Chapter One

Stars

Eris Ireena Consunji's


"You're okay. Were you under a lot of stress? Isa kasi iyon sa dahilan ng spotting mo, Misis."

"Miss. Miss Ireena Consunji." Wika ko. I was rushed into a small hospital. Mabuti at may doctor at wala masyadong pasyente. They attended to me. Ginawa naman nila ang trabaho nila para maging maayos ako and right now, I am so grateful to here that I am okay and that my baby is safe. Isa na lang ang problema ko, ang lalaking kumuha sa akin.

"Sorry. I assumed things." The doctor smiled at me. "You have to drink these pregnant friendly vitamins. I will discharge you tonight but if ever something happens, kailangan bumalik ka agad rito. Your kid is strong." I swallowed hard. Lumabas na sa emergency room ang doctor na iyon at naiwan ang nurse. Nakita ko ang lalaking iyon na nakatayo sa may gilid ng silid na iyon. The nurse was fixing something in the bedside table. I looked at her, I was biting my lip. Napalunok ako tapos ay hinawakan ko ang braso niya. Napatingin ang nurse sa akin, she smiled.

"Yes, Ma'am?"

"Can I borrow your phone? Please..." I was on the verge of crying. I want to end this. I need to go home – o kung hindi man sa bahay namin ay kailangan kong makaalis sa lugar na ito. The nurse looked at me and then she looked at that man outside the emergency room. He was looking at us – hindi ko mawari ang ekspresyon ng kanyang mukha. Napabuntong – hininga pa siya, akala ko nga ay susubukin niyang puntahan ako mabuti na lang at hindi.

"Are you okay, Miss?" Tanong noong nurse. Isinara niya ang manipis na kurtina. I was biting my lip.

"I'm not. I need to make a call and you need to be quiet about it. Make sure that he doesn't find out."

Agad naman niyang ibinigay sa akin ang kanyang phone. Matagal akong nakatitig doon, pinakaiisip ko kung kanino ako tatawag, kung sino sa kaniala ang siguradong sasagot sa tawag kahit hindi kilala ang number na ito. I sighed. Wala sa pamilya ko ang sasagot sa tawag na ito, kaya magbabakasakali na lamang ako sa iba.

I dialed the second number that came across my mind. I was praying so hard for an answer and after three rings, I heard that familiar voice.

"Good evening, this is Father Consunji."

"Arkie... Arkie, si Eris ito. Kailangan ko ng tulong." Nanginginig ang boses ko. I looked at the nurse again. "Nasaan ako?"

"Antipolo Medical Center." Mabilis niyang sagot sa akin. Laking pasasalamat ko dahil may mga taong tulad niya ang handing tumulong sa akin kahit walang tanong – tanong. Hindi ko alam kung paano ko nasabi kay Arkanghel ang mangilan – ngilang detalye nang pagkawala ko pero sa dulo ng pag-uusap naming dalawa ay isa lang ang tumatak sa isipan ko.

Susunduin niya ako. Nakipagtulungan sa akin ang nurse na iyon, may tinawag pa siyang dalawang babaeng nurse at isang janitor para dalhin ako sa back room ng ospital. Doon raw ako susunduin ni Arkanghel. Ang ginawa nila, inilipat nila ako ng cubicle pagkatapos kong pahigain sa kama ay tinalukbungan nila ako ng puting kumot para raw kunwari ay patay ako at dadalhin sa back room kung saan naroon ang mga patay.

Kabang – kaba ako. Baka kasi mapansin ako ng lalaking iyon. Hindi ko siya kilala pero pakiramdam ko ay nakita ko na siya noon – pamilyar kasi sa akin ang mukha niya. Hindi ko lang maalala kung saan kami unang nagkita noon.

Ang hindi ko maintindihan ay kung bakit niya ginawa sa akin ito. Hindi ko naman siya kilala, wala naman akong maalalang ginawang masama sa kanya. Bakit siya nagpanggap na siya si Elias Manuel? Bakit hindi ako agad nakahalata? Sa lahat ng ito, ang iniisip ko lang ay kung paano ko trinato noon si Andromeda. Hindi tama ang ginawa ko. Wala naman pala kasi akong karapatan. Hiyang – hiya ako sa kanya at sa sarili ko. Iniisip ko ngayon kung gaano namumuhi sa akin si Andromeda.

