Chapter 31
Lance POV
*BOOGSH*
Padabog kong sinara ang pinto. Nababadtrip ako sa Enrique na yun. Tch.
Ganito pa naman ako pag sobrang badtrip, lahat nadadamay. Di ako namamansin.
Tangina lang talaga ang Enrique na yun. Ano bang ginawa ni Yumiko dun ba't sya nagustuhan non? Tinakot pa'ko na aagawin sakin si Yumiko.
Umupo ako dito sa kama. Huminga ng malalim. Gusto kong pa-kalmahin sarili ko pero wala. Diko mapigilan mabwisit. Tangnang lalaking yon. Tch! Lakas ng loob.
"Saan ba nagkakilala mga yon? Ano ginawa nila? Tch!" Sabi ko sa kawalan.
Wala akong ideya pano sila nagkakilalang dalawa. Sa lahat ng lalaki, yung Enrique na yun pa! Saksakan ng confidence sa sarili. Akala ko kung sino. Tangina nya!
Lahat nadadamay pag nabadtrip ako kaya diko din sinasadyang pagdabugan ng pinto si Yumiko. Tch. Ang init init ng dugo ko!
Selos na selos ako sa Enrique na yun! Talagang willing syang agawin si Yumiko kahit alam na nyang fiance ko. Damn it.
Tumayo nako at dumiretso sa CR. Ililigo ko 'to para mabawasan init ng ulo ko. Fuck it.
☣
James POV
Dito ako sa kwarto ko.
Hulaan nyo ginagawa ko.
Ano paba? Edi nagbabawas ng ka-guwapuhan. Apaw na eh. Dejoke lang. Pero totoong gwapo ako. Gwapong-gwapo.
Nag-iisip ako ng pwedeng gawin.
Teka...
May assignment nga pala. Kaso problema naman, diko na-kopya questions. Tch.
Ah. Si Yumi sure na meron yun. Lumabas ako ng kwarto ko para puntahan si Yumi sa kwarto nya.
*katok*
No response.
*katok*
No response.
*katok"
Kakaotalk? Puro katok eh. Wala talagang nasagot. Pinihit ko door knob. Bukas naman. Pagpasok ko...
"Yum---"
Si Yumiko nakadapa sa kama nya at...
Narinig ko paghikbi nya. Umiiyak? Problema nyan?
Lumapit ako kay Yumi sa kama at hinagod likod nya. "Napano ka? Bakit?"
Halatang nagulat si Yumi nang nakita nya ako. "J-James.."
Napabangon sya. Namumula na ilong nya dahil sa pag-iyak. Parang alam ko na bakit.
Si Bro na naman. Tch. "Okay ka lang ba?" Tanong ko.
Pinunasan nya luha nya tapos tumango. "O-Okay lang ako.."
"Hindi ka okay. 'Lika." Wala akong choice kundi hilahin sya. Ayun napatayo naman sya. Wala naman sya magagawa eh.
"J-James.."
Hindi ko sya pinakinggan basta hinila ko lang sya papunta sa kwarto ni Bro. Kailangan nila mag-usap. Yan si Bro ayan na naman ang silent treatment nyan eh.
Diretso kong binuksan ang kwarto ni Bro. Pagbukas ko ayun saktong kakalabas lang cr. Basa pa buhok. Naligo yata.
"Bro." Sabi ko saka binitawan si Yumi. "Wag mo naman paiyakin fiance mo. Wala naman yan kasalanan sayo! Ano yan? Hahayaan mo nalang ganyan si Yumi? Umiiyak mag-isa? Aish."
"J-James.."
"Lumabas kana." Sabi ni Bro sakin. Si Yumi nakatungo lang. Halatang naiyak pa din.
"Ge Bro lalabas nako. Ayusin nyo yan. Wag mong hinahayaang umiyak fiance mo kung ayaw mong maghanap yan ng iba." Sabi ko saka lumabas na ng kwarto.
Sana matauhan si Bro. Hindi naman iiyak si Yumi kung di yun nasasaktan. Baliw lang talaga si Lance. Masyado dinadaan ang lahat sa init ng ulo. Kailangan ko ng kausapin si bubwit. Kelangan na ulit ng some trippings.
*evil plan*
☣
Yumiko POV
Nakatungo lang ako habang nakatayo. Ang awkward. Ang pula pa naman ng mukha ko pag naiyak. Bat kasi hinila pa ako ni James dito.
Nakalabas na ng kwarto si James. Di ako natunghay kay Lance kasi basta ayaw.
Naramdaman ko nalang na niyakap ako ni Lance. Diko man lang naramdaman na nakalapit na sya sakin. "Sorry babe."
