Chapter Two
Martin's
Nagising akong nasa loob ng isang kwarto. Sobrang inaasahan kong nakatali ang mga kamay at paa ko pero hindi. Nakahiga lang ako sa isang kama at ramdam ko ang sakit ng mukha ko. Naalala kong sinapak ako ni Hermes Consunji- na hindi ko maintindihan kung bakit. He should've thanked me for informing him that his daughter didn't just ran away. Inamin ko namang kinuha ko siya - at sa buong panahong kasama ko si Ireena, she was secured, safe and well taken cared of.
He should thank me.
Bumaba ako ng kama at sinubukang buksan ang pintong iyon pero naka-lock ito. Inaasahan ko na iyon. I am being held captive. Hindi maaari ito. This is kidnapping.
Kinalampag ko ang pinto.
"Let me out! Let me out!" Sigaw ko na tulad nga ng sinabi ni Bruno kanina ay parang putang may regla. Hindi ako mapakali. Ang pinakaayoko sa lahat ay ang makulong sa isang lugar. I am claustrophobic. Hindi ako makahinga!
"Let me out! This is unfair! Let me ou--"
The door flung opened and Hermes Consunji came in but he isn't alone. Kasama niya ang isang lalaki. Kilala ko siya. Kapatid siya ni Hermes Consunji - hindi lang ako sigurado kung siya ba si Ares Consunji o si Azul Consunji. Sigurado akong hindi siya si Hera Consunji - babae iyon saka patay na.
"Nasaan si Ireena?" Hermes Consunji asked.
"Ako ang naghahanap sa kanya dito tapos sa akin kayo magtatanong?" Hindi ko kasalanan kung hindi nila hinanap si Ireena. Nakita kong nanlalaki ang mga mata ni Hermes Consunji. Matiim niya akong tiningnan.
"I will file a case against you. Kung totoo ang sinasabi mo, ikaw na rin ang naghukay sa sarili mong libingan. You kidnapped my daughter!"
Hindi ko maintindihan kung bakit galit na galit siya samantalang hindi naman niya malalaman na kinuha ko si Ireena kung hindi ko sinabi sa kanya. Anong klaseng tao itong si Hermes Consunji? Kunsabagay, high school pa lang si Ireena ay ramdam na niyang iba ang pakikitungo sa kanya ng tatay niya.
"Considering the fact that you all thought she just ranaway, anong karapatan ninyong mag- file ng kaso sa akin? Mabuti ang kalagayan niya habang nasa poder ko. I fed her, I took care of her and provided her everything she needs. Ni hindi ko pinadapuan sa lamok si Ireena. Ikaw, Mr. Consunji, naisip mo man lang ba siya noong mga panahong wala siya?" Pang -uuyam ko. Hindi siya nakakibo at hindi rin naman ako nakaiwas nang sapakin niya ako. Napabiling ako. Kinuwelyuhan ako ni Hermes.
"You are playing with fire, Orejon! Nasaan ang anak ko?!"
"Na-misplace ko nga! I am trying my best to look for her lalo na at delikado ang baby sa sinapupunan niya!"
"Ireen is pregnant?" Tanong noong lalaking kasama ni Hermes. Binitiwan niya ako tapos ay hinarap ang kapatid niya. "Noon pa man sinabi ko na sa'yo na ipahanap si Ireena. Ang tigas rin kasi ng ulo mo, Hermes!"
"Akala ko naglayas lang siya, Kuya! Ano bang alam?" Napapailing pa siya. Manghang - mangha ako. This only shows na wala ngang pakialam ang pamilya niya sa kanya and the more I think about it, the more I need to find her. Hindi ko hahayaang maramdaman ng anak ko ang kawalang pakialam sa kanya. That is my child and I will love him or her more than my life.
Habang nagtatalo iyong dalawa ay nakahanap ako ng tyempo na umalis ng silid na iyon. Mukhang hindi naman nila napansin dahil nakababa pa ako ng hagdanan. Nagmamadali ako dahil baka mahuli nila ako at kung wala naman dito si Ireen, hindi ako dapat nandito.
"Sino ka?" Nagulat ako nang makita ko anh kapatid na babae ni Ireen sa may dulo ng hagdanan. Kunot na kunot ang noo niya habang nakatingin sa akin. Hindi ko na sana siya papansinin at pasimple na lang akong bababa nang bigla siyang magsalita.