I bitched out on her not knowing the truth.

"Miss, nandito na tayo." Wika noong nurse na tumulong sa akin. Naiiyak na bumangon ako at dahan – dahang bumaba sa gurney. Kabang – kaba pa rin ako. Palingon – lingon ako habang lumalabas sa lugar na iyon. Baka nakikita ako ng lalaking iyon, baka hindi safe, baka kuhanin na naman niya ako. Ayoko na. Hindi na ako babalik sa kanya.

"Maraming salamat." Wika ko sa babaeng nurse habang nakatayo kami roon. Naghihintay kami pareho. Hindi mawala – wala ang kabog sa dibdib ko. Sapalagay ko, mawawala lang iyon sa oras na makita ko si Arkanghel sa mismong harap ko o kung makalayo na ako sa lugar na ito.

I was thinking about my situation. I was kidnapped, I was raped. I am very stupid. Ang baba ng tingin ko sa aking sarili. Ako na ang pinakatangang tao sa mundo. Hindi naman dapat ganito. I am a Consunji. I should've out-smarted that fucker. Pero hindi. Kahit ako ay hindi ko maipaliwanag sa sarili ko kung anong nangyari sa akin.

"May kotse." Wika noong nurse. I saw a black SUV. Hindi ko pa sigurado kung si Arkanghel iyon. Ang tagal na naming hindi nagkikitang dalawa. Kaya lang naman siya ang tinawagan ko ay dahil alam ko at sigurado akong hindi siya magdadalawang isip na tulungan ako. He's a priest and helping out other people is his bread and butter.

Moments later, the car door opened and I heard the angels singing when I recognized my cousin Arkanghel. Sunod-sunod na lumabas ang mga luha ko. Halos takbuhin ko ang distansya naming dalawa. Seeing him feels like home. Alam kong safe na ako. God knows kung ano pang gagawin sa akin ng lalaking iyon.

"What happened, Ireen?" He asked me. "You're pregnant." Wika niya nang mapansin ang umbok sa tyan ko.

"I will explain everything. You need to help me get out of here. I was kidnapped and I was raped, Arkie." Wika ko pa habang sisigok – sigok. "Help me. I wanna get out of here." Mataman niya akong tiningnan pagkatapos ay dahan – dahan niya akong niyakap at hinagkan sa noo.


"It's gonna be okay, Eris Ireena. I'm taking you home."

"You can't take me home. Ayoko sa bahay. Si Papa..." Napasigok na naman ako. "Si Papa... Arkie, baka... baka..."

"Shh... I understand." Agad niya akong sinakay sa kotse pero bago kami umalis ay binuksan ko pa ang bintana niya at nagpasalamat ako sa mga taong tumulong sa akin. I made a mental note to go back here and thank them for their kindness. Utang ko sa kanila ang kaligtasan ko kaya't hinding – hindi ko sila makakalimutan.

Tahimik lang ako habang nakasakay sa kotse ni Arkanghel. Hindi rin naman niya ako magawang tanungin pero ako gusto kong malaman kung hinahanap baa ko ng pamilya ko. Ilang buwan na rin akong nawawala. Nag-aalala man lang ba sila sa akin? Nagulantang man lang ba ang mundo ni Papa nang hindi niya ako makita o masyado siyang busy kaya hindi rin niya napansin?

Ang lungkot – lungkot ng buhay ko kung hindi man lang napansin ng pamilya ko pati ang pagkawala ko.

"We're here." Wika ni Arkie. We parked in front of the church of the Divine Mercy. Malapit lang iyon sa Antipolo pero sigurado akong hinding – hindi ako mahahanap rito. Inalalayan niya akong bumaba mula sa kotse niya at sinama niya ako sa loob ng bahay na kanyang tinutuluyan.


Payak lamang ang bahay na iyon. Ang pinakanapansin ko ay ang malaking -altar sa gitna ng sala. Kung sa iba ay tv ang makikita, sa bahay ni Arkie ay ang mga Poon.

