Chapter 21
Yumiko POV
Naalimpungatan ako nang maramdaman kong may nakayakap sakin. Nakatulog nga pala ako. Gabi na pala.
Tiningnan ko agad sinong katabi ko.
O..m..o..omo! Di ako makasigaw. Si Lance katabi ko dito sa kama at nakayakap pa sakin.
Di na maayos ang paghinga ko dahil sa lakas ng tibok ng puso ko. Naka-freeze lang ako. Diko alam pano ako magre-react.
Kanina nga pala, diko talaga expected na ganito si Lance. Nag-iba sya in instant. Tapos ang sweet pa nya. Hindi pa din ako makapaniwala. Hindi na nga ako nakatanggi kanina nung dito nya ko pinatulog sa kwarto nya kasi ang kirot ng braso ko. Ang gusto ko lang kanina ay magpahinga. Kaya ayun.
Gumagalaw na si Lance. Napapikit ako bigla.
Waaa. Kunwari tulog pako. Nahihiya ako. Hanubayan! Bakit nagiging mahiyain yata ako? Waa.
Makapaigil-hiningang pinapakiramdaman ko si Lance habang nakapikit ako.
Maya maya..
Naramdaman kong hinahalikan ako ni Lance. Waaa. Kinikilig ako na ewan. It's my first time to feel this because of Lance.
Gusto ko na sana magmulat ng mata kaso diko talaga alam ano ire-react ko.
"Yumiko.."
Hanla. Ayan ginigising na nya ako. I calmed myself tapos nag-act ako na parang bagong gising.
"L-Lance..."
Tsup!
Kiss na naman? Adik na talaga sya.
"Baba na tayo. Kakain na tayo ng dinner." Sabi ni Lance saka bumangon sa kama.
"A-Ah, eh.." Nauutal tuloy ako.
"Dahan-dahan kalang." Sabi ni Lance habang inaalalayan akong bumangon sa kama.
"L-Lance ikaw ba talaga yan?"
Lance smiled again. Omo! Nagiging palangiti na yata sya ngayon? Waa. Ang gwapo ni Lance lalo pag nakangiti.
Grabe ang puso ko. Nagtatatalon sa kilig samantalang kanina, kahapon, nung isang araw nagdecide nakong kalimutan sya.
"Lance.."
"Masanay kana. Hindi na kita susungitan. And aalagaan kita. Kaya wag ka gaanong lumalapit kay James."
"Ha? Bakit?"
"Nagseselos ako. Tara na sa baba."
Nagseselos daw sya! Ako na kinikilig.
Lumabas na kami ng kwarto tapos diretso sa dining area. Andito na pala si James at Fancy.
"Hi Reid! Hi Yumiko." Bati samin ni Fancy.
"Stop calling me Reid." Psh. Nagsusungit na naman si Lance.
Naupo kami dito sa harap nina James. Magkatabi kami ni Lance.
First time na magkatabi kami sa pagkain. Ayee! Grabe lang, in instant nawala nalang bigla yung sama ng loob ko kay Lance dahil sa pinapakita nya ngayon.
"You're so sungit talaga Reid. Psh. Yumiko what do you want me to call you?" Tanong sakin ni Fancy.
"You can call me Yumi, Yumiko or anything." Sagot ko.
"Alin gusto mo?" Singit ni Lance.
Waa. Pinaglalagay nya ko pagkain sa plato tapos.. Waaa! Susubuan nya nga pala ako. Kinikilig ako promise! Sarap pala sa feeling ng ganito.
"I will call you Yumi nalang." Sabi ni Fancy.
"No. Call her Ate Yumi." Sabi ni Lance habang naglalagay ng foods sa plato.
"You're so KJ naman Reid. I don't want yung may Ate, so formal. It's okay lang naman na Yumi itawag ko, right?"
Tumango ako. "Oo naman."
"Kanina pako nag-o-observe. Anong nakain mo Bro? Bakit ganyan ka ka-sweet ngayon kay Yumi?" Si James. Napansin ko nga tahimik lang sya.
Ahh! Sweet talaga si Lance. Lulubusin ko na nga ngayon, baka kasi bukas wala na. Pagpasok namin, baka si Nicole na naman kampihan nya. Psh.
"Wala kang pakialam."
"Oh my god Patrick! You haven't notice? Syempre, Reid is inlove with Yumi."
Nasamid si Lance sa sinabi ni Fancy. "Shut up."
"Hahaha. Oo nga tama ka little sis." Sabi ni James.
Di naman ako maka-react. Aish. Diba maingay ako? Diba mataray ako? Bakit daig ko pa anghel ngayon sa bait?
