Chapter 22
Yumiko POV
Nagising ako dahil sa alarm clock. May pasok nga pala. Waa. Parang ayoko pa pumasok.
Ayan mata ko oh, ayaw pa magmulat. Sandali, 5 minutes more.
Zzzzz..
"Babe gising na.."
Napadilat ako ng wala sa oras. Ano daw? Babe? Sino..
"Lance?"
"Morning babe." He's smiling at me.
Waaa. Katabi ko nga pala sya matulog. Omo! Shemay! What to do..
"Para kang nakakita ng multo." Sabi ni Lance.
"E-Eh kasi..."
"What babe?"
"T-Teka, what did you just say? B-Babe?"
Tumango sya. "Yes babe. Kagabi naisip ko yan bago ako natulog. Sasabihin ko sana sayo kaso nakatulog ka na pala. From now on, babe na endearment natin so don't you dare call me by my name. Okay?"
Seriously? Babe talaga?
Nahihiya ako. Naiilang ako. Pero teka nga..
Waaa. Nakahawak pala sa waist ko habang nakahiga ako dito sa kama. Tapos sya naka-side-view paharap sakin. Waaa.
"L-Lance.."
Tsup!
"Kasasabi ko lang. Babe tawag mo sakin. Dahil kung hindi hahalikan kita kahit pa sa harap ng ibang tao."
Omo! Bakit ganito si Lance? Baliw na talaga sya. Ano bang nakain ng lalaking 'to. "B-Babe.."
Accck! Nakakasuka. Dejoke. Haha. Nakakahiya.
"See? It's better if you'll call me babe. Okay?"
Tumango ako. "Hm, babe pwede alisin mo na ang kamay mo sa waist ko?" Naiilang talaga ako eh.
He just smiled then nilapit nya mukha nya sa mukha ko.
Palapit ng palapit. Waaa. He's going to kiss me again, I think?
"Maligo ka na baka ma-late pa tayo. Okay?"
Akala ko hahalikan ako. Bubulong pala. Kelan pako naging assuming?
"O-Okay."
Mabilis akong bumangon at tumayo tapos labas agad sa kwarto ni Lance para pumunta sa kwarto ko. Kasi naman kakaiba talaga si Lance. Akala ko kahapon lang, mukhang nagbago na nga talaga sya.
Nakahinga lang ako ng maluwag nung makapasok ako dito sa cr. Waa. Lakas ng tibok ng puso ko.
Makaligo na nga.
☣
Lance POV
Hindi ko mapaliwanag yung nararamdaman ko. Basta masaya ako. Ewan ko bakit bigla akong nagbago. Natakot talaga ako na mawala si Yumiko sakin. Mukhang mahal ko na nga sya. Ang sarap nya ngang lambingin. Nakakatuwa kasi expression. Parang gulat na gulat lagi.
Parang nadaldal na din ako. Tch. Hindi ako 'to eh. Ang original na Lance, tahimik at cold pero dahil kay Yumiko, wala. Nag-iba.
Kagabi mukha akong tanga kakaisip ng endearment namin ni Yumiko. Tapos nung makaisip nako, natulugan pala nya ako. Natulog nalang din ako. Pero syempre niyakap ko nun si Yumi. Ewan pero sarap nya yakapin at halikan. Adik nako talaga dun sa babaeng yun.
Sabayan ko kaya maligo? Joke lang. Pati pagbibiro nagagawa ko na. Tch. Bwisit na LOVE yan.
☣
Sa school..
Yumiko POV
Hulaan nyo saan ako nakasakay papuntang school? Waaa. Sa kotse lang naman ng babe ko. Babe ha? Babe.
Feel na feel ko tuloy. Si James at Fancy magkasabay sa isang kotse eh. Magkakasabay lang kaming pumasok.
I'm wearing my bubbly skirt and blouse matched with my doll shoes na may ribbon. Alam nyo na, wala namang uniform dito sa SWU.
Wala na nga pala yung cast sa braso ko. Hindi pa sya magaling. Kumikirot kirot pa din pero minsanan nalang. Di naman na kailangan ng cast.
