Chapter 23
Yumiko POV
Kanina pa'ko bored sa klase. Si Lance naman kasi hindi nakikinig. Alam nyo ginagawa? Tulog. Hindi ko nga alam kung bakit hindi yan sinisita ng professor. Psh.
Kanina nga palang lunch, gulat na gulat ako sa mga tigers. Ang gugulo pa nila tapos galit na galit si Lance.
Sabi kasi ni Oliver na-video-han daw nya yung nagkiss kami ni Lance. Nagbibiro lang pala. Mga baliw. Alam naman nilang mabilis ma-highblood si Lance.
Ayun natapos nalang ang lunch namin ng nagkaka-ingay sila.
Napatingin ako sa relo ko. Konti nalang out na kami. Gusto ko na umuwi eh.
Katabi ko nga pala ulit si Lance. Si Nicole napapasulyap ako, patingin-tingin kay Lance. Psh. Sabunutan ko yan.
Krrrriinnnggg..
Hay salamat. Nag-bell na. Out na!
"Lance.." Niyugyog ko braso ni Lance kasi naman hindi man lang nagising sa bell.
Tsup!
"I told you. Babe tawag mo sa'kin kung ayaw mong halikan kita in public."
"Gising ka na pala?"
"Sa lakas ng bell, tingin mo di ako magigising? Tch. Hinihintay ko lang talagang tawagin moko."
Psh. "Oo na po babe."
"Hindi ako makakasabay umuwi babe." Sabi ni Lance saka sabay kaming tumayo.
"Lance! Let's go out?"
Sige umepal ka na naman Nicole baka mabigyan kita ng mega sabunot. Psh. Nahahawa na ako kay Fancy eh.
"Sorry. May gagawin ako." Sagot ni Lance kay Nicole.
Si Nicole ang lapad pa din ng ngiti. "Okay! Some other time nalang?! Bye Lance."
Hindi na sinagot ni Lance yung babaeng yun. Tumingin na sya sakin. "Babe as what I'm saying, hindi ako makakasabay umuwi. Sabay ka nalang kay James at Fancy."
Tumango ako. "Okay."
"Tch."
Oh, ang sama makatingin. "Bakit?"
"Hindi mo man lang tatanungin kung bakit? Tch. Wala ka bang pakialam sakin?"
Ano ba naman 'tong si Lance. "Oh, bakit nga ba?"
"May practice kami ng Tigers ng basketball. Kasama ko si Adrian."
Player nga pala si Lance. Next time panoorin ko nga sya maglaro. Tapos Itsi-cheer ko sya. Haha.
"Sige. Basta mag-ingat ka."
He smiled. Napapadalas na pagngiti ni Lance ngayon. Nakakapanibago lang. Kaso may pagka-masungit pa din.
Si Lance niyakap ako. Waa. Nakakahiya kaya. "Babe thank you. Hintayin mo ako sa bahay mamaya. Sa kwarto ko ka ulit matutulog."
Waaa. "E-Eh. Okay." Nag-okay nalang ako baka sungitan pa ako ng lalaking 'to.
Kumalas na sya ng yakap. Saka tumingin kay James na kausap sina Janna.
"Bro, sabay nyo pauwi ni Fancy si Yumiko. May practice pa kami." Sabi ni Lance.
"Ge. Bro pwede ko ba i-date si Yumi!?" Nakangising sabi ni James.
"Fuck you!"
"Hahaha. Seryoso ako Bro."
"Sawa ka na ba sa buhay mo?"
Hinawakan ko sa braso si Lance. "Babe, ano dika pa pa-practice?"
Iniba ko na usapan. Si lance kasi ang bilis uminit ng ulo. "Tch. Diretso uwi ha?" Seryosong sabi ni lance.
"Opo. Tanungin mo pa si Fancy mamaya." Sabi ko.
Si James kasi lakas man-trip. Alam ko namang inaasar nya lang si Lance. Si Lance naman di yata marunong makipagbiruan. Psh.
"Okay. Ikaw James manahimik ka. Makakatikim ka na sakin." Pagkasabi nyan ni Lance bago siya humarap sakin. "Ingat kayo pauwi."
Yay! Sweet ng babe ko. "Opo."
Then he kissed me. Not just a smack. Mga ilang seconds din. Hinayaan ko lang sya.
"Ehem! Ehem!"
Baliw talaga si James. "Tama na yan Bro! Uwi na kami ng fiance ko."
Ayan na naman pang-aasar nya.
"Shut up! Fiance ko 'to. Wag mo kanyanin." Sigaw ni Lance. "Sige na babe."
Tumango lang ako at sabay na kami nina Janna at Chelsea lumabas ng room. Naiwan lang sina Lance at Adrian. Sabay sila eh.
"Lakas trip ka James." Sabi ni Janna habang naglalakad kami sa hallway.
