Chapter 46

Rocky

Anong akala nila sa akin, hindi ko sila guguluhin? Actually, I waited for this day to happen. Ngayong araw, magiging masaya talaga sila dahil parehas silang mamamatay! I'll kill them both, tutal hindi naman mapapa-sakin si Rio Achilles.

Kahit ayaw ni Lecrexia, tinulungan pa rin niya ako sa plano ko. Siya ang naglagay ng box na may baril doon sa may kwarto ni Sariah.

Hindi naman sila magkakilala kaya better na siya talaga ang maglagay noon at hindi ako.

Poor Sariah, masaya sana ang araw na ito para sa kanila pero ginalit nila ako eh. Ako dapat ang kinakasal kay Rio Achilles at hindi siya.

Pumasok na sa loob ng kotse si Lecrexia. Hingal na hingal siya at halata mong kabado.

"Nagawa ko na, pwede na ba akong umalis?!" inis na tanong niya sa akin.

"Pwede na. Salamat, ha?" ngumiti ako.

Umalis na siya mula sa van na sinasakyan namin. Pagkatapos noon ay inayos ko na ang baril na gagamitin ko sa pagpatay sa dalawang 'yon.

Nang maayos ko na ay inutusan ko na agad ang driver na mag-park malapit sa simbahan. Naka-black with red dress ako and shades para hindi ako makilala agad.

Nakita kong busy na ang mga tao sa simbahan. Sobrang saya ng lahat. Hinihintay yata nila ang groom at ang bride. May party kasi kanina bago ang actual na kasal.

Poor people, hindi na darating ang groom at bride dahil sa takot noong pinadala kong box. Hindi na matutuloy ang kasal na ito.

Ilang minuto pa akong naka-abang sa van nang biglang may dumating na kotse. Nilabas noon sina Rio Achilles at Sariah.

Kasunod nila ang isang ambulansya. Binaba ng mga nurses ang tatay ni Sariah. Nasa stretcher lang ito, nakahiga.Halos wala na itong lakas. Bigla tuloy akong nalungkot, napamahal na rin kasi sa akin ang tatay niya.

Hinintay ko muna na makapasok sila. Umiiyak ang lahat dahil si Sariah ang gumabay sa tatay niya para makapasok sa loob.

Naglakad na ang lahat sa aisle. Tinulungan ni Rio Achilles si Sariah para maayos nito ang kanyang tatay. Naroon rin ang Mama ni Sariah na nakangiti sa kanilang dalawa.

Nang maka-upo na ang lahat ay bumaba na ako sa van. Marami naman ang tao kaya hindi rin nila napansin na pumasok ako. Nandito lang ako sa dulong upuan, mamaya na ako eeksena. Hahayaan ko munang magsaya sila.

Kitang-kita ko na inlove talaga sila sa isa't isa. Yung titig ni Rio Achilles kay Sariah, hindi naman niya nagawa sa akin 'yon. He's smiling but halata mong napipilitan lang.

Ako dapat ang kaharap ngayon ni Rio Achilles, ako dapat ang pakakasalan niya. Reader rin naman niya ako, at saka nauna ako maging reader niya kaysa kay Sariah, pero bakit hindi ako yung pinili?!

Kahit naka-shades ako, hindi ko mapigilan na hindi maiyak. Kapag hinarap ko na sila, I should stand strong. Si Sariah ang mahina sa amin, hindi ako. It will never be me. I promised myself today na bago matapos ang araw na ito, ako ang uuwing panalo.

Nagulat na lang ako when I realized that they are exchanging vows. Tatapusin ko lang ito at e-eksena na ako.

"Sariah, I can't imagine that you are now here in front of me. Dati, we are just exchanging messages on Wattpad pero ngayon ay we are exchanging vows na. Thank you for reading my stories, akala ko noon ay puro bata lang ang nagbabasa ng stories ko. Hindi ko akalain na ang future wife ko pala ay ang reader ko. You were my answered prayer,Sariah. I love you so much and I will share my whole life with you. Oh, I'm excited about that."

"I never imagined it too. Isa lang naman akong reader sa Wattpad na nagmamahal sa gawa mo. I never thought that you'll love me too. I can't wait to see you everyday, beside me Achie. I love you so much. Thanks for everything you've done for me. I will always be here for you no matter what."

Nang matapos ang vows nila sa isa't isa ay pumalakpak na akong malakas. Tumingin ang lahat sa dereksyon ko. Nakita ko rin na gulat na gulat sina Rio Achilles at Sariah dahil doon.

Naglakad ako papunta sa kanila at saka tinanggal ang shades ko. Todo ngiti ako sa kanila, kunwari ay hindi ako nasasaktan sa nakikita.

"Akala niyo ba, nakalimutan ko na kayo? Ang daya niyo naman, hindi niyo ko ininvite sa kasal niyo. Ako ang bff mo, Sariah. Bakit wala ako dito?" Panimula ko.

"W-what are you doing here? Please, ibigay mo na sa amin 'tong araw na ito. Gusto lang naman namin maging masaya, Rocky. Iyon lang naman."

"Masaya? No. No one will ever be happy. Sariah never made me happy. Lagi ko na lang siyang kahati sa lahat! Pagod na ako sa ganoong sitwasyon. Lahat na lang, kinuha niya. Pati ang lalaking mahal ko, siya ang gusto. Tangina! Tanginang buhay 'to. Ayaw ko na sa inyo!"

Nilabas ko ang baril at pinutok iyon. Natamaan si Sariah sa may tyan. Nag-umpisa na ring magsigawam at mag-alisan ang mga tao sa simbahan. Wala akong pakialam. These two will die because they are selfish.

"Rocky, ano pa bang gusto mo? Gusto mo ikaw ang piliin ko? Sige, ikaw na lang ang babaeng mamahalin ko. Just stop this! Tigilan mo na ito. Marami ka nang nasasaktan!" sigaw sa akin ni Rio Achilles.

Liar. Hinding-hindi mo naman ako pipiliin.

"At sa tingin mo, hindi ako nasasaktan? Hindi niyo ba ako sinaktan?! Kayo ang may gawa kung bakit nangyari ang lahat ng ito! You killed me many times, Rio Achilles! So.. I will kill you too!"

Dahil sa galit ko ay binaril ko rin si Rio Achilles. Lalong nqgsigawan ang mga tao. Yakap-yakap nila ang isa't isa. Iyak na sila nang iyak.

Fuck. Hanggang huli sila pa rin. Wala ba talaga kong karapatan magmahal ng tao? Iyon lang naman ang gusto ko! Bakit kailangang mangyari pa ito?

Tumakbo ako palabas pagkatapos ko silang barilin. Dahil busy ang mga tao kina Sariah at Rio Achilles ay nakatakas ako. Sumakay ako sa van pagkatapos ay umiyak.

Tiningnan kong mabuti ang kamay ko, naiwan ko kasi ang baril sa may simbahan. Kabadong-kabado pa rin ako sa nagawa ko.

This hand can kill. Fuck.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top