"Anong ginagawa mo dito? Trespassing ka! Magnanakaw ka ba? Ang kapal naman ng mukha mong magnakaw! Umagang - umaga! Magnanakaw ka! Anong nakuha mo? Kinuha mo ba ang mga alahas ng Mama ko? Grabe! Ang kapal ng mukha! Abogado ang asawa ko! Makukulong ka!"
"Ma? Bakit ka sumisigaw? Hala sino po siya?"
Dumating pa ang isang batang babae. Humakbang ako pababa nang sabay silang sumigaw.
"Ay! Magnanakaw! Papa! May magnanakaw! Ninakaw niya po iyong alahas ni Mama! Galing siya sa kwarto sa guest room! Oh my god! Nagnakaw siya! Oh my god!"
Tumakbo na ako. Ayokong maabutan ako ni Hermes Consunji. Hindi ko siya maintindihan. He doesn't seem to care at all pagkatapos siya pa ang galit sa akin.
I took care of Ireena. I made sure she is safe. Ako pa ngayon ang masama. Nang lumingon ako ay nakita kong nakasunod na si Hermes Consunji sa akin. Mabilis akong tumakbo papasok sa kotse ni Bruno at pinasibad agad iyon. Nagulat ako nang makarinig ako ng mga putok ng baril. I looked back again and I saw his brother - Azul Consunji holding a gun. Natakot akong baka sundan pa nila ako. People were right, the Consunjis are weird people. They are heartless people. They don't even care enough for their own kind.
I sighed. I am so worried about Ireen. Kailangan ko na siyang makita. Alalang-alala na ako sa kanya. I wondered about my child. I need to be with them. I them in my life.
Alam ko namang mali ang ginawa ko. Alam kong hindi ako dapat nagpanggap kasi naman wala akong lakas ng loob. Hindi ko alam kung sa pagkakataon bang ito gugustuhin na ako ni Ireena. The first time with her didn't go well. I couldn't take the chance anymore so I did what I had to do.
Nakauwi ako sa mansyon. Sinalubong agad ako ni Avo na kunot na kunot ang noo. I kissed her. She cupped my face.
"You smell bad and you are full of darkness, Martin. Where have you been?"
"Avo, I am very tired." Sabi ko na lang sa kanya. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kanya pero wala akong panahong magpaliwanag sa kanya. She doesn't like Ireena. Ayokong makipagtalo sa kanya. Ayokong sinasabihan niya si Ireen ng darkness dahil hindi naman ito ganoon. She's just so misunderstood. People just look at her from the outside without ever trying to kbow what's really going on inside her heart and soul. She is a good soul. Kakaunti lang ang nakakakita noon na kahit pamilya yata niya ay hindi man lang yata napapansin.
"Did you see Fernando? Bruno told me he will be in Paris for the next day and I need a driver."
"I will drive you, Avo. I just need to rest." Halos dalawang araw na akong walang tulog at lalo kong hindi mahahanap si Ireena kung hindi malinaw ang isipan ko. I know Ireena, and I believe that I will figure this out.
Iniwanan ko si Avo sa sala at umakyat na ako sa aking silid. I took a shower, after that, I tried sleeping, hindi ko rin naman magawa. Naaalala ko iyong mukha niya noong nakita niyang may dugo sa pagitan ng mga hita niya. Para siyang papanawan ng ulirat. Iyak siya nang iyak. It's obvious that she was so in love with the child and I am thankful. I sighed again.
I went inside my walk in closet and opened one of the dressers. Inside were pictures of her. Different angles, different time but they are all very beautiful photos of her.
"Where are you, Ireena. I need to find you."
xxxx
Ireena's
Hindi ako makatingin kay Dyosa Santa habang siya tinitingnan ako mula ulo hanggang paa. Nakataas ang kilay niya. I am so sure she is judging me right now. Hindi ko gusto si Dyosa. Matabil ang dila niya. Sa magkakapatid na ito, si Ave ang mas gusto ko tapos ay si Arkie peri never kong nagustuhan ang babaeng ito dahil sobrang sama ng ugali niya. Sabagay, halos magkaugali si Dyosa, si Hyan at Hyacinth. Isama pa si Callista at Andromeda – well hindi masyado si Andy. Bitch lang siya, hindi super bitch.
