Chapter 43
Rocky
Wala akong magawa kaya tinawagan ko si Lecrexia at tinanong ko siya kung pwede kaming manuod sa home theatre nila. Wala rin naman akong balita kay Rio Achilles kaya ito na lang muna ang gagawin ko.
"Dyan na lang tayo sa inyo! Please? Ayaw ko dito. Mga walang kwenta tao dito eh," inis na sabi ko.
"Haynaku, kaya ka iniiwan dahil sa ugali mo eh. Sige, hihintayin na kita dito. Magpapabili lang akong snacks," asar pa niya.
"Nang-asar pa talaga? Babatukan kita kapag nakadating na ako dyan. Hintayin mo ako," sabi ko.
Nang pumunta na ako sa bahay nila ay umupo muna ako sa living room. Tatawagan pa raw kasi si Lecrexia. Iba rin ang babaeng 'yon eh, ang yaman.
"Hello my best friend! Kamusta ka na? Broken ka pa rin ba?" pang-aasar uli niya sa akin.
"Isa pa talaga, tatamaan ka na talaga sa akin. Halika na, pumunta na tayo sa taas!" sabi ko sabay lakad.
"Ito na nga, Madam. Papunta na, nanginginig pa!"
Pagdating namin sa home theatre nila ay sumalampak agad ako sa sofa at nagbuhay prinsesa. Minsan lang kasi ako pumunta rito dahil strict ang parents ni Lecrexia. Spoiled brat kasi 'tong kaibigan ko.
"Wala ba si Tita Rita at Tito Juancho? Mukhang ikaw lang kasi ang nandito saka ang mga maid niyo. Nasaan sila?" tanong ko.
"Yeah, wala sila. Kaya gawin mo na ang gusto mong gawin dito sa bahay. It's all yours for today," sabi niya sabay ngiti sa akin.
"Ay, madam na madam pala ako ngayon ah. Ikuha mo nga ako ng wine sa baba, yung pinaka-mahal ah! Saka, pwede bang dito ako matulog ngayong gabi?" pang-aasar ko pa.
"Pwede kang mag-wine pero bawal ka matulog dito. Darating kasi ang boyfriend ko, baka mamaya ikaw na ang tabihan at hindi na ako," sagot naman niya.
"Sorry, iba talaga kapag mas maganda. Sino ba 'yan? Bago mo? Si Wyntone? Tama ba?" tanong ko.
"Sorry girl, huli ka na sa balita. Hindi na si Wyntone ang boyfriend ko, si Jansen na. Yung lalaking nakilala ko sa Cynthia's Ulam Namnam!" proud na sagot niya.
"What the fuck? Yung lalaking nag-serve sa atin sa Cynthia's? Kaya pala lagi kayong nagtitinginan! Alam mo 'yon? Parang hinuhubaran niyo na isa't isa eh.
Bago siya sumagot sa akin ay binuksan niya muna ang napakalaking TV at binuksan ang Netflix. Manunuod raw kami ng Crash Landing On You.
"Siya nga, ang gwapo niya kaya kahit pawisan at naka-sando lang! Ang hot niya kapag nagdadala siya ng ulam sa table natin 'no!" kilig na kilig na sabi niya.
"So paano si Wyntone niyan? Wala na? Eh sa pagkakatanda ko, a month ago mo lang naging boyfriend 'yon ah? Ano 'yon napalitan mo agad siya? Walang move on?"
Natawa siya sa sinabi ko. Nabaliw na yata 'tong kaibigan ko dahil sa papalit-palit siya ng boyfriend. Kailangan ko na yata siyang isubsob sa pader para magising sa kagagahan niya, nakakatakot na eh.
"Hindi mo ako katulad. Isa lang yung mahal mo at hindi ka pa maka-move on. Yung author na 'yon, hindi mo ba talaga papalitan? Mukhang hindi ka naman mahal," sabi niya sabay hingang malalim.
"Okay? Sabi ko na nga ba, ililipat mo sa akin ang issue! For your information, mahal naman raw niya ako. Busy lang siya sa family business nila," inis kong sabi.
"At naniwala ka talaga sa sinabi ng lalaking 'yon? Kung ako sayo, hindi na. Ang mga lalaking ganon, binibitawan na. Move on, ikukuha na lang kita ng bagong lalaki. Ang dami kong kilala eh," sabi pa niya sabay bukas sa cellphone niya.
"Ayaw ko sa mga nakikilala mong lalaki eh, puro fuck lang ang mga alam niyan tapos iiwan ka na kinabukasan. Kaya nga papalit-palit ka ng lalaki mo eh!" napipikon na ako.
"Hoy, iba si Jansen ano! Hindi ganoon ang isip niya, mahal na mahal niya talaga ako at hindi pera ang habol niya sa akin. Alam ko 'yon, ramdam ko!" asar na sagot rin niya.
"Sa una lang 'yan. Oh, eh kaya mo bang ipaglaban 'yan sa magulang mo? Kaya mo bang mawalan ng yaman kapag 'yan ang pinili mo? Alam mo namang ayaw ng parents mo sa ganyang klaseng tao!" paglaban ko sa kanya.
"Oo, kaya ko naman. At least, alam kong mahal niya ako kaya ipaglalaban ko siya. Eh ikaw, pinaglalaban ka ba? Hindi naman, hindi ka mahal noon. Sinasabi ko sayo!" sumisigaw na siya.
Hindi ko na lang siya pinansin, bagkus ay nanuod na lang ako sa Netflix ng Crash Landing On You habang nakain ng chips at umiinom ng soft drinks.
Ayaw ko na makipag-sagutan sa kanya dahil baka mawalan na ko lalo ng kaibigan. Baka mamaya ay masabunutan ko pa siya dahil sa mga sinasabi niya sa akin.
"Oh, shit! Tingnan mo 'tong post ni Michael Almocera sa FaceGram! You should see it!" sigaw niya pagkatapos ay binigay na sa akin ang phone niya.
Gulat na gulat ako sa nakita ko. Hindi pwede 'to, namamalik-mata lang siguro ako. Rio Achilles.
"Siya 'yan di ba? The names are tagged, Sariah ba yung name ng girlfriend niya dati?" Lecrexia keeps on asking.
"Itigil mo na 'yan. Patayin mo 'yang cellphone mo. Manunuod pa tayo di ba?" pilit akong hindi naniniwala sa nakita ko.
"Answer me first, sila ba 'yon? Ikakasal na sila at hindi mo alam 'yon?" Nakakainis na ang mga tanong mo, Lecrexia.
"I guess. Ako na ang bahala dyan. Kakausapin ko na lang siya about it, leave it to me. Manuod na lang tayo ng Netflix. Please?" hiling ko sa kanya.
Hindi ako makahinga eh, para akong pinagbagsakan ng langit at lupa sa nakita ko. Hindi ko akalain na maloloko niya ako. Ginamit niya ang pagmamahal ko para pabagsakin ako. Hindi ako makapapayag! Kailangan kong gumanti sa dalawang 'yon.
Bakit pa sila bumalik? Nanahimik na ako! I was moving on from the pain! Ano ang plano nila sa akin?!
Sisirain ko kayo ni Sariah, Rio Achilles. May araw rin kayo sa akin. Ngayon, hahayaan ko muna kayong mag-saya pero sa oras na bumalik ako sa buhay niyo, sasabog na lang ang problema.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top