Chapter 44

Rio Achilles

After 2 weeks..

Excited na excited ako dahil ngayon na ang kasal namin ni Sariah. Hindi man namin nasunod ang original plan ng kasal, ang importante ay ikakasal pa rin kaming dalawa.

Kailangan na rin naming madalain kasi binigyan na ng oras ng doktor ang Papa ni Sariah, hindi pa rin ito nagigising hanggang ngayon.

Pero pinaki-usapan namin ang doktor na kung pwede ay ilabas namin siya sa ospital para sa kasal namin. Gladly, pumayag naman ito. Ang importante, makabalik agad ulit ang Papa niya sa ospital.

Kabado ako pero yung kaba na masaya, hindi dahil sa takot o kung saan man. Ang mahalaga lang naman sa akin ngayon, si Sariah ang pakakasalan ko. Today, I'll be married to my reader.

Ilang minuto pa ay biglang nag-ring ang phone ko kaya agad ko iyong kinuha. Lam is calling me, isa rin ito sa mga excited  sa kasal ko.

"Oh, Lam. Hindi ikaw ang ikakasal pero parang mas excited ka pa sa akin ah?" bungad ko agad sa kanya.

"Walanghiya, wala man lang good morning pre? By the way, congratulations! Hindi ka na binata today!"

"Salamat, pare. Kita-kita na lang mamaya. Hindi na rin ako mapalqgay sa sobrang excitement ko eh," sabi ko habang tinitingnan ang sarili sa salamin.

"Oh, baka naman mapa-ihi ka pa niyan sa sobrang excitement? Pre, huwag naman. Mag-aasawa ka na eh," sabi niya sabay tawa sa akin.

"Gago ka talaga kahit kailan. Parehas kayo ni Red, magsama nga kayo!" natatawa ring sabi ko.

"Gago ka rin naman minsan, kaya nga kaibigan mo kami di ba? Oh, siya. Sige na, mag-ayos ka na dyan at baka hindi pa matuloy ang kasal mo kapag nakita ni Sariah na pangit ka," natatawa pa ring sabi niya tapos ay binaba na ang tawag.

Habang nag-aayos ako ay may kumatok sa pinto. Nakita ko na lang ang daddy ko na naka-ngiti at papalapit sa akin. Ngumiti naman ako pabalik sa kanya.

"Dad! Thank you for coming. Akala ko talaga hindi ka na makakapunta sa kasal ko eh," nakipag-fist bump ako sa kanya.

"No way! Hindi ko naman hahayaan na makaligtaan ko ang kasal ng anak ko. Noong sinabi nga sa akin ng secretary ko 'to, agad akong nagpa-bokm ng ticket para sa amin ng mommy mo," masaya niyang kwinento sa akin.

"Hindi na ako binata dad. Time flies so fast. I'm happy and contented with Sariah. I mean, unang meeting pa lang namin iba na yung spark eh,"todo ang ngiti ko.

"I'm happy for you anak. You already found your girl. Masaya akong malaman na ikakasal na ang anak ko. Well, I'm excited to be the best grandpa soon!"

"Matagal ka pang magkaka-apo, dad. Gustuhin ko man pero ayaw ko siyang ma-pressure. But sure, we will go through that. Hindi nga lang ngayon."

"Promise me. Sige na anak, hihintayin ka na lang namin sa baba. May mga bisita rin sa baba na kailangan namin kausapin eh."

Tinapik niya ako sa braso at ngumiti pagkatapos ay lumabas na sa kwarto. Hindi pa rin nagsi-sink in sa akin na ikakasal na ako kay Sariah.

Ilang minuto pa, palabas na sana ako pero may kumatok ulit sa kwarto. Nang bumukas yon ay si Candice ang nakita ko.

"Oh, Candice. Why are you here?" I asked her.

"Hmm. Ibibigay ko lang sana itong regalo ni Sariah sayo, pinapabigay niya. Buti na lang talaga at naabutan pa kita rito," sabi niya na nakangiti sabay abot sa akin ng regalo tapos lumabas na rin siya ng kwarto.

Umupo ako sa kama at binuksan iyon. Laking ngiti ko nang makita ko kung anong regalo niya sa akin. Isang wallet.

I remembered something. He asked me one night kung anong gusto kong bagay na iregalo ko sa kanya kapag kinasal na kami.

I told her this. Wallet ang sinabi ko. Hindi ko alam kung bakit iyon. Ang naaalala ko lang that time ay nagbibiro lang ako tungkol dito sa wallet na ito. Tinotoo naman niya.

To my favorite author/husband,

Use this wallet. I know you'll be more successful soon. Kailangan mong gamitin ito kasi alam kong dadami ang pera mo.

PS: There's a pen, too. You are a writer, love. Please continue writing kahit na mag-asawa na tayo, please? I want to read more of your stories. I love you.

Napangiti na lang ako sa nabasa kong note doon sa regalo. Also, naisip ko rin na magugustuhan niya ang regalo ko sa kanya because it is our love story.

She doesn't know about it, I printed one copy of my story entitled Married To My Reader. Isang copy lang 'yon, para sa kanya lang.

Pinasadya ko lang 'yon sa publishing company ko for a gift. Noong una, hindi sila pumayag sa gusto ko. Gusto raw nila na marami pero ayaw ko. Nung sinabi kong regalo ko 'yon sa asawa ko, pumayag na sila.

I left a note there too.

To my wife,

This is a gift you will love. I wrote this secretly. Gusto ko kasing masulat ang kwento nating dalawa. I finally did and I think this is the perfect time for you to receive it.

Alagaan mo ang libro na 'to ha? Ikaw lang ang meron nito. Pinasadya ko pa 'yan para sayo. Basahin mo ha? I love you. I'm glad that I met you in Wattpad.

Thank you for being my reader. I'm glad you will be my reader and supporter forever.

Hindi ako pumayag na may mga kaibigan kaming  magte-take ng photos namin today. May official photographer naman kami eh, doon na lang. Ayaw kong makita ni Rocky ang kasal kahit alam kong alam na niya na ikakasal ako.

The wedding is for family and some friends only. I didn't invite fans kasi alam kong ayaw nila makita na kinakasal ako dahil masakit raw para sa kanila ito. Magkakagulo rin kung sakali, hindi naman fans' day.

Tumingin ako saglit sa salamin at ngumiti. Gwapo ka na, Rio Achilles. Bumaba na ako para harapin ang mga bisita.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top