Chapter 35

Yumiko POV

Kaaalis lang ni Papa. Di nya ko hinayaan na isama sa paghatid sa kanya sa airport. Binalik naman nya ang phone ko kaso diko gusto yung iniwan nya sakin.

May body guard ako. Kainis lang! Hindi daw ako pwede makipagkita kay Lance.

Miss ko na babe ko.

I dialled Lance's number.

[Babe!]

Kusang tumulo luha ko nung marinig ko boses ni Lance. Halata sa boses nya na parang nakakaawa ganon.

"Babe..."

[Nasan ka babe? Pupuntahan kita? Magkita tayo. Okay kalang ba?]

Yung tono ng pananalita ni Lance, halatang alalang-alala sya sakin. "Babe, I don't think I can. May body guard ako na nakabantay sa labas ng pinto ng room ko. Nakacheck-in ako sa hotel."

[Damn it! Gagawa ako ng way babe. Text mo sakin anong hotel yan. Also the address. Please babe, gustung-gusto na kitang makita. Mababaliw nako.]

Parang nagaralgal na yung boses ni Lance. Ano gagawin ko. Di naman sya makakapasok dito.

"I also want to see you babe..kaso wala akong magawa.."

[Ako ang gagawa ng paraan. Okay? Wait for me. Itext mo na sakin yung address. I love you babe.]

"O-Okay... I love you too."

*toot toot*

May tiwala ako kay Lance. Alam kong gagawa sya ng paraan. Miss ko na agad sya kahit kaninang umaga lang kami nagkahiwalay.

Tinext ko kay Lance yung pangalan ng hotel pati na din address.

Nakadapa pa din ako dito sa kama. Wala akong ganang kumain. Nasa table lang yung food na pinahatid ni Papa kanina. Wala akong balak pansinin yan.

Mas gugustuhin ko ng ibilanggo ako ni Lance sa tabi nya kesa ganito na ako yung bilanggo with body guard.

Galit ako kay Papa. Tinanong ko sya kanina about dun sa alitan nila ng Papa ni Lance. Ayaw nya ako sagutin. Hindi ko matanggap ang pangyayari. Masyadong mabilis. Masyadong biglaan. Di man lang namin napaghandaan.

Gusto ko ng makita si Lance.

Naiyak na naman ako. Basang-basa na yung unan sa pag-iyak ko.

Kasi..

Kas.

Ka..

ZzzzzZzZZz..


Lance POV

"Sure ka dyan Bro ha?"

Tiningnan ko ng masama si James. May sinabi akong plano sa kanya para mapuntahan ko sa kwarto nya sa hotel si Yumiko. Mahirap na, may bodyguard pala sya.

Lahat ng paraan gagawin ko para kay Yumiko. Gusto ko na syang makasama at makita. Alam kong umiiyak yun ngayon. Nasasaktan ako. Nasasaktan ako na nasasaktan si Yumiko dahil sa sitwasyon namin.

Anong klaseng arranged naman kasi yun! Pinagkasundo kami tapos babawiin? Mga gago pala sila! Tch!

"Mukha ba akong nagbibiro?" Seryosong sabi ko kay James. Nagda-drive ako. On the way sa hotel kung saan naka-check-in si Yumiko.

"Sige Bro suportanta kita! On the way na daw sina Luke."

"Ge." Sagot ko. Pinatawagan ko kasi ang tigers. Ngayon, kakailanganin ko talaga ang tulong nila.

Maya-maya nakarating din kami dito sa hotel. Dito pa kami sa labas, hinihintay ang tigers.

"Brad!"

Napatingin ako sa harap. Naglalakad na pala papalapit samin sina Luke, Kit, Ken, Jerome, Drei at Oliver. Ayos na yan. Kayang-kaya naman siguro ng mga yan yung nag-iisang bodyguard ni Yumiko.

"Ano brad? Alam nyo na gagawin." Sabi ko.

"Oo Lance. Copy! Para kay Yumiko." Sabi ni Oliver.

"Anong sabi mo?"

"Para sayo pala brad! Kaibigan ka namin eh! Ha-ha!" Bawi ni Oliver sa sinabi nya.

"Hanggang dito, selosan pa din? Wag muna kayo magganyan. Tara na." Sabi ni James.

Tumango lang ako. Si Kit at Ken ayun sa reception, nagpacute sa mga receptionist kaya diretso na kami sa elevator sa gilid. Kasama ko sina James, Oliver, Drei at Luke.

Sabi ni Yumiko sa text, room 48 daw sya sa 5th floor.

Maya-maya andito na kami sa 5th floor. Pagbaba palang ng elevator natanaw na namin yung bodyguard ni Yumi. Sya lang naman nag-iisang nakaupo dun sa may hallway.

"Tara uwi! Ang laki ng katawan brad!"

"Hoy Luke napakaduwag mo talaga. Palibhasa puro ka pagkain. Mag-gym ka din paminsan-minsan. Brad kahit ako nalang. Kayang-kaya ko yang patulugin sa isang suntok ko lang." Sabi ni Oliver.