Dito na kami sa parking. Kakababa lang namin ni Lance sa kotse nya.
Sabay kami papasok pati papuntang room. Yay! First time 'to.
"Babe dito ka."
Talagang babe tawag nya sakin kahit dito sa school? Waaa. Sweet.
Lumapit ako sa kanya at nagulat ako ng hawakan nya kamay ko. At eto, holding hands while walking kami.
Napapatingin yung ibang estudyante. Kasi hindi naman alam ng iba na may fiance na si Lance. Pero ano bang pakialam nila? Baka tarayan ko pa sila.
"Lance.."
Tumigil si Lance sa paglalakad at tiningnan ako ng masama.
"I told you. Call me babe."
Seriously? Waaa. "Sorry." Sabi ko.
He smiled. "Let's go."
Maya-maya nakarating na din kami dito sa room. Aba, aba. Nga pala. Magkatabi pala sila ni Nicole sa upuan ah? Psh.
Pagpasok namin sa room...
Nanlalaki ang mga mata nina Chelsea, Janna at Adrian samantalang si James, nakapokerface lang.
Itsura ng mga yan? Bakit ba ganyan sila?
"Babe sa'kin ka tatabi."
Napatingin ako sa upuan nila. Andun na si Nicole at masama ang tingin sakin.
"Katabi mo na si Nicole. Dun nalang ako sa tabi nina James."
"Tch. Si James gusto mong katabi kesa sakin?"
"Adrian! Bumalik ka sa upuan mo. Dyan si Yumiko." Utos ni Lance. Makapag-utos ang lalaking 'to. Psh.
"Pag-ibig na kaya.."
Sige push mo yang kanta mo Adrian. Baliw talaga. Ayun bumalik na nga sa original na upuan nya which is katabi ni Chelsea.
Nung makalapit na kami dito sa may upuan, si Nicole ngiting-ngiti. Parang kanina lang sama makatingin.
"Hi Lance!" Masiglang bati nya kay Lance.
Tiningnan ko si Lance. Ngumiti? Psh. Kainis. Sumimangot ako tapos walang imik na umupo na sa upuan ko. Since medyo maaga kami, wala pang prof.
"Okay kana?" Tanong ni Chelsea na nasa unahan ko.
Tumango ako. Natatawa nalang ako sa kakaibang reaksyon ni Chelsea. May pinapahiwatig nya. Then parang may tinype sya sa phone nya.
Tenenenenen!
Tumunog phone ko. Pagtingin ko..
From: Chelsea
Anong pinakain mo sa fiance mo? Bakit ang sweet nyo? Ayeeee
Sabagay. Kahit naman sino magugulat. Nagreply ako. Syempre. Hindi naman namin pwede pag-usapan 'to. Hello, katabi ko lang si Lance. Haha.
To: Chelsea
Don't know din. Basta naging ganyan nalang sya.
SENT!
"Lance! Sabay tayo mag-lunch later? Pinagbaon kita ng food."
Sumama yung expression ng mukha ko nung narinig ko yung boses ni Nicole. As usual, pa-charming. Hinihintay ko sagot ni Lance.
"Sige na Lance. Wala kasi akong kasabay. Wala akong friends."
Paawa effect again. Psh.
"Okay."
Anong sabi ni Lance? Okay daw? Nagpipigil ako ng galit. As in. Okay na kami ni Lance pero bakit ang bait pa din nya kay Nicole? Aish.
"Babe sasabayan ko maglunch si Nicole mamaya. Sabay ka na lang kina Chelsea."
Ayan. Nagsalita ang magaling na ipis kong fiance. Aish! Talagang mas pipiliin pa nyang kasabay yun? Bwisit. Naiinis ako.
"K." Sagot ko. Di ako tumitingin sa kanya. Naiinis ako sa kanya.
"Babe galit ka ba?" Tanong pa din ni Lance.
