Chapter 12

Yumiko POV

Aishhhhh!

Inat-inat ako.

Napasarap tulog ko. Hala? Klase na. Two hours pala ako nakatulog? Oh my.

Dali-dali akong tumayo saka mabilis na tinungo pinto.

I opened the door.

But..

Hindi mabuksan?

Pinilit kong buksan pero wala talaga. Naka-lock. Hanla talaga.

Sumilip ako sa bintana. Walang tao sa labas. How come na-lock ako dito?

Kinuha ko agad iphone ko. I dialled ..

Sino bang tatawagan ko? Si Lance lang naman ang may number ako na andito sa SWU.

Sige na nga.

Nagri-ring pero hindi sinasagot.

Sumigaw ako. "Hello? May tao ba dyan? Pabukas naman ng pinto!"

After 123456789 hours..

Grabe. Ilang beses na'ko sumisigaw but still, wala yatang nakakarinig sakin. Nakailang missed call na din ako kay Lance pero di nya sinasagot.

Isang oras nako dito na sumisigaw at nag-aabang na baka may tao kaso wala.

What to do? Last subject na sana namin eh. Mag-uuwian na.

Naupo ako sa may sahig. I'm a strong woman pero bigla akong nanghihina at naiiyak sa sitwasyon ko ngayon. Wala akong magawa. Medyo masakit na din lalamunan ko sa kakasigaw kanina. Wala naman nangyari.

Kasi dapat kinuha ko number nina Chelsea.

Si Lance, busy ba sya sa babae na yun kaya di nya sinasagot tawag ko?

O ayaw lang nya sagutin?

Fine. Hindi na'ko hihingi ng tulong sa kaniya. At hindi ko talaga sya iimikin.

Nakulong ako dito sa room mag-isa. No one is here. Natatakot

Napaluha nalang ako habang dina-dial pa din number ni Lance.



James POV

Buti uwian na.

Ay may nakalimutan ako. "Bro! Pahiram iphone mo, kunin ko number ni Yumi." Sabi ko.

Wala akong gusto kay Yumi pero may kakaiba akong nararamdaman eh. Hindi ako mapakali kay Yumi samantalang baka umuwi lang yun.

Ewan ko ba.

Inabot sakin ni Lance ang iphone niya.

Yumiko calling..

"Oh Bro tumatawag pala si Yumi."

"So?"

Ano ba naman 'tong si Bro. Walang paki sa fiance niya. Sabagay may bago na eh.

"Bilisan mo paggamit, uuwi na ako."

"Lance punta tayo mall sandali. I have something to buy lang." Sabi nung Nicole.

"Okay."

Pumayag si Lance? Asdfghjkl.

Iba na yan Lance.

Sinagot ko nalang yung tawag. Ayaw naman sagutin ni Bro.

"Yumi?"

[......]

Walang sumasagot pero naririnig ko yung parang hikbi? Umiiyak si Yumi?

"Hello Yumi? Si James 'to." Sabi ko. Napansin ko na napatingin si Lance sakin.

[N-Number yan ni Lance diba..]

"Oo, ayaw nya kasi sagutin kaya ako na sumagot. Saan ka?" Tanong ko. Kinakabahan ako sa narinig kong hikbi nya.

[J-James..]

Umiiyak nga? "Hoy Yumi ayos kalang ba?"

[Vacant room malapit sa gym.] Yun lang nasabi nya.

*toot toot*

Naguluhan ako pero pagkaabot ko ng iphone ni Bro napatakbo ako.

"James!" Narinig ko pang sumigaw si Chelsea.

Nakarating ako dito sa may gym. Nasaan ba dito yung bakanteng room? Ano bang meron dun?

Hanap.

Hanap.

Wala naman.

Hanggang sa makita ko yung bakanteng room dito sa pinaka-gilid ng gym. Nakasara naman?

Pero sabi ni Yumi.

"Yumiko!" Sumigaw nalang ako.

"James.."

Langya. Nagulat ako. Si Yumi bigla lumitaw sa may bintana tapos umiiyak?

"Hoy bakit ka umiiyak? Nagseselos ka ba sa Nicole na yun? Hayaan mo na. Ikaw naman fiance eh. Sana kung type man yun ni Bro, ikakasal pa din kayo. Wala yun magagawa kaya wag mo na iyakan yun. Kanina ka pa namin hinahanap. Mahal mo na ba si Bro kaya nagseselos ka? Paano mo---"

"Nakulong ako dito kaya ako umiiyak."

Hehe. Sorry lawak lang ng imagination ko. "ANO?"

"Naka-lock." Sabi nya.

Napatingin ako sa pinto. Naka-kawit sa labas yung panglock.

Binuksan ko yun. At pagbukas na pagbukas..

Niyakap ako ni Yumi?

Napalunok ako.

"Thank you James. Your my saviour! Kanina pa'ko natatakot dito. Hindi ko na alam gagawin kasi di naman sinasanagot ni Lance tawag ko.. Paano..paano nalang..paano nalang kung.." Umiiyak pa din sya. Naawa naman ako bigla.

