Chapter 49
Sariah
Ilang linggo na rin ang nakakalipas simula noong mawala si Papa sa amin. Ilang linggo na ring nakakulong si Rocky. Masaya ako na malungkot. Masaya dahil payapa na ang lahat at malungkot dahil patay na si Papa.
"Pagpauwi na tayo, punta muna tayo sa prisinto. Pwede ba 'yon?" nakangiting tanong ko kay Achie.
"Bakit Mrs. Samañego? Ikukulong mo ba ang puso ko?" sabi niya na may nakakaasar na ngiti sa akin.
"Loko ka! Hindi 'yon. Gusto ko lang sanang dalawin si Rocky."
"Rocky? Naku, hindi pwede! Baka kung ano lang ang mangyari sa'yo. Hindi ako papayag!" naiinis na sagot niya sa akin.
"Please? Gusto ko lang siyang makita at makausap. If you want, join us. May mga pulis naman kaya kung may gagawin siya sa akin, they will respond right away," pagmamakaawa ko sa kanya.
"Pero-"
"Please? Just this once. Saka na ulit ako pupunta sa kanya. I just want to talk to her," sabi ko.
"For?"
"Basta. I want to see her."
Napakamot na lang siya sa kanyang ulo at tumango-tango.
"Oo na, pupunta na tayo sa prisinto," sabi niya na para bang napipilitan. Natawa na lang ako.
Papunta kasi kami ngayon sa booksigning ni Achie. After this, makikita ko na ulit si Rocky.
Habang nasa booksigning kami, ni-request pa niya na tabi kami dahil ayaw niya ako mawala sa paningin niya. Ang corny hindi ba?
Naiilang na nga ako dahil nakatingin halos lahat sa akin ang readers na nagpapapirma sa kanya. Yung mga tingin nila, parang papatayin na ako.
Nang matapos ang booksigning niya, agad akong pumasok sa kotse. Inis na inis ako, habang siya ay tawang-tawa dahil sa itsura ko.
"Oh, bakit inis na inis ka dyan? Huwag mo sabihing nagseselos ka sa readers ko?" pang-aasar pa niya.
"Hindi 'no. Naiinis kasi ako sayo dahil sinama mo pa ako doon. I mean, pwede naman ako sa audience lang kasi hindi naman ako author. Kung tingnan tuloy nila ako, parang papatay na sila eh!" inis na inis kong sagot.
"Eh ano naman? Nandito naman ako eh. I will protect you. Inggit lang 'yon sayo kasi gwapo ako. Okay?"
"Huh? Aba, mas nakaka-asar naman po 'yang sinasabi mo 'no. Gwapo ka? Grabeng self confidence lang?" pang-aasar ko sa kanya.
"Bakit? Hindi ba ako gwapo sa mata mo?" tanong niya sabay tingin deretso sa mata ko.
Rio Achilles naman, huwag mo akong titigan ng ganyan dahil nawawala ang galit ko. Marupok ako pagdating sayo.
"H-hindi!" nauutal kong sabi at umaktong galit pa rin sa kanya.
"Hindi raw pero pinakasalan mo naman ang gwapong author na ito, sus!" natatawa siya.
"Ewan ko sayo. Halika na nga! Puntahan na natin si Rocky!"
Bago niya paandarin ang kotse ay hinalikan niya muna ang kamay ko at ngumiti siya sa akin.
"Basta kapag sinabunutan ka niyan, tawagin mo agad ako. Sumigaw ka ng Darna ha?!" panloloko pa niya.
"Tss, okay naman na siguro siya. Huwag ka ngang negative. Sige na, bababa na ko."
"Sige, hanap lang akong parking tapos susunod na ko sa loob."
Naglakad na ko papasok ng prisinto. Nagtanong agad ako sa mga pulis roon.
"Sir, Raquel Estacio po."
"Sige po, pumasok na po kayo sa loob at tatawagin ko po siya."
"Salamat po."
Umupo na ako, marami rin ang tao sa prisinto. Haynaku, paano kaya nabubuhay si Rocky sa ganitong kondisyon? Nakakaawa naman siya.
Ilang minuto pa ay nakita ko na siyang lumabas. Pawisan at halata mong pagod na pagod. Umupo siya sa may harapan ko, hiyang-hiya na halos hindi na makatingin sa akin.
"Rocky." I called her.
"B-bakit ka nandito? You shouldn't be here. Mapapahamak ka lang kapag ako ang kasama mo eh," naiiyak niyang sabi.
"No, it's fine. I just want to see if you're fine here. Ano 'yang mga sugat mo? Sinasaktan ka na nila? Sabihin mo sa akin," hamon ko pa.
"Ayos lang, deserve ko naman ang lahat ng ito eh. Kulang pa nga ang mga sugat na ito compared sa sugat na dinulot ko sayo," she told me.
This is not the Rocky I know. Sobrang payat at pagod na ang katawan niya. Hindi siguro siya nakakatulog rito.
Lumapit ako sa kanya. I was about to hug her when I heard her cry as loud as she could.
"Bakit? Huwag ka na umiyak. Okay na ko, okay na tayo, wala na ako paki roon. Please."
Ilang minuto pa ay dumating na si Achie. Problemado ang kanyang itsura dahil takot pa rin siya sa pwedeng gawin ni Sariah sa akin.
"Why is she crying? Anong nangyari?" he asked.
"You're here," bulong ni Rocky sabay punas ng mga luha niya.
"Yes, I am. In case you do something bad to my wife. Nandito ako para protektahan siya," galit na saad ni Achie.
"Achie, stop that!" suway ko.
"Umalis na kayo dito. We are just harming ourselves up. Please leave. Nakita niyo na ko at nakausap, ayos nq iyon. Makakaalis na kayo."
She was keeping the tears falling from her eyes. Pinilit ko siyang yakapin pero bigo ako dahil naiwas talaga siya.
"Kapag nanganak ako, ninang ka pa rin nito. Yun ang orihinal na plano," I said then smiled at her, pero sa loob-loob ko ay naiiyak na ako.
She didn't answer. Tiningnan niya lang ako nang seryoso pagkatapos ay tumayo na. Nilingon pa niya ako ulit pero wala na akong narinig mula sa kanya.
"Hayaan mo na siya. She needs time. You both need space. Tara na," sabi ni Achie at hinila na ako palabas.
Hindi pa rin ako makapaniwala. I thought she will forgive me for what happened pero iyon ang nangyari. Maybe, we really need to separate ways for us to grow.
Maybe, napatawad na namin ang isa't isa pero hindi na para maging magkaibigan pa ulit kami.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top