Chapter 42

Sariah

After 1 week..

Nasa bahay ako ni Papa nang biglang inabot ni Nana Grace sa akin ang cellphone. May tumatawag raw kasi, agad kong tiningnan kung sino 'yon, si Lam pala.

"Oh, Lam. Napatawag ka? Anong meron?" bungad ko sa kanya.

"Si Achie kasi, na-aksidente siya. Pwede mo bang puntahan? Alam kong busy ka sa Papa mo pero-"

"Nasa ospital ba kayo? Please give me the address. Pupunta ako," mahinahon pa ang salita ko pero may halo ng takot.

"Uhm, susunduin na lang kita. Wala pa naman ako doon eh, hintayin mo ako para sabay na tayong pupunta roon."

"Sige, salamat Lam!"

Ano ka ba naman Rio Achilles? Ngayon ka pa na-aksidente kung kailan may hinaharap akong problema kay Papa. Hindi na ba talaga titigil 'to? Pagod na ako eh.

After thirty minutes ay nasa bahay na namin si Lam. Kita mo sa kanya na taranta rin siya dahil sa kaibigan.

"Sige, Nana Grace. Pasabi na lang kay Nana Nita na wala po ako ah. Aasikasuhin ko lang po si Achie. Salamat!"

"Opo, kami na po ang bahala rito," sabi ni Nana Grace sa akin pagkatapos ay kumaway pa siya.

Dali-dali akong pumunta sa shotgun seat at gustong-gusto ko nang itanong kay Lam kung anong nangyari kay Achie.

"Alam niyo na ba kung anong nangyari? I mean, sinabi na ba ng mga doktor kung anong lagay niya?" sunud-sunod kong tanong.

"Hindi ko alam, si Red kasi nasa ospital na. Basta ang sabi, napuruhan daw. Truck daw kasi yung dumali kay Achie eh," problemado ang kanyang mukha.

Tiningnan ko ang phone ko, ang dami ngang texts at missed calls galing sa frienda namin na naaksidente nga siya.

Bumilis ang tibok ng puso ko, paano kung hindi na siya magising? Kung magising man, paano kung hindi na niya ako maalala tulad doon sa mga napapanuod ko?

Na-realize ko na hindi naman papunta ito sa ospital, papunta ito sa bahay ni Achie kaya agad kong tinanong si Lam kung ano ba talaga ang nangyayari

"What are we doing here? I mean, hindi naman ito papunta sa ospital di ba? Papunta ito sa bahay ni Achie. Ano ba talaga ang nangyayari? Hindi ko na maintindihan," naguguluhan na pahayag ko.

"Sorry, Sariah. Napag-utusan lang ako ni Achie. Hindi talaga siya na-aksidente," nakangiting sagot ni Lam sa akin.

"Eh anong totoong nangyari? Mas malala ba?" natatarantang tanong ko sa kanya.

"Maybe you should see it for yourself.  Nandito naman na tayo sa bahay niya," nakangiting sagot niya sa akin.

Bumaba na kami ni Lam sa kotse, halos hindi na ako nakapag-ayos ng itsura ko dahil sa pagmamadali ko. Pinag-buksan na ako ni Lam ng pinto.

Gulat na gulat ako nang makita ang friends namin ni Achie na naroon. Mga nagte-take sila ng picture. Ano bang party ang dapat naming i-celebrate? May nakalimutan ba ako? Anniversary ba namin ni Achie?

Pagpasok ko ay nakita ko si Achie na may dalang bouquet of flowers at saka isang box. Shit, is he going to propose to me again?

"I'm sorry  if pinag-alala kita kanina. I didn't mean to do that, wala na kasi akong ibang way to surprise you," sabi niya pagkatapos ay humalik sa noo ko at binigay ang bouquet of flowers sa akin.

"Ayos lang, atleast okay ka. Huwag mo nang gagawin ulit 'yon ah? Hindi na talaga kita pupuntahnan next time!" sagot ko sabay halik sa kanya.

"Wala nang ganito next time. Sorry ulit! I love you," he kissed me on my cheek

Naghiyawan ang mga tao dahil sa ginawa niya. Nahiya tuloy ako bigla nang ma-realize ko na marami pala ang tao sa paligid namin.

"Ano ba ang meron?" I asked him.

"Hmm, I will propose to you again. is that okay?" he kneeled down and opened the box.

May ring naman na ako because he proposed to me before pero mas maganda yata ang napili niya ngayon.

"Can I ask why you want to do this again?"

"I want to start fresh, ang dami na kasing nangyari. Nakalimutan na natin ang mga sarili natin and I really want to prove my love for you," he answered happily.

"Okay. What if my answer changed?"

Natawa ako sa reaksyon niya. Hindi niya siguro inakala na ganoon ang magiging reaksyon ko. Well, hindi naman na magbabago ang sagot ko. Niloloko ko lang siya, ganti na rin sa panloloko niya sa akin ngayon.

Nagulat rin ang mga tao na nakapaligid sa amin. Natatawa na lang ako dahil pati sila ay napaniwalq ko.

"I didn't expect na 'yon ang sasabihin mo, pero sige. Liligawan kita ulit kung nawala na ang pagmamahal mo sa akin," nakakatawang sagot niya.

"Joke lang, syempre oo pa rin ang sagot ko, ano! I will always say yes to you. Baka kung sino pa ang makatuluyan mo kapag humindi ako eh!"

Nabunutan ng tinik ang lahat, lalo na si Achie. Natatawa at naiiyak siya at the same time kaya pinunasan ko ang luha niya.

"Kapag pinakawalan mo pa 'yan, iiyak ka. I promise you! Madaming nag-aabang dyan sa tropa kong 'yan!" sabi ni Lam.

"Oo, marami nag-aabang kay Mr. Author, madaming fans 'yan eh!" sigaw pa ni Red.

"Hayaan mo sila, mga loko 'yan eh. For legality, will you marry me?" he asked.

"Yes, I will marry you, Mr. Rio Achilles of Wattpad."

He put the ring on my finger and then kissed me again. Kilig na kilig ang lahat.

"This will trend online!" sabi ng kaibigan kong si Candice.

Online. Shit, malalaman ni Rocky na ikakasal kami ni Achie.

I don't want to ruin the moment kaya ngumiti na lang ako at pilit na tinanggal ang thought na 'yon sa mind ko.

Achie seems to be really happy. Tama, hindi ko muna dapat iniisip si Rocky ngayon. I should enjoy this moment. Malapit na akong ikasal sa author na nakilala ko sa Wattpad.

Maraming readers ang may pangarap nito at ang swerte ko dahil ako ang nakakuha ng korona. Ako ang pakakasalan ni Rio Achilles.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top