Chapter 37

Rocky

Nang pumasok ako sa loob ng bahay ni  Rio Achilles ay nakaamoy agad ako ng pambabaeng pabango. Hindi ko iyon masyadong pinansin at hindi ko rin agad sinabi kay Rio. Mag-iimbestiga muna ako.

Napansin ko rin na pambabae ang taste at vibe nitong bahay dahil may kakilala naman ako na marunong sa Interior Design. Hindi naman bakla si Rio Achilles, diba? May mali talaga dito eh.

"Ang ganda pala ng bahay mo, bakit hindi ka pa mag-asawa? You know, nasa age ka naman na," sabi ko pagkakita ko sa kabuuan ng bahay.

"Wala pa akong asawa kasi hinihintay kita. Pwede ka na ba?" sagot naman niya.

Hindi ko alam kung anong trip ni Rio Achilles, bigla na lang nagiging sweet sa akin. Totoo ba 'to? Hindi ako makapaniwala sa kanya eh.

"Loko ka ah, anong pinagsasabi mo dyan? Tss, huwag ka nga. Siya nga pala, nagsusulat ka pa ba hanggang ngayon?" sagot ko naman sa kanya.

"Hindi na masyado, pero nag-uupdate pa rin naman kahit papaano. Hindi naman kasi 'yon ang main goal ko. I mean, may work pa ako sa labas ng Wattpad."

Ano naman kaya ang pinagkaka-abalahan niya? Mga iba niyang babae?  I thought one-woman man itong si Rio Achilles.

"Ah, oo. You updated 2 weeks ago nga pala," mahinang sagot ko naman.

"Alam mo pala. Binabasa mo pa rin ba ang mga gawa ko? Bakit hindi ko nakikita mga comments mo?" 

"You muted me, remember? Ibang account na ang ginagamit ko. Hindi na rin ako nagko-comment. I became a silent reader of yours after what happened."

Naalala ko na naman tuloy ang mga nangyari noon. Mga pangyayari na hindi ko na gustong balikan pa. Ang importante na lang sa akin ngayon ay ang pagbabalik niya. This time, akin na siya. Akin lang siya at wala na si Sariah para sirain ang lahat ng iyon sa akin.

"Sorry na, i-unmute na kita kapag nag-online na ko ha?"

Don't worry baby, napatawad naman na kita. Promise mo lang sa akin na wala akong kahati dahil ayaw ko noon. Kung sino man ang umagaw sayo sa akin ay baka mapatay ko.

"Huwag na, nababasa ko pa rin naman mga gawa mo kaya okay lang," sabi ko sabay ngiti sa kanya pagkatapos ay tumayo ako at naglakad-lakad para makita ko ang kabuuan ng bahay niya.

"Saan ka pupunta?" tanong niya sa akin, mukhang kabado siya, ha.

"Gusto ko sana libutin ang bahay mo. Ang laki eh, ikaw lang ba talaga nakatira dito?"  pag-uusisa ko pa, sana ay umamin na lang siya.

"Oo, minsan may mga social gatherings na lang dito na ginaganap. Minsan rin umuuwi na lang ako sa parents ko. Ang lungkot kayang mag-isa."

It feels like you're not alone in this house, you know.

Tiningnan ko ang bawat pictures sa may sala, baby picture, yung elementary siya, graduation pictures at family pictures. Wala akong nakita na picture ni Sariah, wala na nga yata talaga silang dalawa. Gusto ko sana siyang tanungin pero alam ko naman sa sarili ko na maiinis rin naman ako kaya mas mabuting hindi na balikan pa ang nakaraan.

"Nakakalungkot naman dito. Kung ako sayo, mag-asawa ka na para may tumira na dito," hirit ko bigla.

"Hinihintay kita eh," sabi niya sabay tawa.

Hindi ko alam kung nang-iinis ba siya o pinaglalaruan niya ako. Ano ba 'yan Rio Achilles, bakit ako kinikilig sa mga hirit mong ganyan?

"Hmm. Ewan ko sayo! Tara na nga sa taas," sabi ko na lang pero ang totoo ay kinikilig talaga ko.

Ilang minuto pa ay biglang may nasanggi ako sa may sahig. Buti na lang ay hindi ko naapakan kundi magagalit pa sa akin si Rio Achilles. Nagulat ako nang makita na singsing iyon at ang ganda. Tipong engagement ring na sa sobrang elegante at ganda.

"Kanino 'yan? Yung singsing na nasa sahig?" I asked him. Nakita ko naman na gulat na gulat siya sa tinanong ko sa kanya. Anong problema mo, baby?

"S-sa ate ko 'to. Nalaglag siguro niya noong pumunta sila dito ng asawa niya. Ibibigay ko na lang ulit kapag nagkita na kami. Tara na sa taas? Marami pa akong ipapakita sa iyo," sagot naman niya na parang kabadong-kabado. Rio Achilles, ano bang nangyayari sa iyo?

Tumango na lang ako at ngumiti. Sumunod na lang ako sa kanya papunta sa taas. Nadatnan ko ang sarili namin sa isang kwarto. Todo ngiti pa ako sa kanya dahil mukhang ang matagal ko nang balak ay matutupad na ngayon. Akin ka na, Rio Achilles.

Umupo ako sa may kama samantalang siya naman ay binuksan ang aircon dito sa loob ng kwarto. Ayos ah, buhay prinsesa.

"Ang swerte ko naman, pinagbubuksan mo na ko ng aircon ngayon ah?" sabi ko, nakangiti sa kanya.

"Hmm, wala 'yun. Maliit na bagay lang 'to. Teka lang ha? May aayusin lang ako sa baba. Dito ka muna," sabi niya, halatang may iniiwasan siyang mangyari.

Hmm. I'll do everything to make that happen, baby.

"Aalis ka na agad? Akala ko may ipapakita ka pa sa akin?" I asked him.

"Ah, oo. Siguro pagkatapos noong gagawin ko sa baba. Maghintay ka lang dito, okay?" sagot niya, tila kinakabahan sa tanong ko sa kanya.

"Hmm. Umupo ka muna saglit dito, please?" hiling ko sa kanya.

Umupo naman siya sa tabi ko. Kinakabahan pa rin siya. Ganito ba siya pati kay Sariah?

"Rocky, look. Marami pa akong gagawin and-" hindi na niya natapos ang sasabihin niya dahil bigla ko na siyang hinalikan.

Sa totoo lang, hindi ko alam ang ginagawa ko. Gusto ko lang talagang maramdaman na akin na talaga siya.

Pagkatapos ng halikan namin na 'yon ay titig na titig siya sa akin, tahimik lang siya. Nagulat yata. Agad siyang umalis ng kwarto. Sumunod naman ako para kausapin siya.

"Rio, anong problema?" nakatigil siya sa hallway, nakatalikod sa akin.

"Wala. Bumalik ka na sa loob, pwede ba?" may inis sa boses niya.

"Okay pero-" hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil sumigaw siya bigla.

"Go back to that room, now!"

What happened to him? Akala ko ba'y gusto niya ako? Bakit parang sukang-suka siya sa akin ngayon?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top