Chapter Three
Moving on...
Martin's
"Are you sick, Avo? Is that why we went to the doctor?"
Alalang-alala ako kay Avo. She woke me up early today para ipag-drive siya sa ospital kung saan nagtatrabaho si Santino. I texted him and told him that we are coming in. Nag-alala rin siya kaya sinalubong niya kami. Avo told us that she's okay but we're still worried. She had tests done to her. Ang sabi niya ay monthly check – up lang iyon. Palagi naman niyang ginagawa iyon kahit noong nasa Brazil kami kaya lang nakakapag-alala pa rin.
"I am not sick, Mijo. Stop worrying about me. I am fine. I can still kick your ass or have sex if I want too." Napasimangot ako nang marinig ko ang sagot niya. She was grinning at me. Nakauwi na kami noon sa bahay pero nasa kotse pa rin kaming dalawa. Nauna akong bumaba para maalalayan ko siya. Dahan – dahan siyang naglakad pababa ng kotse habang hawak ko ang kanyang kamay.
Si Avo ang tumayong ina sa aming lahat kaya mahal na mahal namin siya. Our father is so allergic of commitment that he only wanted children. Ayaw niyang mag-asawa. Ang theory ni Fernando ay baka raw na-reject si Papa noong first love niya kaya ganoon na lang ang ginawa niya – that up until now, my father is still in love with the same woman he met years ago – but that was all our imagination. Ganoon naman, when we were kids we love imagining things about Papa. Hindi kasi namin siya madalas makasama.
Avo was always there for us. He loved us like were her own. Lahat kami ay sobrang drawn kay Avo pero masasabi kong ako ang pinaka-attached sa kanya. Sa aming magkakapatid kasi, ako talaga ang hindi nakilala ang totoo kong nanay. Hindi tulad ni Santino na hanggang eleven years old siya ay kasama niya ang Mama niya o ni Fernando at Felipe na hanggang ngayon ay nakakasama nila ang mga nanay nila. I never knew my mother and it makes me feel awful about myself.
"Oh, Martin, you don't have to worry so much. I will be okay."
"Eu te amo, Avo." Hinagkan ko siya sa pisngi at saka niyakap nang napakahigpit. Inalalayan ko siya hanggang sa makapasok siya sa kanyang silid. Magpapahinga raw muna siya bago magpahanda ng tanghalian para sa lahat. I kissed her forehead and left her alone. I went upstairs to my room. Magbibihis lang ako pagkatapos ay hahanapin ko na si Ireena. I am losing precious time here.
Hindi naman ako nagtagal. Ilang minuto lamang rin ay bumaba na akong muli para magsabi sa maids na aalis ako. Ibinilin ko na lang na samahan si Avo at pakitingin ang huli dahil baka may kailanganin ito. Pasakay na ako ng kotse nang mamataan ko ang isang puting JEEP sa labang ng bakuran namin. Bumaba akong muli upang sinuhin ang nagmamay-ari ng sasakyan iyon. The guard opened the door – as if on cue, bumukas rin ang pinto ng kotseng iyon. I saw two men – iyong isa kamukha ni Ireena, iyong isa kamukha ni Hermes Consunji.
Oliver and Ody Consunji. Parehong nakakunot ang noo nilang dalawa. Palapit sila sa akin, hindi naman ako lumayo.
"Anong maipaglilingkod ko?" Nakangising tanong ko. Nandito sila para hanapin sa akin si Ireena. Gusto ko talagang ipamukha sa kanila na kaya lang nila hinahanap ang kapatid nila ay dahil alam nilang nawawala nga ito but before they knee about it, they acted as if she doesn't exist at all.
"Martin Orejon, tama?" Tanong noong Oliver. Akala ko ay kakamayan niya ako pero bigla niya akong sinapak. Inaasahan ko rin naman iyon. These Consunjis are hot headed, ang kinaiinis ko lang masyadong late na sa reaction nila. "That's for kidnapping my sister!"
"If this is really about me kidnapping her, why don't you file a case? Oh I know why you can't, wala pa rin kasi si Ireena sa bahay ninyo and you need her to confirm things. Sabihin mo nga sa akin, Consunji, bakit ka nandito? Para magpabida? Ni wala nga kayong pakialam sa kanya noong nawawala siya tapos ngayong alam ninyo na, saka kayo magpapakita ng concern?"
"Gago ka ha!" Sigaw noong Ody.
"Oo. Gago ako, pero kayo walang kwenta." I spat. "Now, if we're done here, aalis na ako. Hahanapin ko pa ang nanay ng anak ko."
Tinalikuran ko silang dalawa. Wala rin silang nagawa sa akin dahil kahit gago ako, ako lang naman ang may pakialam kay Ireen dito. I care about her not just because of the child inside of her, I care about her because I don't want her to be lonely. She has been through enough. Kung naririnig siguro ako ng kahit na sino ay hindi sila maniniwala sa akin considering all the things I did to her – sa kabila ng lahat ng iyon, inalagaan ko si Ireena dahil gusto ko.