"Oo nga! Selos na selos kaya ang babe ni Yumi. Haha." Si Chelsea naman.
"Alam ko. Sarap asarin ni Bro. Masyadong seloso." Sabi ni James.
"Psh. Wag ka ngang ganun James. Alam mo namang mainitin ulo ng kapatid mo." Sabi ko.
"Yun na nga eh. Gusto ko initin lagi ang ulo nya."
Dito na kami sa parking. "Yumi, kwento ka sa'min sa free time kung paano nagbago si Lance ha? Nakakapanibago eh." Sabi ni Janna.
"Oo nga. Suplado kaya yun pero pag sayo, ang sweet! Nahiya yung langgam sa inyo. Haha." Sabi ni Chelsea.
Mga baliw. Andito lang kami sa parking. Hinihintay pa kasi namin si Fancy.
"Hindi pa ba kayo uuwi?" Tanong ni James.
"Hindi pa. Gusto namin hintayin si Fancy." Sabi ni Chelsea.
"Tch. Ano yun, artista?"
"Hindi naman. Super cute nya kasi." Sabi naman ni Janna.
"Hey Patrick! Yumi!"
Speaking of her. Andyan na sya. Mabobobo na naman ako nito.
"Sino sila?" Tanong agad ni Fancy.
"Si Janna tapos si Chelsea. Kaibigan namin ni Yumi."
"Hi Fancy! You're so pretty!" Puri ni Janna.
"You're so cute!" Sabi naman ni Chelsea.
"Oh well. That's given na naman. Don't make it sigaw na. You know, maybe someone discovered me and oh.. I became artista agad. So nakakahiya kaya!"
Oo nalang tayo. Baliw na babae talaga.
"Haha. Cute mo naman magsalita." Sabi ni Chelsea.
"Oo nga. Pati kami parang gusto namin ganyan nalang salita namin. It's so nakakainggit." Natatawang sabi ni Chelsea.
Seriously? Naku-cute-an sila sa salita ng babaeng bubwit na'to? Ang sakit kaya sa tainga.
"Well, I dunno. But don't make me gaya all the way. It's my originality okay?"
"Tama na nga yan. Uwi na tayo." Singit ni James.
"Chelsea, Janna bye una na kami." Paalam ko sa dalawa saka sumunod na kay James sa kotse nya.
"Nice meeting you both. You're both maganda but I'm still prettier. Haha. Bye then. We gotta go before Patrik make galit to me. Bye!"
Salamat naman pauwi na din kami. Dito kami sa backseat ni Fancy.
May naalala pala ako. "Fancy, thank you nga pala kanina ha? Pinagtanggol moko."
"Oh well, there's a kapalit. You will treat me on a shopping this weekend."
"Okay sige."
"Hoy babae. Lakas trip mo kanina! Usok na ilong ni Bro kanina. Lagot ka mamaya sa bahay."
"I don't care naman. I'm right naman eh. That Nicole? GRRR. I hate her the first time I saw her. It's kinda, you know? So bigat here in my heart."
Malaki galit kay Nicole.
"Hindi ka ba takot kay Lance?" Tanong ko.
"Like duh? Why I'm so matatakot to him? I know naman hindi nya ako papatulan. Because you know, I'm her gorgeous little sister. He's so masungit lang talaga and I'm super sanay na kaya. Errr!"
Ayoko na. Tatahimik nako. Sumasakit na ulo ko sa babaeng 'to.
Hindi na din naman nagsalita si Fancy. Napagod. May ka-text yata eh.
Maya-maya nakarating na kami dito sa mansyon.
"Okay na ba braso mo?" Tanong ni James habang naglalakad kami papasok ng mansyon.
"Oo okay na. Kumikirot lang sya minsan."
"Okay. Good. Ipahinga mo lang yan." Paalala nya.
"Yumi!"
Napatigil naman ako. Paakyat na'ko sana sa hagdan para pumuntang kwarto eh. "Yes?"
"I want to go with your room. I want to see lang. Pretty please?"
She pouted her lips. Psh. Pa-cute pa. "Fine."
Ayun sabay kaming umakyat. Then pagpasok dito sa kwarto ko, naupo kami ni Fancy dito sa kama ko. Ewan ko ba sa babaeng 'to. Di man lang muna magpalit ng damit nya.
"It's so maganda naman pala. I'm sure, daddy hired some fashion designer to renovate this room. Before naman, it's so plain kaya."
Napapatango lang ako. Dahil sa totoo lang, sumasakit na ulo ko kapag kausap si Fancy. Overload na ang brain ko sa pakikinig sa alien language nya.
"What was that!?"
"Huh?"
Biglang dumikit sakin si Fancy tapos inamoy nya ako. "Errr! You're so baho naman Yumi!"
"Hindi ako mabaho. I know that!" Sabi ko. Pakana ng babaeng 'to? Kahit kelan, hindi ako bumaho. Hello! Super alaga ako sa sarili ko.
