Chapter 36


Lance POV

"JANNA?"

Di ako makapaniwala sa nakita ko. Sya ang new fiance ko? Si Janna Ruiz? Na kaklase ko at bestfriend ni Chelsea Torres? Na kaibigan din ngayon ni Yumiko?

"Teka nga mga anak, magkakilala na kayo?" Singit nung Papa ni Janna.

"Magkaibigan at magkaklase kami Papa." Sagot ni Janna.

Damn!

Di ako makapagsalita. Nagulat ako syempre. Ganon ba kaliit ang mundo?

Magsasalita pa sana ako nang..

*BOOGSH!!*

Napamulat ako ng mata.

"Bro! Kanina pa kita ginigising! Nagwawala na sa galit si Papa. Andyan na fiance mo sa baba."

Tumingin ako sa paligid. Nasa kwarto ko ako. At si James ay nakatayo ngayon sa harap ko.

Nakahiga ako sa kama...

NANANAGINIP LANG AKO?

Ibig sabihin hindi totoong si Janna yung new fiance? Makikilala ko palang?

Damn it! Akala ko totoo na yon!

"Ano na Bro? Bumangon kana dyan!"

"Nakita mo na new fiance ko?" Tanong ko kay James.

"Hindi. Nung pinatawag ka sakin ni Papa, via intercom lang ng kwarto ko." Sagot nya.

Damn! Sino kaya new fiance ko?

Tumayo nako at nagpalit lang ng tshirt. Nakapantalon naman nako. Tulad sa nangyari sa panaginip ko kanina, hindi ako nag-pormal.

 Andito pa din sa kwarto ko si James. Parang nagsasaliksik. "Bro, paano kaya natin mapapabalik si Yumi dito sa mansyon?"

Napaisip ako bigla. Ako man, gustung-gusto kong bumalik si Yumiko dito sa mansyon. Pero mahirap din dahil may body guard sya. Isa pa, andito pa si Papa. Baka pag umalis na ulit ng Pinas si Papa, magawan ko yon ng paraan.

Gusto kong dito ulit tumira si Yumiko. Dito lang sya sa tabi ko. Tch.

"Bago ko na yon gagawan ng paraan pag wala na si Papa dito sa Pinas." Sagot ko. "Bababa nako." Paalam ko.

Kung sino man new fiance ko, sorry nalang dahil ipapamukha ko sa kanyang ayaw ko sa kanya at may iba nako mahal.

"Ge Bro, goodluck."

Diko na sinagot si James. Lumakad nako papuntang pinto.

*boooogsssh*

"What happened Reid? What happened to Yumi? Patrick told me that you will have a new fiance. Its GRRRR Reid! I will not payag to that kind of issue! I want Yumi for you!"

Si Fancy padabog na pumasok dito sa kwarto ko. "Gagawa ako ng paraan. Wag ka mag-alala." Sabi ko nalang.

Natutuwa din ako sa mga kapatid ko dahil nandyan sila. At pareho sila, gusto nila si Yumiko para sakin.

"Basta Reid! I will not make payag talaga! Later, tell me agad sino ang new fiance mo na andyan sa dining area okay? I will make sunog her kilay talaga and gonna bunot her hair follicles inside her nose! Arggg! I'm so naiinis talaga!"

Seryoso ako pero diko alam bat napangiti nalang ako sa inaasal ni Fancy. Baliw yang kapatid ko na yan eh.

"Hahahaha. Baliw ka talaga bubwit. Istorbo ka. Bababa na si Bro. Manahimik kana dyan." Singit ni James.

"Shut up Patrick or else I will make sabi to Papa na ikaw nalang ang bigyan ng fiance. Psh!" Pagsusungit ni Fancy saka humarap sakin. "Don't worry Reid, that new fiance of yours, I will make her life so miserable here pag dito sya tumira. I'll let her see what HELL looks like."

Ginulo ko buhok ni Fancy. "Well, that's a good idea." Sabi ko nalang saka nilampasan na sya para lumabas na ng kwarto ko.

Bago ako tuluyang makalabas. Narinig ko pa sigaw ni Fancy.

"You heard it right Patrick! I have conscent na from Reid na pwede ko gawan ng kalokohan ang new fiance nya! Yesss!"

Napailing nalang ako. Diko alam san nagmana yang batang yan.