"Uhm, so, did you have sex? Is that why you are pregnant?" Dyosa asked. Si Arkanghel ay napatitig sa kapatid. Parnag gusto niyang sabihin na serioulsy? Pero hindi siya nagsalita. Namilog pa ang mga mata ni Arkanghel at tila alam ni Dyosa ang ibig sabihin noon. "Aba, ano ba naman ang alam ko? Maybe it's immaculate conception. We're in a church – duh?"
"Arkie, bakit mo ba siya tinawagan? Akala ko ba secret lang natin ito?" Parang batang tanong ko. Alam ko naman na kahit na anong gawin ni Arkie ay may magandang dahilan iyon, kumbaga resonable ang dahilan niya pero dapat si Ave na lang ang tinawagan niya. Puro lang naman panghuhusga ang makukuha ko mula sa kanya. Lahat naman kasi ng lalabas sa bibig niya ay alam kong hindi ko magugustuhan.
"Naisip ko kasing baka kailangan mo ng makakausap. Dyosa is a shrink. You said you were kidnapped and raped. Imagine the trauma."
"I'm okay." I said to them. Ayokong pag-usapan. Kung tutuusin naman kasi wala namang masamang ginawa sa akin ang lalaking iyon. He took care of me and made sure that I am safe. Ibinigay niya ang lahat ng pangangailangan ko. Ang problema nga lang niloko niya ako. Hindi ko nga rin masabi na ni-rape ako kasi naman sa lahat ng pagkakataong ginawa namin iyon ay buong puso kong ibinigay sa kanya ang aking sarili. He acted as if he loves me and I loved him back. He was so good to me. Hindi ko lang siya nakikita pero nararamdaman kong mahal niya ako.
"He deceived you. You're not okay." Sabi pa ni Arkie. " Ireena, we need to call Mama Nina."
"Ayoko." Hindi ko kailangan ang panilya ko tulad nang hindi rin nila ako kailangan. My teats fell. Nasasaktan ako sa katotohanang hindi man lang nila ako hinanap. My father is rich, kung takagang gusto niya akong makita kahit saan pa ako tinago ay makikita niya ako. Ganoon naman silang lahat – lahat ng mga uncles ko ay gagawin ang lahat para lang maibjgay sa mga anak nila ang lahat ng pangangailangan nila. Uncle Ares is like that ti Telulah and Mazikeen. Ninong Hades was like that to Tia before, my father is like that to Ate Artie but he was never like that to me.
"Shh. Her family doesn't like her, Arkie." Gatong pa ni Dyosa. Lalo akong hindi nakakibo. Kailangan niya pa yata talagang ipamukha sa akin na hindi nga ako gusto ng pamilya ko. Mahal ko si Ate Artie pero madalas naiinis ako sa kanya dahil mahal na mahal siya ni Papa samantalang ako ang tunay niyang anak kay Mama Nina. Half – sister lang naman namin si Ate pero mas nasa kanya ang attention ng lahat. Si Ollie at Ody mahal na mahal sila ni Papa – mga tagapagmana niya iyon – sa aming magkakapatid ako lang talaga ang pinaka-nakakaawa. Hindi nga kasi ako mahal.
"Thanks, Dyosa."
"Oh! You are always welcome." Nakangisi pa siya sa akin. Ako naman ay inirapan siya pagkatapos ay tumayo na ako at iniwanan sila sa dining area. Nagpunta ako roon sa garden kung saan may pahingahan. Dalawang araw na akong narito at ninanamnam ko ang tahimik na buhay, kahit napakahirap kasi nga hindi ko maiwasan ang maisip ang lahat.
Gustong – gusto kong umuwi pero hindi pwede dahil hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag kay Papa ang pagbubuntis ko. I have disappointed him enough. Baka hindi ko na kayanin kapag nakita ko na naman ang tingin na iyon sa mukha niya. There is never a moment that I remember na naging proud siya sa akin.
I remember graduating college with honors kahit na hindi ko gusto ang course ko ay nagtapos ako ng Cum Laude. Akala ko darating siya para mapanood ang speech ko -kahit sana sumilip lang siya but he didn't come. Ang sabi ni Mama busy raw si Papa. Okay lang iyon. Magkikita naman kami sa bahay pero pagdating roon, ni hindi niya man lang ako niyakap. Gusto ko lang naman ng yakap mula sa kanya – kahit nga hindi na niya sabihin sa akin na proud siya sa akin ay okay lang talaga – ang mas gusto ko ay yakap mula sa kanya but he was too busy even for that.
