Chapter 40

Rocky

Ilang araw na rin na walang paramdam si Rio Achilles sa akin. I'm texting him, pumupunta rin ako sa bahay niya pero walang tao roon. Nagtanong na rin ako sa mga nakakadaan roon sa bahay, wala rin daw talagang nauwi na roon, ilang araw na.

Nag-aalala na ako, baka mamaya kung napaano na siya. Kaso, malalaman at malalaman ko rin naman 'yon hindi ba? I mean, someone will text me if something bad happens to him.

Buti na lang at niyaya ako ngayong mag-mall ng kaibigan kong si Lecrixia. Atleast medyo may pagkaka-abalahan na ako at hindi ko na masyadong iisipin si Rio Achilles ngayong araw.

"Ready ka na? Padating na ako. Rocky ha, ayaw kong maghihintay pa ako sa kwarto mo habang naliligo ka. You know that I hate waiting."

"Kumalma ka, alam ko 'yon kaya ligo na ako ngayon. I'm just watching a movie and having my breakfast, okay? Sabihan mo na lang ako kapag malapit ka na," mahinahon kong sabi.

"Yeah, magte-text na lang ako. Huwag mo na masyadong isipin ang lalaking 'yon, okay? I mean, i-kwento mo na lang sa akin mamaya lahat. I love you!"

"I'll try my best to do that. I love you too," sabi ko pagkatapos ay binaba ko na ang tawag.

Ilang minuto pa ay dumating na nga siya, awra kung awra ang dating niya. Aakalain mong galing siyang abroad dahil panay mamahalin ang nakasuot sa kanya.

"Hoy, saan ang punta mo? Sa Mars?" biro ko.

"Tumigil ka nga, ikaw na nga itong sasamahan dyan para hindi ka na malungkot tapos gaganyanin mo pa ako? Nakakainis ka talaga!" naiiritang sagot niya, natawa na lang ako.

Nang makarating na kami sa mall ay kumain muna kaming dalawa ni Lecrexia sa favorite restaurant daw niya. Mukhang mamahalin nga ang mga pagkain, akala mong may gold sa bawat kagat.

"D-dito talaga tayo kakain? Hindi ba mahal dito? Wala akong perang pambayad sayo mamaya. Mag-Jollbee na lang kaya tayo?" I suggested.

"Jollibee mo mukha mo, ang yaman ng itsura ko tapos doon lang ako kakain? Hindi ako papayag. Hindi nababagay ang beauty ko roon!" inis na sagot niya sa akin. Haynaku, nakakatawa talaga 'tong kaibigan kong loka-loka.

"Eh, wala kasi akong pera pang-bayad sayo, paano na 'to?" I asked her.

"Libre ko na 'to kahit na niloloko mo ako kanina. Basta, ikaw ang manlilibre sa akin sa susunod ha!" sagot niya.

Tumango-tango lang ako. Nilingon ko ang paligid, wala pa naman ang order namin. Ilang segundo pa ay may nakita akong pamilyar na mukha. Si Rio Achilles?

"Teka lang, may kakilala lang akong nakita. Babalikan kita dyan mamaya ha?" paalam ko sa kanya.

"Ha? Eh mamaya lang eh narito na ang order natin. Baka lumamig ang pagkain mo-"

Nang makalapit na ko sa kanya ay nakumpirma ko nga na siya si Rio Achilles. Labis ang saya ko noong makita ko siya. Agad kong inayos ang aking itsura bago ako lumapit sa kanya.

"Hello, Rio Achilles! Kamusta ka na? Okay ka lang ba? Hindi ka kasi nasagot sa texts at mga tawag ko lately, may nangyari bang masama sayo?"

Tila nagulat siya sa presence ko. Parang nakakita ng multo, napa-isip tuloy ako kung hindi ko ba ginandahan ang pag-aayos ko kanina.

"Rocky! B-bakit ka nandito? I mean, sino ang kasama mo?" bati niya sa akin.

"Friend ko lang, si Lecrexia. Gusto mo ba siyang makilala? Kaso, parang may mga kasama ka eh. Friends mo?" sagot ko naman nang makita ko na may iba pang gamit doon sa dalawang upuan.

"Y-yeah, I'm with my friends. May binibili lang sila, gusto mo puntahan muna natin yung friend mo para makilala ko na siya? Pwede naman, wala pa naman sila," natataranta g sagot niya sa akin.

"No, okay lang. Hintayin na lang natin ang friends mo dito at ako na lang ang ipakilala mo sa kanila. Okay?" sabi ko pagkatapos ay umupo muna ako roon sa empty seat.

Ilang minuto pa ay dumating na ang mga kaibigan niya na may mga dalang tray na may lamang pagkain. Gulat na gulat sila nang makita nila ako. Mukha ba talaga akong multo at ganoon ang reaksyon nila sa akin?!

"G-guys, si Rocky. Yung kini-kwento ko sa inyo. Diba? Tanda niyo pa ba siya?" sabi ni Rio Achilles sa kanila.

"Ah, siya ba 'yon pre? Oo, tanda ko pa. Nice to meet you, Rocky," sabi niya pagkatapos ay nilahad niya ang kamay sa akin, nakipag-kamay rin ako bilang tugon.

"I'm Rocky, nililigawan ako ni-" hindi ko natuloy ang sasabihin ko dahil pinutol iyon ni Rio Achilles.

"Sige guys, umupo na kayo. Ihahatid ko na si Rocky doon sa friend niya. Rocky, let's go na," yaya niya sa akin m at nilahad niya ang kamay tapos tumayo siya.

"No, ayaw ko pa. Dito lang ako. Baka mamaya kasi, mawala ka na naman sa  paningin ko. Ano ba kasing nangyari sayo? A-anong nangyari sa atin?" sabi ko.

Nagulat yata sila kaya napa-ubo yung dalawa niyang kasama. After noon, tahimik lang silang naka-upo, awkward silence killed us.

Dahil sa ramdam ko naman na hindi ako welcomed sa mga kaibigan niyang iyon, umalis na lang ako nang tahimik. Ang sakit, ramdam na ramdam kong ayaw nila sa akin. Si Rio, halatang iwas na rin at gustong-gusto na niya akong ibalik kay Lecrexia.

Tangina, hindi man lang niya ako sinundan para suyuin. Hindi ba niya sasabihin na sorry sa inasta ng mga kaibigan niya? Kaya ko naman silang patawarin, sabihin niya lang ang salitang sorry.

Pagbalik ko sa table namin ni Lecrexia ay padabog kong kinuha ang bag ko. Galit na galit ang itsura ko kaya gulat na gulat si Lecrexia.

"Oh, akala ko ba may kinausap ka lang na kakilala mo? Bakit galit na galit 'yang itsura mo ngayon ha? Halika, kumain ka na, kanina pa 'tong order mo oh," sabi niya sabay kain ng inorder niya.

"Sa bahay ko na lang 'yan kakainin. I-take out mo na lang 'yan, hihintayin na lang kita sa labas. Okay? I need fresh air," sabi ko, pilit na kinakalma ang sarili.

I need to know what really happened. This can't be. Ayaw ko mang isipin pero parang si Sariah na naman ang dahilan ng coldness niya sa akin.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top