Chapter 45

Sariah

Sobrang saya ko dahil ito na ang araw na pinaka-hihintay ko. Ikakasal na ako sa favorite author ko. Napaka-blessed ko dahil siya ang binigay sa akin ng Panginoon.

Habang nag-aayos ako, may kumatok sa pinto. Binuksan  naman 'yon ni Mamshie Em, ang nagme-make up sa akin.

Pumasok ng kwarto si Red at may dalang regalo. Nakangiti siya sa akin.

"Oh, Red. Ano 'yan? Regalo mo?" tanong ko sa kanya.

"Ang ganda natin ah! Ay, sorry. Busy ka pala. Ibibigay ko lang sana 'tong regalo ni Achie sayo. Bawal raw kayong magkita kaya ako na lang ang nag-abot sayo," sabi niya pagkatapos ay nagpaalam na sa akin.

"Salamat!" sabi ko bago siya umalis.

Nang umalis na si Red ay masaya ako  at nakangiting tiningnan ang bawat sulok ng regalo ni Achie para sa akin.

I wonder what this is. Wala naman kaming pinag-usapan about sa gifts. I mean, meron pala. Yung tinanong ko siya kung anong gusto niyang regalo kapag kinasal kami.

Tinandaan ko naman 'yon at binilhan ko siya ng wallet at pen na pinabigay ko na kay Candice. Sana tanda pa niya 'yon at sana magustuhan niya 'yon.

Binuksan ko na ang regalo at laking gulat ko na makitang isa 'tong libro. What? He actually wrote a book about us?

The title is Married To My Reader. Wow. Tamang-tama para sa aming dalawa. Title pa lang, alam ko agad na para sa amin ang kwentong ito.

Kailan kaya niya ginawa 'to? Wala akong naalala na busy siya sa pagsusulat eh lagi ko naman siyang nakakasama. So dapat, alam ko 'yon.

Magaling siya at natago niya sa akin 'to. Bago ko buksan ang regalo, tiningnan ko muna ang note. Gaya-gaya naman sa akin, may note rin ako sa regalo ko para sa kanya eh.

To my wife,

This is a gift you will love. I wrote this secretly. Gusto ko kasing masulat ang kwento nating dalawa. I finally did and I think this is the perfect time for you to receive it.

Alagaan mo ang libro na 'to ha? Ikaw lang ang meron nito. Pinasadya ko pa 'yan para sayo. Basahin mo ha? I love you. I'm glad that I met you in Wattpad.

Thank you for being my reader. I'm glad you will be my reader and supporter forever.

Fuck. Isa lang ang librong ito? How can he do that? Ang lakas naman niya sa publishing kung ganoon. Ano kayang sinabi niya? Magic ah. Ginamitan ba niya ng kapogian yun?

Gusto ko man na basahin agad ang libro ay hindi ko magawa. Kasal mo ngayon at marami na ring tao sa labas. Nilagay ko muna sa box ang libro at ngumiti kay Mamshie Em.

"You're so blessed. Maraming may gusto kay Rio Achilles pero ikaw ang napili niya. Ang haba ng hair mo, girl!" Tuwang-tuwa si Mamshie Em sa akin.

"Yeah. Alam kong marami ang may gusto sa asawa ko. Nakaaway ko na nga ang iba sa kanila. They are obsessed with him because he is an author," sagot ko naman.

"Ay naku, wala na silang magagawa. Nanalo ka na eh, nasa iyo na ang korona kaya dedma na sila!"

Natawa na lang ako dahil doon. Napaka-supportive talaga ni Mamshie Em sa amin ever since. Loyal make-up artist ko 'yan eh, since 18th birthday ko eh siya na ang nagme-make up sa akin.

Pagkatapos ng pagme-make up niya sa akin ay pumasok naman si Candice sa kwarto. Niyakap ko agad siya nang makita ko siya. May dala siyang box.

"Nabigay ko na ang regalo mo sa kanya pero nakita ko 'to sa may pinto. Mukhang may nag-regalo sayo at ayaw magpa-kilala. Buksan mo na," sabi ni Candice pagkatapos ay binigay na ang box sa akin.

Binuksan ko naman ang box na sobra ang ganda dahil sa packaging. Mukhang mamahalin at pinag-isipan talaga ang regalong ito. Favorite color ko pa ang ginamit, color red.

Nabitawan ko ang regalo nang buksan ko ito. Napa-atras si Mamshie Em at Candice dahil sa gulat. Yung laman ng regalo kasi, may note at may dugo. May kasama rin na baril.

Congratulations and Best Wisjes! I will shoot and kill you. - R

Rocky.

Paano siya nakapasok rito?! Nasaan siya?! How..

"Teka! Tatatawagin ko lang si Achie ha! Kailangan niyang malaman 'to!" nagmamadali na lumabas si Candice para tawagin si Achie.

Tinulungan naman akong maka-upo ni Mamshie Em. Hindi ako makahinga. Yung saya ko, biglang nawala. Iniisip ko si Rocky kung paano siya nakapasok rito. Nasaan na siya ngayon? Baka tuwang-tuwa siya sa akin na nakatingin sa akin.

Nilibot ko ang aking tingin sa paligid. Baka may camera dito na hindi ko alam pero wala akong makita. Naiiyak na lang ako.

"Calm down, hindi magandang mag-isip ng kung anu-ano ngayon. Hayaan mo siya, this is a special day for you. It is your wedding day!" pinapakalma ako ni Mamshie Em.

Tahimik lang ako, hindi ko yata kayang kumalma kapag ganito ang sitwasyon. Kilala ko si Rocky pero this act is too much. Hindi ko akalain na kaya niyang gawin ito.

Ilang minuto pa ay nakita kong tumatakbo na papa-lapit sa akin si Candice at Achie. Niyakap ko agad si Achie, umiyak lang ako nang umiyak.

Tiningnan niya ang box na may lamang baril. Galit na galit ang mukha niya noong tumingin ulit sya sa akin. Naiiyak na siya dahil sa nangyayari.

"We will postpone the wedding. We can't go in this kind of situation. Kailangan muna natin siyang makita bago tayo i-kasal. Ipapakulong ko siya. This is too much!" sabi ni Achie.

Pinunasan ko ang luha ko at saka nagsalita. Malinaw na malinaw kong sinabi ang  gusto ko.

"No, we will have our wedding today. Hindi ako papayag na hindi matuloy ang kasal ko dahil dyan sa babaeng 'yan. Bahala na kung ano talaga ang mangyayari. Hindi ako takot sa kanya. Isa pa, oras na para harapin ko siya. Ayaw kong magpa-kain sa takot dahil kay Rocky."


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top