag may nangyari sayo, ako masisisi!"

Ah, so yun lang pala yun kaya nya ko pinagtanggol. Kala ko dahil...

Ah basta. "Fine. Look, I'm sorry okay? Now, let's go home." Sabi ko. Akma na akong aalis sa harap nya para pumunta kung saan naroon ang kotse ko, bigla akong pinigilan ni Lance.

"Hindi ka man lang magpapasalamat?"

"What? Bakit naman?"

"Pinagtanggol kita kanina lang.

"Fine. Thank you! Okay na ba?"

"Tch." Sabi nya lang saka sumakay na ng kotse nya. Problema nya ba? Aish.




Lance POV

Hindi ko alam bakit nagkaroon ako ng urge na sundan kanina si Yumiko. Pumunta pa ng bar at kinagulat ko yun. Malay ko bang nagba-bar pala yan.

Hindi na maikakaila yung pagtitinginan sa kaniya ng mga tao sa bar.

Paano ba naman. Naka-dress ng maikli at fitted pa. Anong klse yun. Mababastos talaga sya.

Nag-init talaga yung dugo ko kanina nung nakita kong hinawakan sya nung lalaki. Sinuntok ko nga.

Hindi ko pwedeng hayaang mapahamak si Yumiko dahil hinabilin siya sakin.

Hindi dahil may pakialam talaga ako sa kaniya.



Pero ewan ko ba bakit parang may kakaiba akong naramdaman kanina nung nakita syang inakbayan ng lalaki.





Diko maintindihan sarili ko.






Tch.



**

A/N: @YumikoHWattpad and LanceAWattpad on twitter. 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top