Chapter 6

Rio Achilles

PAGKATAPOS kong i-post ang update ay nagulat ako, ang dami kasing comments. Dahil wala naman akong gagawin ay binasa ko iyon isa-isa.

MargaretteSicon: Yes! May update na! Thank you po kahit late! ♥️

Rocky08: The long wait is over! May update na, babasahin ko na po. Thank you Kuya Rio!

Psh. Don't call me kuya, nakakainis kapag naririnig ko iyan. I know, a lot of my readers are young girls pero ayaw ko pa rin matawag na kuya!

WindyEscaros: Oh my g, Mikay and Drex! Sana kayo talaga sa huli, I ship you both! ♥️♥️♥️

W0manizer09: Kahit lalaki ako, hindi ko mapigilang hindi kiligin eh. Nakakainis ka, author! More updates pa sana!

Sariah123: Thank you sa update mo. Kahit matagal pa ang susunod, maghihintay kami. Worth it naman eh, sana si Mikay pa din at si Drex in the end!

Ang ganda naman nitong Sariah123, siya kaya ang nasa profile picture niya o niloloko din niya ako? Hanapin ko nga siya sa MyFace. Grabe ang ngiti eh, nakakahawa!

Busy ako sa pagtingin pa sa ibang comments nang biglang nakita ko na nagmessage sa akin iyong Sariah123.

Bakit kaya ganoon? Ang dami namang nagme-message sa akin sa araw-araw, pero noong si Sariah na ang nag-message ay kinabahan agad ako.

Sariah123: Hello po. Tapos ko na po basahin ang update niyo. Ang galing niyo po talaga, masaya ako dahil nakita ko sa page ang story niyo!

Anong sasabihin ko dito? Achie naman, bakit ka ba kinakabahan sa Sariah na iyan? Kalma lang, hindi ka naman papatayin niyan eh.

RioAchillesTheGreat: Hindi ako magaling, ano ka ba? Pero salamat sa support niyo, lalo na at hindi niyo naman kilala ang mukha ko.

Sariah123: Kahit hindi namin makita ang mukha mo, ayos lang. Minahal ka naman namin dahil sa akda mo eh.

RioAchillesTheGreat: Bolera ka rin ano? Sige na nga, magaling na ako magsulat at gwapo na ako kahit hindi naman talaga.

Sariah123: Sana dumating ang panahon na makita kita personally, kahit ako lang ang makakita. Huwag na sila, hindi naman sila mahalaga eh!

RioAchillesTheGreat: Aba, baka sabihin nila na may favoritism ako sa readers ko? Huwag naman! Kahit kanino, wala akong balak makipagkita.

Sariah123: Hindi mo naman ako reader eh, asawa mo ako! So paano iyon? Hindi ka magpapakita sa asawa mo? Hindi naman pwede iyon!

Sariah naman, bakit ka ganyan? Bakit inaangkin mo na agad ako? Please, huwag. Baka mamaya niyan, gawin nga kitang asawa.

So, crush pala niya ako? Paano iyon eh crush ko din siya? Kaso teka, hindi pala pwede iyon dahil marami na ang manloloko sa internet ngayon.

Naisipan kong tawagan si Red at Lam para sabihin ang nangyari ngayon. Alam kong tatawanan nila ako pero wala na akong pakialam. I dialed their numbers at naka-group call kami ngayon. Bahala na, nagagandahan talaga ako kay Sariah eh.

"Oh, bakit pare? Nakakuha ka na ba ng chiks sa Find Me Baby?"

"Loko ka pare, hindi ko iyon in-install ano, ayaw ko nga roon eh!"

"Eh bakit ka napatawag pare? Wala kaming babae na mapapahiram ngayon sa iyo,"

"Tanga, hindi iyon! Pare kasi, may nakita akong account sa Wattpad ngayon lang,"

"Pare, hindi naman kami expert sa Wattpad ah, anong meron? Bakit mo kami  dinadamay dyan?"