"May dalawang kwarto rito, Eris. The door on the left is the guest room. Malinis naman iyon. Kakauwi lang rin kasi ni Dyosa noong nakaraan kaya kapapalit lang ng beddings. May pagkain sa ref. Kapag bukas nagising ka nang wala ako, you can cook anything. May microwave diyan, may mga padalang pagkain si Mommy. Ikaw na muna ang bahala."

I nodded at him. I told him that I'd be in that room. Pagod na pagod ako. Pagsarado ko ng pinto ay noon ko naramdaman ang lahat ng panginginig ng katawan ko. Ngayon ko nararamdaman ang lahat ng takot sa mga nakalipas na buwang namuhay ako sa dilim. Hindi maganda sa pakiramdam. Ayoko nang maulit iyon. Ayoko na siyang makita.

Napahagulgol ako. Hindi ko na iniisip kung maririnig baa ko ni Arkanghel, malamang naman ay rinig niya but maybe he understood the fact that I needed the space, so he didn't' say anything.

Amid all my sadness and fears, I felt the baby kicked and suddenly, I there are a lot of thing bigger than all my problems...

xxxx

Elias Martin Orejon's

"I wanna know where you took her! Ano ba namang klaseng ospital ito?! Nagpapaalis kayo ng pasyente na wala namang release form?! Hindi ba't katangahan iyon?!!"

I am feeling so frustrated right now. Kagabi pa ako nandito, kagabi ko pa hinihintay na ilipat ng private room si Eris Ireena pero walang lumipat, wala na pala akong hinihintay kasi pinaalis nila. I don't know how she did it, but she managed to get away at mukhang walang gustong magsabi kung nasaan si Ireena! Hindi siya pwedeng mawala sa paningin ko lalo na ngayon at buntis siya. Hindi ko hahayaang mawala ang anak ko sa akin.

"Sir, wala naman pong release form si Miss Orejon. Wala rin pong patunay na lumabas siya ng ospital na ito. Hindi ko po talaga alam kung bakit nawala siya, Sir."

Lalo akong nakaramdam, ng galit. Napasabunot ako sa sarili ko. Hindi ako makapaniwala na biglang magkakaganito ang buhay ko. I got it all planned. Maganda ang detalye ng plano ko. Nagbago man iyon dahil nalaman kong buntis siya, isa lang naman ang sigurado ko, hinding – hindi dapat mawala si Ireena sa buhay ko.

"Idedemanda ko ang ospital na ito! Ang kakapal ng mukha ninyo! Kapag hindi ninyo nailabas ang asawa ko sa lalong madaling panahon, idedemanda ko kayong lahat!" Nagsisigaw ako roon. Nagtitingnan ang mga tao sa paligid ko pero wala ni isa sa kanila ang makapaglabas kay Ireena. Halos makalbo na ako sa kakasabunot ko sa sarili ko.

"Martin!" Napalingon ako nang marinig ko ang boses ni Bruno.

"Buti naman at nandito ka na! Kagabi pa kita tinatawagan." Gigil na gigil ako sa kapatid ko. I needed someone last night, I called everyone but only Bruno answered. Ang problema, nasa Siargao siya kasama si Fernando kaya hindi agad siya nakapunta rito. Napansin ko ring bihis na bihis siya ngayon.

"What the hell is wrong? Bakit nagsisigaw ka? Rinig na rinig ka sa labas! Para kang putang may regla."

Nanlalaki ang mga mata ko habang nakatingin kay Bruno. Nagulat ako nang bigla niya akong dakwatin sa kwelyo at kinaladkad palabas ng ospital na iyon. I am still wearing my pajamas and my white shirt.

"Ang baho mo!" Sigaw pa sa akin ni Bruno. "Do you know what I'm losing while I am here, Elias Martin? Kung ito iyong katangahan mo kay Eris Ireena Consunji, gumising ka na, kung wala na siya, wala na siya!"

"She's carrying my child. Hindi siya pwedeng mawala sa buhay ko!"

Natigilan si Bruno. Napatitig siya sa akin. Muli ay dinekwat niya ako sa likod pagkatapos ay ipinasok ako sa kotse. Mabilis niuang pinasibad iyon. Wala akong ideya kung saan ako dadalhin ng kapatid ko pero palabas na kami ng Antipolo. Naalala kong naiwan ko sa ospital ang kotse ko pero mukhang wala namang balaka bumalik si Bruno sa ngayon.