Naiyak na naman ako.
"Wag ka ng umiyak. Sorry na babe. Sorry."
"B-Bakit..."
Diko matuloy sasabihin ko dahil naiiyak talaga ako.
"Sshhh. Tama na. Sorry na. Mainit lang dugo ko sa lalaking yun. Sorry nadamay ka sa init ng dugo ko. Pero please wag kana umiyak babe."
"K-ka.." Kanina ko pa di natutuloy sasabihin ko. Basta ayokong nagiging ganon sakin si Lance.
Nasasaktan ako eh.
"Sshhh... I love you babe." Sabi ni Lance tapos kinalas pagkakayakap sakin. He face me and wipes my tears.
Nakatingin lang ako sa kanya. Sa tuwing susubukan ko kasi magsalita, naiiyak lang ako lalo.
He kissed me on my forehead then in my nose and lastly, in my lips. He's kissing me softly and torridly. All I can do is to respond kahit naluluha pako. I really love this man. Parang magalit man ako sa kanya, konting lambing nya lang, bumibigay nako agad.
He stopped kissing me then he cupped my face. "Sorry na. Please, wag ka ng lalapit sa Enrique na yun. Baka kung ano magawa ko sa kanya. Please? Nagseselos ako. Sobra. Sa tuwing nagseselos ako, di ko mapigilan magalit sa lahat. Lahat nadadamay sa init ng dugo. Please, kung napapaiyak man kita, wag mokong iiwan. Wag moko pagpapalit sa iba. I love you babe. Sorry. Sorry."
Nakikita ko naman yung sincerity sa mga mata nya. Nasasaktan ako pag galit sya. Bakit ba kasi kelangan pang madamay ako sa init ng dugo nya? Bakit ba tuwing magagalit sya, di man lang nya isipin nararamdaman ko pag ganon treatment nya sakin?
"Babe, wag kang aalis mag-isa. Wag kang papasok at uuwi mag-isa. Wag mo papansinin ang Enrique na yun kung magpunta man sya sa SWU. Please babe?"
Kaya ko naman gawin yang sinasabi nya. "O-Okay..." Sagot ko.
He hugged me again. "Thank you. Thank you babe."
Ano paba magagawa ko? Si Lance na yung humiling. Hindi ko sya kaya suwayin. Masyado ko sya mahal. Pero minsan diko alam pero parang nasasakal ako sa kanya. Masyado syang mahigpit sakin. Feeling ko tuloy wala nakong freedom. Sa lahat ng oras gusto nya nasa tabi nya lang ako. Okay naman sakin yun kasi masaya ako pag kasama ko si Lance pero minsan, nakakasakal na talaga.
Ewan ko. Ewan.
☣
Fancy POV
It's so gabi na and I'm going home na. I'm dead na talaga kina Reid and Patrick. Ohmy lang.
Kanina we just went to mall ni Blake. He's really cute and gentlemen. We just ate ice cream lang naman then we played at quantum. That's all. I'm so masaya talaga. And at the same time, kinikilig. Yay! He's really gwapo eh.
Papasok na ako here sa main door ng mansyon when I saw Patrick on the living room.
"Patrick!"
"Oh bubwit. Ba't ngayon ka lang?"
"I'm naggala pa eh. Sorry Patrick." Sabi ko then diretso na sana ako paakyat sa stairs nang..
"Bubwit!"
I make lingon to Patrick. "Yes?"
"I need your help."
Ohmy! End of the world? Mygolly, it's the first time that Patrick will ask for help. About what kaya? "What is it?"
"It's about Lance and Yumi." Sagot nya.
"What about them?" I asked him while walking towards him.
"Inuutusan kita na gumawa ulit ng kalokohan kina Lance at Yumi. Anything basta dapat ang magiging result, hindi na susungitan ni Lance si Yumi."
Huh? I'm so naguguluhan. "What happened ba?"
"May pinagselosan na naman si Lance at ayun, pati si Yumi di pinapansin. Naabutan kong umiiyak si Yumi sa kwarto nya. Tch. Dapat matuto na yan si Lance na kung galit man sya, wag nya dadamay si Yumi dahil nasasaktan din yon."
Patrick is so serious. I noticed something. "Patrick, are you inlove with Yumi?" Kasi naman, he's really concern about Yumi.
"No. Mahalaga lang sya sakin bilang kaibigan at alam kong mahal nya si Lance."
"Really? Okay fine. Regarding on your request, I will do it tomorrow. Pero you need to give me your credit card on weekend. Mags-shopping ako." Sabi ko. Hello, I want kapalit no.