I like art and colors. I excel in doing looks on my face. Gusto kong maging make – up artist but that is never good enough for my father. Wala raw akong mapapala roon at dagil dala ko ang apelyido niya kailangan mag-excel ako sa business na. Iyon lang ang kaisa – isang bagay na katanggap -tanggap para sa kanya.
Mabuti pa si Pan, Dione at Alejandros – they are all supported by their father. Si Alele nga baklita noon pero sinuportahan pa rin ni Uncle Zeus, si Hyron nga namatay at nabuhay at lahat – lahat, si Hyan, naging kabit, si Hunter tarantado, si Heath gago, si Haley naging jowa si Percy – pero sa lahat nang iyon hindi nagbago ang pagmamahal sa kanila ni Uncle Helios.
"Sorry at pinapunta ko si Dyosa. Akala ko kasi makakatulong siya." Bahagya akong nagulat nang biglang maupo si Arkie sa tabi ko. Nasa papag kasi ako, sa ilalim ng puno ng mangga. Ginagap ni Arkanghel ang kamay ko. "Hindi ka bibigyan ng Panginoon ng pagsubok kung alam niyang hindi mo kaya, Ireena. Nandito ako, tutulungan kita."
"You have done a lot for me, Arkie. Tama na itong pinatuloy mo ako. Maraming Salamat."
He just smiled. "Oo nga pala. Nag-research ako tungkol roon sa lalaking kumuha sa'yo. His name is Elias Martin Orejon. Kapatid siya ni Manuel Orejon na magiging asawa ni Andy." Gulat na gulat ako. Of course, maybe that was the reason why he's that familiar to me. Kapatid siya ni Manuel baka nakita ko na siya na kasa-kasama ni Manuel noon. Isa pa, halos magkahawig silang dalawa. They both have the birth mark. I started crying. Matalino ako pero nabobo ako sa pagkakataong iyon.
"What he did is unlawful, Ireena. I suggest that you go home and file a case against him. Kailangan niyang makulong."
"Makukulong ba siya na habang nagse-sex kami ay gusto ko naman ang ginagawa niya sa akin? Siguro nga noong kinuha niya ako, ayoko pero noong inakala kong siya si Manuel ay hindi na ako pumalag. Akala ko kasi siya iyong mahal ko." Iyak ako nang iyak. Damang – dama ko kasi iyong sakit ngayon. Sobrang tanga ko. "Sobrang tanga ko." Sinabunutan ko ang sarili ko. Ilang beses kong hinampas ang sarili ko dahil hindi ko matanggap na sobrang bobo ko. Tama si Papa, mahina ako.
"Wag kang umiyak." Sabi Arkanghel. "Lahat at may dahilan." Hindi na ako nagsalita. Kung may dahilan man ang pangyayaring iyon ay para mapatunayan kung gaano ako kabobo. Ang bobo -bobo ko. Sana noong nagsubok akong mag-suicide noon, namatay na lang ako. Hindi naman kasi ako kawalan sa mundo ng pamilya ko.
Arkie hugged me. Hindi kami masyadong close pero sapat na iyon para kahit paano ay gumaan ang pakiramdam ko. Hinayaan niya akong umiyak nang umiyak hanggang sa bigla na lang akong tumigil – hindi dahil sa okay na ako dahil para akong naupos na kandila nang mamataan ko si Papa at Mama na kasunod si Dyosa at papunta sila sa amin.
"Hi! I called you Mom and Dad bago pa ako magpunta dito! Surprise!"
Arkie stood up. Napatayo rin ako pero nagtago ako sa likuran niya. Si Mama ay tumakbo papunta sa akin. God knows how much I wanna hug her pero nahihiya ako kaya lumayo ako sa kanya nang akmang yayakapin niya na ako.
"Ireen..." Wika ni Mama. "Anak..." Napatingin siya sa tyan ko. Hiyang – hiya ako.
"N-no... no..." I said. Tinalikuran ko sila at pumasok muli ako sa bahay. I held on my belly. Hindi ko pa sila kayang makausap. Natatakot ako.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top