"Why? It's true naman eh. The way you look at her, it looks like may heart sa mata mo. Golly! Don't be so kilig agad Reid. Not so bagay to you."
Siguro makasama ko lang ng isang araw si Fancy, mabobobo talaga ako sa pag-english at tagalog. Grabe magsalita. Pang-alien.
"Tch." Si Lance nakasimangot. Haha. Ang cute nilang magkakapatid, promise! Mukhang di na ako mabo-bore dito sa mansyon because of Fancy.
"Kumain na nga lang kayo." Sabi ni James na abala sa pagkain.
"Patrick naman!"
Patrick talaga tawag kay James. Tapos kay Lance, Reid naman. Pasaway talaga. Kung alin yung ayaw ng mga Kuya nya yun ang tinatawag nya.
"Eat this. Wag mo na pansinin yan." Si Lance hawak nya spoon na may food na. Sinusubo nya sakin. Kasi diko pa naman kaya kumain kasi yung isa kong braso di ko pa magalaw.
Kinain ko naman yun. Hindi nako mag-inarte. Gutom nako eh.
"Awww! Sweet couple. It's like you, and you are bagong kasal. I'm so curious na about you Yumi. Lance is so masungit then he's cold but it seemed that he's different to you."
"Fancy pwede bang kumain kana lang?" Suway ni Lance. Ako tahimik lang.
"Errrr! So sungit ever! Psh. I will tell your secrets talaga to Yumi."
"Shut up."
"Omo! Reid is going to a monster na. He's galit na. Natatakot ako.."
Lakas mang-asar nitong si Fancy promise. Si James nagpipigil ng tawa. Mga adik. Pinagti-trip-an si Lance.
"Fancy tama na yan. Kumain ka nga." Si James na sumuway. Nanlalaki na butas ng ilong ni Lance sa galit eh. Haha. Syempre joke lang.
Kumain na kami ng tahimik. Si Lance, sweet as ever. Wala akong masabi. Ganito pala pag ang isang taong cold, naging sweet. Nakakakilig. Yay!
☣
At living room..
Nung matapos kaming kumain, pumunta kaming lahat dito sa living room. Movie marathon daw kami sabi ni Fancy. Kakauwi lang daw nya kaya gusto nyang maka-bonding mga Kuya nya.
"What kind of movies do you want Yumi?" Tanong ni Fancy.
"Anything." Sagot ko. Katabi ko nga pala dito sa couch si Lance tapos sa kabilang couch sina James at Fancy. Pa-L-type kasi yung couch.
"Horror kaya." Suggestion ni James.
"GRRR. I don't want." Si Fancy mukhang duwag sa horror. Haha. Ako naman kahit ano.
"Horror na." Sabi ni Lance.
"Teka, ayaw ni Fancy ng horror." Sabi ko.
"Wala naman yan magagawa."
Si James horror nga pinili. Napatingin ako kay Fancy. Namumutla. Hala.
"Yumi! Tabi tayo."
Anong pakana yan James?
Tumabi sakin si James. Bale pinaggigitnaan nila ako ni Lance.
"Ako din!" Si Fancy bale katabi nya si James.
"Tch. Yumiko dito ka sa kabila." Sabi ni Lance.
"Ha?"
Si James umakbay sakin. "Natatakot ako Yumi."
Di pa nga simula eh.
"Hands off." Sabi ni Lance na nakikipagtagisan ng tingin kay James.
Mas lalo akong inakbayan ni James. Sinandal pa ulo nya sa balikat ko.
"I said hands off!"
Tinulak ni Lance si James. Waaa. Ano bang nangyayari sa mga 'to.
"Patrick! Stop it. Reid is so selos na oh. Don't you get it? So don't make landi with Yumi. You're so grrrr!"
"Usod ka dun." Utos sakin ni Lance. Umusod naman ako at dun sya umupo sa tabi ni James. Eto na arrangement namin.
Ako-Lance-James-Fancy
"Sobra ka naman Lance." Sabi ko.
"Why? Gusto mong katabi si James? Tch." Hala nagsusungit na naman po.
I smiled at him which is un usual. Kasi naman diba hindi naman naging okay yung pakikitungo namin ni Lance sa isa't isa? Kaya ayun di ako magtataka na nagulat sya ngayon sa pagngiti ko. "Jealous?"
Sa halip na sumagot, he gave a peck on my lips. "Yeah."
Lance bakit ganyan ka. Sobrang sweet mo ever! Ano ba yan. Nahahawa nako sa salita ni Fancy.
"Reid, you're so landi. Stop it na nga. The movie will start na oh. Later nyo nalang gawin yan when you two go to bedroom. Get some privacy, kasi Patrick is so naiinggit. Psh." Kahit kelan talaga si Fancy. Haha daming alam.
