Chapter 38

After 1 week..

Rio Achilles

Pupunta ako kina Sariah ngayon, haloa isang linggo na rin kaming hindi nagkikita dahil lagi kong kasama si Rocky recently. Hindi naman ako makatakas dahil lagi niya akong chine-check kung nasaan ako. Buti na lang at may family event sila sa Zamboanga kaya makakapunta ako kay Sariah ngayon.

Sariah:
San ka na? Netflix tayo pagdating mo dito. Nuod tayo ng Lola Igna, sabi nila maganda raw 'yon eh.

Achie:
Sure! Anything you want to watch. On the way na ko, I love you. ❤️

Sariah:
I love you too. Hintayin kita dito. Mwa! Miss na talaga kita eh.

Buti na lang talaga naiintindihan ako ni Sariah at hindi siya nagseselos kay Rocky.  I text her everyday naman, hindi ko lang talaga siya mapuntahan. Laging nasa bahay ko si Rocky recently. Inis na inis na nga ako.

Nang makarating ako sa kanila ay sinalubong niya agad ako ng yakap at halik sa labi at pisngi. Todo ngiti siya sa akin, I'm feeling guilty because I can't give her enough time because of Rocky.

"Wow, may dala ka pang pizza ha! Akala ko hindi ka na makakapagdala eh."

"Pwede ba 'yon? Hindi naman ako papayag na hindi kita madalhan ng paborito mong pizza ano!" sabi ko sabay ngiti rin sa kanya.

Napansin yata niyang hindi totoo ang mga ngiti ko kaya tinanong niya agad ako para kamustahin. Ngumiti lang ako at pumunta sa dining table para ilagay ang Hawaiian pizza roon.

"Uy, okay ka lang ba? Anong problema mo? M-may problema ba tayong dalawa?" tanong niya sa akin.

"Wala, okay lang ako. May iniisip lang pero wala 'yon. Na-miss lang siguro kita. Halika nga!" sabi ko sabay yumakap ako sa kanya at inamoy-amoy ko ang buhok niya.

"Eh ano nga? Iba yung mukha mo eh, may lungkot. Kailangan kong malaman kung anong dahilan niyan," pilit pa niya sa akin.

"Hmm, sige. Sasabihin ko sayo mamaya pero sa ngayon ay kumain muna tayo," sabi ko sabay ngiti sa kanya.

"Ah, oo nga. May tacos ako dyan saka banana bread. Teka, kukunin ko lang."

Umupo na ko habang hinihintay siya. Haynaku, ang ganda-ganda talaga niya. Ang swerte ko dahil ako ang papakasalan niya.

To be honest, gusto ko na siyang pakasalan. Ayaw ko na umabot pa ng buwan 'to, kaso meron pa kaming plano na kailangan kong gawin.

"Ito na! Binili ko 'to sa online shop kanina eh, buti nga dumating bago ka nakapunta dito. This is really my surprise for you," sabi niya sabay ngiti sa akin.

"Bakit bumili ka pa? I mean, okay naman para sa akin 'to and I really appreciate this pero ayaw ko kasing gumagastos ka para sa akin di ba?" sagot ko naman sa kanya.

"Okay lang na gumastos ako. Minsan lang naman eh, ayaw kong mag-mukhang useless sa relasyon natin. I do have the capacity to vuy you these naman, so why not di ba?" sabi niya sa akin at para bang nagmamakaawa ang mga mata niya.

I kissed on her forehead and smiled again. Kapag talaga pinakita na niya ang puppy eyes niya ay natutunaw na ang puso ko at ang alam ko na lang ay mahal na mahal ko siya.

"Haynaku, ikaw talaga! Sige na nga, pero minsan lang ito ha? Saka mo na ko gastusan kapag asawa na kita, nakakahiya kaya yung gumagastos ang babae para sa lalaki," sagot ko sabay tikim noong tacos na binili niya.

"Haynaku, 'yan kasi ang mindset niyo eh, hindi ba pwedeng mabago 'yan? Like.. Kung kaya niyong gastusan ang isa't isa, edi okay!" sagot naman niya habang nagsa-slice ng banana bread.

Nasa gitna na kami ng kwento ni Lola Igna nang biglang may narinig kaming sigaw. I believe si Nana Grace iyon, agad na pinatay ni Sariah ang movie at nagtungo kami sa kwarto kung nasaan siya.

"A-anong nangyari Nana Grace? B-bakit ka po nasigaw?" bungad ni Sariah nang makapasok kami sa loob ng kwarto.

"Ang Papa mo, Sariah. Hindi na siya nagigising," mahinang sagot lang ni Nana Grace pero rinig naman namin ito.

"A-alam ba ni Mama ito?" Lumapit si Sariah sa kama ng kanyang Papa. "Papa naman, gumising ka!" naiiyak na si Sariah.

"Hindi po alam ng Mama niyo ito. Nasa kabilang kwarto po siya, Ma'am Sariah," sabi ni Nana Grace.

"Paki-sabihan si Nana Nita na bantayan muna si Mama. We will be going to the hospital right now, mag-aayos lang ako," sabi ni Sariah pagkatapos ay pinunasan niya ang kanyang luha at umalis na sa kwarto.

Susundan ko sana siya pero sinenyasan niya ako na tulungan ko na lang raw si Nana Grace sa Papa niya.

Nag-ayos kami ng mga gamit at tinulungan ko na silang makapasok sa kotse ko. Wala pa ring malay si Papa. Kinakabahan na ko sa lagay niya. Pinuntahan ko na rin sa loob si Sariah para sunduin.

"Saan kayo pupunta? Bakit kasama niyo si Nana Grace?" tanong ni Mama kay Sariah.

"Hindi ko kasi alam ang gamot ni Papa kaya isasama namin si Nana Grace. Ingat kayo ni Nana Nita dito ha? Babalik rin kami agad. Don't worry, Ma," pagsisinungaling ni Sariah kay Mama.

Hinalikan ni Sariah si Mama, nag-mano na rin ako bilang paalam sa kanya. I see the pain in Sariah's eyes, tinatago niya ang lahat para hindi masaktan ang Mama niya.

Pagpasok namin sa kotse ay doon na humagulhol ng iyak si Sariah. Nakita namin ni Nana Grace iyon at awang-awa kami. Mabilis na rin akong nagpatakbo para maisalba namin si Papa.

"Hindi siya pwedeng mawala, Achie. He is my mom's happiness. I won't let anything happen to him. Ikakasal pa tayo at siya ang maghahatid sa akin papunta sa iyo sa altar," sabi niya sa akin.

"We will save him. I know, he won't let you go alone sa araw ng kasal natin. Mahal na mahal ka niya at alam kong tutuparin niya ang mga pangako niya sa iyo," sabi ko tapos ay ngumiti ako kay Sariah.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top