Bumaba nako. Diretso sa dining area. Napansin ko ang tatlong tao na nasa mesa.

Si Papa, yung Papa ng new fiance at ang new fiance na ngayon ay nakatalikod dito sa pwesto ko.

"Andito na pala ang anak ko." Sabi ni Papa at biglang tumayo.

Lumapit ako sa kanila at tumabi kay Papa dahilan para mapaharap ako sa new fiance ko.

"Hi Lance!"

Hindi maaari. Hindi pwede. Hindi maaaring...

"Nicole?"

"Yes iho, she's your new fiance. She's really beautiful and sweet, right Nicole?"

"Yes po Tito!"

Diko alam magiging reaksyon ko. Diko alam kung matatanggap ko.

Ngayong nalaman kong si Nicole ang fiance ko, inaaalala ko si Yumiko. Masasaktan sya. Damn it! Bakit sya pa?

Kapatid lang ang turing ko sa kanya? Mabait ako sa kanya pero this time, diko alam kung kaya ko pang magpakabait sa kanya. Pero dahil nga si Nicole yan, na diko pinapatulan dahil inosente sya.

Isasabahala ko na kay Fancy ang mga kalokohan para sumuko si Nicole. Silang dalawa nalang ni James pag-asa ko ngayon about Nicole. Para kasing diko pa din sya kayang sungitan dahil wala naman syang ginagawang masama sakin.

Pero hindi, si Yumiko ang nakasalalay dito. As long as I can, hindi ko sya papansinin ngayon. Si Yumiko lang ang nasa isip ko at nasa puso ko. Walang makakapalit non.

"Ito na pala ang anak mo, Mr. Abellano." Sabi ng Papa ni Nicole.

"Oo sya nga." Sagot ni Papa. Seryoso lang ako. Diko pakikitunguhan ng ayos ang mga yan. Dahil sa kanila, nawala sakin si Yumiko. Tangna nila.

"Lance, kain tayo. Anong gusto mo?"

Ngayon ako bigla nakaramdam ng inis kay Nicole. Halatang-halata sa kanya na natutuwa sya. Di man lang nya naisip na nasasaktan si Yumiko? Alam naman nyang fiance ko na si Yumiko. Tch.

"Napaka-sweet naman pala talaga nitong anak mo Mr. Kim." Puri ni Papa.

Tch. Basta business pinag-uusapan, plastikan. Fuckt them.

Hindi ako sumasagot. At lalong di ako nakain. Galit ako. Galit na galit.

"Lance, iho pansinin mo naman ang fiance mo."

Ngayon ako biglang nagka-urge na magsalita. "May fiance nako. Si Yumiko Hayashi. Kaya wag nyo nako ireto sa iba." Matigas na sagot ko.

Yung tingin sakin ni Papa, ang sama. Wala akong paki. Nararamdaman ko nga, di nya iniisip? Pwes diko din iisipin nararamdaman nya.

"Palabiro talaga yang an---"

"Mag-usap tayo Nicole!" Pinutol ko na sasabihin ni Papa. Hinila ko na si Nicole palabas. Sa may garden.

"Hey Lance, gusto mo bang tayong dalawa lang? We can go on your room."

Fuck! Ganda pa ng ngiti nya. Si Yumiko lang ang may karapatang pumasok sa kwarto ko, wala ng iba.

"Paano nangyari 'to Nicole? Paanong ikaw ang new fiance ko?" Matigas na tanong ko. Galit ako.

"Lance I don't know basta nalaman ko nalang kay Papa. Can't you see, mukhang destiny talaga tayo. Hehe. Nakakatuwa no? Pinaglalapit talaga tayo ng tadhana."

"Stop it Nicole! Naging mabait ako sayo pero ngayon? Hindi ko alam kung magiging mabait pako sayo. Alam mo kung bakit? Dahil ikaw! Ikaw ang dahilan kung bakit wala ngayon sakin si Yumiko!"

Umiiyak si Nicole. Fuck. Hindi. Hindi ako maaawa sa kanya. Mas iisipin ko yung si Yumiko ang umiiyak. Mas nakakaawa sya.

