Chapter Nineteen

For love

Martin's

"SO, can you finally tell me the tea?" Kunot na kunot ang noo ko habang nakatitig kay Ruel. Nang araw na iyon ay kasama naming si Andy pati na rin si Ireena. She showed us the land she owns in Batangas. Seryoso siya sa sinasabi niyang balak niyang magtayo ng isang spa resort and I am willing to support her all the way. She deserves all the love. Siguro kung may nakababasa ng mga iniisip ko ngayon, mananawa na lang sila sa akin sa kakasabi ko na deserve na deserve ni Ireena ang lahat ng kasiyahan sa mundo. Alam kong hindi lang iisang beses kong nasabi sa kanya iyon. Sisiguruhin ko na mabibigay ko sa kanya ang lahat ng kailangan niya lalo na ngayon na binigyan niya ako ng pagkakataon.

Hindi nga ako makapaniwala. Dalawang gabi na ang nakalipas mula nang sabihin niya sa aking binibigyan niya ako ng chance. I thought that back then, I was just dreaming that I will finally wake up and I will be greeted by this loneliness again. Pero pagkagising ko kinabukasan, natagpuan ko si Ireena sa aking tabi. She was clinging to me like her life depended on it. Napakalapit niya sa akin and by just seeing her face, I know that this is all true. Handa akong ipaglaban at alagaan ang lahat ng ito.

"Iyan ba iyong natutuhan mo kay Andy?" Biro ko kay Ruel habang tinitingnan ko siyang nakataas ang isang kilay ko. He looked so serious. Curious na siguro siya dahil nakita niya kanina kung paano kami ni Ireena. Hindi rin nakalagpas sa akin iyong malisyosang tingin ni Andy sa aming dalawa lalo nang makita niyang magkahawak kami ng kamay.

"Have you told her about you?" Seryosong tanong ni Ruel sa akin. Sa pagkakataong iyon ay wala na akong nagawa kundi ang magseryoso ng sagot sa kakambal ko. We have been through a lot before. Hindi man kami lumaki nang magkasama, alam ni Ruel ang lahat ng pinagdaanan ko and many times he wished that he was with me during those times. Ilang beses niyang sinabi na kung kaya raw niyang kunin ang lahat ng sakit at hirap na pinagdaanan ko, gagawin niya. Sa aming dalawa, Ruel had an easier life. Mabait ang pamilyang nakapulot sa kanya. Kung ako kasi ay iniwanan sa likod ng simbahan, si Ruel naman ay iniwan sa isang bigasan sa isang palengke sa may Tondo. He was found by one of the employees there and they treat him as their own son.

Ruel told me his life story and before, I used to hate him. Inggit na inggit ako sa buhay na mayroon siya noon, but we both grew up and we matured. Unti – unti kong naintindihan na hindi kasalanan ni Ruel ang nangyari sa buhay ko at kung may dapat man akong sisihin, iyon ang nanay naming dalawa pero hindi na lang. Masyado akong maraming kailangan gawin para kamuhian pa siya. Ni hindi ko alam kung nasaan siya at wala akong balak na hanapin siya. Masaya ako sa buhay ko ngayon. Avo made sure that I have everything. Sininop niya kaming magkakapatid at palagi akong nagpapasalamat dahil kung hind isa kanya, siguro ay miserable pa rin ang buhay ko hanggang ngayon, siguro ay hindi ko maaabot si Ireena.

"I did. I told her everything." Wika ko kay Ruel.

"And? How did she react? Did she hate you?"

"No. She said she wanted to try it with me. She wanted to make this work and I am a whipped man, Ruel. Sino ako para tumanggi sa kagustuhan niya?" Bigla akong napahagikgik. Ito yata iyong kilig na tinatawag nila. I cannot believe this – a thirty – four – year old male na nakakaramdam ng kilig dahil sa isang babaeng kayang – kayang paikutin at pahintuin ang buong mundo ko.

"Were you dreaming when she said that?" Parang nakakalokong tanonng ni Ruel sa akin. Kumunot naman ang noo ko. Bigla akong nakaramdam ng inis. "O baka naman hindi niya alam na ita-try Ninyo nang dalawa? Baka ikaw lang pala ang nagdesisyon." Sabi pa niya sa akin. I made a face. Sa inis ko ay sinuntok ko si Ruel sa balikat. Napaaray siya. Mabuti na lang at wala si Ireena at si Andy sa malapit. Kasalukuyan nilang kausap ang engineer at architect na gagawa ng spa resort ni Ireena. They were in a serious mode now. Ayokong makaistorbo sa kanya pero ang kapatid ko, gusting – gusto asarin ngayon. Napansin kong nilingon kami ni Ireena nang marinig nilang umaray ang kapatid ko. Inambaan ko pa siyang muli pero pabirong lumayo si Ruel sa akin habang nakataas ang dalawang kamay. Nakakabwisit.