Inamoy nya ako ulit. "You smell like super pawis. You know that? It's like amoy araw, like that. You know Yumi, it's better if you'll take a bath. You're so nakakahiya kay Reid pag naamoy ka nya later pag-uwi nya. He loves hugging you pa naman. It's so ewww kaya!"
Seriously? Amoy araw talaga ako? Psh. Sabagay tama si Fancy. Nakakahiya kay Lance. Aish. Bakit kasi ganyan si Fancy. Wala ka-plastikan sa katawan. Sinasabi nya kung ano napupuna nya.
"Fine. I'll take a bath. Can you go out for a while? Hindi kasi ako sanay maligo ng may tao dito sa kwarto ko. Isa pa, hindi ako nagla-lock ng cr kasi laging lock pinto ng kwarto."
"As you wish. Lalabas na ako. Let's have bonding mamaya ha? Bye."
Ayun umalis na ang babaeng alien. Aish. Mapapaligo ako ng wala sa oras.
Pumunta na ako ng cr pagkakuha ko ng damit na isusuot ko.
Maliligo na ako para fresh ako mamaya at hindi amoy araw pagdating ni Lance.
☣
Lance POV
"Ayos mga pare!"
Kakatapos lang ng pratice namin. Napagod din ako. Gusto ko na agad umuwi gawa ni Yumiko. Saglit lang naman kami nagpractice.
May kanya-kanya din kasing lakad mga tigers. Sa mga chicks nila. Tch.
"Lance kumusta mo ako sa fiance mo!"
"Lance! I-kiss mo ako sa fiance mo ha!
"Oo nga Lance!"
Talaga bang type nila si Yumiko? Di na ako magtataka. Kung sa panlabas na itsura, perfect si Yumiko. Tapos ang sexy pa naman manamit nun. Tch. "Manahimik nga kayo kung ayaw nyong pilayan ko kayo."
"Awww!" Sigaw ng tigers.
"Whoa! Protective ka brad." Sabi ni Oliver.
"Natural! Fiance ko yun." Sagot ko.
"At sya ang dahilan ng pagtawa ni Lance." Singit ni Drei.
"Tch. Ge uuna na ako sa inyo." Paalam ko.
Tumalikod na'ko. Diko na pinansin pinagsisigaw nila.
"Na-miss agad si Yumiko!"
"Itutuloy nyan ang kissing scene!"
"Baka matindi pa sa kissing scene gawin nyang si Lance!"
Ewan ko sa inyo mga tarantado. Daming alam. Tch.
Napatingin ako sa phone ko. Tch. Wala man lang text o missed call si Yumiko. Tch.
Malapit na'ko sa parking ng tumunog phone ko.
Fancy calling..
Sinagot ko agad. "O prob---"
"Reid! You make bilis to go here! There's something happened to Yumi! Oh my golly Reid! Patrick is not here pa naman so please hurry up!"
*toot toot*
Shit. Napatakbo ako sa kotse ko. Anong nangyari kay Yumiko. Shit. Kinakabahan ako.
Pagkaandar ko ng kotse ko, binilidan ko na takbo. Hindi naman malayo itong school sa mansyon.
Fuck!
Wala pang limang minuto nakarating ako dito sa mansyon. Dali-dali akong bumaba ng kotse at pumasok ng mansyon.
Sumalubong agad sakin si Fancy.
"Nasaan si Yumiko!?" Sigaw ko.
"She's there sa kwarto nya. Sa CR, she's duguan. Oh my! Reid go help her! She needs you! I'm so natatakot na."
Hindi na ako sumagot kay Fancy. Tumakbo na agad ako paakyat sa taas at dumiretso sa kwarto ni Yumi. Bukas naman ang pinto.
Takbo ako papuntang cr at buong lakas kong sinipa ang pinto para bumukas yun kaso...
"AAAAAHHHHHHHHHH!!!!!!!!!!!"
Hindi ako makagalaw. Hindi ako maka-react. I saw her. I saw Yumiko. I saw her naked body while taking a bath. Shit!
"LANCE ABELLANO GET OUT OF MY ROOM!!!!!!!!"
Natauhan ako ng sumigaw ulit si Yumiko at napatakbo ako palabas ng cr.
Tangina. Naka-rehistro pa din sa isip ko ang nakita ko.
Nakakahiya. Amputek!
Lumabas agad ako ng kwarto ni Yumi and there she is.
Si Fancy na nagiting-ngiti katabi pa si James na nakatayo ngayon dito sa labas ng kwarto ni Yumiko.
Fuck. I knew it! This little devil.
"How is it Reid? Is Yumiko really sexy? How's her naked body? Are you still feeling well? Or feeling hot? Hahaha."
"FANCY JEWEL MAGTUTUOS TAYO!!!!"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top