Chapter 3 ♥ First Meeting
Yumiko POV
So this is the day?
We're here at the airport. Kararating lang namin dito sa Pilipinas ni Papa. He said, hindi daw kami masusundo ng magaling kong fiance kaya kami na lang ang pupunta sa mansyon nila.
Mansyon talaga? So I'm expecting that they are rich.
I'm ready to make my fiance's life miserable. Gagawin ko ang lahat para mapa-urong sya sa kasal.
"Iha, let's go." Sabi ni Papa. May taxi na pala.
Sumakay kami ng taxi. Honestly, I'm not excited. Yeah. For me, it was a normal day. Nothing special.
Maya maya andito na rin kami sa mansyon ng aking magaling na fiance to be. So dito ba kami mag-stay?
Pinagbuksan kami nung guard ng mansyon at may sumalubong na rin saming mga taga-buhat ng bagahe namin. Sorry nalang sila kung limang maleta ang dala ko. I'm staying here in the Philippines kaya dapat lang na dalhin ko ang lahat ng gamit ko.
"Konnichiwa Hisao!" Bati nung sa tingin ko ay father nung magiging fiance ko. Hisao is my father's name. "Pasok kayo." Yaya nito samin.
Tumuloy naman kami. They have a great interior design infairness.
"Arigato!" Sabi ni Papa. Ako tahimik lang. Hello! I just don't feel like to talk.
"Iha, mamaya parating na rin si Lance. Ma-mi-meet mo na din sya. Magpahinga muna kayo. Napa-ayos ko na ang guest room. Magkatabing kwarto naman yung gagamitin niyo." Sabi ni Mr. Abellano.
I just smiled at him. Diko feel magsalita.
"Arigato!"
Si Papa wala ng sinabi kundi pasasalamat. Jetlag din siguro. Sabagay. I'm really tired. Mas gusto ko munang magpahinga bago makilala ang magaling kong fiance.
"Pa, I think I have to rest." Sabi ko. Mukhang si Papa mapapasabak pa ng kwentuhan kay Mr. Abellano eh.
What will I do? Alangan namang makinig ako sa usapan nila? Hello! They're oldies.
"Manang ihatid mo si Yumiko sa magiging kwarto niya." Sigaw ni Mr. Abellano sa katulong.
Agad namang lumapit sakin yung katulong at inalalayan ako. "Thanks." I said.
Lumingon muna ako kay Papa bago tuluyang umakyat sa hagdan. "Pa mauna na'ko."
"Okay Iha. Just take some rest."
I just nodded at him then walked upstairs.
☣
Lance POV
Big day.
Darating na pala yung fiance ko ngayon galing Japan. Damn. Tapos na ang buhay binata ko.
Sa tingin ba niya hahayaan ko siyang guluhin ang mundo ko? Asa siya. Wala akong paki kung maganda man siya o sexy. Basta wala akong pakialam sa kaniya.
Tch. Dapat kasi si James nalang at hindi ako.
Andito nga pala ako sa bar kasama tigers. Ayoko muna umuwi. Mamayang gabi, we'll be having a dinner with them.
"Lance problemado ah?" Puna ni Ken.
"Parang di niyo pa alam." Sabi ko. Nabanggit ko na kasi sa kanila yung tungkol sa magiging fiance ko.
Hindi ko akalaing ganito kabilis yung araw. Isang buwan na agad. Hindi pa din ako handa.
Hindi pa'ko handang matali. Lalo na sa babaeng hindi ko naman kilala.
"Kawawang Lance." Sabi ni Jerome.
Buwisit.
Krinnngggg..
Tumatawag si Papa. "Hello 'Pa."
[Where are you? Nandito na sa mansyon ang magiging fiance mo.]
Aga naman yata nila. Excited? Pwes ako hindi excited. "May practice lang kami ng basketball 'Pa."
Syempre kailangan kong magsinungaling. Ayoko namang umuwi agad sa bahay.
[Okay iho. Pagkatapos mo dyan, umuwi ka agad. We'll be having a dinner with them.]
"Okay 'Pa."
*toot toot*
"Papa mo?" Tanong ni Ken.
Tumango ako. "Thinking that I'm getting married? It feels like hell." Sabi ko.
Sino bang gugustuhing makasal agad? Mas gusto ko pang mamuhay binata eh. Gusto ko ng tahimik na mundo. Siguradong magugulo buhay ko pag nakilala ko na ang fiance ko.
"Hayaan mo na Lance. Malay mo naman maganda at sexy ang magiging fiance mo."
"I don't care kung maganda man sya o sexy."
"Sinasabi mo lang yan dahil dimo pa nakikita. For sure, pag nakita mo na yun, bibigay ka din Lance. Lalaki ka eh."
Diko na sinagot si Ken. Dami pa sinasabi. Ewan ko sa kanila. Eh wala naman talaga akong pakialam sa fiance ko. Kung sinuman siya, sisuguraduhin kong hinding-hindi ko sya hahayaang guluhin ang buhay ko.
☣
Yumiko POV
Arghh. Gusto ko pa sanang magpahinga pero ginising na ako kanina ni Papa. Mag-ready na daw ako for dinner.
If they know, wala akong ganang mag-dinner kasama sila.
Nag-ayos na'ko after kong mag-shower. Nagsuot lang ako ng simpleng mint green na mini dress. Kami-kami lang naman.
I put some make-up and braid my hair. Wala na ako sa mood mag-curl ng buhok ko eh.
I faced the mirror pagkatapos kong ayusin ang sarili ko. Perfect! Ako pa ba? Si Yumiko yata 'to.