"Hindi brad. Ako nalang. Titigan ko lang yan, mananakbo na yan sa takot." Sabi naman ni Jerome.

"Tss. Wag na kayo magpayabangan! Ang mahalaga dito maitumba yang bodyguard ni Yumi." Sabi ni James.

Ako tahimik lang. Mas iniisip ko ngayon si Yumiko. Gustung-gusto ko na syang makita.

Nagsimula na kami maglakad sa hallway. Pa-cool na lakad para di halatang may balak na masama.

Hahayaan ko na ang mga yan kung anong tactics gagawin nila. All I need to do is makapasok sa kwarto ni Yumiko.

"Hey man!" Tawag ni Jerome sa bodyguard. Dito na kami sa tapat ng room 48 kung saan nasa loob si Yumiko.

Tumingin lang samin ng masama yung lalaki. Ako pasimpleng sumandal sa dingding. Sa tabi ng pinto ni Yumiko.

"Hindi kaba marunong magsalita man?" Tanong ni Drei.

"Anong kailangan nyo?" Nagsalita din sa wakas.

"Ikaw ang kailangan namin! Napag-utusan kasi kami nung nakacheck in sa room 25 na puntahan daw namin yung body guard dito sa room 48 at ikaw yun." Pagsisinungaling ni Oliver.

"Bakit?" Napaka-brusko ng boses ng body guard nato. Tch. Sapakin ko sa mukha yan eh.

"Type ka yata. Maganda pa naman yung boss naming babae na yun. Baka daw pwede ka pumunta kahit saglit lang. Kahit ba 2 minutes. Gusto mo samahan ka namin." Sabi naman ni James.

Halata naman sa mukha nung body guard na parang napapaniwala sa sinasabi ng mga gunggong. "Kelangan ko bantayan ang nasa kwartong 'to kaya di ako pwedeng umalis." Sagot nung bodyguard.

"Hindi yan. Saglit lang naman. Para 2minutes lang? Wag mo naman tanggihan ang boss namin. Minsan lang yun maakit sa ka-gwapuhan ng isang lalaki."

Napakamot sa ulo yung bodyguard tapos..

"Hindi naman ako masyadong gwapo. Medyo lang. Pero sige pupuntahan ko sandali yun. Sanay na din ako sa ganyan. Kadalasan talaga babae ang nagpapasundo sakin. He-he."

Magyabang kapa. Lakas ng hangin mong kulugo ka. Tch!

"Yun naman pala brad eh. Tara, tara!" Sabi ni Drei saka inakbayan yung bodyguard.

Sinenyasan nila ako. Hindi na napansin nung kulugong yun na naiwan ako dito. Ayun naglalakad na. Nakatalikod na sila pabalik sa elevator kaya mabilis kong binuksan ang pinto. Buti hindi naka-lock. Pagpasok ko, ni-lock ko pinto.

Napangiti ako nang makita ko si Yumiko na nasa kama. Mukhang tulog. Medyo gumaan pakiramdam ko ngayong nakita ko sya.

Umupo ako sa gilid ng kama at pinagmasdan si Yumiko. May bakat pa ng luha sa pisngi nya pati sa unan nya. Nakatulugan siguro nya ang pag-iyak. Tch. Dahil sa mga Papa namin, naiipit kami ni Yumiko sa sitwasyon. Damn it!

Hinaplos ko ang pisngi ni Yumiko. Automatic akong napapangiti eh. Itong babaeng 'to lang ang gusto kong pakasalan. Wala ng iba.

Kanina, sinabihan ako ni Papa na may dinner daw mamaya sa bahay. Pupunta daw ang new fiance ko. Damn them!

Wala akong pakialam sa magiging bagong fiance ko. Si Yumiko lang ang gusto ko. Ipapamukha ko yan sa kanila mamayang gabi. Wala akong pakialam kung mapahiya si Papa.

Wala akong pakialam dahil ngayon, si Yumiko lang ang tanging kailangan ko.

Yumiko POV

Naalimpungatan ako nang maramdaman ko na may humahaplos sa pisngi ko. Dahan-dahan ako nagmulat ng mata.

*yawn*

Napabangon ako. "Babe?"

Sa halip na magsalita si Lance, niyakap nya ako ng mahigpit. "Okay kalang babe?" Tanong nya.

Miss na miss ko na si Lance. "B-Babe.." Diko mapigilan na umiyak lang.

Kumalas sya pagyakap sakin at pinahid nya yung luha ko. "Wag kana iiyak babe. Lalo na pag wala ako sa tabi mo. Please..?"

Lalo lang ako naiiyak sa sinasabi nya eh. "P-Paano ka nga pala nakapasok dito?" Bigla ko naalala.

"Wag mo ng alamin. Di na yun mahalaga. Ang mahalaga andito ako ngayon sa harap mo." Sabi ni Lance.

"B-Babe di na tayo mag-fiance.."

"Yeah. Kinansel nila pero don't worry about it. Aayusin ko yun. Gagawin ko lahat maibalik lang yung dating kasunduan. Di ako papayag na makasal sa iba. Ikaw lang gusto ko babe.." He said then he kissed me.

