Chapter 36

Sariah

GULAT na gulat ako nang makita ang text ni Achie sa akin. Nanunuod pa naman ako ng The King: Eternal Monarch sa Netflix. Sayang! Hindi ba pwedeng sa ibang lugar na lang sila pumunta?!

Dali-dali akong nag-ayos. I really checked if wala na talaga kong naiwan sa bahay ni Achie. Buti na lang talaga at malayo ang pinangyarihan ng date nila, kundi ay lagot na ako.

I started the engine of my car at pumasok na ako roon. Sa kamamadali ko nga ay hindi ko na nagawang i-text si Achie. Mamaya na lang siguro kapag nasa bahay na ako.

Nagda-drive na ako nang ma-realize kong sa bahay pala ni Achie sila pupunta! Shit, anong gagawin nila roon? Are they going to have sex?!

Agad akong nag-drive pabalik sa bahay ni Achie para tingnan kung ano na ang ginagawa nila roon! Aba, ahas talaga ang babaeng 'yon!

Buti na lang ay napigilan ko naman ang sarili ko sa mga naiisip ko. Bigla ko kasing nakita na pababa na sila ng kotse ni Achie. Nagtago na lang ako at sumilip na lang sa kanila. Ayaw ko sirain na lang ang plano ko.

May tiwala naman ako kay Achie, alam kong hindi niya papatulan ang ahas na 'yon kahit kailan. Mahal namin ang isa't isa eh.

Nang makapasok na sila ay umalis na rin ako roon. Ite-text ko na lang siya para sabihin na nakauwi na ko ng bahay.

Sariah:
Pauwi na 'ko ah. Be a good boy, may tiwala ako sayo pero paaalahanan pa rin kita. Huwag kang bibigay sa ahas na 'yan kundi hindi kita papakasalan Achie!

Nang maka-uwi na ako agad akong pumasok sa aking kwarto at humiga roon. Ito na lang ang pahinga ko dahil busy na kami ni Achie dahil sa kasal namin.

Rio Achilles

Kabadong-kabado ako dahil baka nasa loob pa si Sariah. Sana talaga ay nabasa niya iyon, kundi ay lagot talaga kaming dalawa.

Nang makapasok kami sa loob ay nawala ang kaba sa dibdib ko dahil malinis na ang bahay at wala na rin si Sariah.

Ngumiti ako kay Rocky pagkapasok naming dalawa. Tuwang-tuwa naman siya, first time yata niya makakita ng magandang bahay. Wala bang ganito sa kanila?

"Ang ganda pala ng bahay mo, bakit hindi ka pa mag-asawa? You know, nasa age ka naman na," sabi niya sa akin.

"Wala pa akong asawa kasi hinihintay kita. Pwede ka na ba?" Ew, kadiri. Sana hindi niya mapansin na diring-diri ako sa mga sinasabi ko.

Nakita kong ngumiti ulit siya, yung ngiti na kinikilig. Salamat naman at tiwalang-tiwala siya sa pagmumukha kong 'to kahit mukha akong gago.

"Loko ka ah, anong pinagsasabi mo dyan? Tss, huwag ka nga. Siya nga pala, nagsusulat ka pa ba hanggang ngayon?" sagot niya.

Ngumiti naman ako at umupo sa tabi niya sa sofa bago ako sumagot.

"Hindi na masyado, pero nag-uupdate pa rin naman kahit papaano. Hindi naman kasi 'yon ang main goal ko. I mean, may work pa ako sa labas ng Wattpad," sagot ko sabay ngiti sa kanya.

"Ah, oo. You updated 2 weeks ago nga pala," mahinang sabi niya.

What the fuck?  Binabasa pa rin pala niya mga gawa ko? Grabeng supportive naman nito. Oh well, parehas naman sila ni Sariah na reader ko kaso obsessed nga lang sa akin ang isang 'to.

"Alam mo pala. Binabasa mo pa rin ba ang mga gawa ko? Bakit hindi ko nakikita mga comments mo?" sagot ko.

"You muted me, remember? Ibang account na ang ginagamit ko. Hindi na rin ako nagko-comment. I became a silent reader of yours after what happened," sabi niya sabay ngiti pero malungkot.

Shit, nagbago na ba siya after what happened? Bakit ang bait na niya ngayon? Oh no, baka niloloko na naman niya 'ko.

"Sorry na, i-unmute na kita kapag nag-online na ko ha?"

"Huwag na, nababasa ko pa rin naman mga gawa mo kaya okay lang," sabi niya sabay ngiti sa akin pagkatapos ay tumayo siya.

Saan ka naman pupunta? Diyos ko, wala sanang naiwang gamit si Sariah dito. Mukhang wala naman pero hindi ako sure. Nakakakaba naman 'tong si Rocky.

"Saan ka pupunta?" tanong ko.

"Gusto ko sana libutin ang bahay mo. Ang laki eh, ikaw lang ba talaga nakatira dito?" 

I bought this house for Sariah and I. Dito kami magkakaroon ng pamilya, kung saan wala ka.

"Oo, minsan may mga social gatherings na lang dito na ginaganap. Minsan rin umuuwi na lang ako sa parents ko. Ang lungkot kayang mag-isa."

Naglakad-lakad pa siya, tinitingnan ang mga pictures sa may sala. Kinabahan ako kasi akala ko nandoon pa picture namin ni Sariah, buti na lang at natanggal na ni Sariah 'yon.

"Nakakalungkot naman dito. Kung ako sayo, mag-asawa ka na para may tumira na dito," sabi niya, mahina pero sapat na para marinig ko siya.

Masaya naman kami ni Sariah, kailangan lang namin 'tong gawin para hindi na kami magambala pa kapag kasal na kamimg dalawa.

"Hinihintay kita eh," sabi ko sabay tawa.

Nandidiri talaga ko sa sarili ko. Baka mamaya kapag nakaalis na siya ay maligo ako. Feeling ko kasi ang dumi-dumi ko na.

Namula siya roon sa sinabi ko. Kilig na kilig si tanga. Paniwalang-paniwala sa akin. Patay na patay yata sa ka-gwapuhan ko 'to.

"Hmm, pumunta na nga lang tayo sa taas!" sabi niya pagkatapos ay umakyat na.

Nang naglalakad kami ay may nasanggi siya sa sahig. What the fuck? Bakit nandito ang ring na ibinigay ko kay Sariah? Nalaglag ba niya 'to kanina?

Agad kong pinulot iyon at nilagay sa pocket ko. Sana hindi niya nakita na engagement ring 'yon kundi patay ako.

"Kanino 'yan? Yung singsing na nasa sahig?" she asked me. Patay. Kailangan ko maka-isip ng alibi.

"S-sa ate ko 'to. Nalaglag siguro niya noong pumunta sila dito ng asawa niya. Ibibigay ko na lang ulit kapag nagkita na kami. Tara na sa taas? Marami pa akong ipapakita sa iyo," sabi ko, kabadong-kabado.

Tumango lang siya at ngumiti pagkatapos ay sumunod na sa akin. Kabado pa rin ako dahil baka kung ano naman ang makita niya sa taas mamaya. Haynaku, tama ba talaga 'tong ginagawa namin ni Sariah?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top