Now, tumingin nako sa kanya at ngumiti. "No I'm not. Bakit ako magagalit? Hindi mo lang naman ako sasabayan ng lunch dahil sasabayan mo ang ibang babae. Yung babaeng dahilan bakit tayo nag-away." Wala. Naiinis na talaga ako.
"Yumiko wag kang magsalita ng ganyan. Wala namang ginagawang masama si Nicole."
Wow. As in wow. Ayan na naman sya sa pagtatanggol dyan sa Nicole na yan. Tapos ano, yumiko na tawag nya sakin? Hay. Kala ko okay na okay na kami. Still, may Nicole pa din.
Naiinis talaga ako. Bakit ba kelangan nya pagtanggol ang babaeng yan? Psh. "Ok. Ipagtanggol mo na naman sya ha?" Mataray na sabi ko. Harap-harapan 'to. Kahit pa marinig ni Nicole.
"Yumiko wag mo namang awayin si Lance dahil sakin. Wala naman kasi akong ginagawang masama sayo."
Pigilan nyo ko. "I'm not talking to you." Sabi ko kay Nicole. Nakikisali sa usapan. Bwisit.
"Yumiko!"
Shit. Ayan na naman si Lance sa pagsuway sakin. Ako laging mali talaga.
Hindi ko na sinagot si Lance. Hinawakan ko bag ko at tumayo. Pero nahawakan ni Lance ang kamay ko. "Saan ka pupunta?"
"Makikipagpalit ng upuan kay Adrian." Cold na sabi ko saka tinanggal yung kamay nya sa kamay ko.
"Adrian dun kana. Hindi ko kayang tumabi sa mga taong pinagtutulungan ako." Sabi ko. Gusto ko umiyak pero hindi. Matapang ako.
Pinaggigitnaan na ulit ako nina Chelsea at James. "Yumi okay kalang?"
Tumango lang ako. Ayoko na magsalita. Baka maiyak lang ako.
"Yumiko bumalik ka dito." Malakas na sabi ni Lance. Di ko sya pinapansin. Hanggang sa mamalayan ko na nakatayo na sa harap ko si Lance. "Bumalik kana dun sa upuan sa tabi ko." Malumanay na sabi nya.
Bakit ba ang manhid ng lalaking 'to? Diba talaga nya alam na nasasaktan ako?
"Bro. Hayaan mo na dito si Yumi." Sabat ni James.
"Hindi ikaw ang kinakausap ko." Sabi ni Lance.
"Yumiko."
Kitams? Hindi na babe tawag sakin. Masyado akong nagpapadala sa mga pinapakita ni Lance. Yun pala, pagdating kay Nicole ako pa din nagmumukhang kontrabida. Diba dapat ako ang bida? Ako fiance eh. Ako.
Diko kayang magsalita. Psh. Tumayo nalang ako at lumabas ng room. Aish. Nakakainis. Matapang ako pero eto naiiyak ako. Dumiretso ako dito sa cr. Pumasok ako sa isang cubicle at ayun, diko na napigilang maluha.
Nakakainis si Lance. Bakit ba kinakampihan nya lagi yung babae na yun? Bakit pag andyan si Nicole nawawala yung sweetness nya?
Pinahid ko na luha ko. I'm sure, sweet na naman sa bahay si Lance mamaya. Psh. Pag dito pala sa school, si Nicole ang reyna. Psh.
Lumabas nako ng CR.
"Fancy?"
"Hi Yumi! I'm looking for Reid sana kasi you know, I forgot my wallet so I need to ask him for money."
"Okay tara." Sabi ko.
"Wait." Tumigil kami saglit.
"Why?"
"Did you cry? Look at your eyes. It's so namumula. Ohmy! Don't tell me nag-away kayo ni Reid? Tell me. I will make sabunot him na for you."
Malungkot ako pero nawala inis ko dahil kay Fancy. "Wala. Let's go na." Sabi ko.
Dito na kami sa room. Wala pa ding prof.
Si Fancy walang hiya-hiyang pumasok ng room. "Reid! I'm looking for you pero good thing I saw Yumi sa may CR. What did you do to her? You make her iyak ha."
