Chapter 14
Yumiko POV
Nagising ako sa sagutan ng magkapatid. Hindi ko gustong makitang andito si Lance.
"Yumiko gising kana pala." Sabi ni Chelsea.
"Yeah. I'm still alive." Biro ko.
"Are you okay now?" Tanong ni Adrian.
"I'm okay. Mahapdi palang yung mga sugat ko." Sagot ko.
"Yumi, hindi ko na tatanungin kung ano nangyari. Sana lang ingatan mo sarili mo." Sabi ni James.
They really cared for me. Unlike...
"Sabi ng doctor 3 days kang mag-stay dito." Sabi ni Lance.
"Okay." Cold kong sagot.
"Magpapadala na ako dito ng damit mo kay Butler." Sabi ulit ni Lance.
"Wag ka ng mag-abala. Ako nalang ang tatawag kay Butler. You can go." Sabi ko kay Lance.
Napansin ko na tahimik silang lahat.
"Fiance mo'ko kaya da---"
Pinutol ko na yung sasabihin ni Lance. "Fiance lang kita." Sabat ko.
Ano naman kung fiance ko sya? Eh hindi ko naman ramdam na fiance nya ako. Psh.
As if he cares?
"Labas lang kami." Sabi ni Adrian saka hinila palabas sina Chelsea at James. Naiwan kami ni Lance dito sa kwarto.
"Don't worry, hindi 'to makakarating kina Papa." Sabi ko.
Baka kaya andito yan kasi iniisip nya malalagot sya kay Papa pag nalaman ang nangyari.
Diba nga kaya lang naman siya may pakialam sakin dahil kay Papa? Dahil hinabilin ako ni Papa sa kaniya.
"Hindi ko yun inaalala. Ikaw ang inaalala ko." Sabi ni Lance.
"Oh. Really? Hindi ko kailangan ng pag-aalala mo. Kaya pwede bang umalis ka na?" Pagtataray ko.
Akala ba nya papaapekto pa ako sa presensya nya? Hindi. Kahit pa inlove nako sa kaniya, hindi ko sya hahayaang saktan pa ako ulit.
The original Yumiko is back.
"You need me."
"I don't need you Lance. Maybe that transferee girl needs you." Sarkastiko kong sabi.
Dun lang naman sya magaling sa transferee na yun. Psh.
"Bakit napasok na naman sa usapan si Nicole?"
Napansin ko sa mukha nya yung pagka-irita. Wow lang.
"Totoo naman 'di ba? Baka mas kailangan ka ng childish at pa-charming na babae na yun!" Sigaw ko.
Naramdaman ko yung pagkirot ng sugat ko pero hinayaan ko nalang.
"Stop that non-sense Yumiko! Wala kang karapatang magsalita ng ganyan laban kay Nicole! Wala naman syang ginagawa sa'yo! Nananahimik yung tao!"
Sige pagtanggol mo pa Lance. I really hate you from now on.
"Ayoko ng makipag-argument sayo. I know naman na kahit ano pang haba ng usapang ito, still, si Nicole pa din ang ipagtatanggol mo! So please, get out---ahhhh.."
Napahawak ako sa braso ko. Ang sakit bigla.
"What happened?" Tanong agad ni Lance. Lumapit pa sa'kin.
"I said get out." Matigas na sabi ko.
"If that's what you want, then fine! Taasan mo pa pride mo Yumiko!" Sigaw ni Lance saka lumabas ng kwarto.
*boogsh*
Nagdabog pa. Sya pa galit ngayon?
Nagpasukan sina James. "Anong nangyari dun?" Tanong agad ni James.
"I don't know." Pagkasabi ko nyan hindi ko alam kung bakit bigla akong naiyak.
"Yumi..." Umupo agad si Chelsea sa kama ko at inalo ako.
"Pinaiyak ka na naman ni Lance." Walang emosyon na sabi ni James.
Hindi ako makapagsalita. Hindi ko masabi sa kanila na nasasaktan ako sa treatment sa'kin ni Lance. Nagawa ko mang magtaray kanina sa kaniya, still nasasaktan pa din ako lalo na sa pagtatanggol nya sa transferee na yun.
"Yumi 'wag mo nalang pansinin si Lance." Sabi ni Adrian.
Oo nga. Ano pa ba gagawin ko? Talagang hindi ko siya papansinin. Tulad naman ng sabi ko, babalik na'ko sa dating Yumiko.
Matapang, mataray at walang pakialam sa iba. Psh.
☣
Lance POV
Bakit ba ang taas ng pride ng babaeng yun? Tch.
Nag-aalala ako sa kaniya kasi fiance ko sya pero nababadtrip ako 'pag nadadamay sa usapan si Nicole. Wala naman syang ginagawang masama. Ano bang problema ni Yumiko kay Nicole?
Hindi tama ang inaasal nya. Tch.
At talagang pinaaalis nya ako sa ospital? Then fine. Akala ba nya pupuntahan ko pa sya? Bahala na sya. Kung ayaw nyang pinakikialaman ko siya, sige lang.
Konsensya: kasalanan mo kung bakit siya naaksidente, tapos hindi mo man lang sya aalagaan..
Langyang konsensya yan! Aissssh! Sakit mo sa ulo Yumiko!
☣
Kinagabihan..
Andito ako sa bar ni Ken. Hanggang ngayon iniisip ko pa din si Yumiko.
Kumusta na yun. May kasama ba yun dun sa ospital?
