Chapter 5 ♥ Ipis

Yumiko POV

Natapos na rin ang klase on my first day in SWU. Grabe ha. Di man lang ako pinansin at inimik ng magaling kong fiance.  

He's so cold ! Malamig pa sya sa yelo. Daig pa niya ang may PMS.

"Yumiko, saan ka umuuwi?" Tanong ni Chelsea. Ang cute kong classmate na feel ko yung ugali.

I smiled at her. "Sa mansyon ng magaling kong fiance. Dun ako nakatira." Sagot ko. Pinaparinig ko talaga kay Lance na busy sa pag-ayos ng gamit niya.

If I know. Hinihintay lang ako niyan.

"Wow. Edi sabay na kayo uuwi?" Tanong nya.

I paused for a while. "Hm, hindi. I have my car."

"Tch." Si Lance. Wala na syang alam sabihin kundi yan.

Parang ipis.

Nag-walk out na si Lance. Daig pa babae.

"Ay nag-walk-out si Lance. Okay ka lang? Sabay sabay na tayo pababa ng parking." Nakangiti pa ring sabi ni Chelsea. Why so mabait ?

"Okay." I said then napansin ko sumabay din samin si Mr. Nice guy. "Who's he?" Tanong ko kay Chelsea.

"Si Adrian. Barkada ni Lance"

"Boyfriend mo?" Medyo tsismosa lang.

"Ah, hindi. Close friend ko." Sagot niya. Infairness bagay sila. Pareho silang nice.

"Okay." We walked towards the parking area pero nagulat ako ng makita si Lance na nakasandal lang sa kotse nya. Mukhang may hinihintay.

"Si Lance oh!" Sabi ni Chelsea.

Si Mr. Nice guy tahimik lang. Pero napansin kong nilapitan nya si Lance.

"Brad. Di ka pa uuwi?" Narinig kong tanong ni Adrian.

"Hinintay ko lang si Yumiko." Sagot ni Lance.

What did he say? Hinintay ako? Wow ha. Mukhang inlove sakin 'tong fiance ko.

Lumapit na'ko sa kanila. "So hinihintay mo ako?" Mataray kong sabi.

"Oo dahil hinabilin ka sakin ng Papa mo. Kaya pwede ba wag kang assuming na gusto talaga kitang hintayin? Tch."

Sungit nitong fiance ko. Grabe. Sinabihan pa'kong assuming. "Really? I'm fine. No need to wait for me. Makakaalis kana. Shoo!" Taboy ko.

"Tch." Yan lang reaksyon ni Lance saka ako inirapan. "Adrian una na'ko." Paalam nya.

At sakin di man lang nagpaalam? Asdfghjkl. What kind of fiance is he? MyGod!

Ayun at sumakay na nga sa kotse nya at pinaharurot pa.

"Nakakatuwa talaga kayo."

Si Chelsea natuwa pa.

"Well. It's not funny. Una na'ko sa inyo guys. Ciao!" Sabi ko saka sila iniwan ni Adrian.

"Diba japanese yan? Bakit ciao? Chinese yun ah." Narinig ko pang sabi ni Adrian. Diko nalang pinansin.

Eh sa gusto ko eh. Naiinis ako kay Lance.

Sumakay na'ko sa kotse ko and started the engine. Humanda ka sakin sa mansyon Lance!

Sa mansyon..

"Where's Lance?" Tanong ko sa mga katulong na sumalubong sakin.

"Nasa kwarto niya po Miss Yumiko."

Hindi ko na sila sinagot. Dire-diretso ako paakyat sa taas hanggang marating ang kwarto ng magaling kong fiance.

I knocked on the door.

*tok tok*

No response.

"Lance, open the door!"

Bigla namang bumukas pero tinalikuran ako ni Lance. Pumasok ako sa kwarto niya. "What's your problem?" I asked him.

Akala nya nallimutan ko yung pagnanakaw nya ng halik? No way.

"..."

"Nice talk Lance. Para kang ipis!"

He glared at me. "Anong sabi mo? Ako ipis?" Galit na tanong nya.

I crossed my arm. "Yeah. Isn't it clear? Tahimik ka pa sa ipis." Pang-iinis ko. Akala niya ba patatahimikin ko pa mundo niya?

