Chapter 9

Rio Achilles

LAGI na kaming magka-usap ni Sariah ngayon, habang natagal ay nafa-fall na nga ako sa kanya. Nalaman ko rin na wala siyang boyfriend, pero may nanliligaw sa kanya. Si Stanley, ka-work niya at long-time friend na. Buti na lang at wala naman raw siyang balak sagutin iyon dahil kaibigan lang raw ang tingin niya.

Kahit dalawang buwan na kaming nag-uusap, hindi ko pa rin sinasabi sa kanya na gusto kong manligaw. Kinikilala ko lang siya sa bawat araw na nagdaan, masasabi kong okay naman siya bilang tao kahit na sa Wattpad lang kami nag-uusap.

Nagulat na lang ako at kinabahan nang bigla niyang sabihin sa akin na makikipagkita raw si Stanley sa kanya. Noong una nga ay hindi ko pa iyon nakilala dahil ang tagal na naming hindi pinag-uusapan ang lalaking iyon.

Habang nakikipag-usap siya doon ay hindi ako mapakali. Paano na lang kung maagaw sa akin si Sariah? Bakit bigla siyang magpaparamdam kay Sariah ngayon eh halos dalawang buwan na nga silang hindi nag-uusap. Ginigigil yata ako nitong si Stanley eh, parang kabute.

Hinayaan ko na lang na umalis siya at pumunta kay Stanley, baka kasi sabihin niya ay pinagbabawalan ko siya eh wala namang kami.

Nagulat ako nang mag-message siya sa akin after thirty minutes. Ang bilis naman yata nilang mag-usap, ano kayang nangyari sa pagkikita nilang dalawa?

Sariah123: Hello. Kamusta ka na? Nakauwi na ako. Kapagod pumunta roon.

Bakit naman kaya siya napagod? Don't tell me, may ginawa silang nakakapagod doon? Susugurin ko talaga silang dalawa!

RioAchillesTheGreat: Ah, sige. Pahinga ka muna kung pagod ka. Actually, ang bilis mo nga eh. Ano bang pinag-usapan niyo? Kung pwede lang namang malaman.

Sariah123: Ayon, nalaman kong ikakasal na pala si Stanley at magkakaanak na siya. Nagulat nga ako eh, pero mas okay na iyon.

Ikakasal na si Stanley, ibigsabihin wala na akong kaagaw kay Sariah. I should celebrate! Ngayon ko na dapat itodo ang pagporma sa kanya.

RioAchillesTheGreat: Is that a good thing? Bakit mukhang hindi ka masaya na ikakasal na ang kaibigan mo?

Sariah123: Masaya naman ako para sa kanya, kaso nalulungkot din ako for him. Hindi naman niya gustong magpakasal sa Tanya na iyon. Sa akin niya gustong magpakasal noon pa man.

RioAchillesTheGreat: Isn't that good for you? Malaya ka na, hindi ka na mahihirapan sa panliligaw niya. Alam naman natin na ayaw mo sa kanya noon pa man.

Sariah123: Yeah, totoo naman. But, Stanley has a good heart. Hindi niya deserve masakal sa isang relasyong ayaw niya.

RioAchillesTheGreat: Oo, naiintindihan ko naman. Kaibigan mo pa rin siya after all and all you want is a good life for him.

Sariah123: Sana lang ay okay si Tanya bilang asawa, kung hindi ay magagalit ako sa babaeng iyon. Ayaw kong nasasaktan ang kaibigan ko sa kahit anong paraan.

RioAchillesTheGreat: Sana nga, pero hayaan mo muna sila. Ayaw ko namang ma-stress ka, iba na lang ang pag-usapan natin. Okay?

Sariah123: Oo nga, so kamusta ka noong wala ako? Hindi ka nag-update?

RioAchillesTheGreat: Hindi, wala akong inspirasyon eh. Umalis kasi siya.

Sariah123: Sinong inspirasyon mo? Aw sad naman, bakit umalis? Sayang, hindi ko na kilala kung sino iyan. Kilala ko ba?

