Chapter 42
Yumiko POV
Uwian na. Hay. Wala na. Maghihiwalay na naman kami ni Lance. Nakakainis. Mami-miss ko na naman sya. Parang hindi ko pa kayang tanggapin na kay Enrique ako uuwi.
"Babe." Napatingin ako kay Lance. "Ingat ka pauwi. I love you. May practice pa kami ng basketball then pupunta kami mamaya sa bar ni Ken." Paalam nya saka ako niyakap ng mahigpit.
Nanggigilid na ang luha ko. "I love you too babe. Please h'wag kang maglalasing mamaya." Sabi ko habang mahigpit na nakayakap kay Lance.
"No babe. Don't worry okay?" He face me. "Take care of yourself. Ayokong didikit ka sa Enrique na yon."
Umiling ako. "Hindi babe. As long as I can, iniiwasan ko sya sa mansyon nila."
"That's good. Sige na. Hindi kita maihahatid sa gate. Baka makita pa tayo ng magaling na Enrique na 'yon." He said then he kissed me torridly.
Hinayaan ko nalang kahit nagiging PDA na kami. May ilan pa kasing students na naiwan dito sa room e. Wala e, masyado kong mahal si Lance para tanggihan ang halik nya.
Tumigil na siya sa paghalik sa 'kin. Pero bago pa ako makasalita, hinarap niya mga natirang kaklase namin dito sa room.
"Kayo? Sawa naba kayo sa buhay nyo? Tch. Magsilabasan na nga kayo. Naaabala nyo kami!"
His infamous line. 'Sawa kana ba sa buhay mo?' Well, buti ako hindi pa nya nasasabihan nyan.
Nagsilabasan naman mga kaklase namin. Ngayon kaming dalawa nalang natira.
Kru kru...
Tahimik bigla. Ako, nakatitig lang sa mukha ni Lance. Everytime I looked on his eyes, I can see my future with him.
"Babe."
"Uhm?"
Hinaplos nya yung buhok ko.
Then my cheeks...
Then my...
"LANCE REID ABELLANO!!!!!!"
"HAHAHAHAHAHAHAHA."
Waaaaa. Alam nyo ginawa ni Lance?
Hina...
Hinawa...
Hinawakan nya boobs ko! Waaaaaa! Ang pervert ni Lance!
"Not funny." Masungit na sabi ko. Ramdam ko yung pamumula ng pisngi ko pati na ng buong mukha ko.
"Tch. Gusto lang kitang patawanin. Alam ko hubog nyan kaya wag na wag mong susubukang ipahawak yan sa hayop na Enrique na yon."
Bat ba napaka-straight-forward ni Lance? Nakakahiya! Waaaaa. "Stop it! It's not funny. Nakakainis ka!"
He embraced me. "Hindi na mabiro babe. Sorry na. I love you. Basta akin kalang. Every part of you is my property kaya walang karapatan ang iba sayo. Kahit hibla ng buhok mo, bawal hawakan ng Enrique na yon. Pag nakita kong hinawakan ka nya, makakabugbog ako."
"Possesive. Psh."
"Sa iyo lang ako ganito. Tandaan mo 'yan babe. Mahal na mahal kita, Yumiko Hayashi. Huwag na huwag mong babalaking iwan ako dahil baka hindi ko kayanin."
Ayan na ang nakakatouch na sinasabi ni Lance. Waaaa. Naiiyak ako. "Hindi po babe. I promise."
"Kahit anong mangyari, mas magtiwala ka sakin okay? Hangga't andito ako walang pwedeng makapagpahiwalay satin."
Tumango ako. "Opo babe. Thank you."
He kissed me again. I could feel his soft lips. My heart is trembling again because of Lance. I can clearly smell his masculine perfume. Ang lakas ng dating ni Lance.
"I love you babe. Let's go?"
"Let's go. I love you too." Sagot ko.
He held my hand. Hanggang hallway nya lang ako mahahatid dahil kay Enrique.