"Sino ka para sabihing para akong ipis ha?" Inis na tanong nya.

I just gave him my sweet smile. "Ako lang naman ang super duper gorgeous fiance mo na ninakawan mo ng halik kanina. You moron!"

He grins at me. "At gusto mong mahalikan ulit kaya moko ginugulo ngayon?"

What? Iniisip niya yun? "Kilabutan ka Lance. I hate you. And I don't want you to be my husband. Like hello! You're not my type."

"Mas lalong hindi kita type. There's nothing special about you."

What did he say? Pinapainit ang dugo ko. Hindi ba nya alam na ayaw na ayaw ng mga babae yung pinupulaan ?

"Fine whatever. Gusto ko lang malaman kung bakit kailangan mo akong halikan? You moron! That's my first kiss!" I acted hysterically pero act lang. Nang-aasar lang.

"Stop being so hysterical Yumiko. Nakakarindi ka na. I just want to shut you up that's why. Wag kang mag-assume na may iba pang dahilan."

"Ganon? Fine. Pero alam mo? Ngayon ko lang napansin, nagsasalita ka din pala kahit papano ng matagal."

Gusto ko siyang mabuwisit. Makaganti man lang sa pagnanakaw nya ng first kiss ko.

"The hell you care? Lumabas ka na nga ng kwarto ko. You're not welcome here either."

"Hindi ako lalabas dito. You don't have the right to command." Pagmamatigas ko.

Tingnan lang natin. Ako pa susubukan nya?

"I said get out." Sabi nya habang nakatingin ng masama sakin.

I sat on his bed. Pandagdag asar lang. "Ang lambot naman ng kama mo. Can I sleep here?" Pang-aasar ko.

"Pinagnanasahan mo na'ko? Pwes, ilang ulit kong sasabihin sayo na hindi kita type. Bukod sa retokada yang katawan mo."

Ako retokada? Damn him! "Anong sabi mo Lance? FYI lang ha, ni isa sa parte ng katawan ko, wala akong pinaretoke! It's natural. Damn you!"

Buwisit na lalaking 'to.

"Yun kasi ang tingin ko. Kaya alis na." Taboy nya sakin.

Humiga ako sa kama niya. "Gotta sleep here." Patuloy ko ng pambubwisit.

Nagulat nalang ako ng tumabi sakin si Lance sa kama. "Hindi ka aalis o gagahasain kita dito kahit di kita type?"

*takbo*

Hingal. Hingal.

Tumakbo ako palabas ng kwarto ni Lance. Lakas ng kabog ng dibdib ko. Gagahasain nya 'ko? Disgusting!

Ganoon ba talaga si Lance? I don't even know kung nagbibiro lang sya o seryoso dahil wala siyang emosyon. Damn that guy.

Arrgghh! Makakaganti din ako sayo. Kainis ka.


Lance POV

Napahagalpak ako ng tawa nung magtatakbo si Yumiko palabas ng kwarto ko.

Natakot sa banta ko.

Assuming siya masyado. As if naman gagawin ko sa kaniya yun? Diko siya type. Tch.

Ang ingay-ingay ng babaeng yun. Dami pa tanong. Nakakabwisit na. Makapang-asar pa wagas. Akala niya di ko siya papatulan.

The hell I care. Hindi nya ko kilala. Tahimik akong tao oo pero nag-iingay ako pag kinakailangan.

Actually, I didn't mean na sabihing retokada sya. Gusto ko lang talaga sya buwisitin dahil alam kong nananadya sya kanina para maasar ako.

Akala ba nya nakalimutan ko ang ginawa nyang pag declare sa klase na fiance ko siya? Tch.

Hindi ko pa matanggap na sinabi nyang para akong ipis. Langya. Mukha ba akong ipis? Amp. Babaeng yun sarap sabunutan! APara na'kong bakla sa inis sa Yumiko na yan.

Pero akala nya papatalo ako sa kaniya? wisitan kung bwisitan. Asaran kung asaran. Tingnan lang natin sino una susuko.

Tch. Ngayon palang tiklop agad. Tatakbo. Haha.

Don't worry Yumiko, there's more!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top