Passionately. Hot. Torridly.

Ramdam na ramdam ko yung love ni Lance sakin sa way ng paghalik nya. I really missed him kahit oras palang yung pagitan nang maghiwalay kami kanina.

After more than a seconds, he stopped. Hinawi nya ang ilang hibla ng buhok ko na humaharang sa mukha ko. "I love you babe. Sa school, magkikita tayo. Hindi ka man nakatira sa mansyon, pupuntahan kita lagi dito sa hotel mo. Basta ibigay mo sakin ang susi. Mauuna ako palaging umalis ng school pag labasan natin para wala pa bantay dito, para makapasok ako. Okay?"

Tama si Lance. Tama naisip nya. Tutal kahit sa school, nakabantay sakin body guard ko. Makakasama ko si Lance kung mauuna syang aalis sa school para pumunta dito sa hotel. Hindi naman pumapasok dito sa loob ang body guard. Hindi sya allowed. Hanggang dun lang yun sa labas.

"Masusunod po babe."

"Good. Wag kana malulungkot. Tiis lang muna habang gumagawa ako ng paraan. Mamayang gabi makikilala ko new fiance ko."

"B-Babe..."

Waaa. Ayoko mapunta sa iba si Lance. Ayoko. Akin lang sya.

"Ssshh. Wag ka malungkot. Di naman ako papayag. Ipapamukha ko sa kanila mamaya na ayoko. Wala nako pakialam kung mapahiya man si Papa. Basta wala akong pakialam."

Humikbi lang ako. "B-Babe.."

"Ikaw lang ang mahal ko. Ikaw lang ang gusto ko babe. Ikaw lang ang pakakasalan ko. Alam mo yan."

Nata-touch ako sa sinasabi ni Lance. "I love you babe." Sabi ko.

He gave me a peck on my lips. "I love you too babe. Smile na ha? Ayokong malulungkot ka. Be strong. Hindi tayo papatalo sa gusto ng mga ama natin. Pangako mo sakin, hindi ka iiyak pag dimo ko kasama. Okay?"

"O-Opo babe."

"Good. Hindi ako pwede magtagal dito. Naghihintay lang ako ng missed call ni James at kelangan ko na umalis."

"Kasama mo si James?" Tanong ko.

Tumango sya then he kissed me again. I respond. As always. Hindi nakakasawa.

Palalim ng palalim yung halik ni Lance nang..

Krrriiinnnnggg..

"Fuck. Kelangan ko na umalis babe. Please mag-ingat ka dito. Tatawagan kita. Wag ka na malulungkot okay? Wag ka din iiyak. Please. Bukas magkikita tayo sa school. I love you." He kissed me then tumayo na sya.

Tumayo din ako saka yumakap sa kanya. "I love you too babe. Kaya natin 'to!" Sabi ko kahit nanggigilid pa din luha ko.

He smiled. "Kayang-kaya babe. Alis nako." He said then kissed me for the last time.

Nang matapos, sumenyas na sya na aalis na. Hinatid ko sya sa may pinto. Nagpahabol pako ng isang smack na kiss bago sya tuluyang makalabas ng pinto.

Wala na ulit si Lance. Waaa. Mas gusto ko syang kasama.

Mag-isa na naman ako dito.

Pero sabi nga ni Lance, tiis lang kami. Maayos din 'to. Maayos 'to!

Kinagabihan..

Lance POV

Andito ako sa kwarto ko. Naayos na pala ng katulong. Wala na mga pinagbabasag ko eh.

Naaalala ko yung mga oras na magkasama kami ni Yumiko dito. Damn it! I missed her so bad. Kanina ayoko sana syang iwan pero hindi, kelangan namin magpakatatag. Ipaglalaban ko sya. Hinding-hindi ako papayag na mapalitan si Yumiko bilang fiance ko. Sya lang gusto ko. Sya lang.

Nakashirt lang ako at pants. Hindi nako nag-pormal. Hindi ko kelangan mag-ayos para sa new fiance na sinasabi ni Papa.

Fuck them!

Pagkatapos ko, lumabas nako ng kwarto. Diretso akong dining area. Nakaupo na si Papa. Wala pa yung ka-dinner namin.

"Hindi ka man lang nag-pormal na damit." Puna ni Papa ng makaupo ako sa tapat nya.

"Do I have to? Alam nyong against ako dito." Pabalang na sagot ko. Sabi ko naman sa kanya, igagalang ko lang sya pag binalik nila sakin si Yumiko.

Narinig ko yung paghinga ng malalim ni Papa.

"Oh! You're here!" Napatayo si Papa. Hindi ko pa nakikita ang dumating dahil nakatalikod ako. Si Papa nakaharap dun. Hindi rin ako nalingon. Wala akong pakialam sa kanila.

"Iho, i-welcome mo sila!" Sabi ni Papa. Tumayo naman ako at humarap na sa mga dumating.

"LANCE?"

"Teka magkakilala na kayo?" Narinig kong sabi ni Papa. Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko.

Ang new fiance ko?

"JANNA?"

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top