"Sorry! Sorry! I was just kidding!" Wika niya habang tawa siya nang tawa. "Kidding aside, I am happy for you. I know how long you waited for this moment. I really do hope it works – lalo na ngayong malapit nang lumabas ang anak mo. I am really happy for you." Muling lumapit si Ruel sa akin para tapikin ang balikat ko. Ramdam ko naman talaga ang kasiyahan niya. Niyakap niya pa nga ako pagkatapos ay binatukan – malamang gumanti siya sa pagsuntok ko sa kanya. Pailing – iling na lang ako at muli na kaming nagkuwentuhan. He asked about Ireena's cravings. Ikinukumpara niya iyon kay Andy noong pinagbubuntis nito ang panganay nila.

"I think they're done." Wika ko nang mapansin kong pabalik na sila sa amin. Agad naman akong naglakad papunta kay Ireena. Kailangan ko siyang alalayan. Baka mamaya ay madapa sita o kaya man ay matapilok. Malaki na ang tyan niya at ang tayog na niyon. Sabi ni Andy ay nakapuwesto na raw ang anak namin at naghahandang lumabas na. Thinking about that makes me smile. Excite na akong makita ang anak namin. I want the child to look like their mother. Napakaganda naman kasi ni Ireena.

"Hi!" Bati niya sa akin.

"Hello." Hindi ko maiwasan ang ngumiti. "How was it? Did you have the deal? Maganda ba ang proposal nila?" Tiningnan ko ang dalawang babaeng kasama nila. They were both still talking to Andy. Mukhang marami nang plano ang hipag ko.

"They're going to show us their proposal plan at the end of this week. Magme-meeting kami ulit pero sa Metro na lang. Nainip ka ba?" Nagulat ako nang haplusin niya ang pisngi ko. Lumakas bigla ang tibok ng puso ko. Hindi nga ako nakasagot agad dahil na-overwhelm ako sa ginawa niyang iyon. Ilang beses pa akong napalunok at matagal akong nakatulala lang sa kanya. Bumalik lang ako sa reyalidad nang marinig ko ang tawa ni Ruel.

"Yes, you are a whipped, whipped man." Narinig ko pang bulong ng kapatid ko. Si Ireena naman ay titig na titig sa akin pero nakangiti pa rin siya kahit na puno siya ng pagtataka. I cleared my throat and then smiled wider. Talagang masaya ako. I never thought that I will be able to get this close to her again – never thought that she will be touching me like this. I am so in love with her. Hinawakan ko naman ang kamay niya bilang sagot sa paghaplos niya sa pisngi ko.

"I told you that I will wait for you no matte how long it takes didn't I?" I whispered to her but I made sure that it was enough for her to hear me.

"Jusko, Ruel. Jusko, ang cheesy. Gusto ko ng cheese popcorn." Kantyaw pa ni Andy sa amin. Ireena just laughed. Oh, her laughter is music to my ear. I love her laughter. I love her so much.

"Nagugutom na ako." Sabi ni Ireena sa akin.

"Then, we'll eat, Love." Wala sa loob na wika ko. "What do you want to eat?" Nang muli ko siyang tingnan ay namumula na ang mukha niya. She was even biting her lower lip. Anong nangyari? Bakit siya pulampula? I cleared my throat.

"I want fried chicken, kahit saan. Let's go." Bigl ana lang niya akong nilagpasan at nagpauna na sa kotse. Napatingin naman ako kay Andy at Ruel. They were giggling.

"What happened?"

"Love. You called her love. Nahiya ang pinsan ko." Bumulanghit ng tawa si Andy. "Jusko, para kayong mga teenager samantalang buntis na buntis na si Ireena! Halika na! Gutom na rin ako. Gusto ng buntis ng fried chicken kaya iyon ang kakainin natin." Hinatak ni Andy ang asawa niya at pumasok na rin sila sa kotseng si Ruel naman ang nagmamaneho. Hindi ko naman alam kung anong sasabihin ko. Love naman talaga ang tawag ko kay Ireena. Sa utak ko, basta si Ireena ang pinag – uusapan, love ang tawag ko sa kanya. Hindi niya ba alam iyon? Hindi ko ba siya natatawag na love?