"Fancy." Suway ko.
"Why Yumi? I saw you. Your eyes were like umiyak ka."
Napahawak nalang ako sa ulo ko. Shhheeett. My brain. Nabobobo ako sa language ni Fancy.
"Oh, Reid! You're so landi. Bakit may katabi kang ibang babae instead of Yumi? Hello. She's not maganda naman."
"Fancy." Nagbabanta ang boses ni Lance.
Si James ayun nagpipigil ng tawa. Baliw talaga. Ako, diko na alam ire-react ko. Para pa namang machine gun bibig ni Fancy.
"Ohmy! You're so nagagalit na Reid because of that girl? Oh! Now I know why Yumi is crying. She's selos. God! Reid you're so manhid. GRRR ka!"
"Ano bang kelangan mo. Bakit andito ka?" Tanong ni Lance. Si Nicole nakasimangot. Buti nga. At least may kakampi pa din ako kahit sya ang kinakampihan ni Lance.
"Give me money. I forgot my wallet. I can't eat tuloy. My tummy is masakit na. I'm so kawawa na talaga."
Kumuha si Lance ng pera sa wallet nya at binigay kay Fancy.
"So bait talaga my dear brother." Sabi ni Fancy.
Akala ko tapos na kasi akala ko aalis na pero hindi. Lumapit si Fancy sa tapat mismo ni Nicole.
"You want mega sabunot? Why are you seating beside Reid? Don't tell me you're making pa-cute to my brother? Hello. I want to siksik to your mind that he has a fiance na and that's Yumi. Sexy and beautiul Yumi. Not like you. So back off."
"Fancy." Nagbabanta na naman boses ni Lance. Ano tingnan natin kung maipagtanggol mo si Nicole kay Fancy. Si Fancy pa?
"Why Reid? Don't make galit to me or else I will tell to Dad that you're flirting with another girl then hindi kayo magkatabi ni Yumi sa upuan. Do you like her ba?"
Parang ayoko marinig.
"No. Naaawa lang ako sa kanya kasi wala syang kaibigan dito. She's like my sister."
So yun talaga reason?
"Whattttt? She's like your sister? Ohmy Reid! Don't make her hambing to me. I'm your only sister. Okay? I don't like her. I can feel here oh, she's bad."
"Fancy go back to your room." Galit na si Lance.
"Don't shout at me Reid. You're so sungit ha. Ikaw girl, don't make away si Yumi if you don't want a mega sabunot from me. Understand?"
"Inaano ba kita?"
Sa wakas nagsalita si Nicole.
"Nicole wag mo na---" naputol sasabihin ni Lance nang magsalita ulit si Nicole.
"Nanahimik lang naman ako dito."
She's crying? I can't believe it. Paawa na naman. Di nako nakikialam kasi alam kong sakin magagalit si Lance.
"Fancy I said go back to your room and don't start a mess with Nicole."
"You're so nakakainis Reid! Bakit mo sya pinagtatanggol? She's so disgusting kaya. She's crying like paawa effect. Like duh? I know that kind of girl. Making paawa para kampihan sila ng guy na gusto nila."
"FANCY!"
"What? So naiinis ako sayo! Maybe that's why Yumi is crying kanina because you make that girl tanggol. Arrrgg! I'm so pissed off."
Si Fancy ayaw talaga paawat. Si James natatawa lang. Ayaw makialam.
Lalong umiyak si Nicole. At...
Kino-comfort nya ni Lance? Shit.
"Psh. This girl makes me mad talaga. So paawa. Don't make her comfort nga Reid! Don't you know that Yumi is so selos because of what you're doing? Mygod Reid! You're so manhid. Gotta go. Be aware of Yumi's feeling. Or else, I'm gonna push her to Patrick." Masungit na sabi ni fancy saka tumingin samin ni James.
"Patrick you're there pala!"
"Hindi. Anino ko lang 'to." Sagot ni James.