"Tch. Kahit kelan talaga. Oo na!" Sabi ni Patrick then he walks out.
Hmp! I'm so madami kalokohan but look, napapakinabanagan din naman. He's now asking my help na to make some trippings! Oh I miss that. Humanda ka sakin Reid. You're so sungit naman kasi talaga. He's like a menopause woman. Grrrr talaga.
I'll go to my room na nga! Hmp!
☣
Yumiko POV
"May gusto kang kainin babe?" Nakangiting tanong ni Lance sakin tapos pinunasan nya mabuti yung luha sa mata ko. Andito pa din kami sa kwarto nya. Tahimik pa din ako.
Inakbayan nya ako at naglakad kami papuntang kama para maupo.
He turned on the TV at naupo sa tabi ko. "Ano babe?" ulit niya.
Umiling ako ng bahagya. "Wala."
He kiss me again on my lips pero smack lang. "May tampo pa ang babe ko? Sorry na.."
Umiling ulit ako. "W-Wala na yun."
"I love you." Sabi nya.
Masaya naman ako na malamang mahal na din ako ni Lance pero bakit kelangan nya ako higpitan ng sobra? Bakit hindi nya kaya isipin ang nararamdaman ng nasa paligid nya?
"I-I love you too." Sagot ko. Medyo malumanay pa boses ko. Diko pa kaya pasiglahin. Kasi... ewan!
He kissed me again. Smack lang. "Di ako nagsasawang halikan ka babe. Hindi ako nagsasawang ikaw lagi kasama ko. Hindi ako nagsasawang mahalin ka."
Touching yung sinabi ni Lance pero...
Never mind! Naguguluhan na din ako sa sarili ko.
Ngumiti lang ako sa kanya pero yung ngiti ko, pilit lang.
He cupped my face again. "Ayokong mawala ka sakin."
Ngumiti ulit ko at the same time, mas nata-touch ako.
"Gagawin ko lahat wag kalang mawala sakin babe."
"Hindi ako mawawala." Sagot ko.
"Gusto ko pa din ng assurance na dika mawawala sakin." Sabi nya. Iba na yung tingin nya sakin. Ang pungay ng mata nya.
"Anong ibig mo sabihin?" Tanong ko.
"Let's make a baby."
WHAT?
Baby?
As in bata?
Sanggol?
Fetus?
For real?
Anong sinasabi ni Lance? Shocks! Seryoso ba sya?
"Lance."
Nawala yung tampo at lungkot ko dahil biglang naggisingan mga ugat ko sa katawan at dugo ko buhay na buhay. Grabe epekto ng sinabi ni Lance.
"I'm serious babe. Please..."
Seryoso talaga sya? Yung itsura nya seryoso at parang nagpapaawa. Nilapit nya mukha nya sa mukha ko.
"Please babe, let's do it."
"B-Babe..."
"Please."
"P-Pero."
"Ayokong maagaw ka sakin ng iba. Aminado ako na-treathen ako sa sinabi ni Enrique na aagawin ka nya sakin. Ayoko mangyari yun. Kaya gusto ko ng assurance babe. Please let's do it."
He's really serious? Shocks. I don't know. What to do? "Babe hindi naman kelangan ng assurance dahil hindi mangyayari yun. Hindi ako maaagaw ni Enrque o ng kahit sino. Kasi yung puso ko nasayo na."
He kissed me. "Please babe." He said with his husky voice.
Shocks! Desidido yata si Lance. Diko alam isasagot ko. Do we need to do that? Hindi pa kami kasal. Hindi pako handa magka-baby. Bata pa kami saka.. Waaa!
Lance started to seduce me. Mygolly! He kissed my cheek...
"Babe."
He kissed my neck...
Feeling ko may kuryenteng hatid yung hininga ni Lance. Waaaa. "Babe.." Parang nanginginig nako.
He kissed my lips slowly. Kinikilabutan ako. Sanay na naman ako sa kiss nya pero yung ngayon iba, waaa! Hindi ko alam gagawin.
What should I do?
Pagbibigyan ko naba siya? Pero mali 'to. Mali.
Tumigil si Lance sa paghalik sakin saka nya ko tinitigan. Yung titig ng nang-aakit. Shocks talaga!
Hinawakan nya ako sa dalawa kong balikat saka ako dahan dahan na inihiga.
Nakahiga nako pero yung paa ko nakababa pa din sa may sahig kasi nakaupo ako kanina diba, hiniga nya lang yung katawan ko.
Tumungo sakin si Lance.
"Don't even try to stop me babe dahil dimo na ako mapipigilan."
Oh my.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top