Mamimiss ko talaga si Lance.
⚊
Hyun's Mansion
DUMAKO ang tingin ko sa pinto nang may kumatok ro'n. Sino na naman ba ang kumakatok sa kwarto ko?
Bumangon ako sa kama. Kasi naman nakadapa ako habang nakikipagchat kay Fancy sa facebook.
I opened the door at nabungaran ko ang butler nila dito. "Yes?"
"Nasa library po ang Papa nyo. May pag-uusapan daw po kayong mahalaga kasama si Mr. Hyun."
Si Papa andito na naman? Pabalik-balik na sya ah.
"Okay." Ayos naman na ako kaya sumama na ako kay butler. Hindi ko pa naman alam kung saan ang library dito. Favorite place yun ng mga business man pag may mahahalaga silang sasabihin sa myembro ng pamilya nila. Psh.
Pagkapasok ko dito sa library, andito na pala sina Papa, Papa ni Enrique at si Enrique mismo na maluwang ang pagkakangiti sa akin.
"Anak..." Si Papa niyakap ako.
"Bakit umuwi ka Papa?" Tanong ko.
"Susunduin na kita."
Susunduin na kita..
Susunduin na kita..
Susunduin na kita..
Seriously. "Pero 'Pa diba andito naman si Enrique sa Pinas? Sya naman new fiance ko diba? Bakit pa ako uuwi ng Japan?"
Papa smiled at me. "Kasama natin si Enrique pabalik ng Japan."
"WHAT!?"
Shocks! Hindi pwede. Hindi ako pwedeng umalis. Si Lance...
Si Lance hindi pwedeng maiwan. Hindi. Hindi ako aalis. "Ayoko 'Pa."
"Wala kang magagawa. Sa ayaw at gusto mo sasama ka." Seryosong sabi ni Papa.
Wala na. Tumulo na luha ko. Diko alam pero nanginginig mga kamay ko sa galit. Ayoko. Bat kelangan namin pumuntang Japan? Eto na nga eh. May new fiance na. Nilayo na nila ako kay Lance, dito pa nga lang eh. Nagkalayo lang kami ng bahay hirap na hirap nako eh. Tapos ngayon gusto pa nilang pumunta akong Japan? Para saan? Para ano? Ilayo ng tuluyan kay Lance?
"Papa. I want Lance. Alam nyo yun. Pumayag na nga ako na may bago akong fiance tapos ngayon ilalayo nyo pa din ako? Ayoko Papa..." Napapahagulhol nako.
"Dahil sa lalaking yon nagkakaganyan ka? Nagagawa mo na sumuway sakin?" Galit na sabi ni Papa.
"Papa mahal ko si Lance. Si Lance lang ang gusto ko. Si Lance lang an---"
Natulala ako. Parang nabingi ako sa lakas ng pagkakasampal sakin ni Papa. For the first time pinagbuhatan nya ako ng kamay?
"Wag na wag kang magbabanggit ng ganyan sa harap ng bagong fiance mo! Gumalang ka naman Yumiko! Hindi kita pinalaking ganyan!"
Shit. Iyak nako ng iyak. Masama bang ipaglaban ko sa kanila yung lalaking gusto ko? Yung lalaking mahal ko? Ayokong makipag-plastikan sa kanila. Ayokong umakto na gusto ko si Enrique para lang ma-satisfied sila! Damn this business! Sana pinanganak nalang akong mahirap!
Naramdaman ko ang paghaplos sakin ni Enrique. Hinayaan ko nalang sya. Wala nakong lakas pang tumanggi sa kanya.
"Ayusin mo na ang gamit mo. Pinaayos ko na ang school papers mo sa SWU. Sa isang araw ang schedule ng flight nyo ni Enrique. Mauuna na ako sa Japan. Wag na wag mong susubukang tumakas Yumiko. Hindi mo alam ang maaari kong gawin 'pag pinili mo ang lalaking yon."