"So pilosopo! Gotta go. Bye Patrick! Yumi, don't cry na. Don't worry, patrick is there for you naman. Reid is so manhid kasi. Don't pansin him ha? Bye."
Ayun umalis na. Baliw na babae. Mga kaklase namin natatawa eh.
"Kapatid nyo yun James?" Amazed na tanong ni Chelsea.
"Oo. Haha." Sagot ni James.
"She's so astig!"
"Sorry. Nahawa ako sa salita nya. Haha. Ang cute nya and super ganda. Ang tapang pa kasi di sya takot kay Lance." Sabi ulit ni Chelsea.
"Baliw yun eh. Bawal kami magalit sa kanya. Dahil madami yung kalokohan at kaming mga kapatid nya, hindi excempted sa mga kalokohan nun." Sagot ni James.
"I like her na James! She's so ugh! Nahahawa na din ako." Baliw si Janna.
Tahimik lang ako. Diko na din tinitingnan sina Lance. Masasaktan lang ako. Kahit pa sinabi na ni Lance na parang kapatid lang tingin nya kay Nicole, nasasaktan pa din ako. Bakit nga ba nya lagi yan pinagtatanggol.
"Babe."
Napatingala ako. Nasa harap ko na naman si Lance. Aawayin ba nya ako?
Hindi ako sumagot. Nakatingin lang ako sa kanya. Tapos hinila nya ako. Napatayo ako hanggang sa makalabas kami ng room.
"Saan mo ba ako dadalhin!" Tanong ko. Hila pa din nya ako.
Di nya ako sinasagot hanggang sa makarating kami dito sa may isang room. May nakasulat na "TIGERS" sa pinto.
Then pumasok kami. Wow ha. May ganito pala sa school na'to.
Parang entertainment room. Kumpleto pa.
Nang makapasok kami, isinandal ako ni Lance sa pader then...
He kissed me. Pero..
Wag mo sabihing hinila nya ako dito para halikan lang? Kanina lang galit sya sakin at pinagtatanggol nya si Nicole. Bakit nya ginagawa 'to?
Ewan ko pero napaluha ako habang hinahalikan nya ako. And that was the time he stopped.
"Babe."
Hindi ako makapagsalita. Hindi ko kayang magsalita.
Lance heaved a sigh then he hugged me. "Sorry.."
Nagsorry sya? Wow. Himala.
"Sorry babe. Please wag ka ng umiyak. I know my fault. Kung hindi pa sinabi ni Fancy, hindi ko maiisip na nasaktan kita dahil pinagtanggol ko si Nicole sayo."
Lalo akong naiyak. Di pa din ako makapagsalita.
"Ssshh. Babe. Tama na. Babawi ako okay? Sabay tayong magla-lunch. I will tell to Nicole na kailangan kong sabayan ang babe ko every lunch kaya wag na nya ako yayayain."
Di pa din ako sumasagot. Kumalas sya ng yakap sakin then he face me. Malapit lang mukha nya sa mukha ko.
"Stop crying. Please."
Pinahid ko luha ko. Dipa din ako nagsasalita.
He kissed me again. Softly and gently. Hindi ko alam pero whenever he kiss me, gumagaan loob ko. Nararamdaman ko na mahal ako ni Lance. Na talagang manhid lang sya at hindi sya aware sa feelings ng ibang tao sa paligid nya.
Eccckkk..
"Ohhhhh! Lance! Sorry sorry!"
Mga lalaking naka-jersey yung pumasok tapos bigla din namang nagtakbuhan palabas.
"Tch. Mga istorbo." Sabi ni Lance saka tumingin sakin. Direct to my eyes. "Babe. Uwi nalang tayo. Wag na tayo pumasok."
"Ha?" Nakapagsalita din ako sa wakas.
"Mas gusto kong kasama kalang sa kwarto. Kesa dito sa school."
"No. Let's go back to room. Baka andun na prof nati---"
Aish. He kissed me again. Ano ba naman 'tong si Lance. Adik talaga sa kiss? Ako naman, eto tumutugon. Can't resist him nga eh. Psh.
Eccckk..
