Chapter 10
Yumiko POV
Hindi ko kinakaya ang ugali ni Lance. Grabe.
"Pervert?"
"Oo. Pervert ka!" singhal ko.
Bumangon siya sa kama at dahan-dahan na lumapit sakin. Ako naman paatras ng paatras.
"Pervert pala ha?" Sabi nya habang palapit pa din ng palapit sakin.
Maya-maya, sa ka-aatras ko namalayan ko nalang na napasandal na ako sa pader. Waah. Dead end.
Lumalapit pa din sakin si Lance hanggang sa itukod nya ang mga kamay nya sa pader kung saan ako nakasandal.
Inilapit pa nya ang mukha nya sa mukha ko. "Sinong pervert?" He asked me habang nakatingin sakin.
My golly. Ang lapit lapit ng mukha nya.
"Kung anu-anung sinasabi mo kaya nasasabihan kita ng pervert." Paliwanag ko. Di ako makagalaw dahil alam kong kaunting galaw ko lang, magdidikit yung mga labi namin.
"Gusto mo bang ipakita sayo gaano ako ka-pervert?" Hamon nya. Yung tingin nya, shemay! Nakakatunaw.
"Lance.."
He suddenly kissed me on my lips. Ayan na naman sya sa kiss nya. Hindi nga ako makatanggi sa kaniya. Waaah. Kusang gumagalaw yung labi ko. Tinutugon yung halik niya. Hanla.
Bakit ganito ang lakas ng kabog ng dibdib ko? Gusto ko na syang itulak. Shit.
He kept on kissing me. Grabe si Lance. Nakakailan na talaga sakin ang lalaking 'to. Shit lang kasi diko siya maayawan.
Ano ba 'tong nararamdaman ko?
Then he stopped. "I really love to kiss you." He whispered. Malapit pa din yung mga mukha namin sa isa't isa.
"Umalis ka nga sa harap ko." Nagpipigil ako ng galit kasi di na nga ako makagalaw dito eh. Steady lang yung ulo ko. Si Lance kasi.
"What if I don't want?"
I tried to push him pero wala. Mas malakas sya. Hindi man lang nga sya napa-urong kahit kaunti.
Pffft. "Lance umalis ka na..." This time, nagpapaawa na ako sa kaniya.
"No."
He kissed me again. Yung totoo Lance? Adik ka na ba talaga sa kiss? Shemay lang!
Sandali lang yun pero as always, tinugon ko na naman. "Go on. Maligo ka na. Pero hindi ka pa din pwedeng umalis." Sabi nya saka umalis sa harap ko.
Tulala ako sa kaniya. Grabe ang lalaking 'to. Anong ugali meron sya?
"Hindi mo ako mapipigilan Lance. Kaya pwede ba? Wag mo nga akong pakialaman!" Nakasimangot na sabi ko saka nag-martsa para kunin ulit yung towel ko na nalaglag kanina sa sahig dahil sa paghila sakin ni Lance.
"Tch. Fine! Bahala ka sa buhay mo. Huwag mo akong kakausapin ha?"
Hanla? Galit siya at ayun lumabas na ng kwarto ko. Seriously Lance? Dumadaldal ka na ngayon.
Psh. Ewan syo! Gagawin ko gusto ko.
Makaligo na nga!
☣
Lance POV
Shit.
Hindi ko na gusto ang nangyayari sakin. Bakit ba hindi ko mapigilan ang sarili kong halikan ang baliw na babaeng yun?
Her soft lips is starting to make me crazy. Shit. Hindi ako ganito.
Pagkalabas ko ng kwarto ko, dumiretso ako sa kwarto ko. Nabu-bwisit ako sa tigas ng ulo nya.
E'di lumabas sya kasama ang gagong lalaking yun.
Ang totoo malaki ang galit ko kay Enrique Hyun. Ang kompanya nila ang mahigpit na karibal ng kompanya namin.
Oo artista sya, pero hindi sya mukhang artista. Tch. Mas mukha pa akong artista sa kaniya.
Itong si Yumiko di mapigilan eh. Badtrip! Paano kung alam ng Enrique na yun na fiance ako ni Yumiko? Edi sasamantalan iyon ng kumag na yun? Tch. Bwisit! Magsama sila.