"Kung iniisip mo si Yumi, puntahan mo nalang sya." Sabi ni Adrian.
"Tch. Diko sya iniisip." Pagtanggi ko.
Ewan ko ba. Nag-aalala ako sa kaniya pero at the same time, naiinis ako.
Hindi ko gusto ang pagtataray nya kay Nicole. Damn! Yung makita kong umiyak si Nicole kanina sa room? Hindi ko kaya. Naaawa ako. Masyado syang inosente para tarayan lang ni Yumiko.
"Sige mag-deny kapa." Sabi ni Adrian.
Hindi ko na sila pinansin. Tumungga lang ako ng alak.
Naiisip ko na naman si Yumiko. May injury sya sa braso. Pa'no pala yun makakakain? Nakainom kaya yun ng gamot? Psh. Bwisit.
Napatayo ako.
"Oh brad?"
"Aalis lang ako." Paalam ko sa kanila at lumabas na ng bar.
Hindi na kinakaya ng isip ko si Yumiko. Gusto kong malaman kung ayos lang sya.
I drive my car. Maya-maya, nakarating din ako sa ospital.
Diretso na'ko sa kwarto ni Yumiko.
Pagkabukas ko ng pinto..
Si James..
Nakaub-ob sa gilid ng kama ni Yumiko. Tulog sila pareho.
Pero ang mas kinagulat ko..
Nakahawak si James sa kamay ni Yumiko habang natutulog.
Nagngitngit yung kalooban ko. Hindi ko alam pero nabubwisit ako sa nakita ko. Umalis nalang din ako.
Lumabas na'ko ng ospital at mabilis na sumakay ng kotse ko. "Shit lang!" Napahampas ako sa manibela ng kotse.
Bakit parang ang bigat sa loob ko na makita sila sa ganoong lagay?
Diko alam.
Tch
Makauwi na nga! Bahala ka na sa buhay mo Yumiko! Aish.
☣
Kinabukasan..
Yumiko POV
Nagising ako dahil sa sikat ng araw mula sa bintana.
Namulatan ko si James na naghahanda ng foods sa mesa.
Kagabi nakatulugan na namin yung pagku-kwentuhan. Ang sakit nga ng mata ko kasi iyak ako ng iyak kagabi dahil kay Lance. Buti nalang andyan si James para dumamay.
"You're awake." Nakangiting sabi nya.
Napangiti naman ako. Ang caring talaga ni James. "Bakit ka pala andito. Diba may pasok?"
"Nag-excuse muna ako ng 3days para may makasama ka dito. I know ma-bo-bore ka 'pag mag-isa kalang dito."
Na-touch naman ako. Bakit ba ang layo ng ugali ni Lance kay James? Psh. Ilang beses ng pumasok sa isip ko na sana si James nalang naging fiance ko.
"Hindi mo naman kailangan gawin 'to." Sabi ko.
"I have to. Kung hindi ka kayang alagaan ng kapatid ko, ako mag-aalaga sa'yo." Sabi nya.
What does it mean?
"Thanks.." Yan nalang nasabi ko. Kasi naman si James parang kinikilig ako. Haha.
He really cares for me.
"Kain ka na. Nag-take-out nalang ako sa labas."
Tumango lang ako. Lumapit sakin si James dala yung pagkain. "Subuan na kita. Hindi mo pa magagalaw braso mo."
Seriously? Susubuan nya ako? Shemay. Parang boyfriend lang.
"Eh.." Parang naiilang naman ako.
He smiled. Grabe talaga ngiti ni James, makalaglag underwear!
Natural na natural kasi yung ngiti nya tapos pati mata nya nakangiti.
Teka, ano bang nangyayari sa'kin? Pinupuri ko na ng bongga si James?
"Wag ka ng mahiya sa'kin. Masanay ka na sa presensya ko." Sabi nya.
I smiled saka tumango sa kanya.
After 123456789 hours, natapos akong kumain. Salamat kay James. Nabusog ako.
"Anong gusto mong gawin?" Tanong ni James sakin.
"Wala naman.." Sagot ko.
"Hm, yumi.."
"Yes?"
"Wag mo ng iisipin si Lance kung masasaktan kalang."
Tumango ako. "I know. Hindi ko lang maiwasang masaktan sa treatment nya sakin."
"Malakas yata talaga tama nun sa transferee."
Ouch naman. "It's okay with me. Hahayaan ko nalang sya at tulad ng sabi ko hindi na'ko papa-apekto sa kaniya. Gagawin ko lahat para malimutan ko yung feelings ko sa kanya."
"Tama yang gagawin mo. Basta yumi, dito lang ako sa tabi mo muna. I know you need someone."
Napangiti ako kay James. Grabe lang sa bait ang lalaking 'to. Kahit sino, ma-i-inlove sa kanya. "Thanks nga pala James for being such a nice person to me kahit wala ka namang obligasyon sa'kin."
"Mula nung pabayaan ka ni Lance, obligasyon na kita."
Ano daw? "What do you mean?"
"Kakausapin ko si Papa."
"For what?"
"Sasabihin ko kay Papa na ako nalang ang ipakasal sa'yo. Pinag-isipan ko 'tong mabuti kagabi. I'm willing to be your fiance."
I'm willing to be your fiance..
I'm willing to be your fiance..
I'm willing to be your fiance..
I'm willing to be your fiance..
I'm willing to be your fiance..
FOR REAL?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top