Syempre nakilala kong mataray 'tong babae na 'to tapos ngayon makikita kong umiiyak?

Si Bro talaga oh. Kung diko pa hiniram phone, hindi ko makikita ang tawag ni Yumi. Di man lang sinasagot.

Masyado na ba syang in love sa transferee na yun?

Tch. Dapat kahit papaano inaalagaan nya fiance nya.

"J-James.."

Kumalas sya sakin. "Okay ka na?"

"Nanghihina lang ako. Natakot lang ako ng sobra na baka hindi na makalabas at malipasan ng gabi."

"Tahan na."

"Wala talagang pakialam sakin si Lance 'no?" Tanong nya habang tumutulo pa din luha nya. Pinipilit pa ngang

"Ewan ko dun. Wag mo na isipin yun. Tara sabay na tayo sa parking."

Ngayon ako nakaramdam ng awa kay Yumi. Si Lance napaka-cold sa kaniya.

Tch.

Bakit ba ganoon kapatid kong yun?

"James thanks talaga."

"Walang anuman. Tara na."

Pinunasan na nya luha nya habang naglalakad kami.

"Yumi umamin ka sakin, nagseselos kaba sa transferee?" Tanong ko.

Ngayon ko lang nakitang ganyan kalambot ang ekspresyon ng mukha ni Yumi. Usual kasi, mataray yan.

"I will tell you pero... pwede mo ba akong samahan muna sa mall? Ayoko muna umuwi agad. Wala naman ako makakausap dun."

Hindi na ako nagdalawang isip kasi alam kong kailangan nga nya ng makakausap. "Sige."

"Pa'no yung kotse?"

"Mauna kana lang. Sunod ako." Sabi ko.

I smiled at her bago ako sumakay ng kotse ko.

Yumiko POV

"Saan mo gusto?" Tanong ni James sa'kin.

Natutuwa ako dito sa kapatid ni Lance kasi mabait sya. Hindi ko akalaing sya pa makakadamay ko at liligtas sakin kanina.

Sa halip na si Lance..

"Kahit saan."

"Sige starbucks nalang." Sabi niya.

Tumango lang ako.

Malapit na kami sa starbucks ng may mahagip ang mata ko.

Si...

Si Lance at transferee?

Naglalakad habang yung transferee, kumakain ng ice cream. Si Lance cool na cool na naglalakad. Para silang couple.

Grabe lang.

Eto na naman selos ko. Never ako nasamaan nyang si Lance mag-mall.

Boring ba'ko? Para di nya yayain kahit mall?

Nagulat nalang ako ng hilahin ako ni James. "Wag na kasing tingin ng tingin kung saan saan." Sabi nya hanggang makapasok kami ng starbucks.

Naupo na kami ng maka-order.

"Ano? Makikinig ako Yumi." Sabi ni James.

Grabe lang. Hindi ko naman kaya mag-pretend. "In love na yata ako kay Lance."

"Talaga?"

Mukhang natuwa pa si James.

Tumango ako. "Diko alam bakit ako na-in-love sa kaniya eh ang cold cold nya, masungit tapos inis na inis pa sakin lagi."

"Ganun na talaga yun."

"Pero.."

"Pero bakit dun sa transferee?" Tanong ni James. Nahulaan nya nasa isip ko.

"Oo. Bakit iba..."

"Baka tinamaan si Bro."

Ouch lang. Si Lance tinamaan agad sa transferee?

"Selos ka?"

"Yes. I'm jealous and at the same time nasasaktan din kasi, kabaligtaran yung turing nya sakin at dun sa Nicole na yun." Sabi ko.

Hindi ko na-imagine na sa dinami-dami, sa lalaki pa ako nag-open-up ng nararamdaman ko para kay lance. At worst, sa kapatid pa nya.

Pero thankful naman ako kasi mabait si James. Maaasahan siya at hindi matigas ang puso nya tulad ng kay Lance.

Bakit ba di nalang si James ang naging fiance ko?

Hindi dahil sa type ko sya kaya iniisip ko na sana sya nalang. Yun kasi dahil sa ugali.

Mas gusto ko ugali ni James.

"Yumi."

I looked at him. "Hmm?"

"Pabayaan mo nalang si Lance. Wala syang pakialam sa nararamdaman ng iba kaya kung mahal mo na sya, wag mong hayaang lumalim. Sa nakikita ko kasi, tinamaan talaga sya dun sa transferee."

Nasaktan ako sa sinabi ni James. Ano ba yan! Talaga bang in love nako kay Lance agad-agad? At sobrang apektado ako dahil sa transferee na yun.

"I'll try." Sabi ko nalang.

"Wag mong i-try. Gawin mo. Tingnan mo, kanina lang binalewala nya yung mga tawag mo dahil sa trasferee na yun. Kung hindi kopa hiniram phone niya, edi hindi ko malalaman na nakulong ka sa vacant room na yun."

May point si James.