Mula ngayon hindi ko na sya pipigilan sa mga gusto nyang gawin. Magsama sila! Gusto nila sila nalang magpakasal. Tch.
Nakakabadtrip lang.
☣
Yumiko POV
I'm on my way na to meet Enrique. Salamat naman at nakaalis ako ng matiwasay sa mansyon. Nakakainis na kasi si Lance.
Hay.
Magkikita kami ni Enrique sa isang restaurant kung saan may privacy ang mga kumakain dun dahil mga sikat at mayayaman lang ang nakakapasok dun. Hindi naman na siguro madudumog ng fans si Enrique.
I parked my car then bumaba na ako. Nung tumawag si Enrique kanina, sinabi nyang andito na sya. Sa may pinakadulo daw kaya doon ako dumiretso.
Nakita ko na sya. He's waving at me. Uh, why so handsome? Umupo ako sa harapan nya pagkalapit ko. Gwapo talaga siya. No doubt naging artista sya.
"Hi."
I smiled. "Hi."
"You're really gorgeous." Puri nya.
"Thank you."
"Um-order na ako. Hintayin nalang natin. I'm sure magugustuhan mo naman ang mga in-order ko." Sabi nya.
"Yeah. It's okay."
"So let's start knowing each other. No'ng makita ko na kasi yung itsura mo ng maliwanag sa parking lot ng mall, I can't take my eyes off of you."
"Thank you."
Wala akong masabi. Puro papuri itong si Enrique. Mukhang tinamaan nga 'to sakin.
"That's why I'm really craving to see you."
Ngumiti lang ako. Wala akong maisagot eh.
"Now, maybe we can be good friends or more than that." Sabi nya.
"Yeah. Sure." I smiled.
"Good."
"Here's your order Ma'am, Sir."
Dumating na order.
Nang makaalis na ang waiter,nagsalita ulit si Enrique. "Let's eat while talking?"
"Okay?"
Nagsimula na akong kumain. He keep on telling his good sides. Nakikinig lang ako. Para kasing medyo nabo-bored na ako kausap sya. Kaya nga parang gusto ko ng matapos na kumain.
"Only son ako kaya ako ang tagapag-mana ng kompanya namin. Kaya nga ngayon, nagpapakasaya na ako sa pagiging artista dahil someday, I have to quit para mas maka-focus ako sa kompanya namin." Patuloy nya.
Tumatango lang ako. Grabe. Bakit pag si Lance naman kaharap ko, hindi na nga siya gaanong nagsasalita pero di naman ako na-bo-bore? Pero pag si Enrique? Ang dami niyang sinasabi pero..
Ugh. I can't take it anymore. Wala akong pakialam sa buhay niya. Just want to date him para malibang naman ako dahil alam kong wala akong magagawa sa mansyon.
"Excuse me. I need to go to restroom." Sabi ko. Tapos na din akong kumain.
Pagpasok ko sa restroom, I checked my phone.
52 missed calls
1 message
Wow. Dami missed call tapos ang message iisa lang?
I opened the message.
From: Lance
Better go home. Your father is here and he is so damn angry.
Hanla?
Napatingin ako sa missed calls. Kay Lance at kay Papa.
Bakit sya magagalit?
Dali-dali akong lumabas ng restroom at lumabas ng restaurant. Di na ako magpapaalam kay Enrique. Tatawagan ko nalang sya. Mabilis akong sumakay ng kotse ko saka pinaharurot ang takbo.
Maya-maya nakarating din ako sa mansyon.
Kinakabahan ako. Bakit galit si Papa? Ano bang ginawa ko?
Sumalubong sakin ang maid. "Sa kwarto po ni Sir Lance."
"Ha?"
"Naroon po si Mr. Hayashi."
Dali-dali na akong umakyat pataas ng kwarto ni Lance. Shemay! Anong punag-uusapan nila ni Lance? Baka kung anu-ano ng sinabi ni Lance kay Papa.
I knocked on the door before opening it. Naabutan ko si Lance na nakadapa sa kama niya habang nanunuod ng TV.