Pumasok na rin ako sa sasakyan. She was there, looking at everything except me. Napansin kong parang kinakabahan na rin siya at hanggang ngayon ay namumula ang mukha niya. It's okay. Hindi pa lang siya sanay. I cleared my throat and she got startled a bit.

"Fried chicken, no? I saw a chicken restaurant on the way here. Doon na lang tayo kumain."

I heard her mumble a tiny okay and it made me smile. Ang cute ni Ireena kapag nahihiya. I drove off – nauna sila Ruel sa amin but I made sure that I texted him where I saw the restaurant at sinabi kong doon na lang kaming makitang dalawa. Ireena just keeps on ignoring me. Okay lang naman iyon. Hindi ko ipipilit na kausapin niya ako. I have told her before that I love her and it doesn't bother me that she feels awkward about me calling her love, maybe she just doesn't know how to deal with it. This is about her. Normal lang naming mahiya sa isang sitwasyon at hinding – hindi ko mamasamain ito. Maybe she doesn't like me calling her love. I will ask about it and if she says that she doesn't like it, then I will never call her love again – iisip na lang ako ng ibang endearment para sa aming dalawa.

Halfway through the ride, I saw that she looked at me. Her hands were clasps together but she seems more relax now. Hindi ko alam kung okay na ba siya, pero titig na titig talaga siya sa akin. When we were approaching the tunnel, noon ko rin napansin na gumalaw si Ireena – masyadong mabilis ang pangyayari, suddenly, she moved closer to me, saglit akong napatingin sa kanya and because of that – our lips suddenly met in a quick kiss. Muntik na akong mapa-preno, mabuti at hindi ko ginawa, kundi baka maaksidente kaming dalawa. I almost lost control of the steering wheel. Thank God I really didn't.

In a matter of minutes, she was back at her seat and she was looking outside the window again. Pangiti – ngiti ako dahil hindi ako makapaniwala. So, I guess she likes me calling her love. I have decided that I will call her love for the rest of my life.

Oh, this is gonna be fun.

We arrived at the chicken place. Hindi pa rin siya nagsasalita masyado but the fact that she held my hand while we were entering the restaurant is a big step for me. Siguro nga ay nahihiya lang siya. I held on to her tightly as we ordered. Si Andy ay ngisi nang ngisi habang si Ruel ay iiling - iling habang nakangiti.

Of course, we ordered chicken dahil iyon ang gusto ng love ko. Andy ordered a platter of seafood, a bowl of beef kare – kare, binagoongan rice for her and Ruel habang si Ireena naman ay nag – order din ng halo – halo. Hindi ko nga alam kung kakain ba ako kasi ngayon palang busog na busog na ang pakiramdam ko at habang kumakain kami, pakiramdam ko nasa heaven ako.

I kept on seeing Ireena's lips on mine. She kissed me and I wanted to tell everyone that she kissed me. Ireena Consunji kissed me. Pwede na akong mamamatay – pero siyempre joke lang iyon, hindi pa ako pwedeng mamamatay kasi hindi ko pa nahahawakan ang anak ko at hindi pa kami naikakasal ni Ireena. Gusto kong makasal kaming dalawa. I want to propose to her now. She kissed me, it means we are getting married!

"Hoy!" Hinampas ako ni Ruel sa balikat. "Para kang timang. Kanina pa nakatapat sa bibig mo iyang kutsara mo pero hindi ka kumakain. Napapano ka?"

I looked at Ireena. She looked so amused right now. Hindi na nga niya naitago ang ngisi sa labi niya. Imbes na mahiya ako ay lalo lang akong natuwa. Napapatawa ko siya. We are really getting married.

"I'm just thinking." Sagot ko sa kapatid ko sabay kain. Paano ko ba sasabihin na iniisip ko na kung kailan at saan kami ikakasal ni Ireena? Babagay sa kanya ang may veil tapos lilies or cattleyas ang flower arrangement ng bouquet niya, o kaya man daisy. Bagay na bagay iyon sa theme ng kasal namin. Wait, does she want an outdoor wedding? Beach wedding kaya?

