Chapter 4

Sariah

KILIG na kilig na naman akong tumingin sa aking Wattpad account, paano kasi may bagong update si Rio Achilles sa kanyang story na 100 Days To Make Me Love You.

Feeling ko kasi ako ang bidang babae doon na si Mikay at si Rio Achilles naman ang leading man ko. Haynaku, alam ko namang hindi mangyayari iyon.

Dahil na-excite ako sa update, nagpost ako sa Message Board niya kahit alam kong hindi naman niya iyon mababasa. Ang dami niya kayang followers, walang-wala ako sa mga iyon.

Reader niya lang ako, wala nga siyang mukha sa Wattpad eh. Ang sabi ng iba ay ayaw daw niyang ipaalam sa iba ang totoong identity niya.

Sikat kasi, baka mamaya kapag nasa mall siya ay dumugin ng mga tao. Kawawa naman ang baby ko kapag nangyari iyon.

Thank you sa update mo. Kahit matagal pa ang susunod, maghihintay kami. Worth it naman eh, sana si Mikay pa din at si Drex in the end!

@Sariah123 Thank you, don't worry dahil may ready na akong updates for this coming week. God bless you!

Shit! Totoo ba ito?! Sumagot si Achilles? This needs to be screen captured! Hindi pwedeng hindi malaman ito ng mga kaibigan ko! Ito na yata ang pinaka-masayang araw ko.

@Sariah123: Guys! Sumagot si Rio Achilles sa akin! Hindi ako makapaniwala! Shyet talaga! ❤️❤️❤️

I posted the screen capture on FaceGram. For sure magugulat si Rocky at pupunta iyon dito. Fan din kasi siya ni Rio Achilles eh.

I am eating lunch alone, walang taga-bantay dahil day-off ang dalawang kasambahay namin.  My parents are living on their own, 25 years old na kasi ako so they told me that I should live by myself already.

Although, I go to them para i-check sila. Si Ate Soraya kasi ay nasa ibang bansa, doon siya nagtrabaho kaya kami lang nandito ni Mama at Papa sa Pilipinas.

Nagbabasa ako sa aking phone habang nakain nang biglang nag-ring ito. Rocky is calling me! She already saw my post.

"Oh, bakit? Inggit ka ano? Rio Achilles answered me!" sabi ko

"Oo na, ikaw na maganda! Anong nangyari? Ang swerte mo ah, ilang beses na akong nag-popost  sa message board niya pero never niyang sinagot iyon," sabi niya sa kabilang linya

"Natyempuhan lang siguro or crush niya din ako kaya siya sumagot sa akin!" sagot ko sabay hagikhik

"Ang lakas mo naman, sinagot lang message mo, crush ka na agad? Iba rin eh! Haynaku, oo nga pala may sasabihin ako sa iyo," sabi ni Rocky

"Oh, ano naman iyon? Huwag kalokohan ha, namumuro ka na sa akin!" sagot ko

"Hindi na ito kalokohan, actually feeling ko ay ito na ang kasagutan sa mga hiling mo. Are you ready?" sabi ni Rocky

"Anong hiling pinagsasabi mo dyan? Ikaw ah, puro ka kalokohan! Makapagbasa na nga lang, nag-update na si Rio Archilles eh," sagot ko

"Hindi ka man lang ba makikinig sa akin? Promise! Importante sa iyo ito at worth it ito kapag nalaman mo," sabi niya

Ano naman kaya ang sasabihin nitong importante? The last time we talked, puro kwento lang naman siya doon sa lalaking nakilala niya sa online dating application na Find Me, Baby.

"Oh, ano naman iyon? Anong trip mo na naman ang kailangan kong paniwalaan?" tanong ko

"Eh diba, naghahanap ako ng lalaki noong nakaraang araw? Naisip ko, bakit hindi ikaw ang ihanap ko ng lalaki? You are 25, hindi na tayo ba-bata pa. I think you should have a boyfriend by now," sagot naman niya sa akin

What the hell? Boyfriend sa dating application?! No way! Hindi ako interesado sa ganoon.

"Raquel Estacio, tigilan mo ako sa kalokohan mo ha. Kung ikaw, kaya mong mag-boyfriend sa ganyan, pwes ako hindi!" sagot ko

"Ikaw naman, try mo lang. Wala naman mawawala eh, baka mamaya makakuha ka pa. Try mo na!" sagot ni Rocky

"Eh sige. Pag-iisipan ko ha? Pero hindi ko maipapangako! Sige na, kakain pa ako at magbabasa ng update ni Rio Archilles eh," sagot ko sabay patay na ng aking cellphone

Sinabi ko lang naman iyon para tumigil ka na sa pagtawag sa akin, pero hindi ko talaga gagawin. Pasensya na Rocky pero hindi ko kaya iyang pinapagawa mo.

Habang nagkakape ay nagbabasa ako ng update ni Rio Archilles. Hindi ko pa rin lubos akalain na sasagot siya sa message ko sa kanya. Sino ba naman kasi ako hindi ba?

Dahil nga natutuwa pa rin ako sa nangyayari eh sinubukan ko na mag-private message sa kanya. Wala lang, umaasa pa rin ako na sasagutin niya iyon kahit na alam kong hindi na.

Sariah123: Hello po. Tapos ko na po basahin ang update niyo. Ang galing niyo po talaga, masaya ako dahil nakita ko sa page ang story niyo!

RioAchillesTheGreat: Hindi ako magaling, ano ka ba? Pero salamat sa support niyo, lalo na at hindi niyo naman kilala ang mukha ko.

Shit! Nasagot talaga siya sa akin, ang swerte ko naman! Haynaku, nag-iisip tuloy ako kung anong itsura niya. Gwapo siguro talaga siya.

Sariah123: Kahit hindi namin makita ang mukha mo, ayos lang. Minahal ka naman namin dahil sa akda mo eh.

RioAchillesTheGreat: Bolera ka rin ano? Sige na nga, magaling na ako magsulat at gwapo na ako kahit hindi naman talaga.

Sariah123: Sana dumating ang panahon na makita kita personally, kahit ako lang ang makakita. Huwag na sila, hindi naman sila mahalaga eh!

RioAchillesTheGreat: Aba, baka sabihin nila na may favoritism ako sa readers ko? Huwag naman! Kahit kanino, wala akong balak makipagkita.

Sariah123: Hindi mo naman ako reader eh, asawa mo ako! So paano iyon? Hindi ka magpapakita sa asawa mo? Hindi naman pwede iyon!

Ilang minuto pa akong naghintay pero hindi ko na na-receive ang reply niya. Nagulat siguro siya sa sinabi kong asawa ko na siya.

Sariah naman, ang bilis mo kasi eh. Kumambyo ka naman kung kailangan, nakakahiya eh. Dalagang pilipina pa rin tayo dapat hindi ba? Anong nangyayari sa iyo ha?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top