"Where's Papa?"
"Huh?"
"Si Papa nasaan?"
"Nasa Japan." Sagot ni Lance habang nakatingin pa din sa TV.
"You texted me na galit na galit sya. At narito sya?"
"Just kidding. I call your father and tell him to missed call you. Hindi naman sya nagtanong kaya ayos lang."
"What? Hindi ko ma-gets." Sabi ko.
Tumayo sya mula sa kama at lumapit sakin. "Tinawagan ko ang Papa mo at sinabi kong i-missed call ka ng ilang times. Para isipin mo na narito nga sya at galit na galit. I texted you in that way para umuwi ka agad."
"You mean.."
"Yeah. Niloko lang kita dahil gusto kong umuwi kana dito at wag na makipagkita sa kumag na yun."
"Hindi kumag si Enrique!"
Langya. Ginagalit talaga ako ni Lance. Bakit ganito sya magbiro? Parang kaya nyang gawin lahat ah?
Nakaka-highblood na.
"Ano bang problema mo, ha Lance Abellano?"
"Nothing."
"Alam mo hindi na nakakatuwa ang ginagawa mo. Why do you keep on stopping me na makipagkita sa ibang lalaki?"
"I just don't want."
"Are you jealous Lance?"
"Hell no. Who do you think you are Yumiko? Sa tingin mo ba ikaw ang klase ng babae na magugustuhan ko?"
Aray ha. Tinamaan ako dun ah. Talagang lantaran sya magsalita. "Yun naman pala eh! Edi sana hindi mo ako pinapakialaman sa gusto kong gawin!" Sigaw ko.
"Inaaalala lang kita."
"Wow! Inaalala? Damn you Lance!"
"Damn it! Nagagalit ka ngayon ha?"
Nagsisigawan na kami. Ewan pero inis na inis na ako sa kaniya. "Oo galit ako sayo! Fiance lang kita at wala kang karapatang pigilan ako sa gusto kong gawin!"
"Ah ganon? Fiance lang? Talagang fiance lang! Hindi na yun aabot sa kasalan dahil mapapa-atras kita."
Ayan na naman sya sa atrasan. Bwisit! Bakit hindi nalang sya ang umatras diba? Damn.
"Wish mo lang Lance! Kung gusto mo, ikaw ang umatras!"
"In your dreams Yumiko. Hindi mo ako kilala. I can do anything para mapa-atras ka."
"Then fine! Wag mo na lang ako papakialamanan ha? Wag na wag mo akong pipigilan sa mga gusto kong gawin!"
Galit na galit na din mukha ni Lance. "If that's what you want, then fine! Hindi talaga kita papakialaman! Shit! From now on, I will act like you don't exist. Now get out of my room and get a life."
Ewan ko pero nasaktan ako sa huling sinabi niya. Pero sige, yun gusto nya? Fine. Wala talagang pakialamanan. "Fine." Sagot ko saka lumabas na ng kwarto nya.
I don't know but I can feel my tears started to fall. Nasaktan talaga ako sa sinabi nya. Bakit ko 'to nararamdaman? Isa akong matapang na babae at matigas ang puso. Bakit ganito? It's my first time to cry because of a guy.
Damn him. Don't exist pala ha? Sige. Tingnan natin. Talagang aakto ako na hindi ka rin nag-e-exist kahit nasa harap pa kita.
Galit na galit ako sa'yo Lance Abellano. I hate you!
☣
Lance POV
Shit lang. Hina-highblood ako ng babaeng yun.
Tahimik akong tao pero pagdating sa kaniya, hindi ko na mabilang ang salitang lumalabas sa bibig ko sa dami. Nagiging madaldal na ako eh.
Pero mas nabubuwisit ako sa ugali nya. Ayaw sya ng pakikialamanan? Fine. Mula ngayon, wala na akong pakialam sa kaniya at hindi ko na siya papansinin o kakausapin man lang kung hindi naman mahalaga ang sasabihin nya.
Ako pa sinubukan nya? I'm the coldlest man she will ever meet. Cold ako at tahimik.
Makikita mo Yumiko Hayashi, susuko ka at aatras sa kasal.
Damn it.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top