Nasasaktan ako sa pinakita ni Lance kaninang umaga palang. Yung hindi nya pag-imik sakin, apektado agad ako. Pano nalang pag minahal ko na sya ng lubos, edi mas masasaktan ako dahil alam kong babalewalain lang ako ni Lance.

Saka...

Diba matapang ako? Diba nga gagawa ako ng ways para mapa-atras sya sa engagement?

Ano yun? Hahayaan kong masaktan nya ko tapos sya nagsasaya lang? Unfair.

Tama si James.

"Wag kang lilingon."

Kumunot noo ko kay James pero hindi ko nasunod yung sinabi nya. Napalingon ako at ayun..

Sino paba?

Si Lance at Nicole.

Hindi yata kami napapansin pero nanlumo ako dahil inaalalayan pa ni Lance si Nicole at parang ang sweet pa nya.

Wow lang.

Naramdaman ko yung panggigilid ng luha ko.

"Let's go." Sabi ni James saka hinila ako patayo.

Hindi nako nakatanggi kaso nagulat ako nung tumigil kami sa table nina Lance.

"Bro. Si Yumi nakulong kanina sa vacant room. Buti nalang sinagot ko yung tawag nya sayo. Ikaw kasi inaasahan nya pero dimo man lang sya naligtas. Minsan wag mong kakalimutan na may fiance ka na dapat mo alagaan. At wag mo rin masyadong ipaglantaran na may gusto ka sa babae na yan pag nasa paligid si Yumi." Seryosong sabi ni James saka diretso na kaming lumabas habang hila ako.

Diko akalaing gagawin yun ni James.

"J-James dapat hindi mo ginawa yun." Sabi ko habang hila pa din nya ako palabas ng mall.

"Dapat nyang malaman ang nangyari sayo dahil fiance ka nya. Obligasyon nyang alagaan ka." Sabi nya lang.

"Okay lang James.."

"Hindi yun okay."

I sighed. Mukhang seryoso si James.

Hinayaan ko nalang syang hilahin ako hanggang nakarating kami dito sa parking.

"Kaya mo na ba pauwi?" Tanong ni James.

I smiled. "Yup. Kaya ko na. Thanks nga pala. And sana. Sayo nalang yung nalaman mo about my feelings."

Tumango siya. "Yeah. Don't worry."

"Alis nako. Bye." Sabi ko saka tumalikod na.

Pagkasakay ko sa kotse ko, dali-dali ko din pinaandar yun dahil gusto ko ng umuwi.



Sa mansyon..

Pagkapasok na pagkapasok ko dito sa kwarto ko...

Wala na. Naiyak nako kaya dumapa muna ako sa kama.

I don't want to cry pero diko mapigilan. Naiiyak ako sa pambabalewala ni Lance.

Pero parang mas naiiyak ako na makita sila ni Nicole.

Bakit kay Enrique nagagalit sya na makipagkita ako? Tapos sya pwede? Ang unfair lang.

Iyak ako ng iyak.

Diko akalaing sa maikling panahon, mahuhulog ako kay Lance.

Can't understand myself.

Bakit ko siya minahal?

Diko pa din mapigilan maiyak.

Ano ba palang karapatan ko sa buhay ni Lance? Fiance lang ako.

Nandilat mata ko ng maramdaman kong may umupo sa kama ko. Nakadapa ako at nakaub-ob kaya diko alam sino yun.

"What exactly happened to you."

Si Lance. Umuwi na din pala sya?

I wiped my tears saka bumangon at humarap sa kaniya. "Wala yun."

"Are you crying?"

Umiling ako. "Medyo masakit lang ulo ko." Pagsisinungaling ko

Kasi naman.

Yung puso ko ang masakit.

"Nakulong ka sa vacant room sabi ni James."

"Wala na yun. Andito naman na ako. Thanks nalang sa kapatid mo kasi sinagot nya yung tawag ko sa phone mo at nalaman niyang nakulong ako sa vacant room. At ayun, natulungan nya ko dahil kung hindi? Baka nalipasan na ako ng gabi dun."

"Bakit ka ba napunta dun?"

"No need to know. Basta ang mahalaga, okay na'ko."

"You're not okay."

"I'm okay kaya kung pwede sana gusto kong mapag-isa..."

"About Nicole..."

Damn.

"Wala na yun. No need to explain Lance. I understand at wala naman tayong pakialamanan sa isa't isa diba? Sige na. Pwede iwan mo na ko."

He sighed. "Okay." Tumayo na siya at lumabas ng kwarto ko.

Bakit ganon? Bakit bigla siyang magtatanong-tanong? Worried ba sya? Diba hindi naman?

At yung sa Nicole na yun? Balak ba nyang sabihin na girlfriend na nya yun? Hindi na. Hindi ko na kailangang marinig. Masasaktan pako.

Bahala na lang siguro sya. Ako? Ano paba. Makikipag-date ako. Lalabas ako at papakasaya. Siya nga nagagawa gusto nya. Dapat ako din. Para fair.

Para di ako nasasaktan. Iiyak nako ngayong gabi para bukas at sa mga susunod na araw, wala na.

Umub-ob ulit ako saka umiyak.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top