"Pare, ang ganda kasi eh. Reader ko sa Wattpad ito, mukhang na-love  at first sight ako sa kanya,"

"Baliw ka, sabi namin sa Find Me Baby ka maghanap at hindi riyan. Tigilan mo iyan pare, diba sabi mo ay mga bata pa ang readers mo?" 

"Oo, bata pa nga. Kaso, ito naman ay mukhang hindi bata eh. Sana hindi siya bata kasi kung bata siya ay masasaktan ako nito,"

"Loko ka pare, ayaw naming madamay dyan. Kung gusto mong magka-girlfriend, doon ka sa Find Me Baby maghanap. Atleast doon, kita mo ang totoong edad ng babaeng gusto mo,"

"Oo nga pare, mukhang delikado dyan sa Wattpad. Matanda ka na pare, ingat ka. Ikaw din, kilalanin mo muna," 

"Oo sige pare, nage-gets ko naman kayo. Thank you sa payo, sasabihan ko na lang kayo kung anong nangyari," 

Binaba ko ang tawag at doon ay nag-isip. Tama naman sila eh, paano kung mas bata sa akin ito? Edi yari na, child abuse iyon kung ganoon! Kilalanin ko nga muna siguro talaga itong si Sariah dapat. 

Sariah, grabe ka ah. Sabi ko noon sa sarili ko, hindi magmamahal saa reader ko pero noong nakita kita rito sa Wattpad ay umiba ang paniniwala ko. I want to know you, to see if you are real. Sana totoo ka, sana hindi ka bata tulad nang iba.

Bumalik ako sa aking laptop at tiningnan ang huling message niya, kailangan ko siyang kaibiganin para lalo ko pa siyang makilala. Okay lang naman siguro sa kanya kung wala muna akong ipapakitang mukha ngayon. Makikipagkilala pa lang naman ako eh, saka na iyon kapag sure na akong pwede ako magpakilala sa kanya.

RioAchillesTheGreat: Asawa agad? Maghinay-hinay ka sa sinasabi mo sa akin ah, baka magkatotoo iyan! Huwag mo akong subukan.

Sariah123: Haha, tae naman! Huwag mo akong pakiligin, nahihiya nga ako sa sinabi ko tapos pinatulan mo naman at mukhang payag na payag ka pa sa sinabi ko! Huwag, marupok ako. Haha.

RioAchillesTheGreat: Patay tayo dyan, parehas tayong marupok. Tayo na lang kaya? Ay, joke lang. Patay ako sa tatay mo kung bata ka pa tapos nakikipaglandian na ako sa iyo. Ilan taon ka na ba?

This is my only way para malaman kung pasado ba ang edad niya sa akin o hindi. Nag-iisip talaga ako na sana ay kaedad ko siya. Madudurog ang puso ko kung 13 years old pa lang itong kausap ko.

Sariah123: 25 years old na ako, ano ka ba? Naghihintay na nga ng anak ang mga magulang ko eh. Ready ka na ba?

Natawa at nagulat ako sa sinabi niya, mukhang palaban ang babaeng ito. Akala siguro niya ay nagloloko lang ako, ang hindi niya alam ay nilalandi ko na siya. Sana ay nagsasabi nga siya ng totoo.

RioAchillesTheGreat: Weh? 25 ka na? Ikaw ba talaga ang nasa profile picture mo?

Sariah123: Oo naman, anong akala mo sa akin? Katulad mo, hindi nagpapakita ng totoong mukha? Hindi ano, ako talaga ito kahit na magkita pa tayo! Gusto mo nga ngayon na eh.

Ang saya naman ng puso ko sa sagot niya, para akong tanga na kinikilig dahil doon. Alam ko na ang edad niya at kung siya nga ang nasa profile picture niya. Ang tanong lang, may boyfriend kaya siya?


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top