Tumayo na ako. Lumapit ako sa human sized mirror dito sa kwarto. I turned around as I looked at my reflection. I'm really perfect. No doubt.
Maya-maya nag-decide na din akong lumabas na at bumaba na sa dining area. Baka andun na silang lahat.
I walked downstairs. Sinalubong pa ako ng butler at inihatid sa dining area. Napansin ko, sina Papa pa din at Mr. Abellano ang nasa hapag. Wow. Late ang fiance ko? Irresponsible one.
"Anak..." Napatingin ako kay Papa. Napansin na pala nya ako. Lumapit ako at bumeso kay Papa.
"Iha, sit down." Sabi ni Mr. Abellano.
I just smiled at umupo na sa tapat nila ni Papa. I looked at the vacant seat beside me. Malamang dito ang fiance ko. Nasaan naba yun?
"Good evening sir. 'Pa sorry, I'm late." Ani baritonong boses mula sa likod ko. Naramdaman ko yung pagtabi niya sa upuan ko. Pero diko siya nililingon.
"It's okay. Lance, introduce yourself to her." Sabi ni Mr. Abellano.
Hindi pa din ako tumitingin sa katabi ko. Kalmado lang ako pero parang ayokong makita ang itsura ng fiance ko. Baka kasi panget. Hello! Sayang naman yung ganda ko.
"Hi." Panimula ng fiance ko. Tumingin na din ako sa kaniya kasi naramdaman kong nakatingin sya sakin.
Diko akalaing gwapo ang fiance ko unlike my recent fiance's. Mga mukhang ewan. May mukhang ermitanyo pa nga. It's so ewww kaya. Iba't ibang lahi kasi. May mabaho pa nga. Psh.
"I'm Lance Abellano. Nice to meet you." Sabi niya habang nakangiti.
My God. Ngayon lang ako napatulala ng ilang segundo sa isang lalaki. Kakaiba yung smile niya, nakakadala. Ang gwapo niya at mukang goodboy pa. Malakas ang sex appeal at mukhang may lahi din
"I-I'm Yumiko Hayashi. Nice to meet you too." Sabi ko. Muntik pa akong mautal. Kakaiba kasi ang titig niya pero hell! Di dapat ako magpadala sa titig niya. Kahit pa ganyan sya ka-gwapo, hindi pa din ako papayag sa kasalan. Gagawin ko pa ding miserable ang buhay niya 'no.
Hindi porket gwapo siya, tatangapin ko na siya bilang asawa. Hell no.
☣
Lance POV
I didn't expect na ganito pala ka-ganda ang fiance ko. But like what I've said, wala akong pakialam. Mukha ngang mataray eh.
Hindi uubra sakin ang pagkamataray nya. Mas mataray pa ako sa babae baka di nya alam. Isa akong napaka-moody na tao. Tahimik at galit sa maiingay.
Pasalamat lang sya dahil nasa harap namin ngayon sina Papa kaya kailangan ko siyang ngitian. Pero pag hindi na namin sila kaharap, asahan niya. Makikita niya ang tunay na Lance Abellano.
"We decided na dito nalang tumira si Yumiko sa mansyon. Tutal napakalaki nito at tayo-tayo lang ang nakatira dito iho." Sabi ni Papa.
Shit lang. Bakit dito pa sa mansyon.
"Lance, I'll give you the rights for my daughter. Iho, alagaan mo siya. Ikaw na ang bahala sa kaniya pati ang pag-i-introduce sa kaniya sa school mo." Sabi ni Mr. Hayashi.
"Yes sir." Magalang kong sagot. Kailangan eh.
"Napakabait naman pala nitong anak mo Ricardo." Sabi ni Mr. Hayashi kay Papa.
If you know me, malalaman mong mali ka sa impresiyon sakin.
Isa pa, wala akong pakialam dyan sa Yumiko na yan. Kaya naman niya siguro ang sarili nya. Malaki na sya.
Napansin ko na hindi nagsasalita si Yumiko. Ngumingiti at tumatango lang. Walang kwenta.
"Anak, kailangan ko na pala agad bumalik ng Japan bukas. May emergency sa kompanya at kailangan ako. Andito naman si Lance. He will took care of you. Okay honey? Maaga ang flight ko tomorrow. Be good to him." Sabi ni Mr. Hayashi kay Yumiko.
She just smiled and nodded. Wala ba yang bibig? Mukhang pa-charming lang. Mukha namang mataray at sopistikada.
I hate those kinds of women. Really.
"Lance, ayan na pinaubaya na si Yumiko sayo. Gusto naming magkakilanlan muna kayong mabuti bago i-announce ang engagement niyo at magiging mag-fiance nyo. Ayaw naman naming makasal kayo ng wala kayong alam sa isa't isa. So better to know each other well. Tutal ay magkasama naman kayo dito sa mansyon. Bawal lang magsama sa isang kwarto ha."
Ano namang tingin ni Papa sakin? Manyak? Kahit maghubad pa yan sa harap ko, diko yan papatulan.
Mas gugustuhin ko pang matulog kesa pagsamantalahan siya.
I hate this world. Masyadong magulo.
Damn! I want peace! Kung pwede lang i-mute ang buong mundo, edi sana ayos.
After this dinner, tutulog na'ko agad. Wala akong time na makipag-kwentuhan pa sa soon to be fiance ko. She's not my type kahit maganda pa sya.
At kung akala niya, pumapayag ako sa mangyayaring engagement? She's wrong. I'm not.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top