"Manahimik ka dyan Fancy kung ayaw mong patapon kita sa pluto." Sabat ni James.
"How come you can tapon me to pluto? Hello? It's so liit na planet kaya. Maybe I'm not kasya dun. Errr!"
Mababaliw ako sa mga 'to. Nung una, bored na bored ako lagi sa mansyon nato. Wishing na sana kahit papaano umingay naman. Pero sobra sobra naman yung binigay ni God. Grabe sila. Alam kong di na matatahimik mundo ko dito.
"Yumiko.."
I looked at Lance.
Muntik na kami mag-kiss. Kasi naman ang lapit ng mga mukha namin pagtingin ko sa kaniya. "W-Why.."
"What do you want me to call you?"
"Yumiko." Sagot ko. "Ano pa ba?"
Sumimangot si Lance. "No. I mean endearment."
Seriously? Gusto nya ng endearment? Waaa. Si Lance nga ba talaga 'to?
"I heard yung pinag-uusapan nyo. You want suggestions Reid??" tanong ni Fancy.
"Manood ka na lang." sabi ni Lance.
"Arrgh. I don't want. It's so nakakatakot. GRRR naman kasi si Patrick. I said naman na i don't want horror but still, errr!"
Natutuwa ako kay Fancy.
"Manahimik ka dyan. Pag ako nainis, lalagyan ko ng plaster bibig mo." Si James seryosong nanonood.
"You're so mean Patrick. You can do that to me? Oh my, how's my sexy lips naman if you do that to me. Remember what Willie Revillame said? YOU DON'T DO THAT TO ME!"
Kaloka si Fancy. Dami nyang alam. For sure punung-puno na utak nyan. Haha. Triple nga talaga sya ni James.
"You're smiling.."
"Huh?" si Lance basta-basta nalang nagsasalita.
"I said you're smiling."
"Nakakatuwa kasi si Fancy. For sure di na ako mabo-bore dito sa mansyon dahil sa kanya." Sabi ko.
"Tch. Parang sinabi mo ng boring ka dito dati nung tayong dalawa palang andito?"
Si Lance nagtatampo. Achuchu. "Yeah." I'm just being honest. Hello? Totoo naman.
"Tch."
"Pero ngayon hindi na." sabi ko.
"Dahil andyan na ang dalawa kong kapatid?"
Umiling ako at binigyan sya ng sweetest smile ko. "Dahil sweet ka na sakin at hindi mo na ako sinusungitan."
Lance smiled again for the third time mula kanina. Then he about to kiss me on my lips when suddenly...
"REID! I told you not to landi si Yumi. Ohmygolly! You're so PDA na! Dun nalang kayo sa bedroom nyo okay? I'm so bata pa para makakita ng ganyang scenes. Ohmy! Patrick, my innocent eyes!"
"SHUT UP." Sabi ni Lance. Seryoso sya then he held my hands and stood up. "Sa kwarto na kami. Nakakabingi kayo."
"Bro sama ako!" Si James baliw ayun sumunod samin ni Lance paakyat sa taas.
"Reid! Partrick! Yumi, don't make me iwan! I'm so scared na! Errr!" Si Fancy humabol na din samin dito pataas. Wala na. Di na natuloy ang movie marathon.
Dito kami sa tapat ng kwarto ni Lance. "Ah Lance... dun na ako sa kwarto ko." Sabi ko. Naiilang ako. Ewna ko ba.
"No. You will sleep here para kung sakaling kumirot braso mo, may ag-aasikaso sayo."
Means, magtatabi kami matulog? Omo! Omo!
"Pero.."
"Wala ng pero, pero.."
"Bro, sa kwarto ko nalang matulog si Yumi! Mas maaalagaan ko siya kesa sayo. Para ka kaya mantika matulog."
Si James andito din sa may hallway sa may labas ng kwarto ni Lance.
"Manahimik ka dyan." Si Lance nagsusungit.
"Yumi, sa kwarto ko nalang ikaw mag-sleep. We can chat whatever you want, like about Reid's secrets, Patrick's secrets, my beauty secrets and so much more." sabi naman ni Fancy.
Beauty secrets? Para namang sinabi nyang di ako maganda. Sabunutan ko yang si Fancy eh.
Humarang sa harap ko si Lance. Bale nasa likod na nya ako. "Kayong dalawa. Hanggang dito ba mang-iistorbo kayo? Tigilan nyo ang fiance ko. Dun na kayo sa mga kwarto nyo!"