Teka, ngayon ko na ba sasabihin na siya ang gusto ko? Well, dalawang buwan naman na ang nakakalipas at wala na rin naman ang manliligaw niya. Sige, sasabihin ko na nga.

RioAchillesTheGreat: Hmm, oo naman. Kilala mo iyon.

Sariah123: Ah, sino? Si Rocky ba? Ang sakit naman, akala ko ay ako na.

Ha? Sino naman si Rocky? Sa dalawang buwan naming magkausap, hindi naman niya nabanggit sa akin si Rocky. Ang slow mo, Sariah ah?

RioAchillesTheGreat: Sino naman si Rocky? Hindi iyon ang inspirasyon ko, mag-isip ka pa, dali.

Sariah123: Hindi mo pala kilala si Rocky? Hindi ko ba nasasabi sa iyo ang kaibigan kong reader mo?

RioAchillesTheGreat: Hindi ko kilala iyon, at kung sino man siya ay sorry dahil hindi talaga siya ang inspirasyon ko.
Sariah123: Eh sino? Ang swerte naman niya. Gusto ko siyang sabunutan kasi yung crush ko ay gusto siya. Sana all!

Ang slow mo ba talaga o gusto mo lang hulihin kung ikaw ang tinutukoy ko? Ang galing mo ha!

RioAchillesTheGreat: Sige nga, sabunutan mo na ang sarili mo dahil ikaw naman ang tinutukoy ko eh. Ikaw ang inspirasyon ko, Sariah.

Ilang minuto pa bago siya nag-reply ulit, nabilaukan yata siya sa sinabi ko. Kahit naman ako eh, magugulat din ako kapag sinabihan niya ako na gusto rin niya ako. Bahala na kung ano ang sagot niya, tatanggapin ko naman iyon kahit ayaw niya sa akin.

Sariah123: Niloloko mo naman yata ako eh, hindi naman tayo bagay. Reader mo lang ako at writer ka. Hanga sa iyo ang lahat, ang daming magagalit sa akin kung totoo nga iyang sinasabi mo sa akin ngayon.

Grabe naman siya sa pangmamaliit niya sa sarili, hindi naman porket favorite writer niya ako ay hindi ko na siya pwedeng ligawan. Tao rin naman ako ah, anong akala ba nila sa akin? Ginto ako?

RioAchillesTheGreat: Eh ano naman? Wala akong pakialam, ang ganda kaya noon. Reader kita tapos favorite writer mo ako. Ang ganda ng kwento natin!

Sariah123: Eh, hindi ko yata kaya. Nakakahiya sa iba mo pang readers, marami pa ang mas maganda sa akin. Hanap ka pa kaya ng iba? Pwede ba iyon?

Ang sakit naman, nagtapat na nga ako tapos ipagtutulakan pa ako sa ibang readers ko! Hindi pwede, ayaw ko sa iba. Gusto ko lang sa iyo ako manligaw Sariah! Ngayon pa ba ako susuko kung alam kong wala na akong kaagaw? Kung pwede nga lang na pakasalan na kita, gagawin ko na ngayon din.

RioAchillesTheGreat: Bakit? Sila ba ang liligawan ko? Sila ba ang sasagot sa akin? Sariah, don't think so much about them. Tayo lang ang nasa loob ng kwentong ito kaya para sa atin lang ang iisipin mo. Okay?

Sariah123: Sige nga, kung totoo iyang sinasabi mo sa akin. Magpakita ka nga ng mukha mo? Promise, hindi ko sasabihin sa ibang readers na nakita na kita. Gusto ko lang malaman kung anong itsura mo.

Naku, mukhang yari ako dito ah? Is it the right time for me to show my face to her? Oh well, kung ano man ang itsura ko ay tatanggapin naman niya iyon kung talagang may gusto siya sa akin. Sariah, please don't expect that much from me ha? Pangit talaga kasi ako sa totoong buhay.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top