Chapter 47
Narration
Sinugod sina Sariah at Achie sa ospital. Sina Lam, Red at Candice ang sumama sa ospital.
Hindi naman kasi pwede ang Mama ni Sariah sa shitwasyon na ganoon. Sumama rin ang parents ni Achie sa kanila. Alalang-alala ang Mama niya sa kanya.
"Hindi pwedeng mawala ang anak ko. Hindi!" sigaw ng Mama ni Achie.
"Sshh, he will not die. Lalaban ang anak natin. We just have to be there for him," sagot naman ng Papa niya.
Problemado ang lahat dahil sa nangyari. Hindi sila mapakali. Umiiyak si Candice at pinapakalma naman siya ni Lam.
"Sino ba kasi ang babaeng 'yon?! Bigla na lang sumusulpot at mamamaril?! Baliw!" sigaw ni Candice.
"Si Rocky. ang reader ni Achie na mahal na mahal siya," sagot naman ni Lam.
"Rocky--yung best friend ba ni Sariah 'to? Akala ko, wala na silang kominukasyon ni Sariah? Ugh, dapat talaga hindi na nila tinuloy ang kasal!" pagmamaktol pa ni Candice.
"They will survive. Malakas ang dalawang 'yon. Mas malakas ang pagmamahalan nila kaysa sa kamatayan. Hindi pa nila oras, they are starting a new life. Sana naman huwag agad silang kunin," sagot ni Red.
"Let's just pray that nothing happens to them. Ayaw ko mawala si Sariah."
Tahimik lang silang naghihintay na tatlo. Habang ang mga magulang naman ni Achie ay inaasikaso ang mga bisitang sumama pa rin sa ospital.
"Ingat kayo pare. Sabihan niyo na lang kami kapag ayos na sila Achie. Magdasal tayo, magiging maayos rin ang lahat," sabi ng kaibigan ng Papa ni Achie.
"Salamat pare. Pasensya na talaga at nangyari ito. Babalitaan ko na lang kayo kapag maayos na ang lagay ng anak ko. Salamat sa mga dasal na iaalay niyo para sa anak ko," sabi ng Papa ni Achie pagkatapos ay kinamayan nito ang kaibigan.
"Mabubuhay pa siya, hindi ba? Nagsisimula pa lang ng buhay niya si Achie, Arseo. Hindi naman pwede ito," pag-aalala pa rin ng Mama ni Achie.
"Magiging okay ang lahat. Hintayin na lang natin ang mga doktor at manalangin sa Diyos sa magiging resulta nito."
Ilang oras ay lumabas na ang doktor nina Sariah at Achie. Kinausap niya ang parents ni Achie habang sina Lam, Red at Candice ay nakikinig lang sa kanila.
"Doc, okay na po ba ang anak ko? Please give me good news, doc. Hindi ko kakayanin kung mawala ang anak ko," sabi ng Mama ni Achie.
"Yes, ma'am. Okay na po ang anak niyo. Natanggal na po namin ang bala at hinihintay na lang po natin ang paggising nilang dalawa," sabi ng doctor habang nakangiti.
Halos maiyak ang lahat nang marinig ang magandang balita, lalo na ang Mama ni Achie na yumakap sa asawa niyang si Arseo.
"Thank God!"
Naghintay sila roon ng ilang oras bago tuluyang pumasok sa loob. Gising na si Achie pero wala pang malay si Sariah.
"Are you okay, anak? Diyos ko, akala ko talaga ay mawawala ka na sa amin! That woman will pay for this!" galit na sabi ng Mama ni Achie.
"Mama, huwag ka na magalit. Okay naman na ako, di ba? Oo nga pala, where is Sariah? Is she awake?" sagot naman ni Achie.
"Hindi pa, but she is stable. Do you want to see her?"
"Yes, Mama. If papayag ang nurses. Go ask them first. Masakit pa rin ang sugat ko."
Tinanong ng Mama ni Achie ang mga nurses kung pwede na siyang magpakita kay Sariah. After how many minutes, bumalik na ang Mama ni Achie.
"Anak, bawal pa raw. Let's try it again tomorrow. Ang maigi pa ay magpahinga ka na lang muna ah. Magkikita rin kayo ni Sariah, soon."
After one week, agad na pumunta si Sariah sa kwarto kung nasaan si Achie. Nakasakay siya sa wheelchair habang naiyak.
"Achie! I thought we will die that day! Thank God we are safe!" sabi niya sabay yakap.
"We'll be okay. See? Even a bullet can't take away my love for you. Kamusta ka na?" he said happily.
"I'm a bit better now. I will take some tests tapos uuwi na ako. Ikaw ba? Sabay ba tayo uuwi?" she asked.
"I don't know but sana sabay tayong umuwi. I can't wait to have you beside me. God, we are not having our honeymoon yet!" sabi ni Achie.
Natawa naman si Sariah dahil doon at tinapik ang balikat ni Achie. Agad na umaray si Achie.
"Aray naman! Masakit yung tama ng bala ko!" panloloko niya.
"Hala, sorry! Saan masakit? Hahalikan ko! Dali. Saan? Sorry talaga, nakalimutan kong may sugat nga pala tayong dalawa!" pag-aalala ni Sariah.
"Joke lang. Sa tyan naman ako tinamaan ng bala eh. Hindi sa balikat. I was just testing kung ano ang magiging reaksyon mo. Ang cute eh," natatawa si Achie na para bang kinikilig.
"Ikaw talaga! Niloloko mo pa ako. Hmm, may itatanong lang sana ako," tila nag-aalangan na sabi ni Sariah.
"Ano po 'yon Mrs. Samañego?"
"I like the way you are calling me now, pero kasal na ba tayo? Hindi yata natuloy ang palitan ng I do."
"We'll have our wedding again kapag magaling na tayo. Gusto mo? Sana.. Wala nang bumaril sa atin noon," he laughed at that thought.
"Ano ka ba? Ayaw ko na isipin 'yon. She became really bad! I mean, hindi ko inakala na magagawa niya 'yon. Hindi naman ganun ang kilala kong Rocky noon. Hindi ko na siya kilala at ayaw ko na siya maalala. Dahil sa kanya, nangyari ito satin."
"Hey, don't be sad about what happened. Ang importante naman ngayon ay mahal natin ang isa't isa at buhay tayo. We are given a chance to live and love again. We have to take care of it this time."
He held Sariah's hand and kissed it. He looked into her eyes and whispered I love you. She whispered back.
"We will win the battle this time. Makukulong si Rocky dahil sa ginawa niya sa atin. I promise," he said, smiling.
"Thank you. Nakakalungkot man dahil kaibigan ko siya dati pero kailangan niya kasing pagbayaran ang ginawa niya."
"She will pay for it. We will make sure of that, my love."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top