Wala silang puso. Business lang ang mahalaga sa kanila. Puro pera lang ang nasa isip nila!
"Hindi ako aalis 'Pa. Kahit ilang beses nyo pakong sampalin. Hindi ako aalis papuntang Japan."
"Ganyan naba katigas ang ulo mo Yumiko? Ano bang pinakain sayo ng lalaking yon ha!?"
Galit na galit si Papa pero hindi ako natatakot sa kanya.
"Wala Papa! Mahal ko si Lance! Mahal na mahal ko sya! Mahirap bang intindihin yon? Kung tutuusin kayo naman ang may kagagawan nito eh! Kayo ang nag-arranged sakin kay Lance! Kayo ang dahilan bat kami nagkakilala at nagkasama! Tapos ngayon ano Papa? Ako ang sisisihin nyo? Kelan pa naging kasalanan ang magmahal?"
"Tama na Yumiko. Hangga't nakakapagpigil pako. May gusto lang ako ipaliwanag sayo."
Kinabahan na naman ako. Iyak nako ng iyak. Ano pabang dapat kong gawin para hindi nila ako ilayo kay Lance? Ano pa?
"Kung hindi ka sasama sa Japan, isa lang naman ang mangyayari. Pababagsakin namin ni Mr. Hyun ang kompanya ng mga Abellano. Makakaya mo ba yun hija? Makakaya mo bang ipaglaban pa din yang sinasabi mong pagmamahal kung ang kapalit ay tuluyang pagbagsak ng inaasahang kompanya ng mga Abellano? Alam mo kung gaano kalakas ang impluwensya ko pati ni Mr. Hyun. Pag pinagsanib kami, walang kahirap-hirap naming pababagsakin ang kompanya ng lalaking pinagtatanggol mo ngayon sa harap ko."
No.
Hindi maaari. Aware ako sa lakas ng impluwensya ni Papa. At dadagdag pa si Mr. Hyun? Ganon naba talaga sila kadesperado?
Anong gagawin ko? Ayokong bumagsak ang kompanya nina Lance ng dahil sakin. Ayoko. Nalaman ko rin na may sakit sa puso ang Papa ni Lance, once na may gawing hakbang sina Papa para sa ikakabagsak ng kompanya nila, may possibility na atakihin si Mr. Abellano at...
"Papa bakit nyo ginagawa sakin 'to? Bat kelangan nyo kong ipitin sa ganitong sitwasyon!?"
Galit ako. Galit na galit nako kay Papa. Bakit sya ganyan. Bakit? Wala na talagang halaga yung nararamdaman ko? Damn.
"Binibigyan na kita ng choice anak. Susunod ka sa Japan kasama si Enrique o magpapaiwan ka dito at tuluyan mokong susuwayin."
Shit. What to do?
Lance I need you.
Nangako ako kay Lance na hindi ako bibitaw sa kanya. Nangako ako na hindi ko sya iiwan. Nangako ako.
"Nasayo na ang desisyon anak. At sa pipiliin mong desisyon, alam mo na ang consequences nyon."
Wow. Natawag pa nya akong 'anak' ? Robot ang turing nila sakin. Pilit nila akong pinapasunod sa gusto nila.
"P-Pwede ko bang makasama si Lance bukas? Buong araw. Walang mang-istorbo. Walang manggugulo." Sabi ko sa pagitan ng pagtulo ng luha ko.
Hindi ko alam pero hindi ko na yata kayang tuparin pa ang pangako ko kay Lance. Kelangan ko syang protektahan, yung kompanya nila, yung Papa nya. Ayokong maapektuhan sila nang dahil lang sakin.
"Does it mean, susunod ka sa Japan sa isang araw?"
Lalo akong naiyak. Tumango ako.
I think, it's the best decision I can make.
"Best decision. Sige anak, masusunod yung hiling mo. Hahayaan kitang makasama ang lalaking yun bukas pero pagkatapos nyon, hindi kana makikipagkita pa sa kanya."
