Chapter 7

Sariah

After 2 months..

DALAWANG buwan na ang nakakalipas. Hindi ko na nakikita si Stanley nowadays. Ewan ko sa lalaking iyon, bigla na lang nawala na parang bula.

Itong si Rio Achilles naman, lagi ko nang kausap pero ayaw pa din niyang magpakita sa akin. Kainis eh, alam niyo iyon? So close, yet so far.

Nandito ako sa paborito naming tambayan ni Stanley noon, iba na ang itsura ng cafe na ito. Mas pinaganda na at inayos, marami na rin kasing tao ang  nakakaalam nito dahil sa FaceGram.

Marami na ang tables and chairs, iba't iba ang kulay nito. Perfect for teens at inlove, ganoon ang theme nitong cafe na tinatambayan namin.

Nagtext kasi si Stanley sa akin, he wants us to meet up. Hindi naman sinabi kung bakit siya makikipagkita, pero hinayaan ko na dahil gusto ko din naman siyang kamustahin.

Ilang minuto pa habang ako ay nagce-cellphone ay dumating na si Stanley, his face is not happy. He's almost crying when he saw me.

Payat na siya, halatang maraming problema at aalamin ko ang mga iyon. Ayaw kong nakikitang ganito ang kaibigan ko kaya dadamayan ko siya sa kung ano man iyon.

Niyakap akong mahigpit ni Stanley at alam kong naiyak siya habang ginagawa niya iyon. Wala akong ibang ginawa kundi yakapin din siyang mahigpit.

"Bakit? Ano bang nangyari sa iyo at ngayon ka lang nagpakita sa akin? Galit ka ba?" sunud-sunod kong tanong dahil naguguluhan talaga ako

"S-sariah, I'm sorry. Ikakasal na ako in two weeks. I'm sorry dahil hindi ikaw ang pakakasalan ko," naiiyak na sabi niya sa akin

Paano naman mangyayari iyon eh wala naman siyang girlfriend? Naguguluhan ako. Bakit bigla niyang sasabihin na ikakasal na siya in two weeks?

"Paano? Kanino ka ikakasal? Bakit ang bilis naman yata? Hindi ko maintindihan," sagot ko sa kanya

Umupo kaming dalawa sa cafe, pinakalma ko muna siya bago magsalita. Halata kasing hindi talaga siya okay.

"Nakabuntis ako Sariah, hindi ko iyon ginusto. Lagi ko siyang tinataboy pero pilit pa din siyang bumabalik sa akin," sabi ni Stanley

"S-sino ba ang tinutukoy mo? Kilala ko ba ito?" tanong ko

"Half-sister ni Mickey, Sariah. Tanya ang kanyang pangalan. Hindi ko alam na malalagay ako sa ganitong sitwasyon ngayon," sagot ni Stanley

"Miski nga ako ay hindi ko iyan akalain. So paano? Kitakits na lang sa kasal mo?" nakangiti kong sabi

"Ah eh, ano kasi. Ayaw niyang makita ka roon. Tumakas nga lang ako sa kanya ngayon para sabihin sa iyo na ikakasal na ako two weeks from now," sabi ni Stanley

"Bakit naman? Hindi Hnaman kita aagawin sa kanya ah," sagot ko

"Alam kasi niyang mahal kita kaya kung maaari daw ay wala ka roon. Ayaw daw niyang masira ang kasal naming dalawa. Maniwala ka, gusto kong nandoon ka sa kasal ko pero natatakot akong magkagulo kapag pinapunta kita," natatakot na sagot ni Stanley

"Hindi, okay lang. Naiintindihan kita, at least ay alam kong ikakasal ka sa Tanya na iyon. Sana ay maging masaya ka sa kanya ah? Best wishes na lang para sa iyo at sa kanya," sagot ko

Alam kong nadudurog si Stanley noong narinig niya ang sinasabi ko. Kitang-kita ko sa kanyang mga mata na gusto niyang sabihin na sana ay ako ang ikakasal sa kanya. Naaawa ako pero hindi ko din maibibigay ang pagmamahal na gusto niya kaya ayos lang ito.

Ilang segundo pa ay hinawakan niya ang aking kamay, halos isang minuto rin niyang tiningnan iyon bago nagsalita. Naluha na siya noon at parang nakikiusap sa akin na iligtas ko siya mula sa Tanya na iyon pero wala akong magawa.

"Alam mo naman na ikaw lang ang mahal ko hindi ba? Pasensya ka na sa nagawa ko. Ang usapan ay hihintayin kitang mahalin mo ako pero hindi ko na iyon magagawa iyon sa ngayon," sabi ni Stanley

"Wala tayong magagawa, Stanley. Minsan, may mga plano tayong hindi natutuloy dahil may ibang nakalaan para sa atin. Malay mo naman, si Tanya talaga ang para sa iyo. Okay na iyon kaysa maghintay ka nang matagal sa akin," sagot ko

"Ikakasal nga ako pero hindi naman sa taong mahal ko. Edi wala rin, mas gugustuhin ko pang mamatay ako kaysa makasal sa Tanya na iyon," sagot ni Stanley sa akin

"Isipin mo na lang ang anak mo sa kanya. For sure ay mag-iiba na ang tingin mo sa buhay kapag nakita mo na ang anak mo. Nasa edad ka na rin naman para magka-anak," sagot ko

"Bahala na kung anong mangyari. Basta lagi mong tatandaan na ikaw lang ang maha ko. Wala nang iba pa. Teka, kamusta ka na nga ba?" sabi niya

Sinabi niya sa akin lahat, bigla akong nalungkot para sa kanya. Gusto ko siyang tulungan pero hindi ko alam kung paanong paraan. Lalo na at ayaw pala akong makita ni Tanya sa kasal nila, kailangan ko iyong irespeto dahil magiging mag-asawa na sila.

Iba rin naman ang mahal ko, Stanley. Kaya wala ring mangyayari kung ipilit mong ako ang mahal mo. Alam mo, kahit hindi ko nakikita si Rio Achilles ay ramdam na ramdam ko siya. Doon ko napatunayan na kahit hindi mo nakikita ang isang tao, mamahalin at mamahalin mo siya talaga. Love is blind nga, ika nila.

"Ayos lang ako. Huwag mo na akong alalahanin ha, ang isipin mo ay ang kasal mo at ang magiging anak niyo. Makiki-balita na lang ako sa FaceGram," sagot ko

"Hindi ko yata mapapangako na hindi na kita aalahanin pa. Wala yatang araw na hindi kita kayang hindi isipin," sabi niya

"Teka, anong oras na ba? Baka hinahanap ka na ni Tanya. Sige na, umuwi ka na sa kanya," sagot ko

"Bakit pinapaalis mo na ako? Hayaan mo siya, kaya ko naman gawan iyon ng paraan. Ang gusto ko lang ngayon ay makasama ka sa huling pagkakataon," sabi niya sabay hawak sa kamay ko

"No, you have to go home. Kung ayaw mong umalis ay ako na lang ang gagawa," sagot ko

Hindi ko alam, bigla akong nalungkot noong nag-sink in na sa akin na ikakasal na ang kaibigan ko. Is this real? Natanda na ba talaga kami? Is it really the time for us to get married? Should I get married soon? Haynaku, ayaw ko na nga muna mag-isip!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top