"So sungit Reid! If i know, you will make landi lang naman si Yumi. Ohmy! Hindi pa kayo kasal so don't even dare to make a baby agad. Goodnight!" pagkasabi ni Fancy nun, ayun nanakbo na sa room nya. Baliw na babae.
"Tch. Sabi ko naman sayo Bro liligawan ko na si Yumi." Yaa. Si James nanti-trip na naman.
"Shut the fuck up! Fiance ko sya kaya wala kang karapatan manligaw."
Nag-aaway naba sila?
"Bro baka nalilimutan mo, pag-uwi ni Papa kakausapin pa sya si Yumi at tatanungin sino gusto nyang maging fiance sating dalawa. Alam ko namang ako pipiliin nya. Kaya ingat Bro. Night. Yumi! Sweetdreams. I love you!"
Nanakbo na din si James. Humarap sakin bigla si Lance then he kissed me.
Nakakailang halik si Lance sakin sa isang araw? Grabe ha. "Yumiko."
"H-Ha?"
"Ako pipiliin mo diba? Ako fiance mo? Ako lang."
Nakita ko yung sadness sa mga mata ni Lance. He's so sincere this time. Tumango lang ako para mapanatag na sya. Yun naman talaga mangyayari. No doubt, siya pa din pipiliin ko. Ngayon pang nagbago na sya? Sana lang magtuluy-tuloy 'to dahil kung hindi, baka si James talaga piliin ko.
"Thank you. Let's go inside."
"A-Ah Lance, sa kwarto ko na.."
"Sige dun tayo sa kwarto mo."
"Lance naman.."
"Ayaw mo ba akong katabi?"
"Hindi pa tayo kasal." Sabi ko. Nakakailang kaya. Oo nga kanina nagising akong katabi sya pero nung natulog naman ako diko pa sya katabi kaya nakatulog ako ng ayos. Pero ngayon? Kung matutulog kaming magkatabi, shemay! Baka hindi ako makatulog.
"Oh ano naman? In the future, magiging mag-asawa naman na tayo. Wala namang malisya kung magtabi tayo."
Mag-asawa..
Mag-asawa..
Mag-asawa..
Mag-asawa..
Bakit ganyan si Lance? Waaa. "Lance.."
"Wag ka ng umangal." Wala na nga. Hinila nako papasok sa kwarto nya.
"Mahiga ka na. Wala ka bang nararamdaman sa braso mo?"
Umiling ako tapos umupo na ako dito sa kama nya. Naiilang ako. Waaaa.
"Okay. Good. Sandali lang."
Tumingin ako kay Lance. Nakatayo kasi sya.
OMO! Lance taking off his shirt. What the...!
"Oh bakit ganyan ka makatingin? Di ako sanay matulog ng hindi nakahubad."
Wala na. Topless na sya. Omo, those 6-pack abs. Mygolly. He's damn hot. Nagkakasala ang mga mata ko.
"P-Pwede bang magshirt ka na lang? Naiilang kasi ako." sabi ko habang iniiwasang tumingin kay Lance. Kasi naman.
"Tch. Okay magsa-sando ako." Sabi ni Lance. Di pa din ako tumitingin sa kaniya.
Naramdaman ko lang nung lumapit na sakin si Lance. "You can look at me now."
Tumingin naman ako. Naka-sando na sya. I sigh. Grabe lang. "L-Let's sleep?" sabi ko.
"Yeah." Sabay kaming nahiga sa kama. Straight lang pagkakahiga ko. Naiilang talaga ako.
"Yumiko.."
Tumingin ako aky Lance na nasa tabi ko. Straight lang din pagkakahiga nya. "Hmm?"
"Ano na nga tawagan natin."
Naalala nya pa din? "Ikaw bahala.."
"Tch. Yumiko I want you to suggest. Anong endearment ba ang sa tingin mo sweet pakinggan?"
"I don't have any idea." Kasi naman di pa naman ako nagkaka-serious boyfriend kaya wala akong alam sa endearment.
"Okay, isip nalang tayo." sabi nya.
Ang daldal ni Lance. Ang dami nyang alam at pinuputakti na siya ng ka-sweet-an. Grabe. Can't believe pa din.
Bukas kaya?
Ganito pa din kaya siya?
Sweet pa din kaya sya sakin kahit pagpasok namin sa SWU?
Sana naman kasi nawala na yung galit ko sa dibdib ko eh. Ganun daw kasi pag mahal mo isang tao, kahit gaano kalaki galit natin sa kanila, still, maglambing lang sila nawawala iyong galit natin na parang bula.
I really love Lance. Sana kami na nga. Sana hindi na ako mag-isip pa na piliin si James na maging fiance ko.
Sana talaga.
Sana...
zzzZZZzzzZZzzz..
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top