Chapter 8
Stanley
After 2 months..
DALAWANG buwan na ang nakakalipas, hindi na nga ako nagpakita kay Sariah simula noong nakilala ko si Tanya. Iba na rin ang trabaho ko dahil ayaw ni Tanya na magkita kami ni Sariah. Ewan ko ba, sakal na sakal na ako sa babaeng ito.
Ang sabi ni Mickey, ganoon daw talaga kapag buntis ang isang babae. Minsan, ang asawa nila ang napapaglihian nila. Kaya ito ako ngayon, hindi makagalaw nang maayos dahil gusto lagi ni Tanya na magkasama kami kahit saan magpunta.
Dahil pupuntahan niya ang kaibigan niya ay naisipan kong sabihan si Sariah na magkita kami para na rin masabi ko na sa kanya ang sitwasyon ko. Sana ay pumayag siyang makipagkita sa akin kahit na dalawang buwan na akong hindi nagpapakita sa kanya.
Buti na lang at wala rin si Mickey, kaya makakaalis talaga ako rito. Bahala na kung mahuli ako ni Tanya, ang mahalaga lang naman sa akin ngayon ay ang makita at makausap si Sariah eh. Magawa ko man lang iyon sa huling pagkakataon bago ako ikasal.
Kung hindi lang kasi ako pinilit ni Tanya na makipagtalik nang paulit-paulit ay hindi naman siya mabubuntis. Ano ba kasing meron sa akin na wala sa iba? Kung pwede lang talaga na ipagtulakan ko siya sa iba ay ginawa ko na noon pa.
Nakadating na ako sa paborito naming cafe ni Sariah. Oh those memories, na-miss ko tuloy lalo siya. Nasa labas pa lang ako ng cafe ay kita ko na agad siya, busy sa kanyang cellphone. Siguro ay nagbabasa na naman siya ng update ni Rio Achilles.
Noong pagpasok ko ay nakita niya naman kaagad ako, ngumiti siya sa akin. Doon na ako nalungkot, doon ko naisip na sana ay Sariah ang pakakasalan ko at hindi si Tanya. Paano ko sasabihin sa kanya ang nangyari sa akin two months ago?
Wala na akong ginawa noon kundi yakapin siyang mahigpit, hindi ko naman mapakitang mahina ako dahil ayaw kong labis siyang mag-alala sa akin. Ang importante lang sa akin ngayon ay ang makita siya at makausap.
"Bakit? Ano bang nangyari sa iyo at ngayon ka lang nagpakita sa akin? Galit ka ba?" sunud-sunod niyang tanong sa akin
"S-sariah, I'm sorry. Ikakasal na ako in two weeks. I'm sorry dahil hindi ikaw ang pakakasalan ko," naiiyak kong sagot
Alam kong labis na siyang nagtataka kung bakit ako magpapakasal. Alam niyang siya lang ang nililigawan ko noon kaya malaking tanong sa kanya ngayon kung bakit nangyayari ito.
"Paano? Kanino ka ikakasal? Bakit ang bilis naman yata? Hindi ko maintindihan," sagot niya
Kahit ako Sariah, hindi ko rin alam kung bakit ako nandito sa ganitong sitwasyon. Gusto kong takasan pero alam kong mali dahil may batang masasaktan kapag ginawa ko iyon. Ewan ko, gulong-gulo na ang isip ko.
Pina-upo niya ako sa cafe, she's really worried about me. Salamat, Sariah. You are so kind to me. Gusto kong umiyak sa harapan mo pero nahihiya ako sa rami ng tao ngayon dito sa cafe. Kung tayo lang sigurong dalawa ay kanina pa ako umiyak.
"Nakabuntis ako Sariah, hindi ko iyon ginusto. Lagi ko siyang tinataboy pero pilit pa din siyang bumabalik sa akin," sagot ko habang naluluha
"S-sino ba ang tinutukoy mo? Kilala ko ba ito?" tanong ni Sariah
"Half-sister ni Mickey, Sariah. Tanya ang kanyang pangalan. Hindi ko alam na malalagay ako sa ganitong sitwasyon ngayon," sagot ko
"Miski nga ako ay hindi ko iyan akalain. So paano? Kitakits na lang sa kasal mo?" nakangiti niyang sabi
Sorry, Sariah. Hindi ka pwedeng pumunta sa araw ng aking kasal dahil ayaw ni Tanya na makita ka roon. Maniwala ka, gusto kong nandoon ka. Actually, gusto ko ngang sa iyo ikasal at hindi kay Tanya. Ngunit iba ang sitwasyon natin ngayon, ibang-iba sa pinapangarap ko noon.