"Ohhh! Di pa din tapos? Sorrryyy ulit!" sila ulit sabay takbo ulti palabas.
"Damn!"
"Sino sila?"
"Tigers. Basketball team namin."
Waa. Nagbabasketball pala si Lance? How nice. Teka? Ba't ako natutuwa? May tampo pa'ko kay Lance ah. "Let's go na." Sabi ko.
"Tch. Istorbo talaga mga kumag na yun. Babe sorry ulit. Wag ka ng iiyak okay?"
Yan yung sweet side ni Lance. Sana ganyan din sya sa room. Pag kasi andyan si Nicole, nawawala sweetness nya sakin.
Nag-nod lang ako tapos nauna na maglakad.
"Babe!"
Lumingon ako kay Lance. "O?"
"Hold my hand."
"Okay." Sabi ko saka humawak na sa kamay ni Lance. Naglakad na kami papuntang room.
☣
Lunch..
"Nicole di ako makakasabay maglunch sayo. Gusto kong sabayan ang fiance ko."
Narinig ko yung sabi ni Lance kay Nicole.
"Hm okay! Let's hang-out nalang later after class!"
"I'll try."
Maya maya. "Babe."
Oha. Andyan na babe ko sa tabi ko. "O?"
"Sa tambayan tayo magla-lunch."
"Ha?" Saan yun?
"Yung pinuntahan natin kanina. Yun yung tambayan. Sina Chelsea at Janan dun na din kumakain."
"Oo nga Yumi!" Sagot ni Janna.
"Okay?"
Lance held my hand as we walked along the hallway. Sweet naman.
Hanggang sa makarating na kami dito sa tambayan daw.
Naabutan namin yung mga lalaki kaninang nakadalawang balik na mga naka-jersey.
"Tara kain! Madaming pagkain." Sabi nung lalaking singkit.
"Manahimik ka dyan Luke. Ako nagpa-order lahat nyan." Sabi ni Lance.
So Luke yung name nung singkit.
"Guys, gusto ko lang introduce sa inyo. She's Yumiko, my fiance."
"Ang ganda nya!"
"Ang sexy nya!"
"Mukha syang japanese!"
"Ang cute nya!"
"Crush ko na yata sya!"
"Tinamaan ako ni Kupido!"
"Magsitahimik kayo kung ayaw nyong patapon ko kayo sa pluto. Wala kayong karapatang magka-crush sa fiance ko."
Ang harsh ni Lance.
Nagpakilala isa isa yung mga tigers tapos naupo na kami dito sa dining table. Daming food. Andito din sina Chelsea, Janna at James.
"Babe anong gusto mo?"
"Whoooaaah! Babe pala Lance ha!" Pang-aasar nung mga tigers.
"Sawa na ba kayo sa buhay nyo? Kumain nalang kayo." Pagususngit ni Lance.
"Ano babe?"
"Ako na bahala." Sagot ko.
"Tch."
"Problem?"
"Ang cold mo."
"Hindi ako cold Lance. Hot kaya ako." Biro ko.
"Yeah. I know you're hot. Kaya nga gusto ko ng umuwi tayo."
Waaa. Ang bastos ni Lance.
"Hahahahaha." Baliw si Lance tumawa.
Natigilan lahat ng tigers habang nanlalaki ang mga mata.
Huh? Bakit.
"Lance ikaw talaga yung tumawa?" Pang-asar yung tanong nung Ken.
"Oo nga Lance. Tumawa ka talaga?" Sabi nung Drei.
Nagpokerface si Lance.
Nakakagulat na talaga na tumawa si Lance?
"Manahimik kayo. Istorbo kayo." Sabi ni Lance.
"Oo nga pala. Sorry Lance naistorbo namin kayo sa kissing scene nyo ni Yumiko kanina."
Waaaa. Yung tingin ni Janna at Chelsea sakin iba. Parang manunukso.
"Actually Lance nai-video namin. Haha. Ang galing mo pala humalik."
"DAMN YOU! I WILL KILL YOU OLIVER!"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top