I live for the sound if her laughter. I know that she doesn't smile or laugh enough and while she was with me, lahat iyon ay nagagawa niya. I just really need to find her. Alalang – alala na ako. If I were her, saan ba ako pupunta talaga?
I am so desperate on finding her. Two months na lang ay manganganak na siya. Gusto ko naroon ako sa oras na mangyari iyon. I want to do this with her.
Buong maghapon ay pinuntahan ko ang mga lugar na sa tingin ko ay pupuntahan ni Ireena pero hindi ko siya nakita. I tried stalking one of her friends, but when I realized that she doesn't really know anything, hinayaan ko na lang siya.
Pagod na pagod na ako. Kung iisipin, kay tagal ko na pala siyang hinahabol at sinusundan pero hanggang ngayon, wala pa rin akong napapala. Kunsabagay, kasalanan ko rin naman. I should've made it a little different. Hindi ko siya dapat kinulong – but what if I did that? Bibigyang pansin niya ba ako?
I found myself parking my car inside an old orphanage. Matagal – tagal na rin noong huli akong nagpunta rito. I wondered if they still remember me, I wondered if anyone would recognize me of am I just too unforgettable?
I sighed as I took my first steps inside. I could hear the kids laughing. I saw some playing on the park just in front of the church at the right side. Marami nang nagbago – kahit ako ay nagbago, pero isa lang ang alam ko, isa ako sa mga hindi nakalimot.
xxxx
Ireen's
"Hindi mo kasi dapat tinawagan si Uncle at Mama Nina. You're a shrink, Dyosa Santa. You know how all these works, tapos ganyan ang gagawin mo? What is happening to you?"
Dinig ko si Arkie mula sa silid ko. Si Mama at Papa ay naroon pa rin pero hindi ko pa rin sila kayang kausapin. Hindi pa ako handa. Gusto ko pa sanang mapag-isa. Gusto ko pang mag-isip ng idadahilan ko kay Papa. I saw the way he looks at me and my belly, para bang nandidiri siya sa akin – ayoko ng ganoon. Diring – diri na nga ako sa sarili ko dahil sa kagagahan ko tapos pati ba naman sa kanya ay mararamdaman ko pa rin?
Iyak lang ako nang iyak habang nakaupo ako sa kama. Nararamdaman kong galaw nang galaw iyong baby ko. Siguro alam niyang nalulungkot ako. Paulit – ulit kong hinahaplos iyong tyan ko. I was trying to calm the baby but it keeps on kicking.
There was a knock on the door, mayamaya ay bumukas na iyon. Pumasok si Mama. May hawak siyang tray na may lamang pagkain. Lumapit agad siya sa akin at naupo sa kama. She touched my arm, lumayo ako sa kanya. Napahagulgol si Mama.
"Anak naman..." Lumapit siya sa akin. I love her but I am too embarrassed of the situation I fell in. "Eris... bakit hindi mo ako tinawagan?" Napahikbi si Mama. Kagat – kagat ko naman ang ibabang labi ko.
"Bakit hindi mo ako hinanap?" I asked. I couldn't help it anymore. I wanted to know. I needed to know. Ganoon baa ko kawalang halaga? Tulad ba ng sinabi ni Dyosa talaga, hind inga ba talaga nila ako gusto? Iyak lang ako nang iyak. Si Mommy ay nakatitig lang sa akin tapos ay lumapit ulit siya, hindi na ako nakaiwas sa yakap niya. Para bang nanghina ako at hindi ako nakalayo. Humigpit ang yakap sa akin ni Mama kaya lalo akong napaiyak. I had to hug her back.
Lalong nagwala iyong baby ko. Sipa lang siya nang sipa sa tyan ko. Hagulgol ako nang sobra. Para akong batang nawawala at nakita muli ng nanay niya sa mall. Mama cupped my face.
"I'm so sorry, anak. I should've been there." Hinaplos – haplos ni Mama ang mukha ko. Hindi ko alam kung bakit para bang ang daling sabihin na sorry sa kanila samantalang ang gusto ko lang namang marinig ay kung bakit hindi nila ako hinanap. Iyon lang naman. Bakit hindi nila ako hinanap?
"Anak... sorry... I'm so sorry..."
"It's okay..." Sanay naman akong palagi na lang nagso-sorry si Mama sa akin para sa mga bagay na hindi ko naman maintindihan. I sighed again.
"Kumain ka na." Sabi pa ni Mama. "Kumain ka, Ireen. Sobrang payat mo. Hindi ka dapat pumapayat lalo na at may dinadala kang bata."