"W-Wala naman akong ginawa eh. Ano bang magagawa ko kung destiny na yung gumagawa ng way para magkalapit tayo? Ayaw mo non? Mahal naman kita Lance... mas maganda ako kay Yumiko saka diba masama ang ugali ni Yumiko? Hindi kayo bagay."

Tangina! "Wag na wag kang magsasalita ng masama about Yumiko! Baka mapagbuhatan kita ng kamay! Fuck, Nicole! Tigilan mo yang destiny na yan! Dahil si Yumiko ang mahal ko! Sya lang ang babaeng para sakin!"

Sasabog nako. Hindi ko matanggap na heto sa harapan ko ang new fiance ko! Tangna nila! Si Yumiko lang ang gusto ko!

"Matututunan mo din akong mahalin Lance. Hindi naman ako mahirap mahalin eh. I will do everything para mapasaya kita."

"Stop it! Stop it please! Kahit anong gawin mo, di mo mapapantayan si Yumiko! Dahil sya, sya ang nagmamay-ari ng puso ko!" Sigaw ko. This time, I have to defend Yumiko.

All this time lagi kong pinapanigan si Nicole over Yumiko. Ngayon hindi na. Hinding-hindi na.

"Lance naman! Nabubulag kalang! Hindi yan pagmamahal. Ako ang bagay sayo Lance. Ako ang itinadhana sayo!"

"Damn it Nicole!"

"What's the mat---OH my god!"

Si Fancy at James kakadating lang dito sa may garden.

"Ikaw ang new fiance?" Tanong ni James.

Nakakuyom na ang kamao ko. Nanginginig nako sa galit. Damn it!

"You talaga! I'm gonna tapyas your ilong talaga! You're GRRR! Ang kapal naman talaga ng face mo na may kalyo para maging fiance ni Reid. You're not even bagay to him!" Sigaw ni Fancy.

Si Nicole ayan, umiiyak ulit. Diko sila pipigilan. Hindi ako papanig sa kanya dahil ngayon, kaaway ko na si Nicole. Ipaglalaban ko si Yumiko.

"Lance pinagkakaisahan nila ako."

"I don't care." Sagot ko. "Una nako sa taas. Tatawagan ko pa si Yumiko. Miss na miss ko na ang asawa ko." Idiniin ko pa ang salitang 'asawa ko' . Gusto kong ipamukha sa kanya na kahit anong gawin nya, hindi ako papayag sa arranged marriage between us.

"Haha. It's funny! Reid didn't make kampi on you. Poor Nicole. Huhuhu. I'm gonna cry na din! So I'm warning you, don't mess up with Yumi and Lance's relationship or else.. I will dukot your mata talaga and gonna basag your ngipin. Psh! Tse! Let's go na Reid sa loob."

Hinila nako ni Fancy papasok ng mansyon. Nagpahila naman ako. Hindi nako naaawa ngayon kay Nicole dahil ibang ugali na nya ang nararamdaman ko. Hindi na sya nakakaawa dahil inosente sya. Nakakaawa sya dahil desperada na sya.

Tch.


Nicole POV

Sayang ang pag-acting ko ng iyak! God! Di ako kinampihan ni Lance kahit inapi ako ng kapatid nya? Bwisit!

Ayun iniwan nila ako dito sa garden? Shocks! Akala nila aatras ako? At si Lance? Talagang pinamukha nya sakin na si Yumiko na yon ang para sa kanya? Hell no.

Akin kalang Lance.

By the way, siguro nagulat kayo bat ako fiance nya? Simple lang. Dahil spoiled ako and tino-tolerate ni Papa lahat ng gusto kong gawin, humiling ako sa kanya na gumawa ng issue.

Issue para mag-away ang Papa ni Lance at Papa ni Yumiko para i-break nila ang engagement nung dalawa. And there, success, dun pumasok sa eksena si Papa. Inalok nya ng malaking shares ang Papa ni Lance kapalit ng arranged marriage. Kaya ako na ang new fiance.

Haha. Nasa akin pa din ang huling halakhak. Nalaman ko din na hindi naman pala totoong buntis si Yumiko. Damn them!

Lolokohin pa nila ako? Akala nila wala akong mga galamay? No way. Ako pa? Mahal ko si Lance at ito na ang oras na mapapasakin na sya ng tuluyan.

Kahit pa itaboy ako ni Lance, di naman mababago ang katotohanang ako na ang new fiance nya.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top