Nag-aalala ako kay Ireen. Hindi ko alam kung nasaan siya. Nagka-spotting siya kagabi tapos may posibilidad nab aka malaglaga ang anak ko. Paano kung mag-early labor siya? Sinong makakasama niya? Hindi ko siya naiintindihan. Pwede naman kaming mag-usap. Kailangan naming mag-usap pero heto siya, tumakbo palayo sa akin. Iyon ang isa sa mga dahilan kung bakit hindi ko makayang ipakita sa kanya ang sarili ko. I am afraid that she'll run away, so I thought that hiding in the dark will be so much better.

"What the fuck are we doing in the airport?" I asked him. Inihinto ni Bruno ang sasakyan niya sa tapat ng entrance ng NAIA Terminal 1. He looked at me.

"Sinundo kita pero wala akong panahon sa'yo. I have a flight to Paris. I need to be there ASAP. If you want these problems to go away deal with it by yourself. Bahala ka na muna."

Iniwanan ako ni Bruno sa sasakyan niya, wala akong nagawa kundi ang lumipat sa manibela at panoorin siyang umalis. Hindi rin pala niya ako matutulungan sa paghahanap. Kung alam ko lang si Mateo na lang ang tinawagan ko. Pinasibad ko rin ang kotse ni Bruno paalis ng airport, isip ako nang isip kung saan pupunta si Ireena, kailangan ko siyang mabawi.

Nahampas ko ang manibela nang maisip ko ang posibilidad na umuwi siya sa pamilya niya. Lalo akong mahihirapang kuhanin siya sa oras na umuwi nga siya sa mansyong iyon. I sighed. I found myself driving to the direction of Ireen's home. I have a feeling she'd be there. Kailagan naming magkausap na dalawa.

One hour and a half later, I found myself parked in front of that Consunji Mansion. Luckily, may naiwang damit si Bruno sa likod ng sasakyan niya. Mabilis akong nagbihis at bumaba. Kabang – kaba ako. Kung tatanungin ako ni Ireen kung bakit ko ito ginawa, hinding – hindi ko siya masasagot, because frankly, I am still trying to figure out everything.

I rang the doorbell, kasabay noon ay ang pagbukas ng garahe. Isang kulay itim na sasakyan ang lumabas. Mula roon ay bumaba si Mr. Hermes Consunji. He's old but regal, tinungo niya ang kinatatayuan ko.

"Orejon." Wika niya.

"Elias Martin." Pakilala ko. "Orejon. Hermes Consunji."

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong niya sa akin. "Wala akong business sa'yo. Ang pamilya mo ay konektado kay Yvo at hindi sa akin. Anong kailangan mo?"

"Hinahanap ko si Ireen." I told him. "I know she's here. I need to see her. We need to talk, Mr. Consunji."

"Wala rito si Ireen. Matagal na siyang naglayas." Wika niya pa. Napatitig ako sa kanya. Seriously? I abducted his daughter and he thought that she just runaway from home? "Hindi ko alam kung may balak siyang bumalik. Kung wala ka nang kailangan, makakaalis ka na."

"Sir, you don't understand. Ireen needs to be found ASAP. Her life might be in danger." Sabi ko pa. Lalong kumunot ang noo niya.

"What do you mean?"

I swallowed hard.

"Mr. Consunji, Eris Ireena is pregnant with my child. I need to find her because she's in a very delicate situation right now. She might lose our kid. I need to see her."

Mr. Hermes Consunji looked so calm. Kahit nakatiim ang mga bagang niya ay mukhang kalmado pa rin siya.

"Pumasok ka." Wika niya sa akin. Isinenyas niya ang loob ng bahay nila. I took a step forward. Nakasunod siya sa akin. I overheard him talking, when I looked back, I saw him talking on the phone.

"Azul, I need you to come to the house and bring the big guns."

"What gun--?"

Bigla na lang akong sinapak ni Hermes Consunji. I swear, nakakita ako ng stars. 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top