Pinahid ko na lang ang mga luha ko. Mama gave me the bread and the bowl of porridge. Nahiya akong tumanggi, wala kasi talaga akong ganang kumain pero sinubukan ko pa rin. Noon ko lang rin na-realize na gutom pala ako. Nagsunod – sunod ang subo ko. Naiiyak ako habang kumakain. Tiningnan ko si Mama. Kasalukuyan niyang inayos ang buhok ko.
"Ma, bakit hindi moa ko hinanap?" I asked again. She sighed. Gusto kong malaman, kahit masakit. "Hindi mo ba napansin na wala ako?"
"Anak, nami-miss kita. Ang buong akala namin ng Papa mo umalis ka lang. Tumawag siya sa office sa Singapore, ang sabi roon, you were there. The next day, Irish and I flew, wala ka, ang sabi ng secretary mo, you filed a leave of absence. Nalungkot ako, hindi kita nakita. Umuwi kami ng kapatid mo. I text you every day, anak, nagre-reply ka. I tried calling you, ikaw ang ayaw sumagot – and right now realizing this predicament, I guess, hindi ikaw ang nakakausap ko. I know I should've listened to that little voice in my head. I should've known better. I'm so sorry, anak. I'm so sorry."
I realized that Orejon had it all planned.
"Mama, hindi ko alam kung bakit nangyayari ito sa akin? Siguro nga tama si Papa, bobo ako."
"Hindi iyan totoo." Sabi niya pa. "Hindi ka bobo. I will do everything in my power para mapagbayad ang taong gumawa niyan sa'yo."
Hindi na ako sumagot. "Si... si Papa po?"
"Umalis muna siya, anak. Kailangan siya sa office. I'm sorry."
"It's okay..."
It's always like that and I have to settle for it's okay although it's not. Hindi naman kasi ako pwedeng magreklamo. Naiintindihan ko iyong abala si Papa sa mga trabaho niya, na madalas mas kailangan siya ni Ate Artie, o ni Ollie at Ody, na kailangan siya ni Irish, but he never thought that I needed him – lalo na ngayon.
"Uuwi ka na sa bahay?" Tanong ni Mama. I shook my head. "Ireena, ano ka ba?"
"Where is she? Where is she?!" Nahinto ang pag-uusap namin ni Mama nang muling bumukas iyong pinto. Pumasok si Andromeda, kasunod niya si Arkanghel. She took one look at me and then she smiled. Nagmano siya kay Mama Nina tapos ay tumingin muli sa akin.
"Hi, Ireen, wait lang." Tumalikod siya tapos nang muli siyang bumalik ay hawak – hawak niya si Dyosa Santa sa buhok. "You're such a bitch, Santa." Sabi niya pa. "You're a shrink, if the patient says she's not ready to talk to anyone, then you have to think of the next step. Are you stupid?!"
"Mama mo stupid." Inis na wika ni Dyosa. "We are both shrinks, Andy, but we have different attacks!"
"Shut up!" Sigaw ni Arkanghel. "Kung gusto ko palang makakita ng dalawang immature na nag-aaway, san apala nag-asawa at nag-anak na lang ako. Iwanan ninyo si Mama Nina at Ireena. Sana pala, ibang shrink na lang ang tinawagan ko."
"Mama Nina, would you mind if I talk to Ireena alone?"
Kabang – kaba ako. Hinalikan ako ni Mama sa noo saka kami iniwanan ni Andy. She sat beside me. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa tapos ay napailing.
"I really thought, Martin is the stupidest of all the Orejons but he pulled this off? Like fuck!"
"Andy..."
"Shhh! Alam mo bang hinahanap ka niya? Avo told me Ollie and Ody came by to their house earlier and they made sapak him. Anyway, he fucking deserves that, I suggest you file an abduction case and make sure he will rot in hell. Uncle Hermes will do everything in his power for that."
"Sorry..." Wala akong ibang nawika kundi iyon. Natigilan si Andromeda at tumingin siya sa akin.
"Don't think about that now, Ireena. I was never mad at you. Saka, natanggal iyong tumor ko, nakalimutan ko na iyon. If you know what I mean." She grinned at me. Kahit matagal ay nakuha ko naman ang ibig niyang sabihin. Minsan talaga, sapat na ang isang salita para magkaintindihan ang dalawang tao. "As I was saying-"
"Gusto kong makausap si Martin Orejon." Wika ko kay Andy. Nakakaramdam ako ng takot para sa sarili ko pero alam kong kailangan kong gawin ito. Gusto kong makaharap si Martin Orejon. Gusto kong malaman kung bakit niya ito ginawa sa akin ito.
"Alright, I will set it up. Pero kailangan nanroon ako. H'wag na lang iyong mga epalogs mong mga kapatid. Ruel and I will be there and if Martin does something bad, akong bahala sa kanya. Alright?"
"Thank you." I hugged Andromeda. Tapos na iyong panahong mahina ako at takot. I must stand up to face them all. I must be Ireena Consunji again. One by one I will conquer them all.
Pero hindi pa rin ako uuwi sa amin.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top