Tama ba'tong ginawa ko? Wala akong magawa. Tumango nalang ulit ako habang umiiyak.
Wala na. Bukas..
Bukas...
Ang huling araw na makakasama ko si lance. Ang huling araw na ipaparamdam ko sa kanya kung gaano ko sya kamahal.
Buo na ang desisyon ko.
Sana kayanin ko. Sana..
⚊
Lance POV
"Lance gabi kana masyado tapos amoy alak ka pa." Si Nicole sinalubong ako sa salas. Bat gising pa sya? Bakit pa nya ako hinintay?
"Bakit gising kapa?" Tanong ko.
"Kasi Reid, she's feeler talaga that she's already your wife. Like errr!" Si Fancy sumingit. Kakababa lang ng hagdan.
"Bakit gising kapa din?" Tanong ko kay Fancy.
"I make bantay si Nicole kasi Reid, baka mamaya she will put gayuma on your drink or etcetera. Like hello! She's so desperada na kaya."
Tch. "Matulog na kayo." Sabi ko saka sila nilagpasan.
"Lance can I sleep in your room?"
"No." Cold kong sagot saka dumiretso na sa pag-akyat.
Pagpasok ko sa kwarto ko, nahiga agad ako. Medyo napalakas ang inom ko. Malalagot ako sa asawa ko. Sabi ko pa naman di ako masyado iinom.
Teka...
Tatawagan ko pala sya.
Dinukot ko ang phone ko sa bulsa ng pantalon ko. Magda-dial palang ako ng number nya ng tumunog ang phone ko.
Napabangon ako. Napaupo nako dito sa kama ko.
Babe calling...
Napangiti ako. Namiss na siguro ako ng asawa ko. "You missed me babe?" Bungad ko sa kanya pagkasagot ko ng tawag.
"I-I love you babe..."
Kumunot yung noo ko. Bakit yung boses nya parang malungkot.
"Are you okay babe?"
"Yeah. Babe can I have a favor?"
Fuck. Iba talaga yung tono ng pananalita nya. Ibang-iba. Matamlay na parang walang buhay.
"Anything babe. But please tell me first, are you okay? Are you sick? May nangyari ba?"
"I'm fine babe. As long as you're there, I'm perfectly fine."
"Good. So what's your favor?"
"Gusto kitang makasama bukas. Wag tayong pumasok babe. Gusto lang kitang kasama maghapon."
Hindi ko alam pero bigla akong kinabahan sa sinabi ni Yumiko. "Why? Paano si Enrique?"
"Huwag mo nalang intindihin yon. Masama bang gustuhin kong makasama ka? I really miss you babe."
Damn. Nakahinga din ng maluwag. Akala ko kung ano na. Medyo naiba na yung tono ng pananalita nya. Nagiging jolly na.
"Sure babe. Kahit kelan moko gustong makasama, pwedeng-pwede. Kahit pa forever babe."
I smiled kahit hindi ko sya nakikita ngayon. Mahal na mahal ko ang haponesang yon. She's my everything.
I heard her laugh on the phone. "If you say so. I love you babe. I need to hang-up. Masyado ng gabi. Wag ka ng magpupuyat. Gusto ko maaga tayo magkita bukas. I'll call you tomorrow. Goodnight babe."
I smiled again. "I love you too. Goodnight din babe. Take care. Dream of me."
"I will. Bye."
Ang lapad ng ngiti ko. Iisipin ko palang na magkakasama kami bukas, maghapon, sobrang saya ko na. Kahit pa ilang araw akong um-absent, basta sya ang dahilan ayos lang. Mas gugustuhin ko syang makasama kesa makipaglokohan sa professor namin na hindi nagtuturo ng maayos.
Bukas...
I will kiss her.
I will hug her.
I will tell her how much I love her.
I will show her my heart.
I will show her how much I care.
I really love her -- Yumiko Hayashi that soon to be Yumiko Hayashi Abellano.
I smiled as I close my eyes.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top