"Ah eh, ano kasi. Ayaw niyang makita ka roon. Tumakas nga lang ako sa kanya ngayon para sabihin sa iyo na ikakasal na ako two weeks from now," sagot ko
"Bakit naman? Hindi Hnaman kita aagawin sa kanya ah," sagot niya
"Alam kasi niyang mahal kita kaya kung maaari daw ay wala ka roon. Ayaw daw niyang masira ang kasal naming dalawa. Maniwala ka, gusto kong nandoon ka sa kasal ko pero natatakot akong magkagulo kapag pinapunta kita," natatakot na sagot ko
"Hindi, okay lang. Naiintindihan kita, at least ay alam kong ikakasal ka sa Tanya na iyon. Sana ay maging masaya ka sa kanya ah? Best wishes na lang para sa iyo at sa kanya," sagot ni Sariah sa akin
Nalulungkot ako dahil natuldukan na ang pagmamahal ko para kay Sariah. Hinawakan ko ang kanyang kamay, naluluha ako habang ginagawa ko iyon. Ito na ang huling sandali na makikita ko siya at masasabing mahal ko siya.
Alam mo naman na ikaw lang ang mahal ko hindi ba? Pasensya ka na sa nagawa ko. Ang usapan ay hihintayin kitang mahalin mo ako pero hindi ko na iyon magagawa iyon sa ngayon," sabi ko
"Wala tayong magagawa, Stanley. Minsan, may mga plano tayong hindi natutuloy dahil may ibang nakalaan para sa atin. Malay mo naman, si Tanya talaga ang para sa iyo. Okay na iyon kaysa maghintay ka nang matagal sa akin," sagot ni Sariah
"Ikakasal nga ako pero hindi naman sa taong mahal ko. Edi wala rin, mas gugustuhin ko pang mamatay ako kaysa makasal sa Tanya na iyon," sagot ko
"Isipin mo na lang ang anak mo sa kanya. For sure ay mag-iiba na ang tingin mo sa buhay kapag nakita mo na ang anak mo. Nasa edad ka na rin naman para magka-anak," sagot niya
"Bahala na kung anong mangyari. Basta lagi mong tatandaan na ikaw lang ang maha ko. Wala nang iba pa. Teka, kamusta ka na nga ba?" sabi ko
Natahimik siya sa tanong ko, parang tinatanong niya din ang sarili kung kamusta na nga ba talaga siya? Siguro, dahil na rin sa nalaman niya kaya hindi siya makasagot agad sa akin ngayon. Kahit naman ako, ganoon rin ang reaksyon kung nasa sitwasyon niya ako.
"Ayos lang ako. Huwag mo na akong alalahanin ha, ang isipin mo ay ang kasal mo at ang magiging anak niyo. Makiki-balita na lang ako sa FaceGram," sagot niya
"Hindi ko yata mapapangako na hindi na kita aalahanin pa. Wala yatang araw na hindi kita kayang hindi isipin," sabi ko
Totoo naman, Sariah eh. Hindi ko kayang gawin iyon, hindi madali. Hindi ko nga rin alam kung gagawin ko eh, buo na kasi ang loob ko na ikaw ang mahal ko at wala nang iba. Kung pwede lang na tayo na lang ang mag-alaga ng anak ko pagkatapos na ipanganak iyon ni Tanya.
"Teka, anong oras na ba? Baka hinahanap ka na ni Tanya. Sige na, umuwi ka na sa kanya," sagot niya sa akin
Hindi ko alam kung bakit biglang nag-iba ang sagot niya. Bakit bigla na lang niya akong pina-uuwi? At saka, iba ang itsura niya ngayon kaysa sa kanina. Hindi na siya nakangiti, bagkus ay seryoso na ang mukha ni Sariah.
"Bakit pinapaalis mo na ako? Hayaan mo siya, kaya ko naman gawan iyon ng paraan. Ang gusto ko lang ngayon ay makasama ka sa huling pagkakataon," sabi niya sabay hawak sa kamay niya
"No, you have to go home. Kung ayaw mong umalis ay ako na lang ang gagawa," sagot niya sa akin
Anong nangyayari sa iyo, Sariah? Nag-uumpisa pa lang tayo sa kwentuhan pero gusto mo na agad tayong umuwi? Bakit tila masama na ang timpla ng mukha mo? Are you sad because I'm not going to marry you? Haynaku, kung anu-ano na tuloy ang naiisip ko.
Dahil sa nangyari ay naiwan akong mag-isa na nagtataka sa cafe. Dere-deretso si Sariah sa kanyang kotse ni hindi man lang siya tumingin sa gawi ko. Mas lalo ko tuloy naisip na huwag munang umuwi sa bahay. Gusto ko munang mapag-isa at makapag-isip sa mga nangyayari.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top