"Are you alright, Martin?" Tanong ni Ireena sa akin gamit ang malamyos niyang tinig. I looked at her and I mentally asked her will you marry me? Buti na lang at hindi ko nai-blurt out iyon kundi ako na mismo ang mahihiya. Ngiti at tango lang ang isinagot ko sa kanya. Of course, okay ako. Sinong hindi magiging okay sa mga panahong ito?

After that late lunch, we all decided to go home. Nagpaalaman na ang magpinsan sa isa't isa. Hindi ko alam kung may plano pa si Ruel at Andy, pero si Ireena ay idediretso ko nang uwi. Baka pagod na siya. Kanina ko pa napapansin na parang nananakit na ang balakang niya.

When we got in the car I even asked her if she wanted to recline the seat but she shook her head and told me that she is fine.

"Ruel?"

"Hmm?"

"I haven't told you something." Napakalamyos talaga ng tinig niya. Napatitig ako sa kanya. Ngiting – ngiti ako. Is she gonna tell me that she loves me already? Sobrang kinilig ba siya dahil sa pa – love ko kanina kaya mahal na mahal na niya ako ngayon? Hala baka sa sobrang tuwa ko ay masundan agad ang anak namin kahit hindi pa siya lumalabas sa mundong ito.

"What is it?" May kaunting kaba akong nararamdaman pero inihanda ko ang sarili ko.

"Last week my father came to my home." Napahigpit ang hawak ko sa steering wheel. Hindi ko maaalis ang mga mata ko sa daan pero mataman naman akong nakinig sa kanya. "We talked. He wanted to talk to me. As usual, he wanted me to come home kasi mas maaalagaan ako sa bahay namin."

"Hmmm..." I acknowledge what she was saying so she'll know that I am listening to her.

"He also... he also... apologized for treating me the way he did." Pahina nang pahina ang boses niya. "And I told him that I needed time to process it all."

"And have you process it all?" Tanong ko sa kanya.

"I did. He said tat he wanted someone to blame, and he blamed me. Sabi niya hindi niya sinasadya, but it already happened. Hindi siya katanggap – tanggap para sa akin. It doesn't mean that he's mourning, he can blame me. I am his daughter and like him I have lost something that day. He blamed me. He knows that it broke me and yet he didn't stop at all."

"Ireena..." Wika ko sa kanya.

"It's okay. Hindi naman ako naiiyak. Gusto ko lang sabihin sa'yo that I will try to have a relationship with him again. I miss my mom, you know. I also miss my siblings. Also, I thought about it last night and I really believe that our baby deserves to have grandparents 'cause our baby is awesome." Humagikgik siya habang hinahaplos ang tyan niya. "I want you to know about it because I will tell my parents, especially my father that you are here to stay for long and I hope for good..."

"If you'll have me, Ireena, I will stay until my last breath." Madamdaming wika ko. Ireena held my free hand. I took her hand closer to my lips so I could kiss her.

"Okay..." She smiled. "Now, please, Martin, can you take me to our house in Forbes? I wanna see my parents."

Tango lang ang isinagot ko sa kanya. I did what she asked me to. An hour later, we arrived at their home. Her family is currently having dinner according to the maid that opened the door for us. Hawak – hawak ni Ireena ang kamay ko habang naglalakad kami papunta sa dining area.

Ireena and I stood there for a little while before our presence were felt. Ang kauna-unahang tumayo ay ang Mama niyang naiiyak habang niyayakap si Ireena.

"Thank you, anak. Thank you so much. Thank you."

The next one that came to her is her father. Nakatayo lang si Hermes Consunji habang naghihintay. Ireena was finally let go of her mom, she looked at her father and then she took my hand.

"I won't be coming home, Papa. I like my home now and everything is set up but I am willing to give this a try. I haven't forgiven you yet, but I know that I will get there. I want you to know that I am giving this a chance, pero kasama sa chance na iyon si Elias Martin. He is the father of my child and I want all of you present in my child's life. Hindi ako mamimili sa inyo ni Martin. Papa. Hindi ka rin pwedeng mamili sa aming dalawa. He stood by me, and I am doing the same." Mariing wika niya. Her father looked at her mom and then to her, and then to me. I was almost convinced that Hermes Consunji will throw a fit but then to my surprise, he offered me his hand for a handshake and because I am a whipped, whipped man, I took his hand and nodded at him.

Matapos noon ay niyakap na niya si Ireena, hindi nagtagal ay lumapit na rin ang mga kapatid niya sa amin. I watched them all...

I really hope that this is thebeginning of Ireena's happiness. 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top